YES THE BEST 911 BORACAY

Friday, August 14, 2015

“Broadcast treeing”, isasagagawa ng KBP-Aklan Chapter sa Tangalan bukas

Posted August 14, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for tree plantingSa layuning makatulong sa kalikasan, daan-daang puno ang inaasahang maitatanim bukas sa Jawili, Tangalan, Aklan dahil sa “Broadcast treeing” na inorganisa ng KBP-Aklan Chapter.

Ito ay may kaugnayan sa implementasyon ng National Greening Program ng gobyerno sa ilalim ng Executive Order No. 26 ni Pangulong Benigno Simeon Aquino III kung saan layunin nito na makapagtanim ng 1.5 billion seedlings hanggang sa 2016.

Dahil dito, ang Kapisanan ng mga Broadcaster ng Pilipinas (KBP) Aklan Chapter sa pakikipagtukungan sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) at ng Department of Interior and Local Government (DILG) ay magsasagawa ng Oplan “Broadcas-treeing” bukas.

Samantala, maliban sa KPB Members kasali rin sa nasabing tree planting ang mga sundalo, volunteers, LGU Tangalan at ilang mga mag-aaral sa Kalibo.

Boracay kumita ng P26 Billion sa loob ng 7 buwan ngayong 2015

Posted August 14, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for tourist arrival sa boracayUmabot sa P26, 510,421,592.80 ang kinita ng isla ng Boracay sa turismo sa loob ng pitong buwan mula Enero hanggang Hulyo ngayong taong 2015.

Ito ay base sa naitalang record ng Aklan Provincial Tourism Office (APTO) kung saan ang total amount na P17,357,304,556.80 ay mula sa foreign at overseas Filipinos tourists habang ang P9,153,117,036.00 ay galing naman sa domestic o local tourists.

Sa kabilang banda naitala naman ng APTO na ang buwan ng Abril ang may pinakamataas na tourist arrival sa nagdaang buwan ngayong taon kung saan may kabuuan itong bilang na 178,595 tourists.

Maliban dito umabot na ngayon ang tourist arrival sa 973,373 mula Enero hanggang Hulyo kung saan 431,008 rito ay foreign tourist, domestic tourists na 512, 840 at overseas Filipino na 29,525.

Samantala, ang paglago ng kita ng Boracay ay dahil na rin sa patuloy na pagdami ng mga pumupuntang turista sa Boracay.

Operasyon ng Boracay Water palalawakin sa buong probinsya ng Aklan

Posted August 14, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Maliban sa tatlong brgy. sa bayan ng Malay, palalawakin na rin ngayon sa buong probinsya ng Aklan ang business operation ng Boracay Water.

Ito’y matapos pumirma ng Memorandum of Understanding ang Boracay Water at ang Provincial Government ng Aklan para mapalawak ang kanilang operasyon.

Ayon kay Boracay Water General Manager Joseph Michael Santos, ito umano ay isang mahalagang sangkap para maipagpatuloy ang tourism at economic opportunities kabilang na ang pagbibigay ng magandang serbisyo sa tubig.

Sinabi pa ni Santos na umpisang magsimula ang kanilang operasyon noong 2010 ay ipinakita ng Boracay Water ang kanilang suporta sa patuloy na pag-unlad ng lalawigan ng Aklan sa pamamagitan ng pagpapatupad ng mga proyekto na nagkakahalaga sa higit na P1 billion.

Samantala, ang dati umanong water supply capacity na 14.5 million liters bawat araw ay magiging 20 MLD na ito bago matapos ang taong 2015 dahil sa kanilang patuloy na construction sa Nabaoy river kung saan sila kumukuha ng water supply.

Pagpapatayo ng Jollibee sa Caticlan Jetty Port hindi na matutuloy

Posted August 14, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for caticlan jetty portHindi na matutuloy ang binabalak na pagpapatayo ng isang fast food chain na Jollibbe sa loob ng Caticlan Jetty Port.

Ito’y matapos bawiin ni Aklan Governor Florencio Miraflores ang hinihingi nitong authority sa Sangguniang Panlalawigan para sana sa paglalagay ng nasabing fast-food chain sa loob mismo ng nasabing pantalan sa hindi ginagamit na Terminal Building.

Ang naturang pahayag ay binanggit ni Board member Joen Miraflores anak ng Governador sa ginanap na Sangguniang Panlalawigan Session nitong Martes.

Ayon pa sa nakakatabatang Miraflores matutuloy parin ang pagpapatayo ng Jollibee sa Caticlan ngunit ito ay ilalagay na sa bagong itatayong terminal building sa gilid ng Jetty Port na siyang reclamation site ngunit dadaan pa umano ito sa ilang pag-aaral bago ma-aprobahan.

Thursday, August 13, 2015

Pedal for HIV Philippines, suportado ng Municipal Health Office sa Boracay

Posted August 13, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Suportado ng Municipal Health Office sa Boracay ang Pedal for HIV na nagpapalaganap ng kaalaman at pagwawalang bahala sa karamdaman na STD/HIV at AIDS.

Ito’y matapos na dumulog nitong araw ng Sabado Agosto 8, 2015 sa tanggapan ng YES FM Boracay ang isang lalaki na positibo sa HIV at ngayon ay isa ng founder ng Pedal for HIV sa Pilipinas para ipalaganap ang awareness sa nakakamatay na karamdaman.

Nabatid na ang Pedal for HIV ay nagpapakalat ng HIV poster na inilabas ng Life Support Group (GIV), na isang Brazil based organization na ngayon ay dinala na rin sa Pilipinas na tinawag na Pedal for HIV para sa nasabing awareness.

Dahil dito suportado ng MHO Malay ang nasabing kampanya sa pangunguna ni Dr. Adrian Salaver, Municipal Health officer ng Boracay, at ni Arbie Aspiras, STI/AIDS Coordinator.
Napagdesisyon naman nina Dr. Salaver at Aspiras na tutulungan nila ang Pedal for HIV sa pagpapakalat ng nasabing poster sa Boracay.

Samantala, nakapaloob naman sa nasabing poster na ang layunin nila ay makapag-educate ng tao at hindi makapag-infect sa naturang karamdaman.

Samantala, pinasalamatan naman ng Pedal Philippines ang Red Cross Boracay-Malay Chapter para sa pamamahagi ng condom at local media para sa pagpalaganap ng impormasyon.

Sekswal na pananamantala sa mga kabataan bibigyan aksyon sa Boracay

Posted August 13, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay


Image result for ecpat philippinesSekswal na pananamantala sa mga kabataan ang isa sa problema sa lipunan ngayon kung kayat ang Local Government Unit ng Malay at ECPAT Philippines ay magsasagawa ng child protection orientation.

Ito ay isang araw na aktibidad na may kaugnayan sa pagpigil sa sekwal na pananamantala sa mga kabataan sa travel at tourism campaigned sa ibat-ibang business establishment and business sector.

Pangunahing layunin nitong aktibidad ay para matiyak ang proteksyon ng mga kabataan sa lahat ng oras kung saan ipinapaalala rin sa mga business sector ang tungkol sa kanilang legal at social responsibility para sa proteksyon ng mga kabataan sa travel at tourism.

Samantala, ang nasabing orientation ay gaganapin ngayong araw Agosto 13, 2015 sa La Carmela de Boracay.