YES THE BEST 911 BORACAY

Friday, April 29, 2016

Boracay New Cost, nag-turn over ng 60 garbage bill sa LGU Malay

Posted April 29, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Nagturn-over ng 60 garbage bill ang Boracay New Cost sa LGU Malay para sa ibat-ibang establisyemento sa isla.

Ito ay ginanap sa Balabag, Plaza kung saan personal itong tinananggap ng LGU Malay sa pamamagitan ng Solid Waste Management at Environmental Office mula sa Boracay New Coast Management.

Sa panayam ng himpilang ito kay Environmental Management Specialist Engr. Tresha Lozanes, ang tinurn-over na 60 garbage bill ng New Coast Boracay ay ibibigay nila sa ibat-ibang establishment sa isla.

Layunin umano ng kanilang team na panatilihing malinis ang Boracay sa pamamagitan ng pagkakaroon ng mga garbage bill.

Sa kabila nito hiniling naman ni Lozanes sa mga mabibigyan nito na dapat ay gamitin itong mabuti at i-segregate ng maayos ang kanilang basura.

Nabatid na ang ibinagay ng LGU Malay noong nakaraang taon sa mga establiyemento ay hindi nagamit ng maayos at ang iba ay nawawala na.

Korean national, patay habang nag-sasagawa ng diving class

Posted April 29, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for NATAGPUANG PATAYPatay ang isang turistang Korean national na si Sunmi Kang 40-anyos habang nagsasagawa ng diving class sa isla ng Boracay kahapon.

Ayon sa blotter report ng Boracay PNP, dumaing umano ng paninikip ng dibdib ang biktima at hirap sa paghinga habang sila ay nag-sasagawa ng diving class kasama ang iba pang grupo ng turista.

Dahil dito, mabilis na inahon ng mga instructor sa tubig ang biktima at agad na nilapatan ng CPR habang sa pagdating ng Philippine Coast Guard sa lugar ay mabilis nila itong isinugod sa pagamutan.

Ngunit makalipas ng ilang minuto ay agad din itong binawian ng buhay base sa deklarasyon ng doktor na sumuri sa kanya.

Samantala, ang labi naman ng biktima ay dinala sa Prado Funeral home sa bayan ng Malay kung saan ikinamatay umano nito ay sakit sa puso.

Pasahero ng mga roro-vessel punuan para sa LaBoracay 2016

Posted April 29, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for laboracay 2016 dateMas pinili ng iilang mga turista mula sa ibat-ibang lugar sa bansa na sumakay na lamang ng mga Roro-vessel para magbakasyon sa Boracay o masaksihan ang LaBoracay 2016.

Ayon kay Special Operation III Jean Pontero ng Jetty Port Administration, sobrang dami na umano ngayon ang mga pasahero o mga turistang nagbabakasyon sa isla ng Boracay.

Nabatid na karamihan sa mga sakay ng Roro ay mula sa ibat-ibang siyudad sa Manila kung saan ang ruta nito ay mula sa Batanggas City hanggang Caticlan Jetty Port.

Napag-alaman kasi na halos fully booked na rin ang mga flight ng mga eroplano at medyo tumaas ang bentahan ng ticket.

Samantala, all-out naman ang pamunuan ng pantalan para sa pagpapaigting ng seguridad sa lugar katuwang ang mga pulis at mga taga Philippine Coastguard sa pagbabantay sa biyahe ng mga bangka hanggang sa kagamitan ng mga pasahero.

Ang LaBoracay ay kasalukuyan ng ginaganap ngayon sa isla hanggang sa Mayo 3 kung saan sa Mayo 1 o Labor Day ang siyang inaaasahang dami ng mga turista dahil sa kaliwat-kanang party on beach.

Boracay PNP, pinaalalahan ang mga turista laban sa mga kawatan

Posted April 29, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for boracay peopleLibo-libong katao ang inaasahang dadagsa sa isla ng Boracay ngayong linggo o mas kilala sa tawag na LaBoracay 2016.

Dahil dito ang Boracay PNP, sa pangunguna ni BTAC Deputy Chief at SPO1 Christopher Mendoza, PCR PNCO ay patuloy na nagsasagawa ng beach patrolling para bigyang paalala ang mga turista lalo na ang mga naliligo sa dagat na iniiwan ang gamit sa dalampasigan.

