YES THE BEST 911 BORACAY

Saturday, May 14, 2016

PRC Boracay-Chapter, hinikayat ang mga taong sumali sa Swimming Camp training

Posted May 14, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for red cross boracayHinikayat ngayon ng Philippine Red Cross Boracay –Chapter ang mga nais- sumali sa kanilang Swimming Camp Training sa Station 3 Laguna De Boracay.

Ayon kay PRC Boracay-Chapter Christine Tejada, mag-uumpisa sa May 19 hanggang 22, 2016 sa alas 8 ng umaga at magtatapos sa ala-singko ng hapon kung saan kada huwebes hanggang linggo ito gaganapin habang wala pa ang pasukan.

Dagdag pa ni Tejada na ang nasabing training ay may registration na P1,500 kung saan 6 taong gulang pataas ang pwedeng sumali dito.

Ang magsisilbing trainor dito ay ang mga Certified Swimming Instructor na lifeguard.

Nabatid na sa pag-enrol umano ng isang katao ay bibigyan ng libreng registration ang kasama ng sinumang nais na isali nito.

Dutch national resort Sales Marketing, ini-reklamo ng pambabastos

Posted May 14, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Luhaan ang isang 19-anyos na babae na nag-sumbong sa Boracay PNP matapos umanong pinahiya ng Dutch national resort Sales Marketing sa Station 1, Sitio Pinaongon, Brgy. Balabag Boracay.

Ayon kay PO1 Donald Alvarado ng Boracay Tourist Assistance Center o (BTAC),kasama umano ng biktima ang kanyang pamilya sa loob ng hotel na kumakain kung saan nilapitang umano ito ng security guard at tinanong kung check-in ba sila sa hotel.

Nabatid na sinagot naman ito ng biktima na walk-in lang sila sa nasabing hotel.

At sa hindi umano kalayuan dito ay lumapit ang nasabing Dutch national Sales Marketing ng resort at pinagsalitaan umano ito ng hindi maganda na ikinagulat naman ng biktima.

Dahil umano sa kahihiyang naramdaman ng biktima sa mga tao sa lugar at sa mismong pamilya nito ay minabuti nitong ipa-rekord sa Boracay PNP ang nangyaring insidente.

Nabatid na dating On the Job Training o (OJT) ang nasabing biktima sa resort.

Boracay PNP, nakahanda na sa pakikipagtulungan para sa Brigada Eskwela

Posted May 14, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Kasado na ang Boracay PNP sa nakatakdang Brigada Eskwela sa Mayo 30 para sa nalalapit na pasukan ngayong Hunyo 13, 2016.

Ito ang sinabi ni BTAC Deputy Chief at SPO1 Christopher Mendoza, PCR PNCO, kung saan makikipagtulungan umano sila sa mga magulang at mag-aaral sa paglilinis ng mga paaralan sa Boracay.

Sinabi nito na handa na ang lahat ng hanay ng mga kapulisan sa tulong na rin ng Department of Education (DepEd) Malay.

Nabatid na kada taon ay sumasali ang Boracay PNP sa Brigada Eskwela kung saan layun nito na maging malinis at maging handa ang mga paaralan sa muling pagbubukas ng pasukan.

Samantala, inaasahang magiging iba na ang sistema ng klase ngayong Hunyo dahil sa pagsisimula ng K to 12 program.

Akelco, ipinagmalaki ang nakuhang parangal mula sa PSA

Posted May 14, 2016
Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Ipinagmalaki ng Aklan Electric Cooperative (Akelco) sa pangunguna ni Engr. Joel Martinez, OIC General Manager ang nakuhang parangal mula sa Philippine Statistic Office (PSA) Aklan.

Ito’y matapos kilalanin ang Akelco sa naging partisipasyon nito sa 2014 Annual Survey ng Philippine Business and Industry (ASPBI).

Nabatid na ang Akelco ay kinilala dahil sa pagsumite sa tamang oras ng kanilang accomplishment at submission ng survey questioner at pagbibigay ng kalidad na datos bilang isa sa mga respondents ng survey.

Napag-alaman na ang survey ay nagsisilbi bilang isang mayamang impormasyon para sa economic growth at development ng bansa.

Construction worker sa Boracay, tinaga ang katrabaho

Posted May 14, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for kulongArestado ngayon ang isang construction worker matapos nitong tagain ang kanyang katrabaho sa kanilang barracks sa Brgy. Yapak, Boracay.

Nakilala ang biktimang si Rejie Guantia 22-anyos habang ang suspek ay kinilala namang si Jade Castro 19-anyos.

Sa report ng Boracay PNP, nag-iinuman umano ang mga ito ng magkaroon sila ng mainitang diskusyon dahil sa kanila umanong trabaho.

Dahil dito nagalit umano ang suspek at tinaga niya ang biktima na tumama naman sa kanyang ulo kung saan mabilis din itong naisugod sa pagamutan para mabigyan ng lunas ang tinamong sugat.

Samantala, agad namang ikinustudiya sa Boracay PNP ang nasabing suspek.

Friday, May 13, 2016

Aklan Piña and Fiber Festival, tumaas ang kita ngayong taon

Posted May 13, 2016
Ni Inna Carol L.Zambrona, YES FM Boracay

Image result for Aklan Piña and Fiber Festival 2016Tumaas umano ng 40% ang kita ng Aklan Piña and Fiber Festival sabay sa nakaraang selebrasyon ng ika-60th anibersaryo ng Aklan Day noong Abril 25, 2016.

