Posted September 30, 2017
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES THE BEST
Boracay
Nagsagawa ng
inspeksyon at pag-aaral ang mga opisyal ng isang Chinese corporation para sa
isang feasibility study sa itatayong tulay na magdudugtong sa Iloilo, Guimaras
at Negros Island.
Nag-courtesy call
ang China Communications Construction Company (CCCC) Highway Consultants Co.
Ltd. na nakabase sa Beijing kasama ang mga opisyal ng Department of Public
Works and Highways (DPWH) sa Governors Office ng Guimaras.
Ang layunin ng
mga ito ay para tingnan at pagplanuhan ang gagawing construction na
magkokonekta sa itatayong Iloilo, Guimaras at Negros bridge sa lugar kung ito
ba ay posibleng gawin.
Kasama ng mga
kinatawan mula sa nabanggit na Chinese builders ay sinamahan ni Buenavista
Guimaras Mayor Eugene Reyes ay tiningan nila ang site na posibleng pagtayuan
nito.
Nasasabik na ang
mga residente ng Guimaras na masimulan at matapos ang itatayong tulay dahil isa
itong malaking tulong sa turismo na mapadali sa kanilang byahe lalo na kung malakas
ang alon o masama ang panahon.
Ang tulay na
magkokonekta sa Iloilo papuntang Guimaras ay may haba ng 2.6 kilometro ay balak
simulan sa last quarter ng susunod na taon.
Samantala,
kinakailangan umano ang P27 Billion budget para sa proyektong ito ayon sa
National Economic Development Authority Region 6.