YES THE BEST 911 BORACAY

Saturday, October 31, 2015

BFP Boracay, todo-alerto na rin ngayong Undas

Posted October 31, 2015
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for candleNakahanda na ang Bureau of Fire Protection (BFP) Boracay sa Undas umpisa bukas All Saints Day araw ng Linggo at sa All Souls Day sa Lunes.

Ayon kay Bureau of Fire Protection (BFP)-Boracay Fire Inspector Stephen Jardeleza, naka-full alert status na umano ang kanilang hanay para bukas hanggang sa araw ng Lunes.

Nagbigay din ng paalala si Jardeleza na huwag basta-basta mag sindi ng kandila sa hindi ligtas na lugar lalong-lalo sa mga kabahayan dahil maaaring maging sanhi ito ng sunog kung hindi mababantayan.

Dagdag pa nito patuloy din umano ang kanilang pagbibigay ng mga flyers na naglalaman ng mga paalala tungkol pag-iingat sa sunog sa mga residente sa Boracay.

Sinabi din nito na limited lang ang kanilang mga personnel kung saan naka-focus sila sa Manoc-manoc cemetery kung saan inaasahan ang pagdagsa ng maraming tao na dadalaw sa kanilang mga mahal sa buhay.

Pwersa ng mga pulis ngayong Undas nakahanda na ayon sa APPO

Posted October 31, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for police sa undasNgayon palang umano ay todo na ang ginagawang pagpapaigting ng seguridad ng mga pulis sa probinsya ng Aklan para sa araw ng paggunita ng mga patay o Undas bukas.

Ito ang sinabi ni Police Information Officer PO3 Nida Gregas ng Aklan Provincial Police Office matapos magpalabas ng kauutusan si Acting Provincial Director PSSUPT Iver Appelido na isagawa ang information dissemination sa mga semeteryo.

Maliban dito may mga itatalaga rin umanong mga pulis sa lahat ng semeteryo sa buong probinsya ng Aklan para sa pagpapatupad ng seguridad.

Palala naman ni Gregas sa lahat ng mga pupunta at dadalaw sa puntod ng kanilang mga yumaong mahal sa buhay, na iwasan ang pagdala ng mga ipinagbabawal na bagay katulad ng mga patalim na maaaring nakakamatay kasama na ang baraha at radyo.

Inaasahan din ang pagkakaroon ng mga checkpoint sa mga pangunahing kalsada sa probinsya lalo na ang bayan ng Kalibo kung saan dagsa ang maraming tao.

Samantala, magkakaroon naman ng mga police assistance disk sa mga terminal ng bus dahil sa inaasahang pagdagsa ng maraming pasahero na uuwi sa kanilang mga lugar.

Philippine Coastguard Caticlan naka-heightened alert status na ngayong Undas

Posted October 31, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for UndasNaka-heightened alert status na ngayon ang Philippine Coastguard Caticlan sa paggunita ng araw ng mga patay o Undas ngayong Linggo.

Ayon kay Acting Deputy Station Commander Wilser Villanueva ng PCG-Caticlan, simula umano nitong Miyerkules ay pinaigting na nila ang kanilang seguridad sa Caticlan Jetty Port para sa inaasahang pagdagsa ng maraming pasahero.

Naglagay na rin umano sila ng passengers assistance center sa mismong harapan ng pantalan kasama ang kanilang K9 Unit maging ang Jetty Port medical team, Maritime Police at Philippine Army.

Maliban dito nagsasagawa rin umano sila ng monitoring sa mga Roro-vessel bago ito umalis patungong Mindoro at Batanggas para masiguro ang seguridad ng mga sakay na pasahero.

Sinabi din nito na mahigpit rin nilang minomonitor ang mga bangkang biyaheng Boracay at ang pagpapatupad ng pagpapasuot ng life jacket sa mga pasahero.

Nabatid na unti-unti na ngayong dumarami ang buhos ng mga pasahero sa nasabing pantalan para umuwi sa kanilang mga lugar na dadalaw sa kanilang mga namayapang mahal sa buhay ngayong Undas.

Friday, October 30, 2015

Police stations sa Aklan nakatanggap ng patrol cars mula sa DILG

Posted October 30, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

PIA
Pormal na tinanggap ng probinsya ng Aklan sa pangunguna ni Aklan Governor Florencio Miraflores at congressman Teodorico Haresco, Jr. ang 17 patrol cars para sa lahat ng police stations sa probinsya.

