YES THE BEST 911 BORACAY

Thursday, November 02, 2017

Malaysian National, nabiktima ng magnanakaw sa dalampasigan ng Boracay

Posted November 2, 2017
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES THE BEST Boracay

Image result for theftLabis ang pagkadismaya ng isang babaeng Malaysian National na dumulog sa Boracay PNP matapos itong pagnakawan habang siya ay naka-upo sa buhangin sa harap ng kanyang tinutuluyang hotel sa Brgy. Balabag, Boracay.

Ayon sa biktimang si Nor Asikin Binti Ghazali, 30-anyos, alas- dyes kagabi habang naka-upo siya sa dalampasigan inilagay niya ang kanyang bag na naglalaman ng Passport, ID, at cash na P 4, 000 sa buhangin.

Subalit makalipas ng ilang minuto napansin ng biktima na nawawala na ang kanyang bag na inilagay niya sa kanyang gilid.

Sa pagsisiyasat ng mga kapulisan isang witness na 15-anyos ang nakakita sa pangyayari at sinabi nito na nakita niya ang isang lalaki na may edad 14-anyos hanggang 15-anyos na kumuha sa bag ng biktima kung saan sinubukan niya itong sundan papuntang E’mall subalit hindi niya naabutan ang nasabing magnanakaw.

Samantala, patuloy ang isinasagawang follow – up operation ng Boracay PNP sa naturang kaso.

Boracay Generally Peaceful ang pagdiriwang ng Undas 2017- Gesulga

Posted November 2, 2017
Ni Teresa A. Iguid, YES THE BEST Boracay

Image may contain: 4 people, tree and outdoorNaging generally peaceful ang selebrasyon ng undas sa Isla ng Boracay ngayong taong 2017 ayon kay Acting Chief PSI Jose Mark Anthony Gesulga.

Pahayag ni  Gesulga, may nakawan umanong nangyari sa beach front kung saan isang turista na kasalukuyang  sa Isla ang naging biktima nito.

Ngunit maliban umano dito ay naging maayos naman at matiwasay ang sitwasyon partikular sa dalawang sementeryo sa Sinagpa at ManocManoc.

Bago nito, nailatag na ang plano sa seguridad katuwang ang Boracay Joint Task Force at mga force multipliers para tumulong sa trapiko at pagbabantay sa paligid ng mga sementeryo.

Samantala magpapatuloy naman ang operasyon ng mga myembro ng kapulisan at iba pang mga law enforcers hanggang bukas, November 3 ng taong kasalukuyan.

Mga residente ini-rereklamo ang masangsang na amoy sa Sitio Lugutan Drainage Outfall

Posted November 2, 2017
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES THE BEST Boracay


Image may contain: shoes, outdoor, water and nature
Labis ang pagkadismaya ng mga residente sa area ng Sitio Lugutan Brgy, ManocManoc dahil sa masangsang na amoy na kanilang nalalanghap na dumadaloy sa outfall sa lugar.

Ayon sa isang residente, gusto niyang ipaalam sa Lokal na Pamahalaan ng Malay na sila ay napeperwesyo na dahil sa hindi magandang amoy na kanilalang nararanasan.

Nais nitong  sa mga kinauukulang ahensya na may koneksyon sa drainage system na kung maari ay bigyan nila ito ng pansin at aksyon ang problemang kanilang kinakaharap.

Ayon sa isang residente malapit doon, pagtuunan dapat ito ng pansin lalo at kalusugan ng mga naninirahan malapit sa lugar ang maaring ma-apektuhan.

Kaugnay nito, nakikipagtulungan ang ibat-ibang ahensya sa Lokal na Pamahalaan ng Malay para maresolba ang problema sa drainage system ng isla.

Kung maalala, matagal ng suliranin ang drainage sa nabanggit na lugar kung saan dito lumalabas ang maruming tubig dulot ng iresponsableng pagtatapon ng waste water at hindi pag-konekta sa sewer line.

