YES THE BEST 911 BORACAY

Wednesday, August 16, 2017

Drug surenderees ng Malay, sumailalaim sa Spiritual Program

.Posted August 16, 2017
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES THE BEST Boracay

Ngayong araw ay sumailalim na ang 235 na bilang ng mga drug surrenderee sa Spiritual Program ng Community Base Rehab Program (CBRP) ng Municipal Anti-Drug Abuse Council (MADAC).

Ipinulong ang mga ito sa Balusbos Elementary School sa Malay kaninang umaga kung saan itong programa ay magtatagal ng anim na buwan maliban pa sa Physical, Mental, at Health Recovery na bahagi ng rehabilitasyon para sa tuluyang pagbabago nila.

Kung matatandaan itong “Reporma Kasimanwa” – The Community Base Rehabilitation Program ay pinangunahan ni Malay Mayor Ceciron Cawaling, Malay PNP Chief PSInps. Mark Evan Salvo, Chief Intelligence & Operation Section Dexter Brigido ng Boracay PNP, Malay Local Government Operations Officer (MLGOO) II Mark Delos Reyes, Municipal Health Officer Dr. Ma. Nay Mucho at Magdalina Prado ng MSWDO.

Ang programa ito ay sa ilalim ng LGU Malay at Philippine National Police (PNP).

Tuesday, August 15, 2017

Kampanya laban sa human trafficking, pinaigting ng MSWDO

Posted August 15, 2017
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES THE BEST Boracay

Image may contain: 20 people, people smiling, people standing, shoes and outdoor
Photo Credit: Boracay PNP
Pinalakas ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) ang kanilang kampanya kontra Human Trafficking sa isla ng Boracay.

Ayon kay Madel Dee Tayco-Schoenenberger ng Malay Municipal Social Welfare Development Office o (MSWDO), patuloy umano ang kanilang ginagawang information dissemination patungkol sa Human Trafficking partikular sa mga kabataan.

Sa katunayan aniya, nitong Sabado ay nagkaroon sila ng orientation sa mga bata sa Ati Village kung saan tinalakay nila dito ang R.A. 7610 o "Special Protection Against Child Abuse, Exploitation, Discrimination and Other Purposes" and Anti-Bullying.

Dagdag pa ni Schoenenberger, sa paraang ito ay maipaparating nila ang kahalagahan nito at kung paano ito maiiwasan.

Target din umano nila na walang maitalang kaso ng Human Trafficking ang isla dahil ngayong taon umano ay wala silang nai-rekord nito kung saan lahat ng eskwelahan sa bayan ng Malay ay nakatakda nilang pasukin para  sa kampanyang ito..

Samantala,  kasama ng MSWDO ang ECPAT Youth and Children Advocates (EYCA) katuwang ang Boracay Tourist Assistance Center (BTAC) at Kabalikat Civicom-Boracay Chapter.

Kaugnay nito, ngayong Linggo ay ipupulong naman nila ang mga miyembro ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o (4P’s) para mabigyan ng kaukulang impormasyon tungkol sa Human Trafficking.

Monday, August 14, 2017

DENR, nagbigay ng pondo para sa MRF-Manocmanoc

Posted August 14, 2017
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES THE BEST Boracay

Isang napaka-gandang balita ngayon ang ipina-abot ni CENRO Boracay OIC Jonne Adaniel sa Boracay Good News nitong Sabado na may inilaang pondo umano ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa Materials Recovery Facilities o (MRF) ng ManocManoc.

Ani Adaniel, nasa P 8.5 million umano itong pondo na ibibigay ng (DENR) para sa pagbili ng machine na manggaling sa bansang Japan at ilalagay sa Centralize MRF.

Kung maisakatuparan umano itong proyekto ay malaking tulong ito sa Lokal na Pamahalaan ng Malay para sa pag-resolba ng basura na nitong mga nakalipas na buwan ay nagdulot problema sa isla.

Ayon naman kay LGU Malay Executive Assistant II, dahil sa nahakot na ang mga basura sa MRF lalo na ang residual waste ay ongoing ang kanilang koleksyon sa araw-araw na hinahakot na basura na derecho umanong itanatawid sa mainland.

Dagdag pa ni Maming, naka-focus sila ngayon sa rehabilitasyon ng Sanitary Landfill sa Mainland Malay at kung sakali man na may suhestyon na maibibigay ang publiko ay bukas sila lalo na kung sa ikabubuti ng lahat.

Kaugnay nito, plano ngayong maglunsad ng Information Education Program o (IEC) ang Solid Waste Management para maibsan ang volume ng basura na umaabot na sa mahigit 50 trucks kada araw lalo na at nais nilang pagtibayin ang “No Plastic Ordinance”.

Dalawang kaso ng pagnanakaw naitala sa Boracay, isang suspek arestado

Posted August 14, 2017
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES THE BEST Boracay

Dalawang magkakahiwalay na kaso ng pagnanakaw ang naitala matapos nagparekord ang turistang magkasintahang Malaysian at isang Chinese national sa Boracay Tourist Assistance Center (BTAC).

Ayon sa blotter report, unang naitala ang reklamo ng isang lalaking Chinese  na si He Bin matapos umano itong ninakawan sa loob ng kanyang kwartong inuupahan sa Sitio Angol, Brgy. ManocManoc, Boracay.

Kwento ng biktima, nagising nalang umano itong nawawala na ang kanyang cellphone, 200 US dollar, P 4, 000 at iba pang kagamitan sa loob ng kanyang kwarto.

Dagdag pa ng biktima nagpamasahe umano ito bago nangyari ang insedente at nang natapos na ito ay nakalimutan niyang i-lock ang pinto at nakatulog.

Dahil dito, hindi makapaniwala si Bin na pagnanakawan siya sa loob ng kanyang kwarto kung saan sinubukan niya pa sana itong hanapin pero bigo siyang makita ang kanyang mga kagamitan at pera.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga pulis sa pinangyarihan ng insedente.

Samantala, isa namang 28-anyos na lalaki ang kulong sa lock-up-cell ng BTAC matapos umano itong mahuling kinuha ang bag ng babaeng Malaysian National.

Kinilala ang magkasintahang biktima na sina Tan Pin Yin, 27-anyos at Liew Sim Yee, 21-anyos.

Naaresto ang suspek na si Romier Valerio y John ng Kalibo ng Boracay PNP sa pakikipagtulungan ng Malay Auxiliary Police (MAP) ng maaktuhan itong sisnisikwat ang bag ni Yee.

Dahil sa pangyayari, humingi agad ng tulong itong MAP sa kanyang dalawang kasamahan para mahuli itong si Valerio kung saan ng maabot nila ito, narecover nila sa biktima ang kinuha nitong bag ni Yee.

Naglalaman ang naturang bag ng dalawang cellphone, passport at cash na mahigit P 12, 000.

Si Valerio ay dinala sa himpilan ng Boracay PNP at pending for proper disposition sa kanyang ginawang krimen.