YES THE BEST 911 BORACAY

Friday, December 22, 2017

Mayor Cawaling, iniutos na bilisan ang Assistance para sa mga apektado ng bagyong Urduja

Posted December 22, 2017
Ni Inna Carol l. Zambrona, YES THE BEST Boracay

Iniutos na ni Malay Mayor Ceciron Cawaling na padaliin ang assistance sa mga naapektuhan ng Bagyong Urduja.

Kahapon sa opisina ng MDRRMO, pinulong ni Cawaling ang lahat ng Punong Barangay, LGU-Malay, PNP at lahat ng mga law enforcement unit para sa maagap na aksyon para sa mga nasalanta ng bagyo.

Nais nito alamin agad ang pangangailangan sa mga lugar at mga tao na naapektuhan ng naturang bagyo.

Sa ngayon, ayon kay Catherine Ong ng MDRRMO, sinimulan na nilang magsagawa ng damage analysis sa  buong Malay at isla Boracay  upang masimulan na ang pagbibigay ng tulong.  

BFP-Boracay, naka-heightened alert ngayong Holiday Season

Posted December 22, 2017
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES THE BEST Boracay

Image may contain: 2 people, people smiling, people sittingNaka-heightened alert ngayong holiday season ang hanay ng Bureau of Fire Protection Unit (BFP) Boracay.

 Sa pagbisita nina Fire Officer 2 Jay Ares Cavan at Fire Officer 1 Anabel Villanueva  ng BFP Boracay nitong Sabado sa programang Boracay Goodnews, inilatag nila dito ang kanilang mga paalala sa publiko patungkol sa papalapit na bagong taon at sa paggamit ng paputok.

Ipinaalala ni Villanueva sa mga bumibili ng Christmas Light na i-check ng mabuti kung aprubado ito ng DTI at kung may nakalagay itong Import Commodity Clearance (ICC) dahil ito ang siyang patunay na nakapasa ito sa Product Standard (PS).

Samantala, kung sa pagbibili naman ng paputok sa bagong taon mas mainam na magsagawa nalang ng mga pampaingay sa bahay kagaya ng turotot kaysa bumili ng paputok nang sa gayon ay iwas- disgrasya.

Dagdag pa ni Cava, kung bibili naman umano ng paputok ay mas maiging bilhin ito sa mga Display Center at may permit dahil ang mga ay sumailalim sa inspection ng bureau.

Dagdag pa nito patuloy din ang kanilang pagbibigay ng mga flyers o mga paalala sa mga residente sa Boracay tungkol sa pag-iwas sa sunog at pinasiguro na mag-aantabay sila lat naka-alerto lalo na sa new year’s eve celebration.

Monday, December 18, 2017

Malay at Boracay isa sa mga sinalanta ng “Bagyong Urduja”

Posted December 18, 2017

Image may contain: 6 people, people smiling, outdoor
Binaha ang halos malaking bahagi ng Malay kasama na ang isla ng Boracay sa kasagsagan ng pananalasa ng Bagyong Urduja kahapon araw ng linggo, Disyembre 17, 2017.


Naramdaman ang malakas na buhos ng ulan simula pa noong araw ng Sabado kung saan lubog sa tubig ulan ang 95% ng mga kalsada sa Boracay ayon sa LGU-Malay.

Sa kasagsagan ng bagyo, hindi madaanan ang area ng Napaan dahil sa landslide maliban pa sa rumaragasang tubig mula sa kabundukan na nagpabaha rin sa Motag, Dumlog at mga karatig barangay sa bayan ng Malay.

No automatic alt text available.
Nagkabitak din ang Balusbos Bridge at pansamantalang isinara dahil sa mga nagtumbahang kahoy sa national road sa nabanggit na lugar.


Bago nito, nagkansela ng byahe ng mga sasakyang pandagat ang Philippine Coast Guard alas-dose noong Sabado rason na daan-daan ang mga na-stranded sa mga pantalan ng Cagban at Caticlan.

Samantala, bagamat ni-resume ang byahe kahapon ng alas-dos ng hapon muli naman itong itinigil ng PCG dahil sa pag-iba ng  ng bagyo kung kaya’t marami pa rin ang hindi nakatawid at na-stranded sa mga jetty ports.