Ayon kay OIC Provincial Director Ma. Carmen Iturralda ng Department of Trade and Industry o (DTI)  Aklan mahigit P6.1 million umano ang kita ang nailista ngayong taon , mataas kumpara noong nakaraang taon na umabot lamang sa P4.2 million.

Kung saan isa sa mga naging mabenta dito ay ang indigenous fiber, crafts, processed foods, fashion accessories at furniture making.

Kabilang din sa mga naibentang produkto dito ay para sa health wellness na gawa mismo dito sa Aklan kung saan may ibinenta ring decorative crafts, agri-aqua products, bakery at confectionery products.

Napag-alaman na nag-imbeta ang DTI ng mga mamimiling galing sa Metro Manila at iba pang mga lugar habang sa susunod naman na taon ay mang-iimbeta pa sila ng mga prospective buyers.

Ngayong taon umano ay may 75 na mga exhibitors ang sumali sa trade fair na nag-display at nagbenta ng mga tela ng Piña, abaca, damit na gawa sa Piña ang tela, health and wellness products,prutas, tinula, produktong dagat at iba pa.

Kabuuang bilang ng mga bomoto noong eleksyon sa Malay umabot sa mahigit 28 libo

Posted May 13, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image by. www.akoayPilipino
Nasa kabuuang 28, 268 lamang na mga botante sa bayan ng Malay ang nakaboto nitong May 9 national and local election.

Ito ay base sa record ng Commission on Election (Comelec) Malay.

Nabatid na sa 33,813 na registered voters sa nasabing bayan ay tanging 28, 268 lamang ang mga nakabotong botante kung saan halos umabot sa limang libong mga botante rito ang hindi nakapagboto noong nakaraang eleksyon.

Maliban dito ang Voters' turnout ay umabot naman sa 83.60% habang ang Valid ballots ay 28, 268 at 0 naman ang Rejected ballot.

Lumalabas na ilan sa mga hindi nakaboto ay yaong mga namatay na at ang iba naman ay walang pagkakataon na makalabas sa trabaho kagaya ng mga manggagawa sa mga hotel sa isla ng Boracay.

Samantala, ang bayan ng Malay parin ang pangalawa sa may pinakamaraming naka-rehistrong botante sa buong probinsya ng Aklan.

Tindahan sa Boracay nilooban ng magnanakaw

Posted May 13, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for theftNagreklamo ng pagnanakaw ang isang babae sa Boracay PNP matapos umanong luoban ang kanilang tindahan sa Sitio Hagdan Brgy. Yapak, Boracay.

Sumbong ng biktimang si Rhazel Talaga 28-anyos sa mga pulis, nadatnan nalang umano nila ng kanyang kapatid na nakakalat na ang kanilang mga paninda kung saan ang laptop na nakapatong sa kama ay nawawala na.

Nabatid na pilit umanong sinira ng hindi nakilalang magnanakaw ang padlock ng kanilang pintuan dahilan para makapasok ito sa loob.

Samantala napag-alaman na tanging ang laptop lamang ang tinangay ng kawatan kasama ang charger.

Sa ngayon patuloy ang ginagawang imbistigasyon ng mga pulis hinggil sa nangyaring pagnanakaw.

2 pang NBA player, hindi makakapaglaro sa France sa FIBA Olympic Qualifier

By  Posted in Sports News Friday, 13 May 2016 03:25
  • font size decrease font size increase font size
Mas lalong lumalaki ang tyansa ng Gilas Pilipinas na manalo laban sa mas malakas na koponan sa 2016 FIBA Olympic Qualifying Tournament sa Manila sa July.

Base sa mga lumabas na report, hindi na rin makakapaglaro sina Ian Mahinmi ng Indiana Pacers at Evan Fournier ng Orlando Magic para sa Team France dahil sa bagong NBA contracts.

Magaganap ang contract signing sa July 10, 2016.

Una nang lumabas ang mga balitang hindi na rin maglalaro sina Nicolas Batum (Charlotte Hornets) at Rudy Gobert (Utah Jazz) sa France.

Sa July 5 ay maghaharap ang Gilas Pilipinas at France sa opening day ng FIBA Olympic Qualifying Tournament sa Mall of Asia Arena (MoA).
- See more at: http://www.bomboradyo.com/news/sports-news/item/150051-2-pang-nba-player-hindi-makakapaglaro-sa-france-sa-fiba-olympic-qualifier#sthash.4jXViR8Y.dpuf

APPO nag-paalala sa nagpapatuloy na gun ban

Posted May 13, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for Gun banBagamat tapos na ang eleksyon noong Mayo 9, 2016 ngunit hindi parin natatapos ang Gun Ban na nagsimula noong Enero 10 na magtatapos pa sa Hunyo 8 ngayong taon.

Dahil dito nag-paala ang Aklan Police Provincial Office (APPO) na kailangan paring sundin ng publiko ang mga batas na umiiral sa gun ban para hindi ang mga ito maharap sa mga penalidad.

Nabatid na marami na ring mga civilian sa probinsya ang nahuli sa comelec gun ban noong kasagsagan ng halalan dahil sa pagdadala ng mga ipinagbabawal na armas na nakakamatay.

Samantala, napag-alaman na pumalo na sa 4,212 na mga ndibidwal ang naaresto dahil sa paglabag sa gun ban sa buong bansa kung saan karamihan dito’y mga sibilyan.