Posted
August 5, 2014
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay
Muling ipinaalala ng Philippine Coastguard (PCG) sa mga mangingisda at bangkero
ang mga safety tips sa paglalayag.
Kasunod ito ng nangyaring paglubog ng bangka sa Hambil, Romblon nitong
nakaraang Sabado kung saan nahirapan ang PCG sa paghahanap sa mga biktima.
Ayon kasi kay Philippine Coastguard Boracay sub-station commander PO1
Arnel Zulla, dapat alamin ng mga maglalakbay at mangingisda ang lagay ng
panahon bago pumalaot lalo na ang may mga maliliit na bangka.
Dapat din umanong sumunod sa mga alituntunin ng coast guard lalo na
kapag may bagyo o panahon ng Habagat.
Ayon pa kay Zulla, dapat ipagbigay-alam sa mga barangay o lokal na
opsiyal ang gagawing paglalayag at mag-iwan ng contact number sa oras ng
emergency.
Samantala, ipinaalala din ni Zulla na dapat magpa-inspeksyon sa
coastguard ang mga maglalayag kapag may mga dala silang hayop katulad ng baboy
o manok.
Magugunitang lumubog ang isang bangka sa Hambil na papunta sanang
Caticlan nitong Sabado upang mag-deliver ng baboy at manok, subali’t pinasok
umano ito ng tubig dahil sa malalalakas na alon dulot ng masamang panahon.
No comments:
Post a Comment