YES THE BEST 911 BORACAY

Friday, December 23, 2016

Lalaki sa Boracay, tinaga ng sariling kapatid

Posted December 23, 2016
Ni Danita Jean A. Pelayo, YES FM Boracay

Image result for tinaga ng kapatid
Arestado ang isang 59-anyos na suspek na si Giovanni Pelayo Gado matapos nitong tagain ang sariling kapatid sa Sitio Cagban, Brgy. Manoc- Manoc, Boracay.


Kinilala ang biktima na si Corsino Pelayo Gado,51-anyos ng nasabi ring lugar.

Ayon sa blotter report ng Boracay PNP, nakatanggap umano sila ng tawag mula sa isang staff ng clinic sa isla kung saan may tinaga umanong biktima na dinala doon.

Nabatid na nangyari ang pananaga ng awatin ni Corsino ang kanyang kapatid dahil umano sa panghahamon nito ng away sa lugar na may bitbit pang bolo.

Dahil sa pagpigil nito sa sariling kapatid, siya mismo ang tinaga nito kung saan nagtamo naman ang biktima ng sugat sa kanyang noo.

Agad namang dinala sa klinika ang biktima at nilapatan ng lunas.

Samantala, nasa kustodiya na ngayon ng Boracay PNP ang suspek.

Mga photographers nais i-promote ang Aklan, gamit ang mga kuhang litrato

Posted December 23, 2016
Ni Danita Jean A. Pelayo, YES FM Boracay
Pagtampok ng mga magagandang tanawin at lugar sa probinsya ng Aklan, ito ngayon ang prayoridad ng bagong opisyales ng Aklan Photographers Society, Inc.

Ayon kay Aklan Photographers Society, Inc. President Joel Juliano, magsisilbing kontribusyon sa turismo at pag-unlad ng probinsya ang pag-promote sa pamamagitan ng kanilang mga kuhang litrato.

Bukod dito,kinokunsidera nilang maging kabahagi dito ang ilan sa mga Government  Institutions at LGU’s.

Sa nakalipas na taon, ang organisasyong ito ay kumukuha na ng mga iba’t-ibang shots ng mga tourist attractions hindi lamang sa Probinsya ng Aklan ngunit pati na rin sa mga karatig na probinsya sa Panay Island.

Ang layunin ng grupo na mapalaganap ang mga kuhang litrato upang lalo pang masilayan at makilala ang mga tinatagong ganda ng Aklan.

Namamalimos sa isla ng Boracay, ipagbabawal

Posted December 23, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for namamalimosIpagbabawal na ngayon ang pamamalimos sa kinikilalang tourist destination na isla ng Boracay.

Ayon kay Gemma Santerva ng Social Welfare ng bayan ng Malay, masakit na umano sa mata ang mga kumakalat na mga nagpapalimos sa isla.

Dagdag pa ni Santerva, kasama umano ng Malay Municipal Social Welfare Development Office (MSWDO) ang Philippine National Police (PNP) para isulong ang polisiyang ito sa mga resort sa isla kung saan hinihikayat niya rin ang mga turista na mag-report sa Boracay-PNP sakaling makaranas sila ng ganitong gawain.

Nabatid na kadalasang umanong namamalimos na makikita sa kahabaan ng front beach ay mga badjao at may kapansanan sa sarili.

Kung matatandaan aprubado na ang ordinansa sa pagbibigay ng penalidad sa mga namamalimos at nagbibigay ng limos subalit kailangan paring sumailalim nito sa pagpupulong.

Nabatid na ang nasabing batas sa pagbibigay ng penalidad ay inaprobahan noong August 1, 2016 sa 4th Regular Session ng 17th Sangguniang Panlalawigan ng Aklan.

