YES THE BEST 911 BORACAY

Wednesday, August 06, 2014

Pagpasok ng ilang kompanya ng E-trike sa Boracay, pinag-aaralan pa ng SB Malay

Posted August 6, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Pinag-aaralan pa ng Sangguniang Bayan ng Malay ang pagpasok ng ilang kompanya ng E-trike sa isla ng Boracay.

Ito’y matapos ang sunod-sunod na paglapit ng ilang E-tricycle company sa LGU Malay para ipaabot ang kanilang kahilingan na makapag-operate sa isla.

Ayon naman kay SB Member at Chairman of Committee on Laws and Ordinance Rowen Aguirre, magkakaroon umano sila ng kunting adjustments para sa muling pagtalakay nito sa mga susunod na Session.

Sa kabilang banda wala namang nakikitang problema ang SB Malay sa mga E-trike na bumibiyahe ngayon sa Boracay na iba’t-iba ang kulay.

Nabatid na wala namang naging requirements ang LGU para sa kulay ng e-trike na kailangang bumiyahe sa isla dahil sa ibat-ibang kompanya ang may hawak nito.

Samantala, maaaring ilan pang makukulay na e-trike ang makikita sa Boracay sa sandaling maaprubahan na ng SB Malay ang kanilang operasyon sa isla.

No comments:

Post a Comment