YES THE BEST 911 BORACAY

Saturday, May 09, 2015

Mga luma at hindi gumaganang mga lamp post sa Boracay pinagbabaklas

Posted May 9, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Pinagbabaklas na ng brgy. Balabag council ang mga luma at hindi gumaganang mga lamp post sa Boracay nitong nakaraang araw bago ang APEC ministerial meeting.

Ito’y matapos ang ginawang general cleaning sa mainroad ng Balabag dahil sa ginaganap ngayong APEC meeting sa Boracay.

Nabatid na ang mga lamp post na ito ay ilang taon ng nakatayo sa mainroad ng nasabing lugar na hindi naman napapakinabangan dulot ng kasiraan nito.

Matatandaang napag-usapan noong mga nakaraang buwan ng Malay Council na lalagyan umano ng mga LED street lights ang mainroad sa Boracay bilang paghahanda sa APEC Summit ngunit hindi na ito naihabol pa matapos na magsimula ngayong araw ang naturang meeting.

Samantala, umaasa naman ang mga mamamayan sa Boracay na makakapaglagay na ang LGU Malay ng maayos at magandang street lights sa isla lalo na sa mga madilim na bahag
ing lugar.

Mainroad sa Boracay patuloy ang cleaning at clearing operation para sa APEC

Posted May 9, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Mistulang nag-bagong bihis ngayon ang mainroad ng Boracay dahil sa patuloy na cleaning at clearing operation para sa APEC Ministerial meeting.

Katunayan nagpapatuloy-parin ang ginagawang pagpipintura sa side-walk ng mga kalsada sa isla partikular sa area ng Brgy. Balabag.

Maliban dito pansamantala munang tinakpan ng mga yerong may pintura ang lahat ng ginagawang construction building sa mainroad lalo na ang madadaanan ng mga delegado.

Bagamat nagsimula na ngayong araw ang naturang meeting tuloy-tuloy parin sa pagpapaganda ang tatlong brgy. sa Boracay sa pangunguna naman ng APEC Local Officials Team.

Kaugnay nito lalong hinigpitan ng mga otoridad ang operasyon ng mga sasakyan sa isla partikular sa malapit na lugar kung saan ginaganap ang meeting ng mga delegado ng APEC.

Samantala, hinihikayat naman ng Local Officials ng Malay ang lahat ng mga mamamayan sa isla na tumulong sa paglilinis lalo na ang pagpapakita ng magandang pakikitungo sa mga APEC delegates sa Boracay sa tuwing makasalubong nila ang mga ito.

APEC Spokesperson P/INS. Sangrines, humingi ng paumanhin sa mga pulis sa Boracay

Posted May 9, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
               
Humingi ng paumanhin si Public Information Officer Region 6 at Official Spokesperson for APEC Police Inspector Shiela Mae Sangrines sa mga naka-deploy na pulis sa Boracay.

Ito’y matapos nitong malaman ang sitwasyon ng mahigit sa 3,000 pulis mula Region 6 na naka-deploy ngayon sa Boracay para sa APEC ministerial meeting sa susunod na linggo.

Sa panayaman ng himpilang ito sinabi ni Sangrines na walang ibinibigay na financial assistance rito ang PNP dahil ang inilaan lamang umano sa kanila ay ang billeting area o matutuluyan kagaya ng mga paaralan sa Boracay at ang kanilang pagkain araw-araw.

Samantala, sinabi nito na bagamat ito’y isang call of duty hindi dapat umano asahan ng mga pulis na maganda o kumportable ang inilaang billeting area sa kanila na kahalintulad ng hotel ngunit sa ngayon umano ay patuloy nila itong inaayos at binibigyan pansin.

Iginiit din nito na mahigpit na ipinagbabawal ng Philippine National Police (PNP) ang pagbibigy ng additional cash allowances sa mga pulis sa oras ng kanilang operasyon sa Boracay dahil ito umano ay isang violation.

Nabatid na karamihan sa mga pulis na naka-deploy ngayon sa Boracay ay nahihirapan sa kanilang billeting dahil sa kawalan ng mahihigaan at hirap sa paggamit ng banyo.