Ito ay personal namang itinurn-over nitong Huwebes ng hapon ni Secretary Mel Senen Sarmiento ng Department of Interior and Local Government (DILG)

Ayon kay Senen ang mga bago umanong sasakyan na ibinigay sa PNP ay para lalong mapalakas ang pwersa laban sa anti-criminality campaign at lalong mapabuti ang peace and order ng mga police station.

Samantala, present din sa turn over ceremony si Aklan acting police director Senior Superintendent Iver Apellido, PNP deputy Director General Danilo Constantino, DILG assistant regional director Margie Biligan, PNP deputy regional director for Administration Chief Superintendent Marietto Valerio at Aklan congressman Teodorico Haresco, Jr. 

Chinese National tour guide, inireklamo ng panggugulo sa isang kainan sa Boracay

Posted October 30, 2015
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for news flashInireklamo ng isang turista ang isang Chinese National matapos itong manggulo habang kumakain silang mag-anak sa isang restaurant sa Station 2 Boracay kagabi.

Sumbong ng nagrereklamong si Liezel Jardiel sa Boracay PNP, kumakain umano sila sa isang paluto service ng mapansin nito ang isang Chinese National na kinilalang si Jhonson Sy na tila masama ang tingin sa kanyang anak na si Kyle Romel Mcgintys.

Dito umano siya pumagitna kung saan agad umanong nagalit ang nasabing Chinese National at bigla na lamang nagsisigaw.

Naglikha din umano ito ng takot at istorbo sa mga taong kumakain sa lugar kung saan ikinatakot din umano ito ng kanyang 16-anyos na anak.

Samantala, ang kaso ay ini-refer naman ng Boracay PNP Station sa Department of Tourism (DOT) Boracay.

MDRRMO Malay naka-blue alert na rin sa Undas

Posted October 30, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for undasNaka-blue alert na rin ngayon ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) Malay dalawang araw bago ang Undas.

Ayon kay Catherine Ong ng MDRRMO, may mga naka-antabay umano silang staff sa dalawang sementeryo sa mainland Malay hanggang sa matapos ang Undas.

Nabatid na inaasahan ang pagdagsa ng madaming tao sa sementeryo sa araw mismo ng Undas kaya mag-momonitor umano sila sa sitwasyon sa lugar.

Nabatid na nagpalabas na rin ng abiso ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) sa lahat ng kanilang unit sa buong bansa para sa Undas.

Samantala, nakalatag na rin ang security sa dalawang sementeryo sa isla ng Boracay kung saan inaasahan din ang pagdagsa ng maraming tao.

Dalawang nagtutulak ng druga sa Boracay huli sa buybust operation

Posted October 30, 2015
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for drugsNahuli sa isinagawang buy- bust operation ang isang lalaki at isang babae na nagtutulak at nagbibinta ng illegal na druga sa Sitio Diniwid, Brgy, Balabag, Boracay, Malay, Aklan.

Kinilala sa report ng Boracay PNP ang mga naaresto na sina Adrian Timbang, 26- anyos ng Sta. Cruz Lubao, Pampanga at Rose Ann Gajila, 22- anyos ng Alcantara Romblon.

Nahuli ang dalawa sa pinagsanib na pwersa ng Aklan PPO PAIDSOTG, Boracay PNP at Malay PNP kung saan nakuha sa mga suspek ang 6 na sachet na druga, mga drug paraphernalias, at buy-bust money na nakalagay sa isang box.

Ang dalawa ay agad na dinala sa Kalibo at nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o dangerous drugs act.

DTI-Aklan may paalala sa mga mamimili ngayong holiday season

Posted October 30, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay


Image result for DTINagbigay ngayon ng kanyang paalala si DTI-Aklan Provincial Director Engr. Diosdado Cadena Jr. sa presyo ng mga bilihin ngayong papasok na holiday season.

Ito ay sa isinagawang press conference kahapon sa bayan ng Kalibo kasabay ng Consumers Welfare Month na isinagawa ng Department of Trade and Industry Aklan

Dinaluhan naman ito ng mga media sa probinsya ng Aklan habang ang naging speaker naman nito ay si June Aguirre ng PCCI at Ronald Calderon.