Maliban sa mga pagbaha, nawalan din ng suplay ng kuryente at mahinang pressure ng tubig dahil sa hindi magandang kalidad ng tubig na dumadaloy sa ilog ng Nabaoy na pangunahing pinagkukunan ng suplay ng Boracay.

Ngayon araw ay ikinansela ni Malay Mayor Ceciron Cawaling ang klase sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa Malay.

Alas-kwatro ng umaga ngayong araw ay nag-abiso ang PCG na pwede nang bumyahe papunta at palabas ng isla.


Thursday, December 14, 2017

Basura sa Boracay dapat i-segregate ng mabuti – Engr. Tayo EMB 6

Posted December 14, 2017

Ni Inna Carol L. Zambrona, YES THE BEST Boracay

“I-segregate ng mabuti”.

Ito ang sinabi at nais ipaabot ni Engr. Jan Michael Tayo ng Solid Waste Enforcer and Educator Team Leader-Environment Management Bureau Region 6 sa mga Boracaynon upang ma-resolba ang suliranin sa solid waste.

Nitong Sabado sa panayam sa kanya sa Boracay Goodnews, kailangan umano ng pauli-ulit na edukasyon sa mga tao upang sundin nila ang mga regulasyon na ipinapatupad at dapat mag-umpisa talaga ito sa mga kabahayan.

Iginiit nito dapat sa mga bahay palang simulan na ang pag-segregate ng maayos kung saan inihalintulad nito ang isang plastic bottle na tumatagal ng dalawang daan hanggang apat na raang taon bago matunaw kung ito ay nakakalat.

Sinabi pa nito na ang basura ay hindi problema ng isa o ibang tao kundi problema ng lahat na kailangang resolbahin.

Kaugnay nito, nakikipagtulungan sila sa mga Barangay pero bago nito ay isinasailalim muna nila ito sa mga seminar upang malaman nila ang implementasyon, regulasyon at ordinansa.

 Hinihikayat din ni Tayo ang mga Barangay dahil sila ay nagsasagawa ng house to house visit kung saan nasa proyekto nila ngayon ang tatlong taong aksyon na malinis ang Boracay.

Katuwang ng kanilang adbokasiya ay naglaan ng budgetang DENR para sa mga machine na gagamitin ng sa gayon ay makatulong sa MRF operation.

LGU Malay, nakasungkit ng parangal mula sa Regional Development Council 6

Posted December 14, 2017
 Ni Inna Carol L. Zambrona, YES THE BEST Boracay

Image may contain: 9 people, people smiling, people standing
Photo Credit Felix Delo Santos
Nasungkit ng Lokal na Pamahalaan ng Malay ang ibat-ibang parangal mula sa Regional Development Council 6 nitong Martes sa Iloilo City.

Narito ang mga natanggap na award:

1. Regional Rank 1 in Government Efficiency
2. Regional Rank 2 in Economic Dynamism
3. Regional Rank 1 in Infrastructure
4. Regional Rank 1 in Resiliency
5. Regional Rank 1 in 1st & 2nd Class Municipalities Over-All

Ang mga nasabing parangal ay pinagbasehan sa lahat ng mga LGU sa buong Region 6.

Nabatid na ito ang kauna-unahang RDC VI Recognition Ceremony of Competitive LGUs kung saan isa ang bayan ng Malay sa mga nag-uwi ng award.

Probinsya ng aklan may pinaka mabilis na pag-lago ng populasyon sa Reg. 6-psa

Posted December 13, 2017
Ni Teresa A. Iguid, YES THE BEST Boracay

Image result for highest growth population
Ang probinsya ng Aklan ngayon ang may pinakamabilis na pagtaas ng bilang ng populasyon taon-taon ayon sa Philippine Statistics Authority o PSA.

Sa naganap na session ng Sangguniang Panlalawigan ng Aklan, ipinakita ang report ng PSA kung saan lumalabas na ang probinsya ng Aklan ang may pinaka mataas na average ng annual population growth (PGR) sa loob ng taong 2000-2015.