2nd bronze medal para sa 2016 World Pencak Silat Championship sa Indonesia, naiuwi ng aklanong atleta

Posted December 23, 2016
Ni Danita Jean A.Pelayo, YES FM Boracay

Sa kabila ng injury na natamo ng partisepante ng Kalibo Aklan, napagtagumpayan pa rin nitong makuha ang 2nd bronze medal sa ginanap na 2016 World Pencak Silat Championship sa Bali,Indonesia noong Disyembre 2 hanggang 9 nitong taon.


Ito umano ang kauna-unahang kompetisyon na sinalihan ni Cherry May Regalado na tubong Barangay Pook, Kalibo.

Nabatid na apatnapung mga bansa ang sumali sa naturang kompetisyon.

Ayon kay Regalado, halos magkakadikit lang ang score ng kanyang mga kalaban magmula sa first place hanggang third place.

Samantala, nakatakda namang muling sasali sa kompetisyon si Cherry May, kung saan inaasahang magaganap ito sa buwan ng Marso ng susunod na taon.

Mga hotel sa Kalibo nasa 70% na ang bookings para sa Ati- Atihan 2017

Posted December 23, 2016
Ni Danita Jean A. Pelayo, YES FM Boracay

Image result for kalibo ati-atihan 2017
Dagsa na ngayon ang bookings para sa room accommodations sa Bayan ng Kalibo dahil sa nalalapit na Kalibo Ati- Atihan Festival 2017.

Umaasa si Association President, Gerwin Garcia na mapupuno ang mga hotel sa Bayan ng Kalibo sa pagpasok ng taong 2017.

Maliban dito, inaasahan ding libo-libong deboto at mga bisita ang makikisaya sa nasabing “week-long” celebration.

Samantala, ilan naman sa mga a-abangan sa Ati-Atihan ay ang Float Parade, Tribal dance, Sinaot sa Calle, Higante’s Contest, Kainan sa Plaza, Paeapak, street dancing at ang Mutya it Kalibo Ati- Atihan 2017.

Ang Ati-Atihan Festival ay taunang ginagawa tuwing ika-tatlong linggo sa buwan ng Enero bilang pagbibigay pugay sa kapistahan ni Sr. Sto Niño.

Thursday, December 22, 2016

Report sa umano’y pekeng ticket sa Farm-C sa Manoc-Manoc, inilabas na sa SB session

Posted December 21, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona at Danita Jean A. Pelayo, YES FM Boracay

Naglabas na ngayon ng report ang opisina ng Municipal Treasurers Office hinggil sa umanoy pag-issue ng pekeng ticket sa FARM-C sa Manoc-manoc.

Nabatid na itong usapin ay pinag-usapan ng mga komiteba dahil umano sa maanomalyang nangyayari dito.

Kung matatandaan nais ni SB Dante Pagsuguiron na gumawa ng resolusyon upang makapagbigay ang Treasurers Office ng report hinggil sa nasabing isyu, habang sinabi naman ni Jupiter Gallenero na sa oras na hindi nila maipasa ang report, dito na sila magsasagawa ng imbestigasyon.

At nito ngang nakaraang Martes, naging bisita muli sa 23rd Regular Session ng SB si Boneres Pagsuguiron, dating trabahador sa FARM-C, kasama si Municipal Agriculturist Denric Sadiasa at PO3 Jerone Gregorio ng Maritime Police upang alamin kung ano na ang aksyong kanilang ginagawa dahil hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa rin nabibigyang solusyon ang naturang problema.

Ayon kay Gregorio, nagsasagawa na umano ng hot pursuit ang mga pulisya upang mahuli kung sino ang nasa likod ng mga pekeng tickets sa isla.

Magugunitang sa nakalipas na 19th Regular Session ng SB ay naipagkumpara ang original at fake tickets base sa isinagawang ocular inspection sa mga snorkeling ticket, kung saan nakitaan ito ng pag-kakaiba partikular na sa digit ng serial number nito.

