YES THE BEST 911 BORACAY

Saturday, February 16, 2013

Mga bangkang dumadaong sa dalampasigan ng Din-iwid Boracay, bawal! --- Philippine Coastguard


Bawal dumaong sa dalampasigan ng sitio Din-iwid Boracay.

Ito ang kinumpirma ni assistant coastguard officer Boracay detachment PO2nd Condrito Alvares, kaugnay sa nakunan ng litratong pagdaong ng mga bangka doon.

Ang masaklap, kumalat pa sa mga Facebook accounts ng mga Boracaynon ang sinasabing illegal na gawain.

Maliban kasi sa ipinagbabawal ng ordinansa ng munisipyo ng Malay, nanganganib din umanong masira ang mga korales doon dahil sa pag-aangkla ng mga nasabing bangka.

Dagdag pa nito, tila nasasalaula pa ang beach line ng sitio Din-iwid, dahil sa halip na pinapaliguan ang nasabing lugar, ay naging boat station na rin ito sa ngayon.

Sa larawang naipost sa facebook, umaabot sa siyam na bangka ng hindi pa malamang asosayon ang nakadaong doon, na sinasabing inaabot ng halos kalahating oras.

Ayon kay Alvares, base sa municipal ordinance na ipinapatupad ng mga municipal auxiliary police.

Lima hanggang sampung minuto lamang dapat ang itatagal ng isang bangka kapag magbababa ng kanilang mga pasahero.

Ayon pa kay Alvares, klarong paglabag din sa provincial ordinance number 05-032 kaugnay sa One Entry-One Exit policy ang ginagawa ng mga nasabing bangka.

Dahil dito, bibigyan ng citation ticket ang sinumang mahuling lumabag at ang pamahalaang probinsya na umano ang bahala dito.

Kampanti ring sinabi ni Alvares na maraming miyembro ng Task Force Boracay ang tumutulong upang ipatupad ang mga kahalintulad na ordinansa, maliban pa sa mga concerned citezens na tumatawag sa kanila.

Samantala, tahasang sinabi sa panayam ng himpilang ito kahapon ang paniniwalang mga miyembro ng BIHA o Boracay island Hopping Association ang mga bangkang dumadaong at nakunan ng litrato sa Sitio Din-iwid. #mcd022013

Aklan, may bagong Comelec Supervisor na


Pansamantalang pinalitan ang Comelec Supervisor ang Aklan sa ngayon.

Ito ay para sa nalalapit ng May 2013 Local and National Election, kung saan lahat halos ng Comelec Officers sa bansa ay binalasa.

Bunsod nito epektibo nitong ika-4 ng Pebrero ng kasalukuyang taon ay may bago nang Comelec Supervisor ang Aklan.

Ito ay sa katauhan ni Atty. Roberto A. Salazar na nagmula naman sa Provincial Comelec Office ng Guimaras.

Samantala si Atty. Ian Lee Anoneria naman na siya Comelec Supervisor ng Aklan ay pansamantala ipinadala sa probinsiya ng Antique.

Nabatid na ang pagbalasa sa dalawang Comelec Officials na ito at epektibo lamang para sa halalan sa Mayo.

Pero inaasahang babalik naman sa kanilang mga Provincial Comelec Office pagkatpos na ng eleksiyon. #ecm022013

Sunod-sunod na reklamo ng pagkawala ng motorsiklo, naitala ngayong umaga


Nakaka-alarma na, ang dalawang sunod-sunod na reklamo ng pagkawala ng motorsiklo sa Boracay nitong umaga.

Sapat kung kaninang ng alas 5:30 ng umaga ay ang 35-anyos na tricycle driver na si Remar Rimes ang unang nagreklamo.

Nang tangayin umano ng hindi nakilalang tao ang kaniyang motorsiklo na iniwan sa Sitio Bantud Barangay Manoc-mano para makapasada siya ng tricycle kagabi.

Ngayon isang habal-habal driver naman na nag-ngangalang Oliver Casimero ang nagreklamo dahil sa ang kaniyang motorsiklo na ginagamit at pag-aari ng isang Jun Morata ay nawawala din nitong umaga.

Kung saan iniwan umano nito sa labas ng kanilang bahay sa Sitio Ambulong Brgy. Manoc-manoc din.

Kung saan sa pangungusisa umano ng nagrereklamo na ito, may nakapansin na kinuha ng hindi nakilalang tao ang nasabing sasakyan.

Ang reklamo na ito ni Casimero ay ilang oras lang ang nakakalipas matapos magpa-abot ng report sa himpilan ng Pulisya sa Boracay si Rimes na gaya nito ay biktima din, na kapwa ngayong umaga lang din napansin na wala na ang kanilang mga motorsiklo.