Nagbigay naman si Cadena ng mga paalala tungkol sa mga bilihin sa tindahan at sa mga supermarket lalo na ngayong papasok na ang holiday season.

Ayon kay Cadena, dapat mayroong nakalagay na Product Standard (PS) at Import Commodity Certificate (ICC) stickers sa presyo ng mga bilihin na siya umanong magiging basehan kung ang produkto ay legal at may dokumentado at kung ito ba ay nasuri ng mga ahensyang may saklaw sa mga produkto.

Sinabi din nito na dapat tingnan din ng mga consumers ang expiry date ng mga produkto at kung ang nakalagay sa best before at dapat makunsumo umano ito bago umabot dumating ang expiration date.

Operasyon ng ATV at Bug Car sa Boracay, ikinabahala ng SB Malay

Posted October 30, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for all terrain vehicle boracayIkinabahala ngayon ng Sangguniang Bayan ng Malay ang nadiskobreng delikadong daan kung saan isinasagawa ng All Terrain Vehicle (ATV) at Bug car activity sa Boracay.

Ito’y matapos silang magsagawa ng inspeksyon sa pangunguna ni SB Member Floribar Bautista at ng Municipal Transportation Office (MTO).

Sa SB Session nitong Martes, sinabi ni Bautisa na nadiskobre nila na ilan sa unit ng ATV ay sira-sira na ngunit nagagamit padin ito dahil sa maintenance araw-araw.

Maliban dito napaka-delikado umano ang area na papuntang Mt. Luho kung saan isinasagawa ang nasabing mga activity dahil matirik ang daanan at walang railings na nakaharang sa mga bangin.

Nabatid na ilang aksidente na rin ang kinakasangkutan ng dalawang sasakyan ang napaulat na ipina-blotter sa Boracay PNP Station ng mga turistang gumamit nito.

Samantala, tila plano naman ngayon ng SB Malay na magkaroon ng ordinansa para sa mga nag-ooperate ng ATV at Bug car sa isla ng Boracay.

Thursday, October 29, 2015

Kalibo airport kinilala ng ACI bilang isa sa most efficient airport sa buong mundo

Posted October 29, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay 

Kinilala ngayon ng Airport Council International (ACI) ang Kalibo International Airport (KIA) na pasok sa top 10 bilang most efficient airport sa mundo.

Ayon kay Engineer Martin Terre, chief of the Civil Aviation Authority of the Philippines-Kalibo, na-sorpresa umano sila sa panibagong pagkilala sa nasabing paliparan.

Dahil dito mas lalo pa umano nilang pagbubutihin at papaunlarin ang serbisyo ng naturang paliparan.

Nabatid na ang data ay batay sa binuo na opisyal na pahayag ng Hong Kong International Airport (HKIA) kung saan ang HKIA ay nakapagtala ng 264.6 points ng workload unit.

Kaugnay nito ang KIA ay kinilala bilang isa sa pinakamahusay na paliparan sa buong mundo sa mga tuntunin ng aircraft movement at traffic control noong 2013 kung saan kaya din nitong mangasiwa ng air traffic mula sa ibang bansa sa kabila ng kaliitan nito.

Nabatid na isinumite ng council ang report noong 2013, ngunit nai-released lamang ito nitong first-quarter survey ng 2015.

Samantala, ang Kalibo International Airport ay kinilala din bilang First International Airport at Philippines top 3 International gateways for foreign tourist arrivals.

Wednesday, October 28, 2015

Nasirang Luggage machine ng Caticlan Jetty Port minamadaling ayusin para sa Peak Season

Posted October 28, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Muli na namang aarangkada ang peak season sa Boracay kung kayat dahil dito minamadali na ng Caticlan Jetty Port na maayos ang dalawang nasirang x-ray (luggage) machine sa pantalan.

Ayon kay Special Operation III Jean Pontero ng Caticlan Jetty Port Administration, inaantay nalang nila ang pyesa mula sa supplier ng dalawang machine para muli itong gumana.

Dumadami nadin umano ngayon ang nagbabakasyon sa Boracay lalo na ngayong papasok na ang Undas kung saan maraming Halloween party ang inaasahan sa Boracay.

Ani, Pontero nakahanda naman sila sa unti-unting pagdagsa ng maraming turista ngunit mano-mano pa sa ngayong iniispeksyon ng mga nakabantay na security guard ang bagahi ng mga pumapasok sa Boracay.