Base sa report, tumaas ng 1.35 % ang populasyon mula 2010-2015, mas mataas kumpara sa mga probinsya ng Antique, Capiz, Iloilo, at Guimaras.

Habang mula sa taong 2000-2010 , ang Aklan ay may average annual population growth rate na 1.73% at mula naman sa taong 2000-2015 ay tumaas pa ng 1.60 na porsyento.

Sa datos, ang probinsya ng Aklan ay may total population na 575,000 sa taong 2015, kung saan ang bayan ng Kalibo ang ikatlo sa most populated town sa Region 6.

Samantala ang mga bayan naman ng Lezo, Madalag at Buruanga ay pasok sa top 10 least populated towns in the region.

Wednesday, December 13, 2017

HRP handa na para sa nalalapit na Simbang Gabi

Posted December 13, 2017
Ni Danita Jean A. Pelayo, YES THE BEST Boracay

Handa na ang Our Lady of the Most Holy Rosary Parish para sa siyam na umagang Misa De Gallo sa isla.

Sa katunayan, iniliabas na ang mga iskedyul para sa nalalapit na simbang gabi na mag-uumpisa  sa darating na Sabado, Disyembre 16 hanggang sa Disyembre 24 para sa mga gagawing misa kabilang ang sa Yapak Chapel at ManocManoc Chapel.

Samantala,  gaganapin naman sa alas-singko ng umaga ang misa para sa Malabunot Chapel at Hagdan Chapel.

Maliban dito, ang novena mass schedule naman ay nakatakda sa ika-13 ng Disyembre hanggang sa 23 sa Holy Rosary Parish Church ng alas-5 ng hapon,  Diniwid at Lapuz-lapuz chapel sa alas-sais ng gabi at sa Sinagpa Chapel dakong alas-syete ng gabi.

Samantala, sa darating na Disyembre 24 ilang oras bago ang pagdaos ng kapanganakan ni Hesus gaganapin sa alas-9 ng gabi ang misa sa Holy Rosary Parish kung saan alas-sais sa Yapak Chapel at alas-syete y medya naman sa ManocManoc Chapel.

Ang simbang gabi ay kaugalian nang idiraos bilang selebrasyon tuwing sasapit ang kapaskuhan.

Tema ng “Paskong Pinoy” ikakasa sa Boracay Christmas Festival

Posted December 13, 2017
Ni Danita Jean A. Pelayo, YES THE BEST Boracay

Image may contain: 2 people, people smiling, people standingIsang “Boracay Christmas Festival” ang matutunghayan sa isla ng Boracay ngayong buwan ng Disyembre.
Sa panayam ng himpilang ito sa Boracay Good News kay GTC Organizer Jann Wayne Sespeñe Homol, naisip umano ng kanilang grupo na magsagawa ng aktibidad kasabay ng nalalapit na simbang-gabi para gunitain ang tradisyonal na paskong pinoy.

Ayon kay Homol, ang kanilang konsepto ay nabuo para sa mga magsisimbang gabi na mas maramdaman nila ang diwa ng pasko na magsisimula mula alas-kwatro ng hapon hanggang alas-syete ng umaga mula a-kinse hanggang sa araw mismo ng pasko.

Nabatid na samu’t-sari ang maaaring matutunghayan tulad na lamang  bazaar, food booth  at mga palabas ang kanilang inihanda para sa mga taga-isla.

Kaugnay nito ang mga bumubuo sa bazaar ay ang mga RTW’s, Branded products, cosmetics, fragrance , toys at hand-made local products kung saan naka-categorized naman ang mga food booth.

Maliban dito magkakaroon din sila ng Parol Making Contest para sa mga estudyante ng Boracay mula sa mga recycled materials.

Samantala, ang tema ng naturang aktibidad ay “Paskong Pinoy”para ipakita ang Filipino Culture, ang malilikom sa aktibidad na ito ay ipapamahagi para sa isasagawang gift giving sa Day Care Center.