MDRRMO-Malay, ikinasa ang blood letting activity sa Nov. 6

Posted November 2, 2017
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES THE BEST Boracay

Image result for blood letting activityIkinasa ng Municipal Disaster Risk Reduction Management Office (MDRRMO) Malay ang kanilang blood letting activity sa darating na Nobyembre 6 taong kasalukuyan.

Hinikayat ng MDRRMO Malay ang mga residente at empleyado ng ibat-ibang establisyemento sa Boracay na maki-isa at maging bahagi sa kanilang gagawing aktibidad.

Nabatid na bago isagawa ang blood letting activity kinakailangan munang suriin ang mga mag-dodonate kung sila ba ay pasado o hindi.

Kaugnay nito pinaalalahanan ang mga magdo-donate na bawal mag donate ng dugo ang mga intake sa puso, nakainom ng alak, walang sapat na tulog, may maintenance na gamot, at may sipon o ubo.

Samantala, katuwang sa nasabing aktibidad ang Philippine Red Cross (PRC) Kalibo Chapter sa pakikipagtulungan din ng iba pang Government Agency sa Boracay.

Ang bloodletting activity ay magsisimula ng alas-nuebe ng umaga hanggang alas-dos ng hapon sa City Mall Boracay.

Layunin ng aktibidad na makalikom ng dugo para sa mga pasyenteng nangagailangan nito.


Boracay hospital, sasailalim sa Disaster Risk Reduction at Earthquake Drill ng MDRRMO

Posted November 2, 2017
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES THE BEST Boracay

No automatic alt text available.Isasailalim sa Disaster Risk Reduction DRR at Earthquake drill ang mga nurse at iba pang empleyado ng Ciriaco S. Tirol Memorial Hospital Boracay sa tulong ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) ng Malay.

Layunin ng programang ito na gagawin bukas na isulong ang kahandaan ng publiko laban sa anumang kalamidad na pwedeng mangyari lalo na sa mga pampublikong-gusali.

Ayon sa opisina ng MDRRMO, mahalaga ang awareness campaign na ito sa publiko dahil makapagbibigay ito ng  kaalaman sa kanila kung ano ang mga dapat gawin at matiyak ang kanilang kahandaan kapag tumama ang malakas na lindol.

Hinikayat din ng MDRRMO kung sinuman ang gustong sumali ay pumunta bukas at makiisa sa drill na ito kung saan sasanayin ang mga ito ng “duck, cover, and hold” sa sandaling magsimula na ang earthquake drill.

Tuesday, October 31, 2017

Lalaki pinana, isang suspek arestado

Posted October 31, 2017
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES THE BEST Boracay

Image result for boracay pnp
Arestado ang suspek matapos nitong panain ng  improvised spear rifle o pana ang isang pahenante sa Sitio Cagban, ManocManoc kagabi.

Base sa inisyal na imbestigasyon ng Boracay PNP, nag-ugat ang insidente ng naunang napag-tripan ng suspek na si Jessy Mariano, 23-anyos ng Romblon si alyas “Ton-Ton”  sa isang bar sa nabanggit na lugar at tumakas ito para humingi ng tulong sa biktima na kinilalang si Edzel Salibio.

Sa hindi inaasahang pagkakataon,ng lumabas si Salibio para sana bumili ay naka-abang na si  Mariano at ibang kasamahan bitbit ang pana na para tambangan ang biktima.

Tama sa tiyan ang tinamo ng walang kamalay-malay na si Salibio habang mabilis namang kumaripas sa pagtakas ang mga suspek matapos ang pangyayari.

Sa pakikipagtulungan ng pulis na nagresponde at Brgy. Tanod ng ManocManoc nagsagawa ito ng hot pursuit operation sa lugar kung saan mabilis na nahuli ang suspek ngunit ang pumana umano sa biktima ay hindi pa nahuhuli.

Ayon kay PO3 Chris John Nalangan, imbestigador, nasa maayos na ang kondisyon ni Salibio at napagpasyahan ng mga ito na maki pag-areglo sa mga suspek

Update: Isa pang suspek sa pagnanakaw ng mahigit P500k na pera at alahas, patuloy na pinaghahanap

Posted October 31, 2017

Image may contain: 2 people
Photo Credit to the Owner
Umabot sa mahigit kumulang kalahating milyong piso  na halaga ng mga alahas at cash ang natangay ng mga kawatan ng pinasok ng mga ito ang tinutuluyang apartment ng biktima sa Sitio Angol,Brgy.  ManocManoc isla ng Boracay.