Samantala, wala pang komento sa ngayon ang Boracay Tourist Assistance Center o BTAC sa bagay na ito. #ecm022013

E-trike, wala pang linaw kung kailan papasada sa Boracay


Kung nitong nagdaang taon ng 2012 ay masigasig at excited ang LGU Malay at BLTMPC dahil sa pagpasok ng e-trike sa Boracay, ngayong 2013 tila ang mga commuters naman ang nagsasawa na sa kakatanong kung nasaan na ang mga e-trike na ito na noong 2012 pa balak na umpisahang ipasada sa isla.

Ito ay kasunod ng sitwasyon na nararanasan ngayon sa Boracay na kinukulang na ang pampublikong sasakyan lalo na ngayong super peak season na, na tanging mga lokal na commuters o pasahero ang apektado dahil sa prayoridad ng mga tricycle driver ay ang mga turista.

Subalit gaya ng mga pasahero, maging ang LGU Malay at BLTMPC din ngayon ay nangangapa kung kailan ito mai-implenta sa isla.

Dahil sa panayam kay BLTMPC Board Of Director Enrique Gelito, maging sila sa kooperatiba ay hindi na alam kung kailan din ang eksaktong petsa na darating ang mga unit nila na para sa isla.

Pero sa pagkaka-alam umano nito ay nagpagawa na sila ng disenyo ng e-trike na akma para sa Boracay maliban pa sa tinaasan ang kapasidad ng unit para makaya ang mga matataas na lugar kumpara sa naunang nai-deliver sa kanilang nitong nagdaang taon.

Maging ang 100 unit na sasakyang de-kuryenteng ito ng LGU Malay ay hindi pa rin umano malalaman sa ngayon kung nasaan na at kailan darating sa Boracay ayon kay Sangguniang Bayan Member Wilbec Gelito, Committee Chairman ng Transportation.

Ito ay kahit na naglaan na umano ang LGU ng alokasyong P20-milyon bilang garantiya na natutuloy na ang implementasyon para mapalitan na ang mga tradisyunal na tricycle sa Boracay, lalo na at ang iba sa mga unit na ito ay sira-sira na rin.

Kung maaalala, taong 2011 pa sinimulang lutuin ang implementasyon ng e-trike at lalo nang uminit ang usapin na ito ng nagpahayag ang kooperatiba at maging ang LGU na bago magtapos ang 2012 ay masisimulan na itong ipatupad.

Pero hanggang sa ngayon ay patuloy pa rin silang naghihintay, pati naang mga pasahero. #ecm022013

Friday, February 15, 2013

Mga vendors sa Boracay, naging emosyunal sa pag-harap kay Balabag Punong Barangay Sacapano


Naging emosyunal ang Malay-Boracay Vendors, Peddlers and Ambulant Masseurs, Manicurist Association (MABOVEN).

Lalo na ang kanilang president na si Adelfa Cuesta sa pagtatapos ng committee hearing kahapon kung saan nagharap-harap ang mga implementors at vendors sa Boracay na ipinatawag ng Sangguniang Bayan ng Malay.

Kasama sa mga pinasalamatan ni Cuesta ang mga opisyal ng Malay dahil silang mga vendors ay nabibigyan din ng halaga bilang bahagi ng tourism industry ng isla.

Ito ay makaraang magpahayag ang lokal na pamahalaan ng Malay na hahanapan nila ng puwesto ang mga vendors na ito para hindi sila nakakalat at lumabas na “eyesore”.

Ayon kay Cuesta, maganda na rin umanong nangyari ang ganitong pagkikita dahil napag-usapan ang mga problemang kinahaharap nila bilang mga vendors sa mga batas na ipinatutupad sa isla, partikular na sa Brgy. Balabag, at bahagya na itong nalinawan.

Kasabay ng mga pasasalamat ni Cuesta ay humingi din siya ng pasensya kung mayroon man silang mga nalabag na ordinansa dahil sa kanilang mga pagkukulang .

Matatandaang naghatid ng konplikto ang Municipal Ordinance 181 o ordinansang nagre-regulate sa mga vendors sa isla na ipinatupad sa Brgy. Balabag noong unang araw ng Pebrero taong kasalukuyan.

Dito ay mahigpit na ipinagbawal ni Brgy. Capt. Lilibeth Sacapano ang mga vendors sa front beach na sakop ng kanyang barangay na inalmahan naman ng mga vendors sa isla. #pnl022013

Sitwasyon ng reklamasyon sa Caticlan, delikado na


Aminado ang Provincial Engineers Office o PEO na delikado na ang sitwasyon ng reklamasyon sa Caticlan.

