YES THE BEST 911 BORACAY

Saturday, October 24, 2015

Ilan sa magiging kandidata ng Miss Earth – Malay 2015, ipinakilala na

Posted October 24, 2015

Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Ipinakilala na ang ilang mga kandidata na lalahok sa gaganaping Miss Earth Malay 2015.

Sa kanilang interview sa himpilang ito, sa pangunguna na rin ni Engineer Tresha LozaƱes at Al Lumagod ng Environmental Management Services Unit Office ng LGU Malay, ipinakilala ng mga ito ang labin-apat na mga nag-gagandahang  dilag na lalahok sa naturang kompetisyon.

Ang mga lalahok na kandidata ay kinabibilangan ng 17 Barangay ng Malay.

Ayon kay Lozanes  inorganisa nila itong pageant upang i-representa at makilala pa ng turismo ang kagandahan ng Malaynon lalong-lalo na ang isla ng Boracay.

Samantala, ang pageant ay gaganapin sa Malay Covered Court sa darating na December 11, 2015.

Bagong Aklanon lane sa Caticlan Jetty Port, binuksan na

Posted October 24, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay


Image result for caticlan lane jetty portBukas na ngayon ang bagong Aklanon lane sa Caticlan Jetty Port bilang paghahanda sa peak season kung saan inaasahan ang pagdagsa ng maraming turista sa Boracay.

Ayon kay Special Operation III Jean Pontero ng Caticlan Jetty Port, ihihiwalay na umano ang mga Aklanon at mga manggawa sa Boracay sa mga linya ng mga turista.

Naglaan umano sila ng linya na mayroong turn style (Machine), kasama na ang ticketing booth sa gilid kung saan kukuha ang mga Aklanon ng umanoy gate pass o ticket na may bar code na siya namang susuriin ng machine.

Maliban dito kailangan din umanong ipakita ng mga Aklanon o manggawa sa Boracay ang kanilang mga Identification card (I.D) na siyang nagpapatunay na sila ay residente ng Aklan o mga workers sa isla.

Samantala, nakahanda na rin ang ibang mga pasilidad sa Caticlan Jetty Port kabilang na ang luggage x-ray machine sa inaasahang pagdami ng mga turistang magbabakasyon sa Boracay lalo na ngayong Undas at sa nalalapit na Holiday Season.

Friday, October 23, 2015

Accreditation ng mga sasakyan at sea crafts sa Cagban Port para sa 2016 pinaaga

Posted October 23, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for cagban portPinaaga ngayon ng Jetty Port Administration ang Renewal o application ng mga sasakyan at sea crafts sa Cagban port para sa taong 2016.

Ayon kay Special Operation III Jean Pontero ng Caticlan Jetty Port , nais umano nila na pagpatak ng Enero sa 2016 ay ma-implement na nila ang no-sticker no-entry mula sa Jetty Port.

Sinabi ni Pontero na ang submission of list ay hanggang ngayong Oktobre 31 na lamang habang ang physical inspection ng units ay nakatakda naman sa Nobyembre hanggang Desyembre 2015.

Nabatid na ang hindi makakakuha ng renewal o application ay pinagbabawalang makapasok sa Cagban kasama na rito ang mga hotel at resort vehicles.

Dagdag ni Pontero kailangan huwag umano itong baliwalain dahil sa mahigpit nila itong ipinapatupad sa nasabing pantalanan.

Samantala, kailangan lang umano nilang makipag-ugnayan sa Cagban Port para sa nasabing renewal at application of units para sa 2016.

9-anyos na batang babae, nagtamo ng malubhang sugat matapos masagasaan sa Boracay

Posted October 23, 2015

Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay


Image result for blotter reportSugat sa ibat-ibang parte ng katawan ang tinamo ng isang 9-anyos na batang babae matapos itong aksidenteng masagasaan sa Sitio Tambisaan, Brgy, Manoc-manoc, Aklan.

Nakilala ang biktimang si Mary Dennise Lao, ng nasabing lugar.

Ayon sa reklamo ng ama ng biktima sa Boracay PNP, habang papunta umano ang menamanehong multicab ni Albert Lumbo sa nasabing lugar ay aksidente nitong nasagasaan ang anak habang patawid sa kalsada.

Nabatid na hindi namalayan ng suspek ang biktima dahil umano sa may naka-park na sasakyan sa kaliwang bahagi ng kalsada sa harap ng kanilang bahay.

Mismong ang suspek naman ang nagdala sa biktima sa pagamutan ngunit agad naman itong dinala sa isang hospital sa bayan ng Kalibo.

Sa ngayon ang multicab na menamaneho ng suspek ay kasalukuyang naka-impound sa Brgy. Hall ng Manoc-Manoc.

Samantala, si Lumbo naman ay naka-piit na ngayon sa Boracay PNP Station habang inaantay kung magsasampa ng kaso rito ang pamilya ng biktima.

"MS Legend of the Seas" tuloy na ang pagdaong sa isla ng Boracay ngayong Nobyembre

Posted October 23, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay


Image result for ms legend of the seasTuloy na umano ang pagdaong ng barkong “MS Legend of The Seas” ngayong Nobyembre 5, 2015 sa isla ng Boracay.

Ayon kay Special Operation III Jean Pontero ng Caticlan Jetty Port, tuloy na tuloy na umano ito sa ikatlong pagkakataon.

Nabatid na dapat noong nakaraang buwan ng Agosto 21 bibisita ang naturang barko ngunit nakansila ito dahil kay bagyong Ineng kung saan apektado nito ang isla ng Boracay.

Kaugnay nito muli umanong magtitipon-tipon ang mga Law Enforcer at ang Wallem Philippines na siyang may hawak ng tour nito sa bansa sa Oktobre 29 para pag-usapan ang paghahanda sa naturang barko.

Napag-alaman na ang barkong “MS Legend of The Seas” ay may sakay na mahigit dalawang libong turista at mahigit pitong crew kung saan dalawang daan nito ay purong mga pinoy.

ANG “MS Legend of The Seas” ay pagmamay-ari ng Royal Caribbean na may gross tonnage na 70,00, decks na 11, length na 376 ft, maximum beam na 105 ft, drop na 24.5 ft at crushing speed na 22-24 knots.

Comelec Malay patuloy na dinadagsa ng mga mag-paparehistro

Posted October 23, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay


Image result for comelecUmaga palang ay dinadagsa na ng mga botanteng magpapa-biometrics ang opisina ng Commission on Elections (COMELEC) Malay para sa 2016 elections.

Ayon kay Malay COMELEC Officer II Elma Cahilig, inaasahan na umano nila ang ganitong klaseng eksena kung saan dinadagsa ang kanilang opisina tuwing malapit na ang deadline ng registration.

Sinabi nito na inoobliga ang lahat ng rehistradong botante na magpa-biometrics sa ilalim ng Republic Act 10367.

Karamihan naman umano sa mga botante ay galing sa isla ng Boracay kung saan grupo-grupo ding mga Muslim mula sa isla ang sumailalim sa biometrics registration.

Nabatid, na walong araw nalang ang natitira para sa mga botante na nais magpaparehistro para sa darating na eleksyon kung saan kung sino ang hindi magpapa-biometrics ay tatanggalin ng Comelec sa listahan.