Nabatid kasi na karamihan sa mga turista ay iniiwan lang ang kanilang mga gamit sa puting buhangin sa tuwing sila ay naliligo kung saan hindi maiwasan na maaaring matangay ito ng mga magnanakaw na kadalasang problema sa isla.

Kasama naman sa pag-papaalala ng Boracay PNP ang Philippine Army at iba pang mga Law enforces na mahigpit na ring nagbabatay sa seguridad ngayon sa Boracay dahil sa dami ng turista.

Samantala, tiniyak naman ng mga pulis ang kaligtasan ng mga nagbabakasyon sa Boracay dahil sa kanilang 24 oras na security sa buong isla.

Thursday, April 28, 2016

Color coding ng mga tricycle sa unit, posibleng makansila dahil sa LaBoracay

Posted April 28, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for tricycle in boracayPosible umanong makansela muli ngayong taon ang color coding ng mga pampasaherong tricycle dahil sa event ng LaBoracay. 

Itoy dahil sa mga turistang paunti-unti ng dumadagsa para magbakasyon sa isla.

Ayon kay Boracay Land Transportation Multi Purpose Cooperative o (BLTMPC) Operation Manager Enrique Gelito, nag-pulong na umano sila kasama ang ibang lokal na ahensya para sa ganitong usapin upang ma-finalize na kung ano ang kanilang magiging desisyon para dito.

Subalit, hinihintay nalang umano nila ang opisyal na sulat na manggagaling sa Office of the Mayor kung saan pwede na nila itong agad-agad na maipatupad ang nasabing usapin.

Samantala, paalala naman ni Gelito sa mga driver na maging magalang at wag mag-overprize sa paniningil sa mga pasahero.

Gayundin, para naman sa mga magre-reklamong pasahero, pwede silang pumunta sa opisina ng BLTMPC at doon may nakalaan silang comment form para sa tricykle driver na kanilang ine-rereklamo.

Nabatid na kinansela ang color coding ng mga tricycle noong nakaraang taon sa kapareho ring event dahil sa sobrang dami ng mga pasahero.

Mahigit 50 libong turista inaasahang dadagsa ngayong LaBoracay 2016

Posted April 28, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for laboracay 2016Ang LaBoracay ang siyang dahilan kung bakit dumadagsa ang maraming turista sa isla tuwing huling linggo ng Abril hanggang Mayo 3.

Ito ay dahil sa ibat-ibang malalaking event na idinaraos sa isla na siyang gustong masaksihan ang mga aktibidad o party on the beach na ino-organisa ng malalaking kumpanya sa bansa maging sa labas ng Pilipinas.

Dahil dito ang Municipal Tourism Office sa pamumuno ni Municipal Tourism Officer Felix Delos Santos ay umaasa umanong aabot sa 50 libong turista ang makikisaya sa nasabing event.

Nabatid na tuloy-tuloy na ang buhos ng dami ng turista simula pa nitong mga nakaraang araw kung saan karamihan sa mga ito ay mag-babarkada na local tourist.

Samantala, inaasahan namang magpapa-ingay sa mga event sa Boracay ang mga kilalang Dj sa bansa gayon din ang mga sikat na artista.

Nabatid na umabot sa 50,099 na turista ang nakisaya sa LaBoracay week noong nakaraang taon kung saan ngayong 2016 ay nasa-ikatlong pagkakataon na itong ginagawa sa isla.

Driver habal-habal sa Boracay, timbog sa buy-bust operation

Posted April 28, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for buybustSa kulungan ngayon ang inabot ng isang driver ng motor matapos itong mahuli sa isinagawang buy-bust operation sa Sitio Bantud Brgy. Manoc-manoc, Boracay kahapon. 

Sa pinag-samang pwersa ng Malay PNP, Boracay PNP at Maritime Police nahuli ang suspek na si Hero Tingcay 33-anyos residente ng Zambuanga Del Sur at nakatira sa nasabing Brgy.
  

Nakuha sa suspek ang sinasabing 2 suspected shabu na may buy-bust money na P4, 000 ngunit maliban dito ay nakuhaan pa ng 3 suspected shabu ang suspek sa kanyang katawan na hinihinalang kanya ring ibenibenta.

Samantala, ang suspek ay naka-kulong na sa lock-up-cell ng Malay PNP at nakatakda namang sampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Kinita sa Regional Agri-Aqua Trade Fair 2016 umabot sa 1.5 Milyon

Posted April 28, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Umabot sa kabuuang P1, 564, 896 ang kinita sa isinagawang Regional Agri-Aqua Trade Fair 2016 sa naging selebrasyon ng 60th Anniversary ng probinsya ng Aklan.

