YES THE BEST 911 BORACAY

Saturday, March 19, 2016

Caticlan Jetty Port x-ray machine ihahabol ngayong Semana Santa

Posted March 19, 2016
Ni Jay –ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for caticlan jetty port schedule 2016Ilang araw nalang at panahon na naman ng Kwarisma, kung kayat inaasahan na naman ang pagdagsa ng maraming turista sa isla ng Boracay.

Dahil dito, ihahabol na umanong maayos ng Jetty Port Administration ang x-ray o luggage machine bago ang holy week sa susunod na linggo.

Ayon kay Special Operation III Jean Pontero, ngayong araw umano ang nakatakdang pag-sasaayos ng dalawang machine sa Caticlan Jetty Port.

Nabatid na noong nakaraang taon pa hindi gumagana ang dalawang machine dahil sa pahirapan ang paghahanap ng piyesa na gagamitin para rito.

Sa kabilang banda naging maganda naman ang sistema ng turnstile machine sa nasabing pantalan na siyang ginagamit para sa monitoring sa mga pumapasok na Aklanon sa Boracay.

Dutch national sa Boracay, tinambangan ng magnanakaw


Posted March 19, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay  
      
Image result for ROBBERYCellphone at wallet na naglalaman ng cash ang natangay mula sa isang turistang Dutch national sa Brgy. Balabag, Boracay kahapon ng madaling araw.

Sumbong ng biktimang si Johannes Leohnard Markus Hutt, 19-anyos sa mga pulis, naglalakad umano siya papuntang kalsada galing sa front beach ng bigla siyang harangin ng isang lalaking armado ng kutsilyo at pilit na kinukuha ang kanyang hawak na cellphone.

Hindi pa umano nakuntento ang suspek at tinutukan pa siya ng hawak nitong kutsilyo habang kinukuha ang kanyang wallet na naglalaman ng cash na (P670, 00).

Dahil dito, agad umanong tumakas papalayo ang suspek sa hindi matukoy na direksyon habang ang biktima ay mas minabuti munang dumiristo sa kanyang tinutuluyang hotel.

Samantala, patuloy ang ginagawang imbestigasyon ng Boracay PNP hinggil sa nasabing insidente kung saan hindi parin ngayon matukoy ang pagkakakilanlan ng suspek.

“Oplan kakas” ng Comelec kasado na sa pagsisimula ng local campaign period

Posted March 19, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for comelec election postersHindi paman nagsisimula ang local election period pero nagsusulputan na na parang kabuti ang mga election propaganda o poster ng ilan sa mga kandidato sa probinsya ng Aklan.

Dahil dito sinabi ni Getulio Esto ng Comelec Provincial Office, na kasado na ang kanilang “Oplan kakas” task force, na magbabaklas sa mga poster ng pasaway na mga kandidato matapos ang Semana Santa.

Nabatid na ngayong Marso 25, ang itinakda na pagsisimula ng kampanya na magtatagal ng 45 araw, ngunit sumakto naman ito sa Kwarisma, dahilan para payuhan ng Comelec ang mga ito, na magnilay-nilay muna sa panahon ng pag-alala sa sakripisyo ng Panginoon.

Ayon kay Esto, ang “Oplan kakas” task force ay kinabibilangan ng Comelec, Philippine National Police at Department of Public Works and Hi-ways (DPWH) na magtatanggal sa mga poster na hindi nakalagay sa designated area ng Comelec.

Sinabi pa nito na mahigpit na ipinagbabawal ang paglalagay ng mga poster sa mga punong kahoy, dahil isa itong paglabag sa batas pangkalikasan sa ilalim ng Department of Environment and Natural Resources (DENR).

“Ang pangangampanya ng wala sa itinakdang panahon ay paglabag sa Omnibus Election Code ng Commission on Elections na may resolusyong 981”-dagdag ni Esto. 

Kapatid na lalaki, ini-reklamo ng panununtok ng sariling kapatid

Posted March 19, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay 

Image result for blotter reportPasa sa ibat-ibang parti ng kanyang katawan ang tinamo ng isang babae matapos itong pag-susuntukin ng sariling kapatid sa Sitio Manggayad Brgy. Balabag, Boracay.

Nakilala ang biktima na si Eva Suante at ang ini-rereklamo nitong kapatid na si Salvador Katipunan na parehong nakatira sa nasabing lugar.

Sa report ng Boracay PNP, nagkaroon umano ng hindi pagkaka-intindihan ang dalawa dahilan para masuntok ng suspek ang kapatid nito na nagresulta ng mga pasa at sugat sa biktima.

Sa ngayon ang kaso ay ini-refer ng Boracay PNP Station sa Brgy. Justice System ng Balabag para sa agarang pag-sasaayos ng dalawa.