Ito ay kapag hindi pa maituloy ang ginagawang pagtatambak doon, lalo na at kinakain na ng alon ang mga bato, lupa at buhangin inilagay doon.

Aniya, delekado ito ayon kay Engr. Edilberto Magalit, Provincial Engineer ng PEO, dahil baka masira na lamang ang inumpisahang proyekto ng ganon-ganon na lang sapagkat natatangay lang ng tubig.

Nilinaw din nito na hanggang sa ngayon ay wala pa ring update hingil sa proyekto ito kung kaylan balak na ituloy.

Kung saan tanging ang pagbawi ng Supreme Court sa Temporary Protection Order o TEPO lamang umano ang pag-asa nila na makaka-usad na ang proyekto sa Caticlan na natigil ng mahigit isang taon na ang nakakalipas.

Matatandaang, ipinatigil ang pagtatambak dahil sa humiling ng TEPO ang Boracay Foundation Inc. o BFI sa korte sa paniniwala na makakapagdala ito ng masamang epekto sa kapaligiran sa nasabing lugar. #ecm022013

Problema sa baha ng Boracay, di kakayanin ng PEO lang


Outlet o labasan ng tubig ang problema sa kalye ng Boracay.

Ito ang problemang nakikita umano ni Engr. Edelson Magalit, Provincial Engineer ng Aklan sa panayam dito nitong hapon.

Aniya bagamat ang circumferential road na ito ay napabilang na sa mga inprastraktura na ipinangalan sa pamahalaang probinsiya na naging proyekto ng DPWH.

Wala umanong pundo ang probinsiya kung maintenance para sa binabahang kalye sa Boracay ang pag-uusapan.

Hindi rin umano kakayain ng Provincial Engineer Office o PEO lang na tugunan ito.

Ganon pa man, alam naman umano nila ang problemang ito sa isla noon pa man.

Pero naniniwala itong hindi lamang ang PEO ang makakatugon sa suliranin ng pagbaha sa Boracay lalo na sa main road.

Sapagkat may ahensiya umano ng pamahalaan na makakatugon talaga sa problemang ito, ngunit hindi nito tinukoy kung anong partikular na ahensiya iyon. #ecm022013

Mga Hauler sa Boracay, umaangal na


Umaangal na umano ang mga hauler o taga hakot ng goods o cargoes sa Boracay dahil sa maikling oras na ibinigay para sa kanilang operasyon.

Dahil dito, nagpasaklolo umano ang asosasyon ng mga haulers na kung maaari ay bigyang sila ng karagdagang oras sa pag-gamit sa kalye ng Boracay.

Dahil hindi nila mahahabol ang mga good na idini-deliver kung susundin ang dalawang oras na paghahakot nila sa araw.

Sa reklamo ng mga haulers ayon kay Sangguniang Bayan Member Jupiter Gallenero.

Bagamat may oras ding inilaan para makapaghakot sila ng kung anong goods na ipinapasok sa Boracay na siyang dinadala nila sa mga establishemento sa isla.

Nagrereklamo na umano ang mga residente sa Barangay Manoc-manoc kung saan naroroon ang pantalan ng mga cargoes dahil sa maingay umano sa mga nagpapahinga.

Bunsod nito hiniling ng asosasyon na ameyendahan ang Municipal Ordinance # 2001-142, na nagreregulate sa operasyon at nagli-limita ng mga truck ban sa pag-ikot-ikot sa Boracay na wala pa sa eskedyul na oras nila, sa rason na masikip na ang daan sa isla.

Hiling ng mga ito na kung maaari kapag araw ng Sabado, Linggo at pista opisyal ay ibalato na sa kanila ang nabanggit na mga araw para magampanan din nila ang kanilang mga obligasyon kani-kanilang mga kliyente.

Gayong nagbabayad naman umano sila ng tama para sa permit at buwis sa kanilang operasyon.

Pero ang bagay na ito ay mariin muna umanong pag-uusapan ng konseho, dahil ang mga araw na nabanggit ay siyang araw din na abala ang kalye ng isla, sapagkat iyon din ang araw na mayroong maraming bakasyunista ayon kay SB Member Rowen Aguirre.

Ngunit ang SB aniya ay bukas naman sa pag-amiyendahan ang ordinansa. #ecm022012

Presyo ng isda at karne sa Boracay, di tataas dahil sa Holy Week


Walang inaasahang pagtaas sa presyo ng isda, at gulay kung Mahal na Araw ang pag-uusapan.