Ito ay nilahukan ng mga partisipante sa Regional Exhibitors kung saan kumita sila ng P628, 423.50, habang ang Municipal Exhibitors naman ay kumita ng P347, 121 at ang Local Exhibitors ay may kitang P589,351.50.

Dito ibinibinta ng mga exhibitors ang kani-kanilang produkto mula sa kanilang mga lugar kagaya ng mga native at poultry products, delicacies mga halaman at iba-iba pang mga kagamitan sa bahay.

Nabatid na nagsimula ang nasabing exhibit nitong Abril 21, 2016 at nagtapos naman nitong Abril 26, 2016 na may temang “Produkto na Sagana at may Kalidad, Kabuhayan, Masagana”.

Ang nasabing aktibidad ay taunang ginanap sa probinsya para sa pagselbera ng Aklan Day kung saan ito ay isang linggong kasiyahan at exhibit sa lugar.

Legislative Quiz Bee ng ika- 60 Anniversary ng Aklan day, matagumpay na naidaos

Posted April 28, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for aklan capitolMatagumpay na natapos ang kompetisyon ng Legislative Quiz Bee sa ginanap na ika-60 Anniversary ng Aklan day.

Naganap ito bago ang anibersaryo Abril 21, 2016 sa Augusto B. Legaspi Memorial Sports and Cultural Center Capitol Building.

Ang nasabing kompetisyon ay kinabibilangan ng 23 group entries sa implementing agencies category at 18 naman sa student category na ang representante ay mga ahensya ng gobyerno, unibersidad at kolehiyo sa probinsya ng Aklan.

Nabatid na binuo ito ng mga katanungan sa labing tatlong kodigo at ordinansa na ipinasa ng Sangguniang Panlalawigan Aklan kung saan isa ito sa mga unang event na ginagawa bago paman ang anibersaryo ng probinsya na inobasyon ni Vice Governor Gabrielle Calizo-Quimpo.

Samantala, ang kampeon sa student category ay ang College of Law ng Aklan Catholic College at Implementing Agency Category na nag-uwi ng P12, 000 habang 1st runner up naman sa student category at pumangalawa sa Implementing Agencies ay ang Aklan National High School For Arts and Trades na tumanggap ng P9, 000 at pumangatlo ulit sa student category ang College Baccalaureate courses at Implementing agencies category ng Municipal Health Office ng LGU Ibajay na nakatanggap ng tig P6, 000.

Nabatid na ang naging quizmasters sa naturang kompetisyon ay sina Hon. Emmanuel Soviet Russia Dela Cruz SP member Aklan at Hon. Jay Tejada ng SB Tangalan.

Babaeng naghamon ng away, kulong sa Boracay PNP

Posted April 28, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay 

Kulong sa Boracay PNP ang isang babae na nanghamon ng away sa tinutuluyan nitong boarding house sa Brgy. Yapak, Boracay kaninang madaling araw.

Sa report ng mga pulis nakilala ang dalawang nagre-reklamo na si Elma Bacayan 63-anyos land lady ng Boarding house at Mary Jane Salazar 38-anyos habang kinilala naman ang suspek na si Rizalina Sagarino 42-anyos residente ng Lapu-lapu Cebu at nakatira sa nasabing Brgy.

Sumbong ng dalawa sa Boracay PNP, nasa ilalim umano ng nakakalasing na inumin ang suspek ng dumating sa lugar kung saan pinag-hahamon nito ng away ang mga boarders.

Nabatid na dahil umano sa hindi mapatigil sa pag-wawala ang suspek ay dito na nila ito tinawagan ng pulis na ngayon ay pansamantalang nakakulong sa lock-up-cell ng Boracay PNP dahil sa nagawang panggugulo.

Wednesday, April 27, 2016

Passengers assistance desk sa Caticlan Jetty Port ilalatag na para sa LaBoracay 2016

Posted April 27, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for LABORACAY 2016Bukas na sisumulang ilatag ang Passengers Assistance Disk sa Caticlan Jetty Port at Cagban Port para sa pagsisimula ng LaBoracay 2016.

Ayon kay Special Operation III Jean Pontero, nagsisumula na umano kasing bumuhos ang dami ng mga pasaherong papunta sa isla ng Boracay para sa nasabing napakalaking event sa isla.