Nangyari ang insidente ng pagnanakaw noong October 26 kung saan kinilala ang biktimang si Crisanta Moyo-Pederson, 46-anyos isang negosyante at pansamantalang nagbabakasyon sa isla ng Boracay.

Ayon sa biktima umaga na ng mapansin nito na nawawala na ang kanyag bag na naglalaman ng P 300,000 na cash maliban pa sa 780 Singaporean Dollars , mamahaling gadgets at iba’t-ibang alahas.

Sa panayam sa imbestigador ng kaso,  hinati umano ng dalawang suspek ang perang kanilang ninakaw.

Nabatid, nahuli ang suspek na si Recto Ritos, 30-anyos na ini-refer na sa Provincial Jail habang ang isa nitong kasamahan na minor de-edad na si Miguel Gonzales ay nananatiling at-large.

Nagpapatuloy ang paghahanap ng kapulisan sa suspek na si Gonzales.


Monday, October 30, 2017

Seguridad sa isla ng Boracay para sa Undas 2017, kasado na

Posted October 30, 2017
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES THE BEST Boracay

Image may contain: 2 people, people sitting and indoorDalawang araw bago ang All Saints and All Souls Day Celebration kasado na ang ginawang paghahanda para sa seguridad ng publiko lalo na ng turista sa isla ng Boracay.

Nitong araw ng Biyernes, nagpulong sa opisina ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) ang mga  magbabantay sa seguridad ng mga taong papunta at palabas ng isla.

Dito napag-usapan ang kanilang binuong Oplan Undas at ang pagtatalaga ng mga force multipliers sa mga area ng matataong lugar katulad ng sementeryo, simbahan at dalampasigan ng Boracay.

Ang nasabing meeting ay kinabibilangan ng MDRRMO rescue team, Philippine Coast Guard Boracay, Maritime Police, Philippine Army, PCGA Squadron 609 Capt Peter Tay,  Kabalikat Civicom, BFP Boracay, Jetty Port Administration, Transportation at ibang mga volunteer/enforcers organizations.

Pina-alalahanan naman ng MDRRMO ang publiko bago umalis ng bahay magdala ng maraming tubig, magpa-check up kung maganda ang kalusugan bago bumiyahe at i-check ang schedule sa mga magbabakasyon para hindi ma-delay sa kanilang biyahe.

Samantala, ang Boracay PNP ay naka-alerto naman sa pagbuhos ng madaming turista kasabay ng long week end holiday at ng mga Halloween party activities sa isla.

BFP Boracay, nagbigay paalala sa publiko ngayong Undas

Posted October 30, 2017
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES THE BEST Boracay

Nagbigay paalala ang hanay ng Bureau of Fire Protection (BFP) sa publiko sa panahon ng Undas.

Pina-alalahanan ni FO2 Jiovanni Saude ang publiko sa panayam sa kanya ng programang Boracay Goodnews nitong Sabado,  na mag-ingat sa pagsindi ng kandila at kailangan itong ipatong sa ligtas na lugar o lagyan ng tubig ang baso bago ilagay ang kandila para maiwasan ang anumang insidente lalo na ang sunog.

Sa mga aalis naman ng kanilang bahay sa araw ng Undas, siguraduhing naka-switch off lahat ng mga electrical appliances upang maiwasan ang sunog dahil isa rin ito na pinagmumulan ng sunog.

Dagdag pa ni Saude, maglalagay rin ang BFP ng mga emergency medical service personnel sa bawat sementeryo para mag-monitor sa lugar.

Samantala, patuloy ang kanilang pagbibigay ng mga flyers o mga paalala sa mga residente sa Boracay at mainland Malay para sa pag-iwas ng sunog.

Paalala ni Saudi kung may mga insedente ng sunog  pwedeng tumawag sa kanila opisina sa numerong 288-4198.