Monday, December 11, 2017

Dahil sa naiwang kandila, kwarto nasunog

Posted December 11, 2017
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES THE BEST Boracay            

Image may contain: plant, tree, outdoor and nature
Photo Credit Rb Bachiller
Nanghihinayang ang isang ginang matapos masunog ang kwarto ng kanilang bahay dahil sa naiwang kandila.

Sa imbestigasyon ni Fire Officer 2 John Henrey Eldesa ng BFP Boracay, nakatanggap sila ng tawag pasado alas nuebe ng umaga kahapon na nasusunog ang bahay ni Rosel Gusi sa Sitio Diniwid, Balabag.

Mabilis naman nilang ni-respondehan ang area kung saan inapula nila ang sunog na nagmula sa pangalawang palapag ng bahay ni Gusi.

Kaugnay nito, gawa sa mixed materials ang kwarto na mabilis na kumalat ang apoy kung saan tinatayang nasa P 100, 000 ang danyos sa nangyaring sunog.

Ayon kay Eldesa dahil sa naiwan na kandila sa loob ng kwarto ang pinagmulan ng sunog kung saan ay nagsindi ito ng kandila dahil sa death anniversary ng isa sa kanilang kapamilya.

Paalala naman ni Eldesa sa publiko na huwag hayaan ang mga sinindihang kandila upang maiwasan ang anumang insidente kagaya ng sunog.

Beach Signage ikakalat na ng LGU Malay

Posted December 11, 2017
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES THE BEST Boracay

No automatic alt text available.Handa na ang signages na ipapaskil sa beachline ng isla para mag-paalala sa mga turista at bisita sa mga ordinansa sa bayan ng Malay.

Ilan sa mga nakasulat ay ang mga  tulad ng pagkakalat, paninigarilyo, paggawa ng sand castle, pagkuha ng buhangin, at tourguiding na walang ID.

Sa ngayon ay nagpapatuloy ang paglalagay ng signages sa pamamagitan ng opisina ng MDRRMO upang magbigay paalala sa mga residente at magbigay kaalaman sa mga turistang dumadayo kung ano ang mga hindi nila dapat gawin sa isla.

Kaugnay nito, ang sinumang lumabag sa mga ordinansa ay papatawan ng penalidad kung saan nakakalat ang mga miyembro ng Malay Auxilliary Police (MAP) sa lugar para magbantay at hulihin ang mga violators.

Itong paalala ng LGU-Malay ay bahagi ng pakikipagtulungan upang maprotektahan ang number one tourist destination at kasalukuyang “number one beach in the world” na isla ng Boracay.

LGU Malay makikiisa sa National Simultaneous Earthquake Drill

Posted December 11, 2017
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image may contain: textMakikiisa ang Local Government Unit ng Malay sa National Simultaneous Earthquake Drill sa Biyernes, Disyembre a-kinse.

Ayon kay Catherine Ong ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) Malay, ito ay gaganapin ng sabay-sabay sa mga tanggapan ng NGO, mga paaralan at mga establisyemento na magsisimula alas-9 ng umaga.

Nabatid na lahat ng empleyado ng LGU Malay kasama ang Bureau of Fire Protection ay sama-samang gagawin ang simultaneous earthquake drill sa pamamagitan ng pagtakip ng kanilang ulo ng kanilang mga kamay o  “duck, cover and hold” habang lumalabas sa gusali.


Ang nasabing aktibidad ay isa umanong paraan upang maging handa ang bawat isa sa posibleng maranasang kalamidad lalo na sa panahon ng lindol.

Wednesday, December 06, 2017

MADAC Malay, nagsagawa ng Drug Abuse Symposium

Posted December 6, 2017
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES THE BEST Boracay

Image may contain: one or more people and indoorUpang mas maunawan kung ano nga ba ang ipinagbabawal na droga, isang symposium ang isinagawa ng LGU-Malay sa pamamagitan ng Municipal Anti Drug Abuse Council o MADAC kahapon dito sa isla ng Boracay.

Isa-isang nagbigay ng kanilang mga kaalaman ang inimbitahang tagapagsalita at ipinaliwanag kung ano ang epekto nito sa gumagamit at responsibilidad ng mga ahensya at sektor sa usaping droga.

