YES THE BEST 911 BORACAY

Friday, November 08, 2019

Isa patay, tatlong iba pa nasagip sa magkahiwalay na insidente ng lunod sa Boracay kahapon

Posted November 7, 2019
Inna Carol Zambrona, NEWS DEPARTMENT

Image may contain: one or more people
CCTO
Isa ang patay habang tatlong iba pa ang nasagip sa magkahiwalay na insidente ng lunod kahapon ng hapon sa isla ng Boracay.

Unang nairekord pasado alas-dos ng hapon ang pagkalunod ng dalawang Korean National na sina Kung Yun, at Yu Nee parehong 35-anyos kung saan nangyari ang insidente sa beach front ng Station 2.

Ang dalawang turista ay ligtas na nahila papuntang dalampasigan matapos sinaklolohan ng lifeguard on-duty kasama ng isang paddle board instructor.

Sa isa pang hiwalay na insidente, pasado alas-tres ng makatanggap ng impormasyon ang Seaside Base Team ng MDRRMO na may multiple drowing sa harap ng D’Mall.

Dead on Arrival ng dinala sa Ciriaco Hospital ang biktima na si Roberto Baisas Jr., 50-anyos ng Sta. Cruz, Laguna.

Bago nito, na rescue ng stand up paddle board ang biktima at nilapatan ng CPR subalit unconsious na ito kaya dinala agad sa ospital.

Maliban kay Baisas, isa pang biktima ng active drowning ang naligtas ng mga lifeguard kung saan kinilala ang biktima na si James Alfararo, 20-anyos ng Cebu City.

Dahil sa may malay ang biktima ay binigyan ito ng oxygen at dinala rin sa malapit na ospital at nasa mabuti ng kalagayan.

Kaugnay nito, paalala ni Catherine Ong ng MDRRMO Malay na makinig, huwag maligo kung malakas ang alon, at kung nakataas ang red flag upang maiwasan ang anumang insidente ng lunod.

Dagdag pa ni Ong, hindi nagkulang sa paalala ang mga lifeguards subalit may sadyang pasaway talaga at hindi sine-seryoso ang kanilang alituntunin.

Demolisyon sa sampung establisyemento itinuloy matapos magtapos ang ibinabang TRO

Posted November 7, 2019
Inna Carol Zambrona, NEWS DEPARTMENT

Image may contain: sky, tree and outdoorItinuloy ngayong araw ang demolisyon sa sampung establisyemento sa Bolabog Boracay matapos mag expire na ang ibinibang Temporary Restraining Order o TRO ng Aklan RTC Branch 7.

Nitong umaga, sa panayam kay Natividad Bernardino, General Manager ng Boracay Inter Agency Rehabilitation Management Group, ipinagpatuloy nila ang demolisyon matapos nag-isyu kahapon si Acting Mayor Frolibar Bautista, ng Executive Order No. 038 na i-resume ang pagtibag.

Kung matatandaan, ang sampung residential at commercial building ay nag request ng TRO sa Aklan RTC Branch noong Oct. 15 kung saan kinatigan ito ng korte at pansamantalang pinahinto ang pag-giba ng 20-araw.

Sa kabila ng mga reklamo ng ilang may-ari ng establisyemento, sinabi ni Natividad na wala silang magagawa kundi sundin ang batas dahil nakitaan ang mga ito ng paglabag sa 25+5 easement.

Image may contain: outdoor Samantala, ang Provincial Engineering Office PRO Aklan, naman ang katuwang ng BIARMG upang mapadali ang pag-demolish sa lugar.

Narito ang mga sampung pangalan ng mga establisyemento sa Bolabog na binabaan ng demolition order: Aira beach front boracay hotel, Ventoso Residences, Freestyle Academy, Kite Surfing School, Kite Center at Banana Bay, Wind Riders Inn, Pahuwayan Suites, Lumbung Residences, Boracay Gems, at 101, 107 of Seven Stones Boracay Suites.

PUV Express Service nagtaas ng pamasahe

Posted November 5, 2019

No photo description available.No photo description available.Nagtaas pasahe na ngayon ang PUV Express Service o mga Van na bumabyahe Caticlan-Kalibo vice versa.

Ito ay matapos aprubahan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board LTFRB 6 ang Passenger Fare Rates na nagpapahintulot sa pagtaas ng singil sa pasahe ng mga operators ng PUV Express Service epektebo November 4, 2019.

Ang regular rate ay tumaas na sa P 130 pesos mula sa dating P 100 habang sa mga PWD’s, Senior Citizen at estudyante ay nasa P 104 na ang singilan.

Samantala, ang pagtaas umano ng pamasahe ay dahil sa pagtaas ng gasolina, at operasyon at pagmintina ng mga sasakyan.

