YES THE BEST 911 BORACAY

Saturday, October 22, 2016

Pagkuha ng Civil Service Commission (CSC), bukas na

Posted October 22, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for civil service commissionNakatakda na bukas araw ng Linggo Oktubre 23 ang pagkuha ng Civil Service Commission o (CSC).

Ayon kay CSC Aklan Director II Evelyn Ejar, may kabuuang bilang na 3,126 ang mga examinees kung saan 2, 000 naman dito ang mga Career Service Profesional Level examines at 656 naman ang Sub-Professional Level examinees.

Nabatid na limang eskwelahan ang gagamiting kwarto ng mga ito bukas kung saan ang ibang examinees dito ay nagmula pa sa Capiz, Antique, Romblon at Iloilo kung saan mag-sisimula ito sa alas-6 ng umaga.

Paalala naman ni Ejar sa mga kukuha ng exam na pumunta ng maaga dahil alas- 7:30 ay isasarado na ang gate at hindi na papapasukin ang huling dumating.

Samantala, sinabi pa nito na magdala ng black ballpen ang mga examinees dahil hindi na sila gumagamit ng lapis.

Nabatid na 80% ang passing rate para sa CSC Career Service Examination.

Kultura ng Indigenous People student binigyan ng pagpapahalaga ng DepEd Malay

Posted October 21, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Binigyan ng DepEd Malay ng pagpapahalaga ang kultura ng mga estudyante ng Indigenous People sa bayan ng Malay.

Ito’y kaugnay sa obserbasyon ng National Indigenous People (IP) month ngayong Oktobre kung saan tinuruan din ang mga ito ng tamang pagrespito sa human rights at cultural diversity.

Ayon kay Malay DepEd Supervisor Jessie Flores, base umano sa mandato ni Education Secretary Leonor Briones na lahat ng department office at mga paaralan ay kailangang magsagawa ng aktibidad simula Oktobre1 hanggang 31 para mai-promote ang awareness at appreciation ng indigenous peoples’ heritage at history.

Sa Presidential Decree 1906 ay dinidiklara tuwing Oktobre ang National Indigenous Peoples Month base sa constitutional mandate ng pagkilala at pag-protekta sa karapatan ng indigenous cultural communities na nakatuon sa national unity at development.

Tema naman ngayong taon ang “Matatag na Ugnayang DepEd at Katutubong Pamayanan, Saligan ng Makahulugang Katutubong Edukasyon.”

No. 1 drug personality sa Nabas, Aklan, nakatakas sa kulungan

Posted October 22, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for NAKATAKASBuong pwersa parin ngayon ang ginagawang operasyon ng Nabas Police station para sa pagtugis sa nakatakas na No. 1 drug personality sa nagpapatuloy na buy bust operation.

Kinilala ang nakatakas na suspek na si Ranil Magcuha, 44 anyos residente ng Brgy. Unidos, Nabas, Aklan.

Nabatid na ang suspek ay isang drug surreenderee sa Oplan Tokhang ng nasabing lugar pero naaresto sa isang buy-bust operation ngunit nakatakas din matapos lamang itong pososan at inilagay sa grills ng police station dahil sa under construction pa ang detention cell ng Nabas MPS.

Sa imbestigasyon, nakuhaan ng isang sachet ng suspected shabu ang suspek na may kapalit na P 1,000 marked money at 13 hinihinalang droga.

Samantala, inalerto naman ng Aklan Police Provincial Office (APPO) ang lahat ng Municipal Police Stations (MPS) sa probinsya para sa agarang pagkahuli sa suspek.

Sa ngayon binigyan naman umano ng 48 oras ng APPO ang Nabas PNP kung saan kung hindi nila umano mahuli itong suspek ay sila ang mananagot at nakatakdang i-relive ang kanilang hepe.

Guest na hindi nakapagbayad ng Hotel bill, inereklamo

Posted October 22, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for hotel billDumulog sa tanggapan ng Boracay PNP ang management ng isang hotel sa Boracay matapos na hindi umano sila mabayaran ng isa sa kanilang mga guest ng hotel bill.

Ayon sa Admin Staff ng Hotel na si Arlyn Joy Grecia, 29-anyos sa Boracay PNP, nagkaroon umano sila kahapon ng kasunuduan Oktobre 21 ng inirereklamo nito na magbabayad sa nasabing bill ngunit bigo umano itong makipagkita sa kanya.

Dahil dito, minabuti ng management na ireklamo ang suspek sa mga otoridad.

Nabatid na nagkakalaga ng P54, 880 ang halaga ng bill na hindi nabayaran ng suspek matapos itong manuluyan sa hotel.

Boracay nanguna bilang pinakamagandang isla sa buong mundo ngayong 2016

Posted October 21, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for boracayMuling napunta sa isla ng Boracay ang pagiging top 1 o numero uno sa pinakamagandang isla sa buong mundo base sa Conde Nast Traveler ngayong 2016.

