YES THE BEST 911 BORACAY

Saturday, November 21, 2015

Ina, pinatay ng sariling anak na sinasabing may epilepsy

Posted November 21, 2015
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for crime sceneKalunos-lunos ang ginawang pagpatay ng isang anak sa kanyang 62- anyos na ina sa Brgy. Badio, Numancia, Aklan alas-12:10 kahapon ng tanghali.

Sa panayaman ng himpilang ito kay P02 Felisanto Navarro ng Numancia PNP, nakatanggap umano sila ng tawag mula sa kapitbahay ng biktima kung saan may nangyari umanong pamamaslang sa kanilang lugar.

Mabilis namang rumisponde ang mga pulis, kung saan naabutan nila sa lugar na nakahandusay na ang katawan ng biktima habang tinititigan ng suspek na si Noli alyas “dagol” Francisco 27-anyos ang ina nitong si Etelyn Francisco 62- anyos.

Ayon pa kay PO2 Felisanto Navarro, sinasabing pinigilan umano ng biktima ang anak na suspek dahil sa sinasakal nito ang kanyang ama ngunit siya naman umano ang pinagbalingan nito ng atensyon saka sinakal din base sa salaysay ng tiyahin ng suspek.

Sa kabila nito nakapumiglas umano ang biktima at tumakbo ngunit mabilis din umano siyang hinabol ng suspek kung saan nakakita ito ng kawayan at hinampas ang ina ngunit sa kabila nito hinampas din ng tiyahin ang suspek ng kawayan at dito nawalan ng malay ang suspek.

Dahil dito tinangka ng tiyahin ng suspek na itakas ang biktima ngunit bigla namang nagising ang suspek at doon ay kinuha niya muli ang kawayan sabay tusok sa leeg ng biktima.

Agad namang dinala ng mga rumispondeng pulis ang biktima sa ospital sa bayan ng Kalibo ngunit idiniklara namang dead on arrival.

Samantala, sinasabing ang suspek ay dumaranas ng epilepsy na siyang itinuturong dahilan ng pagpaslang sa sariling ina.

Sa ngayon, ini-imbestigahan na ang kaso sa prosecutor office kung ano nga ba ang dahilan ng pagpaslang ng suspek sa ina nito.

Malalaking cruise ship sa mundo bibisita sa Boracay sa 2016

Posted November 21, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for cruise ship
Ngayon pa lang ay tiniyak na ng Caticlan Jetty Port Administration na maraming malalaking cruise ship sa mundo ang bibisita sa bansa partikular sa isla ng Boracay sa 2016.


Sa panayam sinabi ni Jetty port administrator Niven Maquirang na malaki ang maitutulong ng turismo sa isla ng Boracay sa susunod na taon dahil sa inaasahang pagdaong ng mga cruise ship.

Isa umano rito ang celebrity cruise ship na inaasahang magdadala ng mahigit sa dalawang libong turista mula sa ibat-ibang lugar sa mundo.

Ayon kay Maquirang mayroon na umanong mga kumpanya ng cruise ship ang nag-paabot ng pahiwatig sa kanila na ang Boracay ang isa sa kanilang magiging cruise tourism sa 2016.

Kaugnay nito tiniyak din ng Wallem Philippines na mayroon silang mga bagong cruise ship na magdadala ng libo-libong turista na dadaong sa Boracay sa susunod na taon.

Samantala, dalawa pang barko ang inaasahang dadaong sa Boracay bago magtapos ang taong 2015 kung saan isa rito ang MS Europa 2 ng Hapag-Lloyd Cruises.

Naglalakihang Cruise ship sa mundo, planong subukan ang ibang lugar sa Western Visayas

Posted November 21, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for cruise shipNasa-plano umano ngayon ng Department of Tourism (DOT) 6 na dalhin din sa ibang lugar sa Western Visayas, maliban sa isla ng Boracay ang mga cruise ship mula sa ibat-ibat lugar sa mundo.

Sa panayam kay DOT Boracay Sub-Office Tourism Assistant Kristoffer Leo Velete, mayroon na umanong agent na mula sa malaking kumpanya ng cruise ship ang gustong mag-tour sa ibang tourist destination sa rehiyon.

Ayon kay Velete, under proposal palang umano ito sa ngayon pero ito din aniya ang balak ni DOT Regional 6 Director Helen Catalbas.

Sinabi nito na kung sakaling matuloy ang naturang plano ay isa sa mga magiging distinasyon ng cruise ship ay ang Cogon Island, Isla Higantes at Ilo-Ilo port sa Iloilo City kasama ang Guimaras island at Antique Province.

Nabatid na ang Boracay island palang ngayon sa Region 6 ang dinadayo ng cruise ship habang ang Palawan at Metro Manila naman sa ibang lugar sa bansa.

Supervisor ng isang resort sa Boracay, inireklamo ng pagnanakaw

Posted November 21, 2015
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for peraNanlumo ang isang Manager ng isang resort sa Boracay matapos umanong tinangay ng kanyang Supervisor ang perang nagkakahalaga ng mahigit sa P376,000 kahapon sa Brgy. Balabag, Boracay, Malay, Aklan.

Ine-rereklamo ng Manager na si Ruben Fuentes 47-anyos ng Brgy. Manoc-manoc, Boracay ang Supervisor nito na si Glory Lyn Capangpanagan 26- anyos ng Talaytay Argao, Cebu at temporaryong nakatira sa Brgy. Balabag, Boracay.

Sumbong nito sa Boracay PNP, ikinagulat niya umano ng makatanggap siya ng disconnection bill sa kuryente, tubig at notice sa BIR na nagkakahalaga lahat ng P376, 092.00.

Ayon kay Fuentes nagbigay na umano siya ng perang pambayad sa ini-rereklamong supervisor ngunit nagulat na lang siya ng hindi pala ito ibinayad ng suspek na ngayon ay bigla nalang naglaho.

Samantala, patuloy naman ngayon ang ginagawang paghahanap ng mga pulis sa suspek na dumikwat sa perang pambayad sa mga bill sa hotel.

Friday, November 20, 2015

Aktibidad sa 2016 Ati-Atihan Festival, plantsado na


Posted November 20, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for Ati-Atihan 2016Planstsado na ang ibat-ibang aktibididad para sa nalalapit na Santo Niño Ati-Atihan Festival 2016 sa buwan ng Enero sa bayan ng Kalibo.

Ito ang ipinaabot ni Kalibo Santo Niño Ati-Atihan Foundation Inc. (KASAFI) Chairman Albert Menez, sa ipinatawag na meeting kahapon para sa mga media partner sa darating na Festival.

Simula Enero 8-17 ay ibat-ibang aktibidad ang tampok sa sampung araw na okasyon, kung saan ilan sa mga ito ay Car Show, Fun Run, Hala Bira Ati-Atihan Nights, Ati-Atihan Street Bazaar, Kaean-an sa Plaza, Parade of Festival Showcase, Pagdayaw Kay Sr. Sto Nino, Sinaot sa Kalye, Aklan Higante Contest, Mutya Coronation Night, Ati-Atihan Street Competition at marami pang iba.

Ayon kay Menez, ang Ati-Atihan 2016 ay inaasahan nilang magiging makulay dahil sa ibat-ibang bagong aktibidad na aabangan ng mga manunuod at ng deboto ni Sr. Santo Niño.

Samantala, ang highlight ng naturang Festival ay sa darating na Enero 16-17 kung saan maglalaban-laban ang mga grupo na kinabibilangan ng Tribal Big and Small, Balik-Ati, Modern Groups at Individual Street Dancing Contest.