Ito ay sa kabila ng napapabalitang banta sa pagtaas sa presyo, gayong ngayong araw ng Ash Wednesday ay umpisa na ang pagpipinitinsiya kaya sa mga Romano Katoliko bawal muna ang kumain ng karne.

Subalit, ayon sa mga pangunahing bilihan ng isda at gulay sa Boracay, gaya noong mga nagdaang taon, hindi naman inaasahang tataas ang presyo dahil sa selebrasyon.

Sapagkat, kung may pagtaas sa presyo naman umano, hindi ito dahil sa Holy Week, kundi dahil sa pabago-bagong panahon na makaka-apekto sa paghuli sa isda.

Maging ang mga nagbibinta ng gulay ay hindi naniniwala na mag-mamahal din ang gulay sa panahon na iyo.

Paliwanag ng ga ito, nakadepende din umano sila sa presyo mula sa pinagkukunan nila ng suplay.

Samantala, napag-alaman na kahit ipinagbabawala pa ang karne sa mga Katoliko.

Tuloy parin umano ang pabibinta nila ng karneng baboy at baka sa mga palengke sa, kahit na Biyernes Santo pa, dahil sa may mga bumibili pa rin. #ecm022013

Wednesday, February 13, 2013

SB Malay, nalula sa bilyong halaga ng underwater tunnel


Pormal nang iprenisinta nitong umaga sa Sangguniang Bayan ng Malay ang detalye kaugnay sa under water tunnel.

Ito ay matapos na dumalo sa sesyon ng SB si Istvan Tapai ng Pharcos Philippine Incorporated upang ilatag kung ano ang magiging pakinabang ng under water tunnel na magkokonekta sa Caticlan at Boracay.

Pero sa kabila ng mga magagandang dulot umano para sa isla ng proyektong ito makaraang napag-alaman ng konseho mula kay Tapai.

Duda pa rin ngayon ang SB kung tatanggapin nila ang alok na ito, lalo pa at napakamahal pala ng proyekto at hindi pa malinaw kung nakahanda ang Pharcos o may intresadong grupo o investor na siyang gagastos para maisakatuparan ito.

Ayon kasi kay Tapai, mas mainam talaga kung mismo ang lokal na pamahalaan ng Malay ang gumastos para pag-aari na mismo ng bayan.

Subalit ang excitement ng mga konsehal hinggil sa under water tunnel ay tila naglaho, lalo na nang marinig naman ng mga ito na bilyones pala ang halaga.

Ito ay sa kabila ng una nang pahayag ni Tapai na 5-10% na makakatipid ang LGU Malay kaysa sa tulay na binabalak nila.

Ang tunnel umanong ito kapag nagkataon na magsisilbing daanan ng mga sasakyan mula Caticlan papuntang Boracay ay nasa $43-milyon hanggang $45-milyon, na inaasahang matatapos sa loob ng anim hanggang siyam na buwan. #ecm022013

Monday, February 11, 2013

Engkwentrong nangyari sa gitna ng MAP at boatman, bukas aaksiyunan


Naunang mag-hamon ang boat captain sa MAP.

Ito ang mariing nilinaw ni Rommel Salsona, hepe ng Malay Auxiliary Police sa panayam nitong kahapon.

Kaugnay ito sa umano’y away at hamununan ng barilan ni MAP Member Jose “Jo” Delos Santos at Kapitan ng bangkang pang-Island Hopping na si Ramil Ignacio kahapon ng umaga.

Ayon kay Salsona, batay sa pangungusisa nito sa MAP Member, nauna umanong hinamon ng boatman ng barilan ang MAP.

Taliwas naman ito sa reklamong ipina-abot ni Ignacio sa pulisya.

Paliwanag pa ng hepe ng MAP, ang miyembro nilang si Delos Santos ang na-assign sa station 3 area para magbantay at magkontrol sa mga dadaong na bangka at aalis upang hindi magsiksikan ang mga ito.

Dahil sa limitado lamang ang lugar na inilaan ng lokal na pamahalaan para sa mga bangka doon.

Kung saan doon umano nagkaroon ng argumento, pero ang boatman umano ang naunang nanghamon at maraming saksi aniyang nakakapagpatunay doon.

Dahil dito, bukas ay naka-takdang aksiyunan umano ng MAP ang problemang ito para mapanagot at mapagharap ang mga sangkot.

