YES THE BEST 911 BORACAY

Friday, October 13, 2017

Supplemental Budget ng LGU-Malay, aprobado na

Posted October 13, 2017
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Aprobado na sa 3rd and Final Reading ang Supplemental Budget ng LGU-Malay para sa taong 2018.

Sa ginanap na 35th Regular Session ng SB Malay, inaprobahan  ang budget na nagkakahalaga ng P  201, 113, 582.34  bilang pangkalahatang pondo ng Malay sa susunod na taon.

Nabatid din sa Ordinance No. 01 Series of 2017, na maliban sa nabanggit na general fund ng bayan ay inaprubahan din ang P 445, 237.13  bilang alokasyon sa Municipal Economic Enterprise Department (MEED) na gagamitin sa iba’t ibang serbisyo ng munisipyo.

Ang budget ay para sa konstruksiyon at sa ibat-ibang mga proyekto, mga development projects ng ilang barangay lalong-lalo na ang opisina ng Solid Waste Management para mapadali at maisa-ayos ang pag-haul ng basura sa Boracay at Malay.

Lalaki kulong matapos naaktuhang nagnanakaw

Posted October 13, 2017
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES THE BEST Boracay

Sa kulungan ngayon ang inabot ng isang lalaki matapos itong maaktuhang nagnakaw  sa bahay ng biktima sa ManocManoc Boracay kagabi.

Idinulog ng biktima na si Leocila SacapaƱo, 27-anyos sa Boracay PNP ang kanyang reklamo ng makitang nakapasok na sa kanilang bahay ang suspek na si certain “Narciso” at tatlong kasamahan nito.

Ayon pa sa biktima nakita niya dito na hawak-hawak na ng isa sa kasamahan ni certain “Narciso” ang pagmamay-ari niyang tsinelas na Havaianas.

Mabilis namang tumawag ng tanod ang biktima para madakip ang mga suspek subalit tanging si  certain “Narciso” lang ang nadakip habang ang tatlong kasama nito ay nakatakas dala-dala ang tsinelas na ninakaw.

Pinaghahanap na ng mga pulis ang tatlong kasamahan ng nahuling suspek.

Monday, October 09, 2017

Lalaki huli sa pagnakaw ng gasolina ng motor

Posted October 9, 2017
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES THE BEST Boracay

Image result for nagnakaw ng gasolinaHindi na nakapalag ang isang lalaki matapos itong mahuli sa pagananakaw ng gasolina ng motor sa Sitio Tambisaan, Brgy. ManocManoc, Boracay kaninang madaling araw.

Kinilala ang supek na si Michael Dugang, 23-anyos residente ng ManocManoc Boracay.

Kwento ng biktimang si Rowena Buenaflor, 46-anyos, ginising siya ng kanyang kapit bahay at sinabihan na ninanakaw umano ng suspek ang gasolina ng kanilang motor na naka-park sa labas ng bahay.

Mabilis namang lumabas ang biktima ng bahay para kumprontahin ang suspek kung saan tatakas pa sana ito subalit kanya itong napigilan.

Himas rehas ngayon ang suspek sa lock-up cell ng Boracay PNP.

Lalaki sa Tambisaan, kalaboso sa isinagawang buy-bust operation

Posted October 9, 2017
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES THE BEST Boracay

Image result for buybust
Kalaboso ang isang lalaki sa pagbebenta ng iligal na droga sa Sitio Tambisaan, ManocManoc, Boracay kagabi.


Nakilala ang suspek na si Ericson Villanueva, 30-anyos ng Andagao, Kalibo at kasalukuyang naninirahan sa nabanggit na lugar.

Naaresto si Villanueva matapos mabilhan ng isang sachet ng pinaniniwalaang shabu ng nagpanggap na poseur buyer kapalit ng P 500.

Sa isinagawa pang body search ng mga pulis nakuhaan pa ito ng dalawang sachet ng suspected shabu.

Tinangka pa umanong  tumakas ng suspek subalit hindi ito pinaglagpas ng mga operatiba.

Kasong paglabag sa Sec 5 at Sec 11, Article II of RA 9165 sa pagbebenta ng iligal na droga ang isasampa kay Villanueva.

Naging matagumpay ang operasyon sa pinagsamang pwersa ng Aklan Police Provincial Office Provincial Drug Enforcement Unit (Apklan PPO PDEU), Boracay PNP, Malay PNP, PDEA 6 at Task Group NOAH.