Update sa nangyaring sunog kanina:

Posted October 24, 2019

Image may contain: 2 people, sky and outdoor
Umabot sa mahigit kumulang 200 na residential at boarding houses ang tinupok ng apoy sa nangyaring sunog kaninang umaga sa Sitio Ambulong, Manocmanoc isla ng Boracay.

Tumagal ang sunog ng tatlong oras na nag-umpisa bago mag alas nuebe ng umaga at idineklang fire out bago mag alas dose ng tanghali.

Pahirapan ang pag apula ng apoy dahil sa dikit-dikit ang mga kabahayan at gawa sa light materials.

Malayo rin ito sa kalsada kaya hindi ma penetrate ng mga bumbero ang lugar.

Sa pagtantya, umabot sa tatlong hektarya ang lawak ng sunog na mabilis ang pagtupok ng istraktura dahil sa malakas na hangin.

Sa kasalukuyan, nasa 550 na pamilya, 430 boarders, habang 245 na kabahayan ang totally damage at dalawang bahay ang partially damage.

Ang Manocmanoc covered court sa naturang barangay ang nagsilbi ngayong temporaryong evacuation center habang patuloy ang ginagawang validation sa mga biktima.

Samantala, patuloy pang inaalam ng BFP ang sanhi at damages ng sunog.


Wednesday, October 23, 2019

Mga nanalo sa Miss Asia Pacific International 2019 nag-courtesy visit sa bayan ng Malay


Posted October 23, 2019

Nag-courtesy visit ang mga nanalong kandidata sa Miss Asia Pacific International 2019 sa bayan ng Malay nitong Lunes.

Nabatid ang nasabing pageant ay ginanap noong October 9 sa Resorts World Manila kung saan kinoronahang Miss Asia Pacific International 2019 si Chaiyenne Huisman ng bansang Spain.

Narito ang mga pangalan nang nanalong kandidata:

1st Runner-Up – Eoanna Constanza (Dominican Republic)
2nd Runner-Up – Jessica Cianchino (Canada)
3rd Runner-Up – Carolina Schuler (Brazil)
4th Runner-Up – Fiorella Cortez Arbenz (Costa Rica)

Samantala nagkaroon naman ng picture taking sa mga kandidata sina Acting Municipal Mayor Frolibar Bautista, Acting Vice Mayor NiƱo Carlos Cawaling at ibat-ibang department heads.

Dating nakulong dahil sa pagbebenta ng droga, muling nasakote sa buy bust operation


Posted October 21, 2019

Image may contain: 1 person
CTTO
Muling nasakote sa ikinasang buy bust operation ang dati ng nakulong dahil sa pagbebenta ng iligal na droga kaninang madaling araw sa Sitio Angol, Brgy. Manocmanoc, Malay, Aklan.

Ang suspek ay si Kim Cahilo, 23-anyos, walang trabaho at residente rin ng naturang lugar.

Naaresto ang suspek sa pinagsamang pwersa ng Malay PNP, 2ND Aklan PMFC, 605TH Maritime at PDEA 6 matapos itong mabilhan ng dalawang sachet ng suspected shabu nang nagpakilalang poseur buyer kapalit ng P 1, 100.00 na buy bust money.

Samantala, nakuha pa sa ginawa umanong body search ng Malay PNP ang apat pang sachet ng ipinagbabawal na droga.

Nabatid, kasama umano itong si Cahilo sa Community Based Rehabilitation Program (CBRP) at nakalabas ng kulongan sa pamamagitan ng Plea-Bargaining.

Paglabag sa Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang kaso ng suspek.

Malay College bubuksan na sa susunod na taon


Posted October 21, 2019
Inna Carol Zambrona, NEWS DEPARTMENT

Image may contain: sky, cloud, house and outdoor
Photo (c) Aireen Dela Torre, MPGO
Kumpiyansa ang LGU Malay na mabubuksan na sa susunod na taon ang Malay College matapos itong ma-aprobahan ng Sangguniang Panlalawigan ng Aklan.

Ayon kay Alma Belejerdo, Chairman ng Technical Working Group, papeles na lang sa CHED ang kanilang lalakarin at pwede na silang tumanggap ng enrollees.

Masaya rin nitong ibinalita na may karagdagang budget na ang school building na sa ngayon ay may 15 silid-aralan na pwedeng tumanggap ng mahigit 300 estudyante.

Sa pagbukas ng Malay College, apat na taong kurso na BS in Tourism and Hospitality Management ang kanilang handog sa mga estudyante.

Kaugnay nito, libre rin ang matrikula o tuition fee ng mga Malaynon na mag-aaral.

Sa ngayon ay naghahanap na sila ng mga aplikante na guro at school administrator para sa operasyon ng paaralan.

Ang Malay College ay nasa Balusbos, Malay, Aklan. 

