YES THE BEST 911 BORACAY

Wednesday, January 10, 2018

Bako-bakung kalsada papuntang Jetty Port, dapat ayusin -Liga President Aron

Posted January 10, 2018
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES THE BEST Boracay

Image may contain: one or more people, people sitting, table and indoorNais na ngayong mabigyan ng aksyon ni Malay Liga President at Caticlan Punong Barangay Julieta Aron ang bako-bakung daan papuntang Caticlan Jetty Port.

Aniya, kailangan na ng agarang pagsasaayos itong kalsada dahil masyadong sira at lubak-lubak na ang dinadaanan ng mga motorista at mgaturista.

Ani Aron, base sa implementasyon ng pagsasaayos ng mga kalsada, nagbalik umano ang bidding nito sa national ayon narin sa impormasyon na ibinigay sa kanya ng Department of Public Works and Highways o DPWH.

Sa kabilang banda, sa conference na pinuntahan ni Aron kasama ang Ombudsman nag-request umano siya na tulungan ang kanilang matagal ng problema kung saan pinasiguro naman ng Ombudsman ang mabilisang pag-implementa sa pagsasaayos ng naturang kalsada.

Sambit naman ni Vice Mayor Sualog na kung maaari ay magrequest rin sa opisina ng Gobernador na matulungan upang mabilis itong maipatupad.

Kaugnay nito, binuksan rin ni Aron sa plenaryo ng SB Malay na kung pwede ang proyektong street light ay mailagay na sa kalsadahin ng Caticlan dahil aniya hanggang ngayon poste parin ang mga nakatayo doon.

Samantala, itong request ay pinasusumite sa DPWH Regional Office upang kanilang maaksyunan.

Itong usapin ay pinag-usapan sa 1st Regular Session ng SB Malay kahapon.

Mga Hotel at pension houses sa Kalibo, fully-booked na para sa ati-atihan 2018

Posted January 10, 2018
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES THE BEST Boracay

Image may contain: 2 people, people sitting and indoorIsang Linggo bago ang Ati-atihan Festival 2018, inihayag ni KaliboSto. Niño Ati-Atihan Foundation, Inc. (KASAFI) Chairman Albert Meñezna fully booked na ang mga hotel at pension houses sa Kalibo.

Patunay  aniya ito na dagsa nanaman ang mga taong gusting makibahagi sa taunang selebrasyon ng kapistahan ni Sr. Santo Niño.

Kasabay nito, umapela naman si Meñez sa lahat na makiisa sa mga inihandang aktibidad upang matunghayan nila ang mga panibagong aktibidad na inihandang KASAFI.

Bilang pakiki-isa sa"Mother of All Philippine Festivals" nakalatag narin ang security plan ng Aklan Police Provincial Office at Kalibo PNP para sa publiko at sa mga turista ng makikisaya.

Samantala, magsisimula ang isang linggong selebrasyon sa Enero a-kinse hanggang a benti-uno sa susunod na lingo.

Paggawa ng sand castle sa Front Beach sinuyod ng Boracay PNP

Posted January 10, 2018
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES THE BEST Boracay

Phote Credit: Boracay PNP
Patuloy ngayon ang ginagawang monitoring ng Boracay Tourist Assistance Center, Municipal Auxiliary Police (MAP) at Boracay Beach Guards sa mga gumagawa ng sand castle pagkatapos ng magkasunod na mga araw na operasyon sa pag-regulate ng nabanggit na atraksyon sa beachline ng Boracay.

Nag-ugat ang pagpatupad ng Municipal Ordinance Number 246 series of 2007" o An Ordinance Regulating Sand Castle Making pagkatapos ng mga sumbong at reklamong pang-aabuso sa mga turistang kumukuha ng litrato ng mga sand castle boys.

Ayon kay Municipal Advisory Council Member Vicky Aguirre-Salem, mismong siya ay nakasaksi sa panlolokong ginagawang sand castle maker kung saan nang siya ay dumaan sa dalampasigan ay narinig niya ang magnobyong turista na nakikipagdiskusyon sa gumagawa ng sand castle.

Nabatid kase na pinipilit ng mga sand castle boys na bumayad ang turista dahil kinuhaan umano nila ito ng litrato dahilan at pinuna naman ito ni Salem sabay paalala na ipapadampot ang mga ito sa pulis kung patuloy nila itong i-harass.

Iginiit nito na ang mga kahalintulad na pangyayari ay dapat aksyunan at dapat-i-implementa ang ordinansa para hindi maabusong ilang sand castle artist.

Kaugnay nito, mensahe naman ni Salem na sumunod ang mga gumagawa ng sand castle sa mga regulasyon na ipinapatupad at tulungang i-preserve ang isla ng Boracay.

Ang Municipal Advisory Council ay binubuong mga representante mula sa iba’t-ibang sector na siyang katuwang ng Boracay PNP sa ilalim ng PNP P.A.T.R.O.L PLAN 2030.

Samantala, nakapaloob sa ordinansa na bawal ang paggawang sand castle sa beach front lalung-lalo na kung ito’y malalaki, ginagawang pangkomersyal o pinagkakaperahan at kung sinuman ang lalabag sa nasabing ordinansa ay mahaharap sa kaukulang penalidad.

Pinapayagan naman ang sand castle making kung may kaukulang permit at kung may mahahalagang okasyon.