Posted July 21, 2017
Ni Inna Carol L.
Zambrona, YES THE BEST Boracay
Upang mapangalagaan
ang kalikasan at mamintina ang kalinisan sa isla ng Boracay, isang Coastal Cleanup
ang isinagawa ng Barangay ManocManoc sa kahabaan ng Tambisaan Port kahapon ng
hapon.
Sa panayam kay
Barangay Kagawad Marino Licerio, ang isinagawang Beach Cleanup umano ay sa inisyatibo
ni Vice Mayor Abram Sualog at ng Barangay ManocManoc Council.
Katuwang sa
pagpulot ng mga kalat at basura ay ang mga estudyante ng ManocManoc National
High school, Department of Environment and Natural Resources (DENR) at San
Miguel Corporation, Kabalikat Civicom, Boracay Photographers Association at iba
pang taga ManocManoc.
Sa kabilang dako,
nagpapasalamat naman si Atty. Isabelo Bulos at empleyado ng Trans Aire dahil
inimbitahan sila ng ManocManoc Council na maging bahagi ng kanilang aktibidad
na tumulong sa paglilinis lalo’t malaki ang hamon ang usaping basura sa
Boracay.
Paalala ni Atty.
Bulos, sa ganito umanong paraan ay makahikayat sila ng ibang mga ahensya para
magtulungan at maging daan upang mapangalagaan ang kagandahan ng isla ng
Boracay.
Idinagdag pa
nito, sa mga bahay palang umano ay dapat maglinis na o i-segregate na ang sariling
basura upang hindi mahirapan ang mga basurero na maghakot nito.