Sinabi nito na ang Passengers Assistance Desk ay kinabibilangan ng mga pulis, Coastguard, medical team at iba pang law enforces para sa pagpapaigting ng seguridad sa mga pantalan.

Maliban dito nagpulong na rin umano ang pamunuan ng Jetty Port para sa iba pang paghahanda sa pagbuhos ng maraming tao lalo na sa biyahe ng mga bangka.

Ang LaBoracay ay tanyag sa ibat-ibang mundo dahil sa kaliwat-kanang party sa beach area ng Boracay na ginaganap tuwing huling araw ng Abril hanggang Mayo 1.

Publiko pinag-iingat sa mga nauusong pagkain ngayong summer

Posted April 27, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for summer foods“Pagkain dito, pagkain doon”

Ito ang kadalasang nakikita natin tuwing panahon ng tag-init o summer.

Dahil dito nag-paalala ngayon ang Provincial Health Office (PHO) sa publiko sa ibat-ibang pagkain na nagsisilabasan tuwing tag-init. 

Ayon sa PHO huwag basta-bastang bumili ng pagkain sa kung saan-saan lalo na kung hindi segurado sa mga sangkap na ginamit para rito at kung hindi naman malinis ang lugar na maaari ring pag-mulan ng ibat-ibang sakit.

Nag-paalala din ang mga ito na iwasan ang pagbili ng pagkain na mabilis mapanis ngayong mainit na panahon kagaya ng mga pasta at may sangkap na gatas.

Samantala, dapat umanong magtagal lang ng apat na oras ang pagkain pagkatapos lutuin kung saan kinakailangan din itong initin kung hindi naubos bago ulit kainin o kaya ay ilagay sa refrigerator.

Comelec Aklan wala pang go signal para sa mga ballot box

Posted April 27, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for ballot box VCMHindi pa umano nakakakuha ng go signal ang Commission on Elections (Comelec) Aklan kung kaylan sila makakakuha ng mga ballot box sa probinsya.

Ayon kay Getulio Esto ng Comelec Provincial Office, wala pa sa kanilang sinabi ang national office kung kaylan ang nakatakdang petsa para sa pag-deliver ng nasabing box.

Ito din umano kasi ay sa ilalim ng Provincial treasurer kung saan ipamamahagi naman ito sa bawat municipal treasures office tatlong araw bago ang halalan sa Mayo 9, 2016.

Nabatid na nagsimula na sa kalapit na probinsya ng Iloilo kahapon ang pamamahagi ng ballot box sa mga clustered precincts.

Samantala, puspusan na ngayon ang paghahanda ng Comelec Aklan para sa nalalapit na halalan kung saan ilang kaliwat-kanan ang kanilang ginagawang pakikipag-pulong sa mga otoridad para sa malinis at patas na eleksyon sa probinsy.

Tuesday, April 26, 2016

Sa kabila ng sobrang init, Aklan hindi apektado ng El Niño

Posted April 26, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay   

Image result for tagtuyotHindi umano apektado ng El Niño ang probinsya ng Aklan base sa pahayag ni Salome David, Provincial Agriculturist ng Agricultures Office.

Ayon kay David, walang mga bayan sa Aklan ang nakapag-sumite sa kanilang ng mga report na ang kanilang mga pananim ay apektado ng sobrang init.

Sinabi nito na bago paman naranasan ngayon ang tindi ng init ay nakapag-harvest na umano ang mga magsasaka ng kanilang mga panamim lalo na ang mga palay.

Idinagdag din nito na isinailalim na umano ngayon sa state of calamity ang katabing probinsya na Iloilo dahil sa sobrang init na nararanasan doon kung saan namamatay na ang mga pananim dahil sa sobrang pagkatuyo ng lupa.

Samantala tiniyak naman ng tanggapan ni David na handa sila sakaling maranasan nga ang sobrang init sa probinsya kung saan ilang hakbang ang kanilang gagawin para matulungan ang mga magsasaka.

Taiwanese national, patay na ng makita sa dagat

Posted April 26, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Patay na ng matagpuan ang turistang Taiwanese national matapos itong malunod sa dagat sa Station 1, Brgy. Balabag, Boracay kaninang 5:30 ng umaga.

Ayon kay PO1st Condrito Alvares ng Philippine Coast Guard Boracay, pasado alas 2:30 umano ay kasama ng biktima na si Hsiu Ming Li, 31-anyos ang kanyang mga kaibigan na naglalakad sa tubig malapit sa Boracay rock at sinasabing bigla itong nawala.

