YES THE BEST 911 BORACAY

Friday, June 07, 2019

Bagsak presyo ng ilang Travel Agency tinalakay sa Sangguniang Bayan

Posted June 5, 2019
Inna Carol L. Zambrona, YES THE BEST BORACAY NEWS DEPARTMENT

Image may contain: living room and indoorNais paimbestigahan ni Sangguniang Bayan Member Dante Pagsuguiron ang isang Travel Agency dahil sa nagbibigay umano ito ng bagsak presyo o mas mababang taripa sa mga turista.

Nag-ugat ang alegasyon sa sumbong ni Thomas Santiago, Presidente ng Chinese-Pilipino Community at tinukoy nito na isang Chinese National ang nagpapatakbo ng naturang travel and tour agency.

Sa kaniyang privilege speech, inihalimbawa ni Pagsuguiron ang presyuhan sa Helicopter Tour kung saan nasa P4,500 hanggang P4,900 ang rate subalit mahigit tatlong libo lang ang ino-offer ng nasabing agency na malayo umano sa taripa na dapat sundin.

Dahil sa komplikadong isyu, nais malaman ng Sangguniang Bayan kung akreditado o miyembro ng Boracay Island Travel and Tour Operators Association (BITATOA) ang inirireklamong agency.

Nais kasi ni SB Nenette Aguirre-Graf na huwag na itong idaan sa plenaryo at irefer sa committee level para maresolba ang isyu.

Samantala, sinangayunan ito ni SB Bautista na idaan ito sa Committee Hearing at suhestyon nito na imbitahan sa sususnod na sesyon ang Water Sports Activity Association.

Dagdag pa ni Bautista na hindi pwedeng basta-bastang magpababa ng tariff rate ang mga operators ng water sports at ilang tour operators hanggat hindi na-a-aprubahan ng BITATOA.

Kung maaalala, regulated ng LGU Malay ang lahat ng rate ng water sports at island activities sa Boracay.

Dahil dito, napagkasunduan na imbitahan sa susunod na sesyon ang presidente ng Travel and Tours na si Thomas Santiago at Russel Cruz ng Water Sports Association.

Thursday, June 06, 2019

Bagsak presyo ng ilang Travel Agency tinalakay sa Sangguniang Bayan

Posted June 6, 2019
Inna Carol L. Zambrona, YES THE BEST BORACAY NEWS DEPARTMENT

Nais paimbestigahan ni Sangguniang Bayan Member Dante Pagsuguiron ang isang Travel Agency dahil sa nagbibigay umano ito ng bagsak presyo o mas mababang taripa sa mga turista.

Nag-ugat ang alegasyon sa sumbong ni Thomas Santiago, Presidente ng Chinese-Pilipino Community at tinukoy nito na isang Chinese National ang nagpapatakbo ng naturang travel and tour agency.

Sa kaniyang privilege speech, inihalimbawa ni Pagsuguiron ang presyuhan sa Helicopter Tour kung saan nasa P4,500 hanggang P4,900 ang rate subalit mahigit tatlong libo lang ang ino-offer ng nasabing agency na malayo umano sa taripa na dapat sundin.

Dahil sa komplikadong isyu, nais malaman ng Sangguniang Bayan kung akreditado o miyembro ng Boracay Island Travel and Tour Operators Association (BITATOA) ang inirireklamong agency.

Nais kasi ni SB Nenette Aguirre-Graf na huwag na itong idaan sa plenaryo at irefer sa committee level para maresolba ang isyu.

Samantala, sinangayunan ito ni SB Bautista na idaan ito sa Committee Hearing at suhestyon nito na imbitahan sa sususnod na sesyon ang Water Sports Activity Association.

Dagdag pa ni Bautista na hindi pwedeng basta-bastang magpababa ng tariff rate ang mga operators ng water sports at ilang tour operators hanggat hindi na-a-aprubahan ng BITATOA.

Kung maaalala, regulated ng LGU Malay ang lahat ng rate ng water sports at island activities sa Boracay.

Dahil dito, napagkasunduan na imbitahan sa susunod na sesyon ang presidente ng Travel and Tours na si Thomas Santiago at Russel Cruz ng Water Sports Association.

Menor de edad huli matapos tangkang nakawan at sunogin ang pinasok na bahay

Posted June 4, 2019
Inna Carol Zambrona, Yes The Best Boracay NEWS DEPARTMENT

Image may contain: one or more people, people standing, plant, tree and outdoorNasa kustodiya na ngayon ng Womens and Children Protection Desk WCPD ng Malay PNP ang isang menor de edad matapos nitong tangkang pagnakawan at silaban ang loob ng isang bahay-paupahan sa Brgy. Yapak, nitong hapon.

Ayon sa may-ari na si Raymond Manalo, napansin umano nitong umuusok ang pinauupahang bahay kung kaya’t agad niya itong pinuntahan at doon nga naaktuhan nito ang suspek na na sinusunog ang loob ng bahay.

Bago nito, dumaan umano ang suspek sa bintana at ng malaman na nasa loob na ito ay sinarado ito ni Manalo para hindi ito makatakas.

Agad namang naapula ang apoy na nagmula sa mga sinilabang papel at karton.

Hindi naman sukat akalain ni Manalo na magagawa ito ng batang suspek na ayon sa huli ay madalas sa lugar.

Nabatid na ang bahay ay pinapaupahan ni Manalo sa mga trabahador ay contractor ng isang hotel na malapit sa area.