'P175-M, pinsala na ng El Niño sa sugar industry sa Visayas' - SRA

By  Bombo Bacolod Posted in Latest News Saturday, 19 March 2016 02:08
  • font size decrease font size increase font size
BACOLOD CITY - Umaabot na sa P175 milyon ang pinsala ng El Niño phenomenon sa sugar industry sa Visayas region.

Ito ang inihayag ni Sugar Regulatory Administration (SRA) Administrator Ma. Regina Bautista-Martin kung saan aniya, maraming mga pananim na tubo sa rehiyon lalo na sa Negros Occidental na siyang sugar bowl of the Philippines ang nalalanta.

Naging minimal ang naturang pinsala matapos na nabiyayaan ng pagpatak ng ulan ang rehiyon noong nakaraang buwan ngunit nagbabantay naman ang SRA sa ngayon dahil ilang linggo na ang matinding init na nararanasan.

Sinabi ni Martin na sa Visayas nagmumula ang 65 porsiyento sa produksyon ng asukal sa buong bansa.
- See more at: http://bomboradyo.com/news/latest-news/item/143805-p175-m-pinsala-na-ng-el-nino-sa-sugar-industry-sa-visayas-sra#sthash.12JlWgcp.dpuf

'P175-M, pinsala na ng El Niño sa sugar industry sa Visayas' - SRA

By  Bombo Bacolod Posted in Latest News Saturday, 19 March 2016 02:08
  • font size decrease font size increase font size
BACOLOD CITY - Umaabot na sa P175 milyon ang pinsala ng El Niño phenomenon sa sugar industry sa Visayas region.

Ito ang inihayag ni Sugar Regulatory Administration (SRA) Administrator Ma. Regina Bautista-Martin kung saan aniya, maraming mga pananim na tubo sa rehiyon lalo na sa Negros Occidental na siyang sugar bowl of the Philippines ang nalalanta.

Naging minimal ang naturang pinsala matapos na nabiyayaan ng pagpatak ng ulan ang rehiyon noong nakaraang buwan ngunit nagbabantay naman ang SRA sa ngayon dahil ilang linggo na ang matinding init na nararanasan.

Sinabi ni Martin na sa Visayas nagmumula ang 65 porsiyento sa produksyon ng asukal sa buong bansa.
- See more at: http://bomboradyo.com/news/latest-news/item/143805-p175-m-pinsala-na-ng-el-nino-sa-sugar-industry-sa-visayas-sra#sthash.12JlWgcp.dpuf

Friday, March 18, 2016

“Oplan Ligtas Biyahe” ng Caticlan Jetty port para sa Semana Santa, nagsimula na

Posted March 18, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Nagsimula na umano ang “Oplan Ligtas Biyahe” ng Caticlan Jetty port ngayong araw para sa paghahanda sa panahon ng Kwarisma sa susunod na linggo.

Ito ang sinabi ni Chief Security Alex Valerno ng Caticlan at Cagban Jetty Port, kung saan nailatag na umano nila ang help disk sa mga nasabing pantalan kasama ang medical team para sa pag-alalay sa mga turista na papasok sa Boracay ngayong Semana Santa.

Ayon kay Valerno, napaaga umano ang kanilang preparasyon dahil na rin sa dumadami na ang mga turista kung saan katuwang umano nila dito ang Philippine Coast Guard, Maritime Police, at Boracay PNP.

Nabatid na bago nila ipatupad ang nasabing kampanya ay ilang serye ng meeting muna ang kanilang ginawa para mapaghandaan ng mabuti ang seguridad.

Samantala, doble-dobleng pasahero ang inaasahang bubuhos ngayong Semana Santa sa Caticlan Jetty Port lalo na ang mga pasahero ng Ro-ro vessel na mula sa Batanggas at Mindoro.

Mga tricycle driver sa Boracay, nakatakdang isailalim sa seminar ng DOT

Posted March 18, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for sex offenders registerNakatakda umanong isailalim ng Department of Tourism (DOT) sa seminar ang mga tricycle driver sa isla ng Boracay kaugnay sa mga sex offenders.

Ayon kay DOT Boracay Sub-Office Tourism Assistant Kristoffer Leo Velete, nais umano nilang bigyang kaalaman ang mga driver kaugnay sa sex tourism na nangyayari sa ibang lugar.

Nabatid na mahigpit na ipinagbabawal ng Department of Tourism (DOT) ang paglako o pag-ingganyo sa mga parokyano ng mga babae lalo na sa isla ng Boracay.

Sinabi pa ni Velete na dapat imbes sekswal ang e-offer sa mga turista, ay dapat i-ingganyo nalang umano ang mga ito na subukang puntahan ang magagandang tourist spot sa probinsya at sa mga kalapit na lugar.