Samantala, inihahanda na rin ng Jetty Port ang iba pang pasilidad sa Caticlan at Cagban Port para sa pagpasok ng peak season ngayong Nobyembre hanggang Mayo 2016.

PWD’s student ng Malay nakatanggap ng school bus mula kay Claus

Posted October 28, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Maagang nabigyan ng pamasko ang mga Person with Disabilities students ng Malay matapos silang bigyan ng isang unit na school bus ni Claus Bauer ng Boracay European International School.

Kahapon pormal na itinur-over ni Bauer ang nasabing sasakyan sa Malay Elementary School kung saan present din dito si Malay Administrator Godofredo Sadiasa na malaki naman ang pasasalamat kay Bauer sa ibinigay na sasakyan para sa mga special students.

Nabatid na karamihan sa mga hiling ng mga magulang ng special kids ay magkaroon ng service ang mga bata na nais na makapunta sa paaralan.

Ayon naman kay Sadiasa ang LGU Malay na umano ang bahalang maglaan ng driver para sa school bus ng PWD’s student at sila narin ang bahala sa maintenance ng sasakyan.

Samantala, napag-alaman na tatlong taon na ang special class for PWD’s student sa Malay kung saan ang District School lang ang tanging paaralan sa buong  bayan ang nagca-cater ng mga bata mula isla ng Boracay at sa ibang brgy.sa Malay.

Dahil dito malaki naman ang pasasalamat ni Bauer at nakapagbigay din sila ng kasiyahaan sa mga PWD’s student na nais pumasok sa paaralan upang ng sa ganon matuto din sila ng ibang bagay katulad ng household chores.

Caticlan Jetty Port may panawagan sa mga Aklanon na dumadaan sa nasabing pantalan

Posted October 28, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for caticlan jetty port laneMatapos ihiwalay ang lane ng Aklanon sa mga turista na pumapasok sa Boracay sa Caticlan Jetty Port may panawagan naman ngayon ang Jetty Port Administration sa mga Aklanon.

Ayon kay Special Operation III Jean Pontero ng Caticlan Jetty Port mahigpit na umano nila ngayong ipinapatupad ang paghahanap ng mga ID ng mga Aklanon at manggawa sa Boracay kahit nagsasalita pa ito ng linggwahing Aklanon.

Nabatid kasi na may ilang nagrereklamo kung bakit hinahanapan parin sila ng ID sa kabila na sila ay residente naman at manggawa sa probinsya.

Ngunit ayon kay Pontero ito ay isang paraan ng pagbabago nila ng sistema upang maiwasan ang mga manloloko na ayaw magbayad ng Terminal at Environmental Fee sa tuwing magbabakasyon sa Boracay kung saan nagpapanggap ang mga itong residente ng Aklan.

Maliban dito ang ID umano ay kailangang ipakita sa mga nakabantay ng turn style (Machine) para makakuha sila ng ticket na may bar code na siyang gagamitin para makapasok sa lane.

Samantala, ang paghihiwalay umano ng linya ng mga Aklanon sa mga turista ay bilang paghahanda na rin sa pagpasok ng peak season ngayong Nobyembre.

Lalaki, sugatan matapos hampasin ng bote ng alak sa Boracay

Posted October 28, 2015
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for police reportDuguan ang mukha ng lalaki matapos itong hampasin ng bote ng alak ng kanyang kainuman sa Brgy. Balabag, Boracay kaninang alas-3:30 ng madaling araw.

Nakilala ang biktimang si Mark Jay Anthony Cirueles, 25- anyos ng Poblacion Tangalan at temporaryong nakatira sa Sitio Tambisaan, Brgy, Manoc- manoc.

Ayon sa report ng biktima sa Boracay PNP, nag-iinuman umano sila ng hindi nakilalang suspek sa isang bar sa isla kung saan nagkaroon umano sila ng mainit na argumento ang dalawa.

Nabatid na pumunta ng banyo si Cirueles at sa pagbalik nito ay hinampas siya ng bote ng alak sa mukha na nag-dulot ito ng sugat, lalong-lalo na ang maliliit na bubog na pumasok sa kanyang mata.

Agad naman umanong tumakas ang suspek sa bar at iniwan ang biktimang duguan.

