YES THE BEST 911 BORACAY

Thursday, September 17, 2015

Municipal Ordinance ng Malay inisa-isa sa mga Law enforcers sa Boracay

Posted September 17, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Nagsama-sama sa Orientation and Presentation of Output on Peace, Order and Security (POS) of Force Multiplier ng Boracay Action Group at ng Municipal Tourism ang mga law enforcers sa isla.

Dito isa-isang tinalakay ang lahat ng ordinansa ng Malay para sa isla ng Boracay lalo na ang sa front beach area kasama na ang pagpapatupad ng maayos na seguridad.

Ilan sa mga ordinansa para sa Boracay ay ang tungkol sa pagbabawal sa prostistusyon, smoking ordinance, pagkakalat ng basura, pag-regulate sa pagawa ng sand castle kasama na ang pag-regulate sa Activities ng Vendors, Peddlers, Ambulant Masseurs at Manicurist sa Boracay.

Kabilang din dito ang M.O sa pag-regulate sa aktibidad ng Mobile Photographers Practicing their Trade o Calling sa Territorial Jurisdiction ng Malay, Fire Dancing Shows, at ang ordinansa na nag-dedeklara na ang Boracay ay isang Noise Sensitive Zone, Operation ng Foreign at Local Tour guide, Tour Leaders, Tour Coordinators at Seasonal Foreign Workers.

Samantala, kasama sa nasabing aktibidad ang Municipal Auxiliary Police, Tourism Regulatory Enforcement Unit (TREU) Salaam Police, PNP, PCG at iba pang volunteer sa isla.

Ang naturang Orientation at Presentation ay dinaluhan naman ni Hon. John Yap, Island Administrator Glen SacapaƱo, Com Leonard Tirol ng PCGA Boracay at BAG Adviser, BFI President Jony Salme at Mike Labatiao ng Boracay Life Guard.

BFAR Aklan, pinagbawalan parin ang publiko na kumain ng shellfish

Posted September 17, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for shellfishHindi parin pinahihintulutan ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang publiko na kumain ng shellfish na galing sa Roxas City at sa bayan ng Batan sa Aklan.

Ito’y dahil sa nakaamba parin ang red tide sa dalawang bayan sa Capiz na kinabibilangan ng Ivisan at Sapian na sinundan naman ng bayan ng Batan.

Ayon sa BFAR Aklan, hindi parin umano ligtas ang pagkain ng shellfish o Alamang dahil positibo pa ito sa toxicity level na dulot ng red tide.

Kaugnay nito iginiit naman ng BFAR na ligtas namang kainin ang isda, hipon, squids at alimango sa lugar kung ito ay fresh at nahugasan ng mabuti at kung nakuha ang internal organs katulad ng hasang bago lutuin.

Matatandaan nitong nakaraang linggo ng ipinatigil ng BFAR ang pagbili at pag-angkat sa ibang lugar ng mga shellfish dahil sa sumirit na red tide.

Ang Capiz ay kilala bilang sea foods capital of the Philippines habang ang bayan ng Batan sa Aklan ay kilala rin dahil sa mga naglalakihang fishpond.

Mga Law enforcers sa Boracay, nagtipon-tipon para sa Peace, Order at Security

Posted September 16, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Nagtipon-tipon ang lahat ng mga Law Enforcers sa isla ng Boracay para sa pagpapaigting ng seguridad lalo na sa front beach area.

Ito ay inorganisa ng Municipal Tourism Office (Mtour) Malay kasama ang Boracay Action Group (BAG) na siyang nanguna sa diskasyon.

Nabatid na ang nasabing pagtitipon ay para pag-usapan ang Orientation & Presentation of Output On Peace, Order & Security para sa Boracay Beach Front.

Ilan sa mga dumalo rito ang Tourism Regulatory Enforcement Unit (TREU), SALAAM Police, Philippine Coastguard, Municipal Auxiliary Police (MAP), Philippine National Police, Philippine Army at iba pa.

Samantala, layun ng Orientation at Presentation na mapag-isa sa pananatali ng maayos na pagpapatupad ng seguridad ang mga Law enforcers sa Boracay na magiging katuwang ng mga pulis.