Sa inilabas na resulta ng Conde, 20 magagandang isla ang napabilang sa kanilang listahan ngayong 2016 kung saan kasama din dito ang Palawan na nasa ranked No. 2 habang ang Cebu ay nasa ranked No 5. 

Dahil dito ikinatuwa naman ni Malay Chief Tourism Operations Officer Felix Delos Santos ang nakuhang parangal ng isla.

Ayon kay Delos Santos ito ay dahil umano sa pagtutulungan sa marketing and promotion sa Boracay ng National to Municipal tourism kasama na ang mga private stakeholders.

Isa din umano sa dahilan kung bakit muling nanguna ang isla ay dahil sa quality service ng mga frontlines para sa mga turista lalo na ang pangangalaga sa environment ng Boracay at sa kinagigiliwang puting buhangin ng isla.

Nabatid na ang Boracay nitong mga nakaraang taon ay nauungusan ng ibang magagandang isla sa mundo kasama na ang Palawan sa Pilipinas ngunit ngayong 2016 ay bumalik ito sa pagiging numero uno matapos ang ginawang survey ng Conde Nast sa kanilang mga readers na nagtra-travel sa ibat-ibang isla sa mundo.

Aklan PNP naghigpit ng seguridad dahil sa Ms Earth na dadayo sa probinsya

October 22, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay 

Naghigpit ng seguridad ang Aklan Police Provincial Office (APPO) dahil kasalukuyang nasa probinsya ang ilang kandidata ng Ms Earth 2016.

Ito ay para sa kanilang environmental activity na gagawin sa bayan ng Kalibo kasama na ang swimsuit competition sa isla ng Boracay at ang pagsali sa Merrymaking sa Opening Salvo ng Ati-Atihan Festival ngayong Biyernes.

Dahil dito ipinag-utos ng APPO sa mga municipal police station na maghipit ng seguridad para sa mga kandidata na mula pa sa ibat-ibang bansa.

Nabatid na noong nakaraang taon ay sa Boracay din ginanap ang swimsuit competition ng Ms Earth kasabay ng kanilang coastal clean-up sa baybayin ng isla.

Friday, October 21, 2016

Paggamit ng videoke sa bayan ng Malay lilimitahan sa oras

Posted October 21, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Nais ngayon ni SB member Nenette Aguire-Graf na lalo pang pagtibayan ang ordinansa sa paggamit ng videoke sa buong bayan ng Malay maging sa isla ng Boracay.  

Ito ang kanyang sinabi sa ginanap na 16th Regular Session ng Malay nitong Martes kung saan nag-aalala umano ito sa mga taong naiistorbo dahil sa malakas na tunog ng videoke.

Aniya, ang paggamit ng videoke saan mang lugar mapa-bahay man o establisyemento ay dapat hanggang alas-10 lang ng gabi.  

Binanggit din nito na mayroong mga nag-ooperate ng videoke hanggang madaling araw lalo na kung saan madami ang kabahayan at maraming mga estudyante na maaagang natutulog na pumapasok sa paaralan kinabukasan.  

Dahil dito ang Committee on Laws, Ordinances, Rules and Privileges naman ang siyang mangunguna para pag-aralan ito sa pamumuni ni SB member Jupiter Gallenero.

Samantala, layun umano sa hakbang na ito ni SB Graf ay upang maprotektahan at matulungan ang mga tao na hindi maapektuhan ang kanilang pamumuhay dahil sa naililikhang ingay ng videoke.

Thursday, October 20, 2016

Pag-taas ng kaso ng mga pang-aabusong sekswal sa Aklan ikinaalarma

Posted October 20, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay


Image result for aabusong sekswal
Ikinalarma ng mga otoridad ang pagtaas ngayon ng kaso ng pang-aabusong sekswal sa mga kababaehan at mga kabataan sa probinsya ng Aklan.

Sa panayam sinabi ni PCInsp. Aileen Rondario - PWCPD na simula noong buwan ng Enero hanggang nitong Oktubre 2016 ay mayroon na silang naitalang 79 na kaso sa kanilang tanggpan.

Igiinit nito na mas mataas ito kumpara sa kaparehong mga buwan noong nakaraang taon na meron lamang na 73 kaso.
Ayon pa kay Rondario posibleng ang dahilan umano ng pagtaas nito ay dahil sa mahigpit na pangangampanya ng mga municipal PNP stations (WCPD) na magkaroon ng lakas ng loob na magreklamo ang mga biktima ng pang-aabuso.

Maliban dito isa din sa mga tinitingnan ng tumaas na kaso ay dahil umano nagiging busy ang kanilang mga magulang sa paghahanap-buhay kung kayat naiiwanan ang kanilang mga anak sa ibang tao.

Pag-parada ng mga sasakyan sa Boracay, pina-iimbestigahan ng SB Malay

Posted October 20, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Pina-iimbestigahan ngayon ng Sangguniang Bayan ng Malay ang pag-parada o parking ng mga sasakyan sa kalsada sa Boracay.