Partikular na  naging sentro ng pag-uusap dito ay ang mga sumasailalaim sa rehabilitation program ng LGU-Malay kung saan sa mahigit dalawang-daan ang balak mag bagong-buhay.

Ipinunto ni Dr. Adrian Salaver ng MHO-Malay dito, sa tulong umano ng MADAC matutulungan ang mga drug serrenderee na mag bagong buhay dahil sila ay isinasaialim sa lahat ng mga programang makapagbabago sa kanila.

Aniya, oras na matapos ang kanilang rehabilitasyon ibaballik nila ito sa kumonidad para makapagtrabaho habang patuloy naman ang kanilang monitoring sa mga ito.

Samantala, isa rin sa naging topiko ng Head Teacher III ng ManocManoc National High School Victor Supetran ang patungkol sa Illegal Drug Use Inside the Campus kung saan ipnaliwanag niya rito kung ano ang mga epekto nito sa mga kabataan at sa kanilang kinabukasan.

Samantala, ibinahagi rin ni Alan Palma Sr., KBP Chairman ng Aklan kung ano ang role ng media sa kampanya laban sa droga at kung ano ang mga protocol nito oras na kasam ang media sa operasyon ng paghuhuli ng drug pusher/user.

Dilaluhan ang symposium ng mga empleyado ng LGU-Malay, estudyante, mga Punong Barangay sa Malay at mga miyembro ng iba’t-ibang Civil Society Organization.


Security preparation para sa Holiday Season, kasado na -BTAC

Posted December 6, 2017
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES THE BEST Boracay

Image may contain: 2 people, people sittingNakahanda na ang mga kapulisan ng Boracay Tourist Assistance Center (BTAC) para sa pagpasok ng holiday season.

Halos walang pagkakaiba sa nakalipas na taon ang ginagagawa ngayong security preparation ng BTAC ayon kay SPO4 Danny Eguis.

Aniya, may deployment plan na silang nakalatag para sa mga police personnel na naka-duty para sa pagbantay ng isla.

Kaugnay nito, hinikayat naman ni Eguis partikular ang mga establisyemento lalo na ang mga hotel/resort na maglagay ng CCTV para madaling ma-identify ang may planong gumawa ng masama sa kanilang lugar lalo na at marami nang nai-rekord na kaso ng pagnanakaw sa loob mismo ng mga hotel dito sa isla.

Samantala, pina-alalahan nito ang publiko at mga turistang magbabakasyon ngayong holiday season na maging vigilante, maging mapagmatyag sa kanilang mga katabi habang naglalakad at huwag magsoot ng mamahaling gamit para hindi maging masilaw sa mata ng magnanakaw.

Samantala, kung may mga reklamo umano maaring pumunta sa himpilan ng Boracay PNP para agad nila itong maaksyunan.

Israeli National, Inireklamo ang commercial sex worker ng pagnanakaw

Posted December 6, 2017
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES THE BEST Boracay

Kulungan ang sinapit ng isang commercial sex worker matapos itong ireklamo ng pagnanakaw ng nakasamang Israel National kaninang madaling araw.

Reklamo ng biktima na si Ilay Nir, 23-anyos sa mga pulis, matapos umano nilang magkaroon ng sexual intercourse sa ini-reklamong sex worker na si alyas “Joy” 39-anyos kinuha umano ng suspek ang kanyang cellphone.

Agad namang tinungo ni Nir ang istasyon ng Boracay PNP para humingi ng tulong kung saan na-identify nila ang cellphone nito sa tulong ng Google Phone Locator.

Nahuli ang suspek sa isinagawang hot pursuit operation ng mga pulis subalit wala namang kasong isinampa ang biktima sa suspek sa ginawang pagnanakaw sa kanya.

Ika-limang bloodletting activity ng MDRRMO, ikinasa

Posted December 6, 2017
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES THE BEST Boracay

Image may contain: text
Ikinasa ngayon ng Municipal Disaster Risk Reduction Management Office (MDRRMO) Malay ang kanilang ika-limang blood letting activity ngayong taon.

Sa panayam kay Catherine Ong ng MDRRMO, sinabi nito na layunin ng kanilang proyekto na ito na makalikom ng maraming dugo upang matulungan ang mga nangangailangan nito sa oras ng emerhensya.