Samantala, naging suhestiyon naman dito ni Liga President Julieta Aron na kung maari ay dalhin na ang usapin sa legal body, dahil matagal na umano itong issue subalit hanggang ngayon ay hindi parin nalulutas.

Ang Farm-C ay isang NGO na namamahala sa mga fish sanctuary na pinupuntahan ng mga turista para sa kanilang Snorkeling Activity.

Ginang sa Boracay, kalaboso matapos mahuli sa Buy- bust operation

Posted December 22, 2016
Ni Danita Jean A. Pelayo, YES FM Boracay

Image result for BUY-BUST OPERATION WORD
Nahuli ang isang ginang sa Brgy. Yapak, Boracay sa isinagawang buy- bust operation ng Boracay PNP kahapon.


Kinilala ang naarestong suspek na si Ronellie Morit, 39-anyos na tubong tumandok ng Agusan Del Sur.

Nakuha dito ang dalawang sachet ng pinaghihinalaang shabu at isang libong piso na buy-bust Money.

Kakaharapin ni Morit ang kasong paglabag sa R.A 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Aklanong Atleta, nakapag-uwi ng medalya mula sa swimming competition sa Dubai

Posted December 22, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for Kyla SoguilonHindi na matinag ang  dala ni Kyla Soguilon dahil sa ipinamalas nitong galing matapos manalo sa katatapos na 2016 Hamilton Aquatics Winter Long Course Swimming Championship sa Dubai, United Arab Emirates.

Nabatid na itinanghal itong Most Outstanding Swimmer sa 12-and-under division sa naturang  International Competition matapos makuha ang pitong medalya.

Ang napanalunang medalya ng 12-anyos na si Soguilon ay isang ginto, isang bronze, at limang silver medal kung saan ito ay kanyang naiuwi mula sa 12-and-over 100 meter freestyle event sa oras na 1:05.37.

Limang silver medal sa 12-and-over 400 meter individual medley, 50m freestyle, 50m backstroke, 200m backstroke, 100m backstroke at nakuha naman niya ang bronze medal mula sa 100 meter butterfly.

Dahil dito, malaking bagay umano sa lahat ng mga Aklanon na maituturing ang pagkakapanalo ng mga batang atleta dahil hindi lang nila dala ang kanilang pangalan pati na ang lalawigan ng Aklan.

Wednesday, December 21, 2016

Pagtatayo ng Jollibee sa front beach ng Boracay, pinag-usapan sa SB Malay

Posted December 21, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

SB Malay Session
Tumungo sa Sangguniang Bayan ng Malay ang representante ng Jollibee Food Corporation na si Inocencio Huyong ito’y upang ipaabot sa mga kina-uukulan ang kanilang planong pagtatayo ng Jollibee sa front beach ng isla ng Boracay.

Sa 23rd Regular Session ng SB-Malay nitong Martes, naging pangunahing bisita si Huyong kung saan i-prenesinta nito sa komite ang itsura ng kanilang itatayong fast food chain sa station 2.

Aniya, hindi lang umano para sa kanilang negosyo ang kanilang ipapatayong fast food kundi pati narin ang pag-promote ng Art sa isla.

Nabatid kasi na Tubular Design ang gagawin sa harapang bahagi nito kung saan tuwing gabi ay magkakaroon ng isang hindi pangkaraniwang ilaw na magiging sentro ng atraksyon sa mga turista lalo na sa mga dumadaan sa kahabaan ng front beach.

Dahil dito, nagkomento naman ang mga miyembro ng komite partikular na sa kung ano umano ang mga paglalagyan ng pagkain.

Ayon kay Huyong, ang gagamitin nila dito ay ang Biodegradable.

Nabatid na ito umanong proyekto ay kauna-unahang itatayo sa isla kung sakaling ma-aprubahan ito ng Konseho.

Samantala, suhestiyon naman ni SB Neneth Graf tungkol sa nasabing usapin, dapat umano ang magiging empleyado dito ay mga Malaynon.