Samantala, mahigit tatlong linggong mananatili ang mga security forces sa Boracay para sa pagpapaigting ng seguridad ng APEC Ministerial meeting na magsisimula ngayong Mayo 10.

Mga water sports activities sa Boracay hindi umano maapektuhan ng APEC meeting

Posted May 9, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for water sports activities in boracayTiniyak ni Boracay Life Guard Commander Mike Labatiao na hindi apektado ng APEC ministerial meeting ang mga water sports activities sa Boracay.

Ayon kay Labatiao, hindi umano totoo ang mga bali-balitang pansamantalang ipapatigil ang mga water sports at island activities sa Boracay sa kasagsagan ng APEC ngayong buwan.

Sinabi nito na walang pagbabago sa nasabing activities dahil kung saan umano nakatalaga ang selling area ay doon parin umano ito hanggang ngayon.

Nabatid kasi na may mga owner ng water sport activities sa Boracay ang nag-aakala na ito ay kinansila dahil sa halos dalawang libong delegado na kalahok sa nasabing meeting.

Samantala, mahigpit namang binabawalan ng Lokal na Pamahalaan ng Malay ang mga commissioner sa station 2 beach front sa kanilang ginagwang selling of activities dahil sa may nakalaan umanong area sa kanila sa station 1 at station 3.

Mga naka-deploy na pulis para sa APEC meeting sa Boracay, sumailim sa dry run

Posted May 9, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for police dry run in Boracay for apecSumailalim umano sa dry run o pagsasanay nitong Biyernes ang mga naka-deploy na pulis sa Boracay para sa APEC Ministerial meeting ngayong buwan ng Mayo.  

Ayon kay Region 6 Public Information Officer Police Inspector Shiela Mae Sangrines at Official Spokesperson ng APEC, isinagawa umano nila ang dry run sa Crown Regency Convention Center, Paradise Garden Boracay at sa lobby ng Grand Vista kahapon.

Layunin umano nito na maging handa sila ilalatag na security preparation sa mahigit isang libo at limang daang delegado ng nasabing meeting.

Nabatid na ang Crown Regency at Paradise Garden kasama ang Shangrila Boracay ang siyang magiging venue para sa APEC Meeting sa Boracay na magsisimula ngayong araw.

Sa kabilang banda sinabi naman ni Sangrines na marami na umanong delegado ang dumating kahapon kung saan mamayang gabi ay may nakatakda ang mga itong dinner meeting.

Samantala todo alerto na rin ngayon ang Bureau of Fire, Philippine Coastguard, Philippine Army at iba pang security forces na itinalaga sa Boracay para sa kanilang ginagawang seguridad kasama na ang mga medical team.

Red-Cross Boracay may available na umanong dugo para sa APEC Ministerial meeting

Posted May 9, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Nakahanda na rin ngayon ang Philippine Red Cross (PRC) Boracay-Malay Chapter sa nalalapit na APEC ministerial meeting sa Boracay.

Katunayan may mga dumating na sila na lahat ng uri ng blood type ng dugo nitong nakaraang araw kasama ang blood ref. na siyang paglalagyan ng mga ito.

Ayon kay PRC Boracay-Malay Chapter Administrator Administrator Marlo Schoenenberger, may mga inihanda umano silang mga dugo para sa mga delegado ng APEC sakaling magkaroon ang mga ito ng emergency ng sa gayon ay hindi na umano kailangan pang dalhin ang mga ito sa bayan ng Kalibo.

Sinabi nito na mayroon silang 31 available unit na Rh+ positive na dugo kasama ang Rh-negative unit rare blood type na para sa mga amerikano.

Kaugnay nito preparado na rin umano ang kanilang mga med-tech kabilang na ang kanilang inilagay na limang station sa beach front sa harap ng Willy’s rock, D’ Mall, Tourist Center, Paradise Garden at sa Angol Point katuwang ang mga life guards.

Samantala sinabi pa Schoenenberger na 24-oras na mag-ooperate ang PRC sa kasagsagan ng APEC Ministerial meeting sa Boracay.