Ibat-ibang produkto sa Aklan, ibinida sa Tinda Turismo ng Tourism Week

Posted September 17, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Ibinida ng mga Aklanon ang ibat-ibang produkto sa probinsya kabilang na ang mga pagkain katulad ng delicacies sa Tinda Turismo sa Capitol Ground Kalibo Aklan.

Ito ay bahagi parin ng nagaganap na 4th year Aklan Tourism Week na nagsimula nitong Lunes at magtatapos naman ngayong araw ng Sabado.

Ang Tinda Turismo ay binuksan kahapon hanggang ngayong araw kung saan makikita sa area ng capitol ang produktong ipinagmamalaki ng mga Aklanon at pagkain na sa probinsya lang matitikman.

Ayon sa Aklan Provincial Tourism Office ang Tourism Week umano ay sa pakikipagtulungan sa Aklan Tourism Officers Association (AkTOA) kung saan nasa apat na taon na nila itong isinasagawa.

Maliban sa Tinda Turismo tapos na rin umano ang Tourism Quiz Bee na nilahukan ng mga estudyante at Bisikleta Karera.

Samantala, kabilang sa mga aktibidad ng Tourism week ang Sabor Aklan Cooking Challenge, Tourism Awareness Seminar, CSR Activity at AkTOA Fellowship.

Wednesday, September 16, 2015

Tricycle bumalikdad, sakay na mga estudyante sugatan; isa patay

Posted September 16, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for accidentNakakalungkot ang sinapit ng isang estudyante matapos na agad binawiaan ng buhay sa nangyaring aksidente sa bayan ng Buruanga, Aklan kaninang alas-11 ng umaga.

Sa report ng Buruanga, PNP, nakilala ang biktimang si Martina Joyce Flores, 14 anyos, estudyante at residente ng Brgy. Balusbos, Buruanga.

Maliban sa namatay na biktima, walo pang mga menor de-edad na estudyante ang nasugatan na sakay rin sa nasabing tricycle.

Base sa ginawang imbestigasyon ng Burunga PNP, mabilis umano ang pagpapatakbo ng sasakyan ng driver na si Philip Ostan, 32-anyos na residente ng Brgy. Katipunan ng nasabi ring bayan.

Nabatid na sumakay ang mga biktima sa naturang sasakyan mula sa Buruanga Vocational School papuntang bayan kung saan dahil sa sinasabing mabilis na pagpapatakbo ng driver ay nawalan ito ng kontrol dahilan para ito ay bumaliktad.

Sa ngayon patuloy na ginagamot sa pagamutan ang mga biktima kung saan si Flores ay mabilis na binawiaan ng buhay matapos hindi agad na agapan.

Samantala, ang driver na si Ostan ay nahaharap naman sa kasong Reckless Imprudence resulting to Homicide and Multiple Physical Injuries.

Construction Worker natagpuang patay sa loob ng barracks

Posted September 16, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for patayHindi akalain ng isang lalaki na matutulog na habang buhay ang kanyang katrabaho ng construction worker sa isang barracks sa Boracay.

Ito’y matapos na makailang beses niyang gisingin ang biktimang si Jonathan Delacruz, 39-anyos na nauna niyang nakitang natutulog ngunit ikinagulat nitong wala ng buhay ang biktima.

Sa ginawang imbestigasyon ng Boracay PNP, tinangka umanong gisingin ni Rodolfo Villanueva ang biktima ngunit wala na umano itong imik.

Dito mabilis namang tinawag ni Villanueva ang kanyang engineer at doktor ngunit hindi na umano ito nailigtas pa at agad na idinikalara na patay bandang ala-6:50 kaninang umaga.

Nabatid na Cardio arrest ang sanhi ng ikinamatay ng biktima base sa sumuring doktor.

Si Jonathan Delacruz, ay tubong Hinoba-an, Negros Occidental at nag-tratrabaho bilang construction worker sa isla ng Boracay.

Ilang residente sa Caticlan, nakatakdang mag-rally ngayong araw laban sa Caticlan Airport

Posted September 16, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Ngayong araw simula alas-7 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon ay nakatakda umanong mag-noise barrage protest ang ilang residente sa Caticlan Malay.

Ito’y laban sa pamunuan ng Caticlan Airport dahil sa kanilang ginagawang expansion project ng nasabing paliparan.

Nabatid na ilang residente o land owners ang apektado ng nasabing proyekto kabilang na rito ang paaralan at pagamutan.

