Inna Carol L.
Zambrona, YES THE BEST BORACAY NEWS DEPARTMENT
Gamit ang mga ordinansang ipapatupad, ilulunsad ng Metro
Boracay Police Task Force sa Pebrero 21 ang “Battle of the Front Beach” laban
sa mga violators sa baybayin ng Boracay.
Sa pamamagitan ng Project BESST o Boracay Enhanced
Security Strategy and Tactics katuwang ang Inter-Agency Task Force ay
pagsasamahin sa isang team ang mga enforcers ng MAP, TREU, Beach Guard, at mga
pulis.
Ilan sa mga pakatutukan ay ang anti-littering, smoking,
ambulant vendors, sex workers, illegal tour guides at mga nangunguntrata sa
turista.
Ayon kay PSUPT Ryan Manongdo ng MBPTF, nasa kabuuang 130
enforcers meron ang front beach ng Boracay subalit meron paring lumalabag sa
ordinansang ipinapatupad.
Aniya, nangangahulugang hindi pa unified o may
kaniya-kaniyang diskarte ang bawat grupo kaya’t naisipan nila ang stratehiyang
ito.
Dagdag pa ng opisyal na hindi na magkakaroon ng anumang
issue at mas maging transparent na ang implementasyon dahil magkakasama na sila
sa isang team kasama ang mga pulis na may suot na “action camera” at lahat na
gagawing hakbang ay dokumentado na.
Bago nito, pinulong muna nila ang MAP, TREU, at Beach
Guards para ma organise ng maayos at dadaan sa mga pagsasanay bago ang manning
at deployment.
Magkakaroon din sila ng weekly evaluation at
accomplishment report para malaman kung bumaba na ang numero ng mga lumabag sa
pamamagitan ng citation tickets monitoring.
Samantala, kung mag-tagumpay ang Phase 1 (front beach) ay
isusunod na nilang disiplinahin ang mga pasaway sa main road.
Layunin ng proyektong ito na maging “ Discipline Zoned
Boracay “ ang isla kagaya ng ibang mga tourist destination.
Ani Manongdo, sumasalamin sa buong bansa ang lahat ng
gawain at pag-uugali ng bawat isa kaya dapat suportahan ito dahil
nag-sakripisyo na ang lahat ng tao sa isla sa anim na buwang closure.