Matatandaan na nitong nakaraang araw ay nagkaroon ng consolation workshop on the sexual offenders registration at notification bill ang Asia Foundation sa Boracay sa pangunguna ng consultant na si Atty. Eric Mallonga kaugnay sa mga sex offenders na pumapasok sa bansa partikular sa mga tourist destination.

Mga guro sa Aklan isasailalim na sa VCM training ng Comelec ngayong araw

Posted March 18, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for voting counting machine
Isasailalim na ngayong araw ang mga gurong magsisilbi para sa darating na halalan sa Mayo 9, 2016 para sa paggamit ng Voting Counting Machine (VCM) sa Sampaguita Garden Resort sa New Washington, Aklan.


Ayon kay Clarisa Sualog ng DepEd District Malay, alas-3 ngayong hapon magsisimula ang registration para sa dalawang araw na training na magtatapos naman bukas araw ng Sabado.

Kaugnay nito, sa tatlong daan umanong mga guro sa DepEd Malay ay isang daan sa elementarya at animnaput siyam sa high school ang sasailalim sa training ng Comelec.

Maliban dito may mga support staff din umanong kasama sa nasabing pagsasanay kung saan hindi lang puro guro ang isasalang sa halalan.

Samantala, pangungunahan naman ng Comelec National Office ang naturang training katuwang ang Aklan Provincial Office at Municipal Offices ng naturang ahensya.

Tour guide na nagnakaw ng pera ng turista, huli sa hot pursuit operation

Posted March 18, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for kulongHuli sa isinagawang hot pursuit operation ang isang Tour guide matapos nitong tangayin ang pera ng turista sa Brgy. Balabag, Boracay kaninang madaling araw.

Nakilala ang biktima na si Ugur Cenk Yaliman,39-anyos isang Swiss national at temporaryong nakatira sa isang resort sa isla habang ang suspek ay kinilalang si Errol Baz 38-anyos residente ng Poblacion Nabas, Aklan.

Sumbong ng biktima sa Boracay PNP, kakatapos lang umano nitong bumili ng souvenir sa isang shop kung saan pagbibilang nito ng kanyang pera para sana ilagay sa kanyang wallet, ay dito siya tinulak ng suspek dahilan para mahulog ang hawak nitong mga pera.

Nabatid na tumulong pa umano ang suspek na pulutin ang pera ngunit mabilis niya umano itong tinangay na nagkakahalaga ng P12, 000.

Nabatid na matapos ang insidente ay nakita ng biktima ang suspek di kalayuan sa lugar kung saan dito niya ito kinuhaan ng litrato at agad na isinumbong sa mga pulis.

Dahil dito, agad na nagsagawa ng hot pursuit operation ang Boracay PNP kung saan agad ding nahuli ang suspek na ngayon ay himas-rehas na sa nasabing himpilan.

Thursday, March 17, 2016

BNHS inilunsad ang ika-anim na ECO WALK

Posted March 17, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Makabuluhang natapos kanina ang ika- 6 na taon ng Eco Walk at Beach Clean-up ng mga mag-aaral ng Boracay National High school o (BNHS) sa Boracay ngayong araw.

Itoy sa pangunguna ni Mr. Ervin Maravilla ng BNHS at ni Boracay Island Administrator Glenn Sacapaño, Solid Waste Management Team at iba pang mga guro ng nasabing paaralan.

Sinimulan ng mga estudyante ang naturang programa sa pamamagitan ng paglilinis o Beach Clean-up sa mahabang beach line ng isla.

Napag-alaman na sa mahigit isang oras at kalahati na paglilinis ng mga estudyante, naka-kolekta ang mga ito ng halos isang sako ng mga cigarette butts o upos ng sigarilyo maliban pa sa mga plastic bottles, bote at papel na dinala naman sa Balabag MRF.

Nabatid na layunin ng naturang programa na magkaisa ang mga tao lalo na ang mga kabataan sa pag-protekta ng kalikasan ng Boracay laban sa basura.

Ang naturang aktibidad ay sa pakikiisa at suporta din ng LGU-Malay.

Mga Sex Offenders kinakailangan na umanong dumaan sa registry – ASIA Foundation

Posted March 17, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Kinakailangan na umanong dumaan sa registry ang mga sex offenders lalo na sa mga tourist destination sa sandaling maaprobahan ang batas para rito.

Ito ang pahayag ni Atty. Eric Mallonga ng Asia Foundation, sa panayam ng himpilang ito sa ginanap na 4th Consultation Workshop hinggil sa Child Sex Offenders na ginanap sa isla ng Boracay kahapon.

Ayon kay Mallonga ang nasabing workshop ay ang pagbuo ng national counsel para sa registry sa sex offenders sa komunidad at para bigyan ng kaalaman ang mga ito na tungkol sa pedophiles at mga namamantala-sekswal sa kanilang mga lugar.