Sa pagkakataong yun ipinagbigay alam ng mga ito sa pulis na naka-assign malapit sa area at tumawag ito ng Philippine Coast Guard na mabilis namang dumating kung saan agad namang nagsagawa ng pagsisid ang mga ito sa lugar.

Natagpuan ang bangkay na nakalutang subalit, umabot ng mahigit dalawang oras ang paghahanap at nakita itong nakalutang mga bandang alas 5 y-medya na kaninang umaga.

Samantala dumating naman ang mga kasamahan nito para kilalanin ang bangkay at dito nga ay kinilala nila ang biktima dahil dito napagpasyahan nilang dalhin ang labi ng biktima sa Prado Funeral Homes sa bayan ng Malay.

Kaso ng dengue ngayon sa Aklan tumaas ng 155%

Posted April 26, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for dengueTumaas na naman ngayon ng 154.62 percent ang kaso ng dengue sa probinsya ng Aklan base sa tala ng Provincial Health Office (PHO).

Dito nakapagtala ng record ang PHO ng 303 na kaso mula noong Enero 1 hanggang nitong Abril 13 ngayong taon kumpara sa kaparehong period noong 2015 na umabot lamang sa 119 na kaso.

Karamihan naman sa mga tinamaan nito ay mga bata na nasa edad 1 hanggang 10-taong gulang base naman sa datos ng Provincial Epidemiology Surveillance and Response Unit.

Nabatid na lahat naman ng mga bayan sa Aklan ay may kaso ng dengue kung saan nangunguna nga rito ang bayan ng Kalibo na may 66 na kaso, sumunod ang Malay na may 31 at Banga na may kasong 29.

Sinundan din ito ng bayan ng New Washington na may 23 na kaso; Nabas, 22; Buruanga, 21; Numancia, 18; Balete at Libacao na may tig-14 na kaso; Malinao, 11; at Batan, 10.

Samantala iba pang bayan na may 10 pababang kaso ay ang bayan Makato at Tangalan na may tig-siyam; Ibajay, walo; Altavas, pito; Madalag, apat; at Lezo, tatlo.

Mahigit isang libong BEI sa Aklan, magsisilbi ngayong halalan

Posted April 26, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for bei electionUmabot umano sa 1,818 BEI members ang magsisilbi sa 606 clustered precincts at mag-aasista sa 345,359 registered voters sa probinsya ng Aklan ngayong halalan.

Ito ang sinabi ni Chrispin Raymund Gerardo, information officer ng Commission on Elections (Comelec) Aklan sa isinagawang political forum sa Boracay nitong Sabado.

Isinailalim na rin umano ang mga ito sa ibat-ibang training kagaya ng bagong voting procedures.

Nais umano ni Gerado na masiguro ang kaalaman ng mga BEI sa pag-operate ng nasabing Voting Counting Machine (VCM) sa oras ng halalan.

Samantala ang mga nasabing machine ay nakatakda umanong i-deliver sa mga lugar sa Aklan sa darating na Mayo 6, 2016.

Monday, April 25, 2016

Ama, tinaga ang sariling anak sa Batan, Aklan

Posted April 25, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for kulongMalubha ngayon ang kondisyon ng isang anak matapos tagain ng sariling Ama sa Brgy. Man-up, Batan, Aklan.

Nakilala ang biktima na si Norvin Policarpio 27-anyos habang kinilala naman ang Amang suspek na si Efren Policarpio 56-anyos kapwa residente ng nasabing lugar.

Ayon kay PO2 Racel Miaral ng Batan PNP, despiras umano ng pesta sa kanilang Brgy. ng nag-iinuman sila kasama ang bisita ng kapatid ng biktima kung saan sinasabing nagalit ito ng nag-paalam ang bisita na uuwi na.

Napag-alaman na dahil umano sa galit ng kapatid sa biktima ay nag-wala ito kung saan hinabol niya ito ng kutsilyo.

Ngunit, dahil sa kalasingan din ng kanilang ama ay kumuha din ito ng kutsilyo at tinaga niya sa ibat-ibang parti ng katawan ang kanyang sariling anak.

Samantala, agad namang na-aresto ang ama ng mga pulis kung saan hinihintay nalang ngayon ang desisyon ng anak nito kung siya ba ay sasampahan ng kaso.