Pangungunahan naman ng grupong No To Boracay Airport ang nasabing protesta bilang paraan umano nila na ipaglaban ang kanilang mga nasasakupang lupain na apektado ng expansion project.

Ang expansion project ay ginagawa para gawing International Airport ang kasalukuyang paliparan na inaasahang matatapos sa taong 2018.

P3 milyon na pondo ng LGU Malay mula sa DILG gagamitin umano sa tourism project

Posted September 16, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for Seal of Good Local GovernanceIsa ang bayan ng Malay sa Aklan sa nakapasa sa 2015 Seal of Good Local Governance ng Department of Interior and Local Government (DILG).

Dahil dito makakakuha ang Malay ng Php 3,000,000.00 na Performance Challenge Fund (PCF) na mula sa nasabing ahensya na gagamitin para sa kanilang proyekto.

Sa SB Session ng Malay kanina, mapupunta umano ang nasabing pera sa mga proyektong pang-turismo ng Malay kabilang na rito ang paglalagay ng mga street lights.

Nabatid na ang Malay kasama ang bayan ng Banga, Ibajay at Provincial Government ng Aklan ay nakapasa sa 2015 Seal of Good Local Governance mula sa assessment na isinagawa noong 2014.

Samantala, ang Provincial Government ay nakakuha naman ng Php 7,000,000.00 na siya namang gagamitin para sa ibat-ibang proyekto ng probinsya.

Local Government Unit layong masugpo ang human trafficking at illegal recruitment

Posted September 16, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for human traffickingNapiling mag-host ang bayan ng Kalibo para sa Executive Committee Meeting cum Advocacy and Action Planning of the Inter-Agency Task Force-Child Labor, Illegal Recruitment and Trafficking in Person.

Dito napag-usapan ang tungkol sa illegal recruitment at child labor na isa sa mga pangunahing layunin ng mga munisipalidad na masugpo ang nasabing problema.

Dito nagbigay ng kanyang mensahe si Mayor Rolando B. Distura ng Dumangas, Iloilo tungkol sa kung paano nila nilaban ang illegal recruitment at child labor sa kanilang lugar.

Nabatid na talamak ngayon ang illegal recruitment sa bansa kung saan isa ito sa ikinakabahala ng Local Government Unit kung kayat gumagawa sila ngayon ng hakbang para ito ay matigil na.

Samantala, kabilang sa mga dumalo sa Executive Committee Meeting ay ang ibat-ibang national government agencies kabilang na ang Department of Interior and Local Government (DILG), Philippine National Police (PNP), Department of Labor and Employment (DOLE), Department of Social Welfare and Development (DSWD), Prosecutor’s Office, Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP), Bureau of Immigration (BID), Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) at marami pang iba.

‘Oplan Katok’ ng PNP Kalibo, umarangkada na

Posted September 16, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for PNP OPLAN KATOKUmarangkada na ang Oplan Katok ng Philippine National Police (PNP) sa mga kabahayan sa bayan ng Kalibo.

Ayon kay Kalibo acting police chief Superintendent Pablito Asmod Jr. patuloy umano ang kanilang ginagawang pagbahay-bahay para bigyang paalala ang mga gun-owners tungkol sa expired firearm registrations.

Sinabi ni Asmod na ang Oplan Katok ay pinapangunahan ng Kalibo police at ng Aklan Public Safety Company kung saan dito sila nagbibigay paalala sa mga gun owners na e-renew o e-register ang kanilang mga baril para hindi ito makonsidira bilang loose firearms.

Ang Oplan Katok ay isang kampanya na isinasagawa sa buong bansa para mabawasan ang bilang ng loose firearms, kung saan kalimitan itong ginagamit ng mga kriminal sa paggawa ng krimen.

Tuesday, September 15, 2015

Construction worker sinaksak ng kapwa construction worker sa Boracay

Posted September 15, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for saksakSugatan ang isang construction worker sa Boracay matapos saksakin ng katrabaho nito sa Sitio. Diniwid Brgy. Balabag, Malay, Aklan.

Nagtamo ng sugat sa kaliwang bahagi ng kanyang likod mula sa pagkakasaksak ang biktima na si Marlon Caballero, 26-anyos na agad namang isinugod sa malapit na klinika sa Boracay.

