YES THE BEST 911 BORACAY

Saturday, December 12, 2015

Guinness World of Record certificate ibibigay na sa PALMT-Boracay

Posted December 12, 2015
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Photos by imjeffvalle
Bukas araw ng Linggo ang pinakaantay ng Philippine Association for Licensed Massage Therapist (PALMT) Boracay Chapter na maibibigay sa kanila ang Guinness World of Record Certificate.

Ito’y matapos masungkit ang ginawang pag-attempt ng PALMT sa pangunguna ng Municipal Tourism Office ng Malay ng “Longest Massage Chain” noong Mayo 16, 2014.

Kasabay nito magkakaroon din bukas ang PALMT ng “Booth Festival and Exhibit” sa Balabag Plaza na may temang “Streamlining PALMT Boracay-Aklan into Health and Wellness and Sustainability of Tourism Industry”.

Nabatid na dadalo naman sa naturang event ang LGU Malay, Department of Health Officers ng PALMT (National) at miyembro ng PALMT-Boracay Chapter para saksihan ang exhibit at awarding ceremony.

Ang Longest Massage Chain ng Boracay ay sinalihan ng 1, 600 na mga massage therapist sa Boracay kung saan tinalo nito ang Thailand na siyang kauna-unahang may hawak ng record na  sinalihan naman ng 1,223 participants.

9 na pawikan natagpuang patay sa dalampasigan ng Boracay sa loob ng limang araw

Posted December 12, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Limang pawikan ang natagpuang patay sa baybayin ng isla ng Boracay matapos itong mapadpad sa loob lamang ng limang araw simula nitong Lunes hanggang Biyernes.

Ayon sa Marine Biologist ng Boracay Foundation Incorporated (BFI)  nakita ang mga ito sa dalampasigan ng front beach ng Boracay kung saan hindi naman nakitaan ang mga ito ng sugat sa katawan maliban sa isa nitong Biyernes.

Kaugnay nito hindi naman matiyak ng BFI kung ano ang dahilan ng pagkakapadpad ng mga pawikan sa naturang lugar.

Nabatid na agad na nilibing ang mga natagpuang pawikan matapos ang ginawang pagsusuri ng mga kinauukulan.

Samantala, patuloy naman ang ginagawang pag-aarali ng mga Marine Biologist kung ano ang dahilan ng pagkakapadpad nito sa beach area.

MHO Malay pormal na kinilala bilang 1st Adolescent friendly Health Facility sa Aklan

Posted December 12, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Pormal na kinilala ang Municipal Health Office sa Boracay bilang kauna-unahang Adolescent friendly Health Facility sa buong probinsya ng Aklan.

Ito’y matapos tanggapin ni Dr. Adrian Salaver ng MHO-Boracay ang certificate of recognition na ibinigay ng Department of Health (DOH) Region 6 kahapon sa isinagawang Launching of Malay Rural Health Unit-Annex Boracay bilang Adolescent friendly Health Facility sa Casa Pilar Boracay kahapon.

Dahil dito maaari ng magtungo ang mga kabataan sa Malay Rural Health Center para sa mga serbisyong pangkabataan kabilang na ang pagbibigay sa kanila ng counseling.

Kabilang naman sa mga dumalo sa nasabing event si Mayor John Yap, PSDS Jessie Flores kasama ang ibat-ibang organisasyon na nagbigay ng kani-kanilang mensahe sa mga dumalong kabataan tungkol sa maagang pagbubuntis.

Samantala, layun ng MHO na mabawasan ang mataas na bilang ng teenage pregnancy sa Malay kung saan ang naturang bayan ang nangunguna sa may pinakamataas na kaso nito sa probinsya.

Ukrainian national, ini-reklamo matapos hindi nagbayad sa inuupahang hotel

Posted December 12, 2015
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for estafaNagkakahalaga ng P25.000 ang bill ng isang Ukrainian national na hindi nabayaran sa isang hotel sa Sitio Bantud, Brgy. Manoc-manoc, Boracay, Malay, Aklan.          

Dahil dito inireklamo ng sekretarya ng naturang hotel ang suspek na si Bohdan Bitik dahil sa bigo nitong mabayaran ang kanyang bill sa loob ng isang buwan kung saan napag-alamang tumakas din ito.

Samantala, patuloy naman ang ginagawang imbestigasyon ng mga pulis kung saan natuklasan din na bigo na ito ngayong mahagilap at posibleng nakalabas na ng isla ng Boracay.

Friday, December 11, 2015

Asawa ng Incumbent Brgy. Captain sa Nabas, pinaslang

Posted December 11, 2015
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for crime sceneWala ng buhay ng maabutan sa kanilang bahay ang asawa ng incumbent Brgy. Captain  matapos itong pag-sasaksakin at pagtatagain sa ibat-ibang parte ng katawan nito  kahapon sa Union, Nabas, Aklan.

Pasado alas- 10 kagabi ng maganap ang insidente mismo sa bahay ng incumbent Brgy. Captain na si Dante Berondo.

Ayon kay SPO4 Crispin Calzado ng Nabas PNP Station, nakatanggap sila ng tawag mula sa nasabing lugar na may nangyayari umanong pananaksak at pananaga dito na agad namang ni-respondihan ng mga ito.

Dito nakita umano nilang nakahandusay at naliligo na sa kanyang sariling dugo ang asawa ng capitan na si Judith Berondo 50- anyos.

Napag-alaman na ang suspek sa pagpatay sa biktima ay mismong pamangkin ng incumbent Brgy. Captain.

Samantala, sa ngayon patuloy ang ginagawang imbestigasyon ng mga pulis hinggil sa nasabing pamamaslang sa biktima.

Huling Budget para sa 2015 ng LGU Malay, inaprobahan na

Posted December 11, 2015
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for lgu malayInaprobahan na ang huling budget ng LGU Malay para sa taong 2015 sa ginanap na 44rth Regular Session ng Sangguniang Panlalawigan (SP) Aklan sa Capitol Building Kalibo.

Nabatid na ang naturang budget ay nag-kakahalaga ng P59, 658,960.95 na nakapaloob sa Ordinance Authorizing Supplemental Budget ng LGU Malay.

Napag-alaman  na ang budget na ito ay para sa mga ibat-ibang programa at proyekto ng Local Government Unit ng Malay.

Matatandaang noong 41st Regular Session ng Sangguniang Panlalawigan ay ini-rekomenda ang budget ng Committee on Appropriations Budget and Finance and Ways and Means sa Provincial Local Finance Committee o PLFC.