Nabatid kay Huyong na 60 porsyento umano sa Lokal at 40 porsyento naman sa labas ang kanilang kukuning empleyado dito.

Kaugnay nito, itong usapin ay ini-refer naman sa Committee Land and Use, Environmental at Tourism.

Mahigit isandaang tricycle operators sa bayan ng Kalibo, gagawing Tour Guide

Posted December 21, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for tour guideUpang mas mapalawak pa ang industriya ng turismo sa bayan ng Kalibo, isinailalim umano ngayon sa libreng Basic Tour Guide Training ang mahigit isandaang mga tricycle operator.

Ayon kay Kalibo Tourism Officer Rhea Meren-Ibesate, layunin umano nito na maturuan ang mga driver kung paano mabigyan ng  serbisyo at impormasyon ang mga turista at bakasyunista tungkol sa magagandang Tourist Spot sa Kalibo.

Nabatid na tinuruan pa umano ang mga ito ng Personality Development, Storytelling, responsibilidad ng mga Tricycle Drivers sa turismo at bilang mga Tour Guide na rin.

Kaugnay nito, bibigyan naman ang mga ito ng standard Tour Guide Vests, Sticker Logo ng Vibrant Kalibo para sa kanilang mga binabiyaheng tricycle.

Samantala, ito umanong training ay ginastusan ng Department of Social Welfae and Development (DSWD) na umabot sa mahigit apatnadaang libong piso.

Noche buena items, hindi gagalaw ang presyo- DTI

Posted December 21, 2016
Ni Danita Jean A.Pelayo, YES FM Boracay

Image result for dti
Tiniyak ng DTI- Aklan sa mga mamimili na walang paggalaw sa mga presyo ng mga Noche Buena items ngayong holiday season.


Ito ay alinsunod sa Suggested Retail Price (SRP) sa mga produktong mabenta tuwing holiday season katulad na lamang ng keso, hamon at iba pa, base na rin sa isinagawang regular price monitoring ng DTI.

Ang pananatili ng presyo ng mga bilihin ngayong papalapit na pasko at bagong taon ay nakabase rin sa presyo ng buong nasyon.

Ayon naman kay Department of Trade and Industry (DTI) Aklan OIC Provincial Director Carmen Ituralde, namigay na umano sila ng mga poster na naglalaman ng SRP ng mga bilihin sa mga retail outlets.

Samantala, sa pamimili naman ng mga gagamitin sa paghahanda, paalala nito sa publiko na siguraduhin umanong i-tsek muna ang mga ang petsa ng mga produktong ito.

PHO-Aklan at Department of Health, nagkaisa sa total ban sa paputok

Posted December 21, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for PHO-Aklan sa mga paputokNagkaisa ngayon ang Provincial Health Office (PHO-Aklan) at Department of Health (DOH) sa pagpapatupad ng total ban sa mga paputok ngayong kapaskuhan at pagsalubong ng bagong taon.

Ito ang sinabi ni Aklan Provincial Health Officer 2 Dr. Cornelio Cuachon Jr. sa isinagawang pagpupulong ng Provincial Health Office (PHO-Aklan) kaugnay sa Iwas Paputok Campaign.

Puspusan ang kampanya ng kagawaran sa pag-iwas sa paputok at sa halip ay hinihikayat ang kumunidad na maglaan na lamang ng designated area parasa fireworks display.

Image result for dohSa datos ng DOH, lumalabas na madalas na biktima ngpaputok ay ang mga kabataan na nasa edad 15-anyos pababa.

Nabatid na nagsagawa ng motorcade ang kanilang opisina kabilang ang ibat-ibang representante ng MDRRMO sa probinsya at mga concern agencies nitong 13 ng Disyembre.

Kasabay nito, muling hinikayat ni Cuachon ang publiko na gumamit nalang ng mga alternatibong pampaingay sa pagsalubong sa bagong taon.