Posted August 4, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Photo Credit by Aklan Forum Journal |
Natulungan na umano ng Aklan Provincial Government ang
mga pamilyang apektado ng ginagawang construction ng Kalibo-Numancia Bridge.
Ayon kay Aklan District Enginner Noel Fuentebella, nabigyan
na umano sila ng relocation sites sa pangunguna ni Aklan Congressman Teodorico
Harisco at ni Governor Joeben Miraflores.
Nabatid na binigyan na rin ang mga ito ng financial
assistance at roofing materials para mapabilis ang kanilang paglilipat.
Napag-alaman din na isang lugar sa bayan ng Makato ang
pinag-aralan ng Provincial Government na gagamiting relocation sites para dito.
Samantala, nabatid na mahigit sa 25 pamilya ang apektado ng
P370-million bridge project sa bahagi ng Aklan East Road ng National Government
at ng Probinsya ng Aklan na target tapusin sa March 2015.
No comments:
Post a Comment