Nabatid na nagtalo ang biktima at ang suspek na si Joel Crisolo 26-anyos sa loob ng kanilang barracks hanggang nagpang-abot ang mga ito sa labas kung saan dito pinagsusuntok ng suspek ang biktima at kumuha siya ng kutsilyo sabay unday sa likod ni Caballero.

Dahil sa nangyari agad na tumakas papuntang likuran ng barracks ang suspek ngunit bigo na itong mahanap ng kanyang mga kasamahan.

Samantala, sa isinagawang follow-up operation ng mga pulis sa lugar hindi naman nila mahagilap ang suspek ngunit patuloy parin nila itong pinaghahanap sa ngayon.

Ang biktima ay kasalukuyan ngayong nagpapagaling sa isang pagamutan sa bayan ng Kalibo.

Monday, September 14, 2015

Illegal tour guide sa Boracay nasampulan ng TREU

Posted September 14, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for illegalIlang Foreign Tourguide na sinasabing illegal ang nasampulan ngayon ng Tourism Regulatory Enforcement Unit (TREU) sa Boracay.

Ayon kay Tourism Regulations Enforcement Unit Head Wilson Enriquez, tinikitan nila ang mga foreign tourguide na hanggang ngayon ay hindi pa nakakapag-proseso ng kanilang mga dokumento sa LGU Malay.

Sinabi ni Enriquez na noong Pebrero pa dapat sila ng proseso ng kanilang mga permit ngunit hanggang ngayon ay wala pa umano ang mga itong pinanghahawakang mga papel para masabing legal ang kanilang operasyon sa isla ng Boracay.
                     
Dagdag nito tinitikan nila ng dalawang libo at limang daan ang mga illegal tour guide na kanilang mahuhuling nagsasagawa ng operasyon bilang first offense.

Samantala, maliban sa mga foreign tour guide sakit din umano sa ulo ang mga coordinator na wala ring permit ngunit patuloy pa ring nag-ooperate sa Boracay.

Oplan Operation Bakal sa mga Disco Bar sa Boracay pabor sa mga bar owners

Posted September 14, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Pabor umano ang mga bar owners sa “Oplan Operation Bakal” na ipinapatupad ng Boracay Tourist Assistance Center (BTAC) sa isla.

Ito’y matapos ang lingguhang operasyon ng mga pulis sa mga disco bar sa buong isla ng Boracay tuwing Biyernes at Sabado ng gabi.

Ayon kay Chief of Operation Section Police Inspector Joey Delos Santos ng Boracay PNP, nag-papaalam naman umano sila sa mga may-ari ng bar bago sila magsagawa ng nasabing operasyon.

Dito umano nila ini-inspeksyon isa-isa ang mga customer para malaman kung may dala ang mga itong ipinagbabawal na patalim o baril sa mga bar.

Samantala, wala pa naman umanong silang nahuhuling mga customer na may dalang mga nasabing ipinagbabawal na patalim.

Nabatid na kung sino ang mahuhuli nagdala ng armas katulad ng kutsilyo ay maaaring makasuhan ng Batas Pambansa at kung baril naman ay makakasuhan ito ng Illegal Possession of Firearms.

Electric Tricycle sa Boracay pinagbawalang magsakay ng maraming pasahero

Posted September 14, 2015
Ni Jay-Ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for e-trike sa BoracayPito na lamang ngayon ang dapat na sakay na pasahero ng Electric Tricycle (E-Trike) na bumibiyahe sa isla ng Boracay.

Ito’y matapos ang bagong ipinalabas na regulasyon ng Transportation Office ng Local Government Unit ng Malay sa tulong ng Municipal Auxiliary Police.

Nabatid na ipinagbabawal na ang pagpapasakay ng pasahero sa gilid mismo ng driver para maiwasan ang piligro na kung saan ay nagsisikan ang mga ito sa iisang upaan.

Napag-alaman na ang E-Trike ay nagsasakay ng siyam ng pasahero ngunit ngayon ay hindi na ito pinapayagan ng MTO.

Sakali namang mahuli ang mga driver na nagpapasakay ng sobrang pasahero ay huhulihin ang mga ito at mahaharap sa mga penalidad.

Ang E-Trike ang siyang magiging kapalit sa mga bumibiyaheng tricycle ngayon sa isla ng Boracay.