Tuesday, October 27, 2015

Wallem Philippines, makikipagpulong sa Jetty Port Administration kaugnay sa pagdaong ng Cruise ship sa Boracay

Posted October 27, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
 
Image result for “MS Legend of The Seas Itinakda na ngayong araw ng Huwebes Oktobre 29 ang gagawing pakikipagpulong ng Wallem Philippines sa Jetty Port Administration para sa pagdating ng Cruise ship sa Boracay.

Ito ay pangungunahan ni Maricel Manlaxa ng Wallem na siyang may hawak ng tour ng mga Cruise ship na pumupunta sa ibat-ibang tourist spot sa bansa.

Nabatid na ang ipapatawag na meeting ay para paghandaan ang arrival ng “MS Legend of The Seas” ngayong Nobyembre 5, 2015 sa isla ng Boracay.

Kabilang sa mga ipinatawag sa meeting ang lahat ng Law Enforcers sa Boracay na kinabibilangan ng Boracay PNP, Maritime, Philippine Coastguard, MAP, TREU at iba pang concern agencies kabilang na ang Department of Tourism, Philippine Ports Authority, LGU Malay at Aklan Provincial Government.

Ayon kay Special Operation III Jean Pontero ng Caticlan Jetty Port, pag-uusapan umano dito ang paglatag ng seguridad at kung saan lugar pupunta ang mga sakay na turista.

Ang barkong “MS Legend of The Seas” ay may sakay na mahigit dalawang libong turista at mahigit pitong crew kung saan dalawang daan nito ay purong mga pinoy.

Bilang ng kaso ng dengue sa Aklan, patuloy na bumababa

Posted October 27, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for dengue sa aklanPatuloy umano ngayong bumababa ang kaso ng dengue sa probinsya ng Aklan base sa record ng Aklan Provincial Epidemiology Surveillance and Response Unit (APESRU).

Sa naitalang record ng APESRU, umabot sa 825 mula Enero 1 hanggang Oktobre 19 ngayong taon ang naitalang kaso ng dengue mas mababa ng 41.45% kumpara noong nakaraang taon sa kaparehong period na may 1, 409 na kaso.

Dahil dito sinabi ni Dr. Cornelio Cuachon Jr., Provincial Health Officer I na patuloy ang kanilang pagsubaybay at mag-monitor sa kaso ng dengue sa probinsya.

Sa tala ng APESRU nangunguna sa may pinakamaraming kaso ng dengue sa Aklan ay ang bayan ng Kalibo na may 218, sinundan ng Numancia na may 101 na kaso, Malay na may 72 at New Washington na may 58 kaso.

Sumunod naman dito ang bayan ng Banga na may 53 cases; Balete na may 38; Malinao na may 37,  Ibajay na may 31; Madalag at Nabas na parehong may 29 na kaso at Tangalan na may 27.

Habang naitala naman ng Altavas Altavas at Makato ang 22 cases each, Libacao na my 20 kaso, Batan na may 19, Buruanga na my 18 at Lezo na may 16.

Samantala, karamihan naman umano sa mga tinamaan ng dengue ay mga lalaki habang ang pinakabatang nabiktima ay may 11 labin isa at ang pinakamatanda ay nasa edad 60.

Tumaob na motorbanca sa Boracay kahapon patuloy na iniimbestigahan ng Coastguard

Posted October 27, 2015
Ni Inna Carol Zambrona, YES FM Boracay


Image result for philippine coast guard boracayPatuloy ngayon ang ginagawang embistigasyon ng Philippine Coastguard Caticlan sa tumaob na motorbanca sa pagitan ng Tabon at Crystal cove kahapon.

Ayon kay LT. Michael Andang ng PCG-Caticlan 18 umano ang sakay ng motorbanca na kinabibilangan ng mga foreigner at local tourist para sa isang island hopping sa lugar.

Sinabi nito na ang malakas na alon at hangin sa nasabing area ang dahilan ng pagtaob ng motorbanca kung saan isa sa mga sakay nito na batang babae na kinilalang si Aiofell Gomez 8-taong gulang ay nagtamo ng sugat sa katawan.

Agad namang nailigtas ang mga sakay na pasahero ng sumaklolong bangka na mabilis ding naidala sa dalampasigan.

Samantala, patuloy parin ang ginagawang embistigasyon ng PCC sa lumubog na MV Shenli motorbanca para alamin kung maliban sa malakas na alon ay kung nabili rin ba ang katig nito.