Samantala nabatid naman mula kay Rey Fernando, Operation Manager ng Boracay Island Hopping Association o BIHA na bukas ay nakatakda na rin nilang ipatawag ang kapitan ng bangka na si Ignacio para kunan din ng pahayag at pagpaliwanagin. #ecm022013

Mahigit 1000 runners, lumahok sa matagumpay na fun run sa Boracay kahapon


Labis ang pasasalamat ngayon ng Philippine National Red Cross o PNRC sa Boracay dahil sa matagumapay na Fun Run na isinagawa kahapon.

Sa panayam kay PNRC  Boracay-Malay Chapter Administrator Marlo Shoenenberger, sinabi nitong umabot sa isang libo at pitong daang katao umano ang nagparehistro para sa ika-lawang taong “Million Volunteer Run” ng Red Cross sa isla.

Mas marami ito kung ikukumpara noong nagdaang taon ng 2012 na mahigit 700 lamang.

Bagamat target umano sana nila ngayong taon ay nakapagtala ng magpaparehistrong isang libo at dalawang daang runners, masaya sila dahil nalampasan nila ang target na ito ngayon.

Kung saan sa mahigit 4 na oras na aktibidad, lampas isang libo naman umano sa mga nagparehistro na ito ang tumakbo.

Ikinatuwa din nito dahil, lahat ng runners kahapon ay natapos ang fun run na ligtas at kinaya ang init at pagod sa pagtakbo.

Samantala, ang nakoletang registration fee umano ng Red Cross sa Boracay ay mapupunta o hahatiin sa apat, na parehong tag- 25%.

Una ay sa PNRC National, Life Guard Services sa Boracay at Red Cross Youth o RCY Program.

Ang natitirang 25% naman ay mapupunta na gastos sa operasyon ng Chapter na ito at sa mga tumulong. #ecm022013

Pagdami ng basura at mabigat na trapik sa kalye ng Boracay, ramdam na


Kasabay ng pamamayagpag ng Boracay sa panahong ito, lalo na at super peak season na, dumadami na rin ang problema sa isla.

Dahil dito, tila seryoso at mataas na uri ng pagmentina naman ang kailangan sa kasalukuyan partikular sa mga daanan ng mga turista lalo na sa main road.

Sapagkat ramdam na rin ngayon ang pagdami ng basurang itinatambak sa tabing kalye na naghihintay na makuha ng mga garbage truck, pero inaabot na ng alas otso ng umaga ay naroroon pa rin.

Ito ay kasunod din ng pagdagsa ng mga turista, at pagka-fully booked ng mga resort o hotel sa isla ng pumasok itong Chinese New Year.

Matatandaang inihayag ni Department of Tourist officer in charge sa Boracay Tim Ticar na halos puno na ng reservation at mga bisita ang mga resort dito.

Maliban sa basura, mabigat na trapik na rin ang mararanasan sa main road, dagdagan pa ng pahirapan sa pagsakay dahil sa punuan ang mga tricycle at ang iba naman ay inaarkila ng mga dayuhang turista.

Samantala, inaasahan pang magtutuloy-tuloy itong sitwasyon sa kalye lalo na at nalalapit na rin ang Mahal na Araw at summer season. #ecm022013

Pulis sa Boracay nababahala na sa mga suspek na paulit-ulit na nahuhuli


Dismayado ngayon ang Pulis Boracay sa pangyayari kaugnay sa mga nahuhuli nilang lumabag sa batas.

Sapagkat matapos ang pakikipaghabulan ng awtoridad sa mga krimenal at idaan sa masusing imbestigayon, ang mga biktima naman ay hindi nagsasampa ng kaso laban sa mga suspek.

Kaya mistulang pabalik-balik lang din, na ang mga suspek ding iyon ang paulit-ulit na nahuhuli nila.

Dahil dito, nagpahayag ng kaniya pagkadismaya ang Deputy ng Boracay Tourist Assistance Center na si Police Insp. Fidel Gentallan.

Aniya, ang nangyayaring ganito na kapag nahuhuli umano ang mga suspek at naibalik ang mga natangay na gamit ng biktima ay hindi na nagsasampa pa ng kaso.

Kung saan karamihan umano sa mga biktima ay mga dayuhan, na hindi na interesadong magsampa ng kaso dahil babalik din agad sa kanilang mga lugar na pinagmulan.

Kaya pinapakawalan din ng Pulisya ang mga suspek.

Bunsod nito ay ang mga suspek din umanong ito ang nahuhuli nila sa mga operasyong ginagawa nila na siyang sangkot ulit sa pagnanakaw.

Dahil dito nababahala na rin ang awtoridad, sapagkat hindi nabibigyan ng hustisya ang biktima at hindi rin napapanagot ang mga salarin. #ecm022013