Posted April 20, 2018
Yes The Best
Boracay NEWS ---- Isang public consultation ang isinagawa ng grupo ng I Am
Boracay Coalition na binubuo ng Bagong Alyansang Makabayan, NUPL, at Bayan Muna
kahapon ng hapon sa isla ng Boracay.
Nais ni Zarate na iparating na hindi lahat ay pumapabor
sa closure ng isla dahil malaki ang magiging epekto ng hakbang na ginawa ng
gobyerno sa ekonomiya ng probinsya at kabuhayan ng mga maliliit na mamamayan ng
Boracay.
Hindi rind daw malinaw at detalyado ang plano ng gobyerno
lalo na ng mga ahensya ng DENR, DOT, at DILG.
Ipinunto pa ng I Am Boracay Coalition na lahat ay anunsyo
lang at walang pirmadong EO o Executive Order at wala ring inilabas na
Presidential Proclamation ang Pangulong Duterte.
Ito rin ang mga katanungan ni Atty. Angelo Guillen ng
NUPL na nais malaman ang legal na aspeto ng pagpapasara ng pangulo dahil hindi
man lang umano ito nagsagawa ng public consultation.
Ani Guillen, dapat habulin at parusahan ang violators at
huwag ng bigyan ng perwisyo ang walang kasalanan lalo na ang mga maliliit at
ordinaryong tao na namumuhay sa Boracay.
Balak ngayon ng grupo na dalhin sa kongreso ang
sentimyento ng mga dumalo para maimbestigahan at maparating ang tulong mula sa
gobyerno na dapat matanggap ng mga apektadong sektor.
Bago nito, nagkaroon muna ng caravan protest ang mga
tutol sa “Boracay Closure” na nagsimula sa bayan ng Kalibo hanggang Barangay
Caticlan sa Bayan ng Malay.