YES THE BEST 911 BORACAY

Tuesday, August 05, 2014

Czech national na umano’y ninakawan sa Boracay, nabisto ng mga pulis na nagsisinungaling

Posted August 5, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Insurance certificate.

Ito umano ang kadalasang habol ng ilang turista sa Boracay sa pagpapa-record sa Police Station kung kaya’t marami ang blotter report kaugnay sa mga insidente ng nakawan sa isla.

Subali’t hindi nakakalusot ang ganitong diskarte sa mga taga Boracay Tourist Assistance Center (BTAC).

Katunayan, isang babaeng Czech national ang nabisto ng mga pulis na nagsisinungaling matapos na magsagawa ng follow-up investigation sa sumbong nito na umano’y ninakawan sya ng 3, 500 pesos at isang iPhone 5s na cellphone.

Ipinahayag ng turistang Czech national na si Jana Andelona, 24 anyos ng Central Europe, kasama nito ang kaibigang si Frank, isang Dutch national na naglalakad sa beachfront ng isla kahapon ng umaga nang bigla umanong hinablot ng isang hindi kilalang lalaki ang kanyang bag na naglalaman ng nasabing pera at cellphone.

Subalit, sa imbestigasyon ng mga pulis walang makakapagsabi na totoo nga ang mga alegasyon ng turista at nabisto ng mga pulis nitong huli na gumagawa lamang pala siya ng kwento.

Samantala, nabatid na ilan naring mga turista ang nabisto ng mga pulis ang nagpapa-record sa Boracay PNP ng walang katotohanan upang mabigyan ng insurance certificate.

Ang insurance certificate ay maaaring epresenta ng mga turista sa kanilang bansa upang maibalik ang kanilang mga nawalang gamit.

No comments:

Post a Comment