Kaya naman sa ika-lima nilang blood letting activity sa December 8, hinikayat nito ang mga residente at empleyado ng ibat-ibang establisyemento sa Boracay na makiisa at maging bahagi sa kanilang gagawing aktibidad.

Samantala, katuwang nila dito ang Philippine Red Cross (PRC) Kalibo Chapter sa pakikipagtulungan din ng iba pang Government Agency sa Boracay.

Ang bloodletting activity ay magsisimula ng alas-nuebe ng umaga hanggang alas-dos ng hapon sa City Mall Boracay.

P2.01-B 2018 budget ng probinsya , aprobado na ng SP Aklan

Posted December 6, 2017
Ni Teresa A. Iguid, YES THE BEST Boracay

Image result for BUDGETInaprubahan na ng Sangguniang Panlalawigan ng Aklan ang P2.01 -Bilyong budget para sa taong 2018.

Nasa 8 porsyento ang itinaas nito kumpara 2017 na may 1.8 billion na budget.

Sa ilalim ng nasabing budget naglaan ng P 208. 445 Million para sa tourism, P 888. 094 Million para sa agrikultura, P 20 Million para sa edukasyon at kabuuang P 299.308 para naman sa infrastructure projects ng probinsya.

Ang Appropriation Ordinance No. 2017-013 na naglalaman ng budget ng probinsya para sa susunod na taon at may kabuoang halaga na  P 2,011,016,309.00  ay aprubado matapos ang ikatlo at huling pagbasa sa kanilang regular session, December 4.

Tuesday, November 28, 2017

Pagbigat ng daloy ng trapiko sa Boracay, iniinda ng mga motorista at commuters

Posted November 28, 2017
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES THE BEST Boracay

Image may contain: one or more people and outdoorKapansin-pansin ngayon ang usad pagong na daloy ng trapiko tuwing peak-hours sa kalsadahin ng Boracay.

Ito ang sitwasyon na nararanasan ng mga pasahero at driver tuwing mag-tanghali at dapit-hapon kung saan kumpulan ang mga sasakyan lalo na sa Manggayad-Ambulong, Craft Intersection, Bolabog Intersection at Balabag Mainroad.

Komento ng ilang commuters, inaabot na minsan ng halos isang oras ang biyahe mula Yapak papuntang Jettyport dahil sa dami ng mga sasakyan na nag-aagawan sa maliit na espasyo ng kalsada.

Sa isang panayam, mariing sinabi ni Executive Assistant IV Rowen Aguirre na problema sa mga drivers ang dahilan ng matinding traffic.

Maliban sa mga “Colorum” at mga sasakyang walang transport, ang kawalan ng “disiplina” ng mga driver ang isa sa mga rason kung bakit may ganitong sitwasyon.

 Ani Aguirre, ipinagpaalam na niya kay Mayor Cawaling na ibalik ang truck ban simula nitong linggo para mabawasan ang bigat ng trapiko.

Dagdag pa nito na matagal pa na magkaroon ng improvement ang mainroad ng isla kung kaya’t hinikayat nito ang bawat isa na magkaroon ng kaunting disiplina sa sarili.

Samantala, tuloy-tuloy naman ang operasyon ng Municipal Transportation Office sa paghuli ng mga sasakyang illegal at napaso ang permit to transport.

Dalawang nagtatrabaho sa Watersports Company, arestado matapos mahulihan ng mga baril

Posted November 27, 2017
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES THE BEST Boracay

Arestado ang dalawang lalaking nagtatrabaho sa isang watersports company matapos mahulihan ang mga ito ng baril sa Sitio Ilig-iligan, Barangay Yapak kagabi.

Ang mga suspek ay kinilalang sina Edu Laman, 37-anyos ng  Iloilo at Alejandro Adorador, 25-anyos ng Badiangan Iloilo at pansamantalang nakatira nasabing lugar.

Ayon sa blotter report ng Boracay PNP, nakatanggap ng tawag mula sa isang concern citizen ang mga naka-duty na Maritime Police sa lugar na mayroong reklamo sa mga umiinom malapit sa isang bar sa lugar.