Aniya, kung ang komunidad umano ay aware na may sex offenders sa kanilang lugar ay makakatulong ito para maiwasan na magkaroon ng sex related crimes at mahikayat nila ang pag-protekta sa mga bata at sa lipunan ng sa ganon ay hindi na umano pauli-ulit ang mga kaso ng pagsasamantalang-sekswal lalo na sa mga kabataan.

Samantala, makakatulong umano ang registry sa Boracay dahil maaaring gumanda ang turismo kung saan magiging isa na umano itong family oriented tourism, cultural, sport at eco-tourism at iba pa maliban sa sex tourism.

Ang proposed bill ay ang pag-protekta sa mga kabataan laban sa sexual exploitation at abuse, violent crime, child pornography sa pagsagawa ng system ng registration at notification para sa sex offenders, pag-promote sa internet safety at iba pang karagdagang proteksyon para sa mga kabataan.

LOPA nagpasaklolo sa Sangguniang Bayan ng Malay

Posted March 17, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Nagpasaklolo sa Sangguniang Bayan ng Malay ang mga miyembro ng “Land Owner Sa Palibot it Airport” (LOPA).

Sa ginanap na 11th Regular SB Session ng Malay nitong Martes, dumalo ang LOPA kasama ang mga concern agencies na kinabibilangan ng PPP, National Economic and Development Authority (NEDA), Department of Interior and Local Government (DILG) at Commission Human Rights.

Dito ipinaabot ng mga LOPA ang kanilang sinstemyento kauganay sa kanilang mga lupa na apektado ng ginagawang International Airport sa Caticlan.

Hiling ng mga ito na sana ay mabigyan sila ng tamang bayad sa kanilang mga lupa kung saan ay matindi umano silang naapektuhan sa nasabing construction.

Ang pagdalo naman ng mga nasabing ahensya ay para ipaliwanag ang karapatan ng mga pamilyang apektado at ang sistema ng pagbili ng lupa.

Samantala, ikinalungkot naman ng Sangguniang Bayan ang bigong pagdalo ng CAAP na siyang pinaka-importanteng ahensya na dapat sasagot sa mga katanungan ng mga taga LOPA.

Summer 2016, ramdam na isla ng Boracay, mga turista patuloy ang pagdagsa

Posted March 17, 2016
Ni Jay-ar M. Aranrte, YES FM Boracay

Image result for boracay na may turistaRamdam na ngayon ang panahon ng tag-init o summer sa bansa partikular sa isla ng Boracay kung kayat unti-unti ng dumadagsa ang maraming turista para magbakasyon.

Katunayan nararanasan na muli ang kadalasang haba ng pila sa Caticlan Jetty Port dahil sa maraming mga pumapasok na turista sa isla.

Maliban dito, halos fully booked na rin ang karamihan sa mga nag-lalakihang hotel sa Boracay hanggang sa susunod na linggo o holy week.

Dahil dito kaliwat kanan naman ang ginagawa ngayong meeting ng mga security forces sa isla sa pangunguna ng Boracay Action Group katuwang ang mga kapulisan para sa pagpapaigting ng seguridad lalo na sa mga matataong lugar sa Boracay.
Samantala, inaasahang mas dadagsain pa ng maraming tao ang Boracay ngayong holy week kung saan mahaba ang bakasyon para sa pagnilay-nilay sa ginawang sakripisyo ni ng Jesus Cristo.

Arabian National, nag-reklamo matapos hamunin ng away sa loob ng bar

Posted March 17, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Nag-reklamo ang isang Arabian national sa Boracay PNP matapos itong hamunin ng away ng isang grupo ng kalalakihan sa loob ng bar sa Brgy. Balabag, Boracay kaninang madaling araw.

Nakilala ang nagrereklamong turista na si Abdulaziz Hunaidan 20-anyos ng Abu, Bakr Algeria, Nseem at nanunuluyan sa isang hotel sa nasabing Brgy.

Sumbong nito sa mga pulis, sumasayaw umano siya sa loob ng bar ng bigla siyang lapitan ng hindi nakilalang lalaki na tila my hindi magandang ikinikilos at nang-hahamon ng away.

Dahil dito, nagdesisyon nalang umano ang biktima na umalis sa bar dahil sa patuloy na pagsunod sa kanya ng mga suspek hanggang sa kanyang tinutuluyang hotel.

Kaugnay nito, tinangka umano siyang suntukin ng mga ito pero agad din siyang nakaiwas at hindi na niya  umano ito pinatulan.

Samantala hindi naman nito natukoy ang pagkakalilanlan ng mga suspek na agad tumakas matapos ng paghahamon ng away sa nasabing turista.