Friday, May 08, 2015

Puganteng Romanian, naaresto ng mga pulis sa Boracay

Posted May 8, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for lalaki kulongKulong ngayon sa Boracay PNP Station ang isang puganteng Romanian matapos na mahuli ng mga awtoridad sa Boracay nitong Huwebes.

Kinilala ang naaristong si Bogdan Pavel, 49-anyos na wanted sa kasong illegal recruitment.

Sa pangunguna ng Boracay Tourist Assistance Center si Pavel ay inaretso batay sa warrant of arrest na inisyu noong Abril 6, 2015 sa pamamagitan ni Manila-Regional Trial Court Judge Tita Buhao Alisuag.

Ito naman ay inaresto ng mga kapulisan sa isang resort sa Mt. Luho bandang ala-1 ng hapon nitong Huwebes na ngayon ay nasa pangangalaga ng BTAC at nakatakdang e-turn over sa Manila.

Samantala, wala namang inirerekomendang piyansa sa nasabing pugante para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Welcome banner para sa APEC ikinabit na sa mga dadaanan ng mga delegado

Posted May 8, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Ikinabit na ng Provincial Government ng Aklan ang welcome banner sa madadaanang lugar ng mga delegado ng APEC Ministerial meeting sa Boracay.

Mula sa Kalibo International Airport ay makikita ang mga welcome banner hanggang sa patungong Caticlan Jetty Port.

Ayon naman kay Special Operation III Jean Pontero ng Caticlan Jetty Port, nailagay na umano nitong nakaraang araw ang nasabing mga banner sa harap mismo ng nasabing pantalan hanggang sa rampa na dinadaungan ng mga bangka.

Makikita din umano dito ang malalaking billboard na inihanda ng provincial government para sa mga delegado ng APEC sa Boracay ngayong susunod na linggo.

Sinabi pa ni Ponterno na ang ilang delegates ay dadaan mismo sa normal passenger way area patawid ng Boracay kung kayat tinayak umano nila ang seguridad para dito.

Samantala, inaasahang magsisidatingan na ang ibang delegado ngayon at sa mga susunod na araw kung saan ilan sa mga sinakyan nilang eroplano ay lalapag sa Kalibo International Airport at Caticlan Airport.

Thursday, May 07, 2015

Sunod-sunod na block-out sa isla ng Boracay, ikinadismaya ng mga stakeholders

Posted May 7, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay  

Image result for power interruptionDismayado ngayon ang mga residente at stakeholders sa isla ng Boracay dahil sa nararanasang sunod-sunod na power interruption nitong mga nakaraang araw.

Ayon kay Boracay Foundation Incorporated (BFI) President Jony Salme, nakikita naman umano nitong nag-aayos ng transmission line ang Aklan Electric Cooperative (AKELCO) sa kanilang mga linya ngunit tanong nito kung bakit ngayon lang ito inaayos gayong alam naman umano nilang malapit na ang APEC ministerial meeting sa Boracay.

Aniya, apektado umano sila rito lalo na at madaming turista ngayon sa isla ng Boracay dahil sa peak season lalo na at nagsisimula ng nagsidatingan ang mga security forces at personnel ng APEC sa Boracay. 

Sinabi naman ni PIO Rence Oczon ng AKELCO na ang nararanasang power interruption sa Boracay ay dahil sa inaayos ng National Grid Corporation (NGCP) ang kanilang transmission line sa Nabas-Caticlan upang paghandaan ang naturang APEC.

Dagdag pa nito na ang naranasang power interruption sa Boracay kahapon ng umaga ay maaaring huli ng pag-aayos ng NGCP at AKELCO para lamang sa APEC.

3 suspek sa pang-hoholdap at paggahasa sa 16-anyos na dalagita sa Kalibo kinasuhan na

Posted May 7, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Kinasuhan na ng Kalibo PNP Station ang tatlong kalalakihan na nangholdap sa magkasintahan at gumahasa sa 16-anyos na dalagita sa isang sementeryo sa Kalibo.

Sinampahan ang mga suspek ng dalawang kaso ng Robbery at Rape laban sa tatlong kalalakihan na sangkot sa nasabing insidente.

Nitong araw ng Martes ay tinanggap ng korte ang inquest case laban kina Merwin Pelayo, 24 anyos, Dariel Soguilon, 20 anyos na parehong residente ng Ibajay, Aklan kasama ang isa pang suspek na 17 anyos ng bayan ng Libacao.