Dali-daling pinuntahan ng mga pulis ang lugar at habang sila ay papalapit, mabilis namang nagsitakbuhan ang mga ito at doon napansin ni PO1 John Rey Rodrigo na may hawak-hawak na baril si Laman.

Agad naman itong nahuli at nakuha sa posisyon ng mga suspek ang dalawang long firearms na M16 A1 at isang 9MM na baril.

Ang dalawang suspek ay nakatakdang sampahan ng kasong Violation of RA 10591 o Illegal possession of firearms and ammunitions.

Friday, November 24, 2017

DTI, patuloy na ang monitoring ng presyo para sa Noche Buena

Posted November 24, 2017
Ni Danita Jean A. Pelayo, YES THE BEST Boracay

Image result for dti logo
Patuloy na ang monitoring ng Department of Trade and Industry (DTI) para sa presyo ng Noche Buena sa nalalapit na holiday season.

Sa panayam ng himpilang ito kay DTI-Aklan Officer In Charge Ma. Carmen Iturralde, maaring bisitahin ng mga mamimili ang kanilang website na www.dti.gov.ph para makita ang mga Suggested Retail Price (SRPs) ng mga pangunahing bilihin lalo na sa pang-noche buena.

Kaugnay nito, nagbigay din ng paalala si Iturralde sa mga nais bumili ng mga christmas lights na suriin itong mabuti kung ito ba ay may Import Commodity Clearance (ICC) mark at kung ito naman ay local masusing tingnan ang Philippine Standard (PS) Certification Mark.

Itong paalala ay upang matiyak na ligtas ang mabibili at makaiwas na rin sa posibleng insidenteng dulot ng pagbili ng maling produkto.

Samantala, kung sino man umano ang magkakaroon ng hindi angkop na presyo ng bilihin para sa noche buena ay maaaring isuplong sa DTI para mabigyan ng show-cause orders ng nabanggit na ahensya.

Thursday, November 23, 2017

Tourist Arrivals sa isla ng Boracay, tumaas ng 14% sa unang 10 buwan ng taon

Posted November 23, 2017
Ni Teresa A. Iguid, YES THE BEST Boracay

Image result for tourist boracayUmabot sa 14% ang itinaas ng tourist arrivals sa Isla ng Boracay mula sa buwan ng Enero-Oktobre ng taong kasalukuyan.
Base sa datos na inilabas ng Aklan Provincial Tourism Office (APTO) nagpapakita na mula sa 1,466,796 tourist arrivals ng nakalipas na taon ay tumaas ito ng 1,669,751 sa parehong panahon.

Sa tala ng APTO Boracay Statistics 2016-2017 nagpapakita ng positibong pagtaas ng bilang ng mga turista kung saan ang buwan ng Abril ang may pinalkamataas na rate na umaabot sa 27%.

Samantala, magmula sa buwan ng Enero hanggang Octobre, nakalikom ng P46,526,574,162 tourism receipts mula sa overseas Filipinos, foreign visitors at domestic tourists.

Bagong head ng PENRO Aklan, pinangalanan na

Posted November 23, 2017
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES THE BEST Boracay

May bago nang head ang Provincial Environment and Natural Resources Office (PENRO) Aklan.

Ito ay sa katauhan ni Bernabe Garnace na siya ngayong itinalagang OIC ng PENRO Aklan nito lamang Lunes Nobyembre 20 taong kasalukuyan kapalit ni Ivene Reyes na umano’y na-dismissed ng ombudsman dahil sa katiwalian.

Bago nito, nanilbihan muna bulang Community Environment and Natural Resources Officer si Garnace sa Mambusao, Capiz bago ibinigay sakanya ang bagong posisyon sa inilabas na Special Order No. 2017-422 ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) in Western Visayas.

Kilala rin siya dahil sa naging coordinator din ito ng DENR National Greening Program sa Capiz.

Samantala, aasahang dadalo si Garnace sa nakatakdang symposium na gagawin sa Boracay sa susunod na linggo kung saan tatalakayin ang sitwasyon ng isla at usaping kalikasan.