Ito ang ipinaabot ni SB member Neneth Aguire-Graf sa kanyang Privilege speech sa 16th Regular Session ng Malay nitong Martes.

Ipinunto ni Graf na kung saan-saan nalang umano kasing sulok ng kalsada naka-parada ang mga sasakyan kagaya ng motorsiklo, tricycle at maski ang mga pang-pribadong sasakyan na siyang dahilan kung bakit nagkakaroon ng trapiko sa Boracay.

Dahil dito, hiniling niyang pag-aralan ang Traffic Ordinance ng Malay upang masunod at magamit ito bago ang renewal ng permit sa susunod na taon.

Samantala, dapat din umanong magkaroon ng tamang seminar ang lahat ng mga driver mapa-hotel service man pati ang mga haulers ng sa gayon ay alam nila kung ano ang mga dapat at hindi dapat gawin sa pagpaparada ng sasakyan sa maling lugar.

Ayon naman kay SB member Floribar Bautista, dapat umanong magtalaga ng mga tao sa area kung saan ang Loaded at Unloaded signage upang maiwasan ang trapik sa daan.

Kaugnay nito, magandang opinyon ang sinabi ni Bautista ayon kay Vice Mayor Sualog kung saan nga ay ini-refer naman itong usapin sa Committee on Transportation.

Meat vendor kulong matapos mahulihan ng baril

Posted October 20, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for Violation of Ra 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act).Kulong ang isang meat vendor matapos na mahulihan ng baril habang nasa isang restaurant sa Sitio Manggayad, Brgy. Manoc-manoc,Boracay kaninang madaling araw.

Sa blotter report ng Boracay PNP, nag-sumbong sa kanilang tanggapan si John Jancinal, 35-anyos, isang Philbikers Association member-Boracay Chapter na nakita nila ang suspek na may sukbit na baril sa kanyang bewang.

Nabatid na ang nasabing suspek ay nakipagkita sa nag-rereklamo at sa kaibigan nito para magbayad ng utang na nag-kakahalaga ng P70, 000 ngunit P4, 000 lamang ang binayad nito.

Dito napansin umano ni Jacinal na may-nakasukbit na baril sa bewang ng nasabing meat vendor kung kayat agad nila itong sinundan at doon ay tumawag sila ng pulis.

Nakuha sa suspek ang isang 38 revolver na baril na may limang bala kung saan napag-alaman na wala rin itong dokumento.

Ang suspek ay pansamantala ngayong naka-kulong sa Boracay PNP dahil sa paglabag sa Violation of Ra 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act).

Wednesday, October 19, 2016

Opening Salvo ng Ati-Atihan 2017 ngayong Biyernes kasado na

Posted October 19, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for Opening Salvo ati-atihanKasado na ang inaabangang Kalibo Sto. Niño Ati-Atihan Festival 2017 ngayong Biyernes Oktobre 21, 2016.

Ito ay sa pangunguna ng KASAFI Foundation katuwang ang LGU Kalibo, na gaganapin ala-1 ng hapon sa Biyernes.

Tampok sa nasabing Opening Salvo ang presentasyon ng mga kasaling grupo sa Ati-Atihan Festival na gaganapin sa Enero 6-15, 2017.

Ang Street dancing ay magsisimula sa Magsaysay Park hanggang sa Kalibo Pastrana Park kung saan isa sa mga inaabangan sa naturang okasyon ay ang mga kandidata ng Miss Earth 2016 mula sa 31 bansa na sasali sa sinasabing merrymaking.

Ang Opening Salvo ay siyang hudyat sa pagbubukas sa tinatawag na Mother of All Philippine Festival na isa sa pinakamahabang selebrasyon ng kasiyahan sa bansa.

Tuesday, October 18, 2016

Paglagay ng Cable Car mula Caticlan-Boracay, okay lang –Maquirang

Posted October 18, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for cable car“Okay lang umano maglagay ng Cable Car sa Boracay”

Ayon kay Jetty Port Administrator Niven Maquirang, okay lang umano sa kanya na maglagay ng Cable Car sa isla ng Boracay subalit dapat tingnan muna umano ang mga posibilidad sa paggamit at pag-implementa nito.

Isa umano sa mga paraan na dapat tingnan dito ay ang hangin, pangalawa ang layunin nito sa isla, pangatlo ang power supply nito at pag-apat ay kung saan ito mag-uumpisa at kung sino ang mag-mamanage.

Kaugnay nito, para sa kanya isa lamang itong pang-atraksyon sa mga turista kung maglalagay nito.

Samantala, sinabi nito na mas kinakailangan na paigihin pa ang trasportasyon sa isla ng sa gayon ay maging maganda ang takbo nito sa lalo na pagdala ng mga pasaherong pumupunta at lumalabas ng Boracay.

Ang usapin na paglalagay ng Cable Car ay lumabas pagkatapos na-kinokonsidera ito ng Department of Tourism.