Nabatid na nitong Mayo 1 ng gabi ay dumaan sa Calachuchi road sa Andagao, Kalibo ang biktimang magkasintahan kung saan doon sila hinoldap ng tatlong suspek.

Dito kinuha sa dalawa ang kanilang gamit ngunit hindi pa umano nakuntento ang mga suspek kung kayat dinala nila ito sa sementeryo sa nasabi ring lugar at doon ay sapilitang ginahasa ang babae.

Masuwerte naman umano at agad na nakahingi ng tulong sa Kalibo PNP ang mga biktima kung saan mabilis din nahuli kinaumagahan ang mga suspek.

Mga security forces na naka-deploy sa Boracay para sa APEC hirap umano sa matutuluyan

Posted May 7, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Hirap umano ang ilang mga security forces kagaya ng PNP na naka-deploy ngayon sa Boracay para sa APEC Senior Officers meeting sa susunod na linggo.

Ito’y dahil sa karamihan sa tinatayang pitong libong security forces ay nahihirapan sa kanilang matutulugan at hirap sa paggamit ng palikuran sa mga paaralan sa Boracay kung saan ito ang ang inilaang quarters para sa kanila.

Ayon naman kay Malay District Supervisor Jessie Flores, bago umano e-deploy ang nasabing mga pulis ay nagkaroon sila ng pagpupulong ng Lokal na Pamahalaan ng Malay tungkol dito.

Sinabi niya umano rito na apat hanggang limang banyo lang ang gumagana sa mga paaralan lalo na sa Manoc-manoc kung saan ngayon tumutuloy ang mga pulis ngunit hindi na umano saklaw ng DepEd ang mga personal na pangangailan ng mga security forces katulad ng kanilang higaan.

Nag-umpisa ang lahat ng mabahala ang ilan sa mga principal ng mga paaralan dahil fully-utilize na ang mga silid-aralan at marami pa ang parating na mga pulis.

Kapansin-pansin din nitong araw nakaraang araw ng Lunes Mayo 4 na karamihan sa mga pulis ay naghanap pa ng matutuluyang bahay o boardinghouse at ayon sa mga ito personal na nilang pera ang gagamitin.

Nabatid na karamihan sa mga otoridad ay mula sa PNP Regional command 6 na may pinakamaraming personnel na aabot ng halos 3,000.

Tinataya namang umabot sa 7,000 personnel ang magbabantay sa seguridad ng mga lalahok sa APEC sa Boracay na kinabibilangan ng mga pulis, army, navy, coastguard at air force.

Pagbiyahe ng mga cargo boat sa Boracay tuwing gabi mahigpit na tinututulan ng PCG

Posted May 7, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for boracay cargoesMahigpit ngayong tintutulan ng Philippine Coastguard (PCG) Caticlan ang pagbiyahe ng mga cargo boat sa Boracay tuwing gabi.

Ayon kay Coastguard Boracay Sub-station Commander Chief Petty Officer Arnel Sulla, hindi maaaring makapag-operate ang lahat ng cargoes na may biyaheng Boracay kahit na sa kabila ng pag-iba ng eskedyul ng pag-deliver ng mga truck sa Boracay dahil sa APEC meeting sa susunod na linggo.

Nabatid na ang lahat ng truck sa Boracay ay pinagbawalan munang magbiyahe tuwing day-time kung saan iniskedyul sila ng alas-12 ng hating gabi hanggang ala-5 ng madaling araw.

Napag-alaman    na ang mga sinasakay sa truck para sa pag-deliver ay mula sa mga nasabing cargo galing mainland Malay.

Iginiit naman ni Sulia na kahit walang APEC Ministerial meeting sa Boracay ay hindi din nila pahihintulan ang mga itong maglayag maliban lamang sa mga bangkang de-pampasahero na puweding magbiyahe ng 24 oras.

Samantala, mahigpit naman ngayon ang ginagawang monitoring ng PCG sa lahat ng mga sasakyang pandagat sa Boracay at Caticlan dahil sa APEC meeting sa isla.