YES THE BEST 911 BORACAY

Thursday, March 12, 2020

Event Consultant nahulihan ng Marijuana sa buy-bust operation

Posted March 12, 2020
Inna Carol Zambrona, NEWS DEPARTMENT

Image may contain: plantBoracay Island - Tiklo ang isang event consultant matapos mabilhan at makuhanan ng labing limang plastic sachet ng marijuana sa ikinasang buy-bust operation ng mga otoridad pasado alas onse kagabi sa Station 2, Brgy. Balabag, Boracay.

Kinilala ang suspek na si Paul Bryan Bravo y Carreon, 37-anyos ng Quezon City at kasalukuyang nakatira sa  lugar.

Naaresto ang suspek matapos itong mabilhan ng 7 sachet ng tuyong dahon ng marijuana kapalit ng P 3, 500 na buy-bust money mula sa poseur buyer na pulis.

Samantala, sa isinagawa body search ng kapulisan nakuhaan pa umano ito ng karagdagang 8 sachet ng marijuana.

Naging matagumpay ang pag-aresto sa suspek sa pinagsamang pwersa ng Malay PNP, at PDEA Aklan.

Paglabag sa Section 5 at Section 11 of Article II Republic Act 9165 o (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) ang kahaharaping kaso ng suspek.

Pangulong duterte tuloy ang pagbisita sa isla sa kabila ng banta ng COVID 19


Posted March 11, 2020
Inna Carol Zambrona, NEWS DEPARTMENT

Image may contain: outdoorTuloy ang pagbisita ni Pangulong Rodrigo Duterte sa isla ng Boracay bukas March 12 sa kabila ng banta ng coronavirus desease o COVID-19.

Ito ang pahayag ni Maria Theresa Valencia, Provincial Agrarian Reform Officer II matapos ang ginawa nilang meeting bilang paghahanda sa pagpunta ng Pangulo sa isla.

Pangungunahan ng pangulo ang pagbibigay ng Certificate of Land Ownership Award o CLOA sa mga tumandok o Boracaynon.

Ayon kay Valencia, ang CLOA ay ipapamahagi sa tatlumpo’t isang agrarian reform beneficiaries sa Brgy. Manocmanoc, Boracay, Island.

Ang pagbisita umano ng pangulo sa isla ay isang regionwide activity kung saan nakatakda rin itong bumisita sa ibat-ibang probinsya sa rehiyon upang personal na ibigay ang Certificate of Land Ownershiop Award sa mga benepisyaryo.

Kung matatandaan ito na ang pangalawang beses na magbibigay ng CLOA ang pangulo sa Boracay.

Layun din ng pagbisita ni Duter na i-promote ang mga tourist destination sa ating bansa at matingnan ang sitwasyon ng Boracay matapos ang halos dalawang taon na rehabilitasyon.