Friday, October 18, 2019

Vice Mayor Cawaling, nagpahayag ng saloobon matapos malamang may nag-peke ng kanyang pirma

Posted October 18, 2019
Inna Carol L. Zambrona, YES THE BEST BORACAY NEWS DEPARTMENT

Image may contain: 1 person, eyeglasses
ctto
Hindi napigilan ni Malay Vice Mayor NiƱo Cawaling na magpahayag ng kanyang saloobin at pagkadismaya matapos nitong malaman na may nag-peke ng kanyang pirma.

“Forgery is a crime”.

Ito ang bungad ni Cawaling nang ipaalam sa kaniya ng kanyang sekretarya na may nag-release ng resolution na nag-iendorso ng proposal sa pag-operate ng Aqua Sports Incorporated at may pirma na.

Pagtatanong ni Cawaling bakit may pirma na gayong for signatory palang ang orihinal na kopya ng resolution.

Dahil sa pangyayari, nais nitong pa-imbestigahan ang SB Secretary Office at Licensing Office sa pamamagitan ng committee hearing ng SB Committee on Good Governance.

Napag-alaman kasi na nabigyan na ng “special permit” ang Aqua Sports Incorporated dahil sa pekeng pirma.

Dagdag pa ni Cawaling, isa umano itong insulto sa kaniyang opisina at bilang presiding officer.

Aniya, pag mapatunayang may nagkasala ay hindi siya mag-aatubaling magsampa ng kaso.

Samantala, ini-rekomenda naman ni SB Member Nenette Graf na ipatigil muna ang operasyon ng Aqua Sports Incorporated hangga’t hindi pa ito aprobado.

Bautista suportado ang planong paglalagay ng tulay

Posted October 14, 2019
Inna Carol L. Zambrona, YES THE BEST BORACAY NEWS DEPARTMET

Image may contain: 1 person, sitting, screen and indoorSuportado ni Malay Acting Mayor Frolibar Bautista ang planong paglagay ng tulay na magdudugtong ng mainland Malay at Boracay.

Ayon kay Bautista, dalawang linggo ang nakalipas nagpresent na umano sa mga Departments Heads at ang kompanyang magpapatayo ng naturang tulay para sa total development nito.

Pero bago umano ito maisakatuparan,  nito na kailangan dapat ay may magandang access at may tatlo itong pinagpipilian.

Ito umano ay Cable Car, Tulay, o Tunnel under water.

Sakali umanong matuloy ang proyekto, isa umano sa mga advantage nito ay mapadali ang paghahakot ng basura papuntang mainland Malay at kung may emerhensya at masama ang panahon.

Dagdag pa nito kailangan ng proper planning kung maganda ba o hindi ang epekto ng planong pagtatayo ng tulay.

Iginiit naman ni Bautista na suportado niya itong proyekto bastat magbigay lang ng plano para sa ikakaganda ng isla.

Sa kabilang banda, kuntento naman ang Acting Mayor sa nagpapatuloy na rehabilitasyon ng Boracay.

Lalo na umano’t muling kinilala ito ng international magazine na Conde Nast Traveler bilang pinakamagandang isla ang Boracay.

Monday, October 07, 2019

Suspek sa pag saksak-patay sa caretaker ng isang resort patuloy na pinaghahanap

Posted October 7, 2019
Inna Crol L. Zambrona, YES THE BEST BORACAY NEWS DEPARTMENT

Image may contain: one or more people and text
ctto
Patuloy ang ginagawang pagtugis ng Malay PNP sa suspek na sumaksak sa isang caretaker ng resort sa Sitio Bolabog Brgy. Balabag, Boracay nitong umaga ng Oktubre 4.

Ang nadiskubreng bangkay ay kinilalang si Dionilo Flores y Molas, 54 anyos ng Tayhawan Lezo, Aklan.

Nabatid na patay na at tadtad ng saksak nang matagpuan ang bangkay ng biktima sa loob mismo ng naturang resort na kanyang pinag-tatrabahuhan.

Ayon sa imbestigador ng Malay PNP, maliban sa basag ang ilong ng biktima ay nagtamo ito ng tatlong saksak sa likurang bahagi ng ulo at dalawang saksak naman sa leeg.

Bago madiskubre ang bangkay, pinuntahan umano ito ng kasamahang maintenance ng resort ang kwarto ng biktima para tanungin sana kung anong oras bubuksan ang generator subalit sa pagpasok nito ay laking gulat nalang nito na naliligo na si Flores sa kanyang sariling dugo.

Agad na tumawag ng pulis ang maintenance at dinala pa sa ospital ang biktima subalit idineklarang itong DOA.

Samantala, sa follow-up operation ng imbestigador, isang lifeguard ng hotel ang nagsauli ng Eco Bag na naglalaman ng mga damit na mayroong dugo na pina-niniwalaang galing sa pinangyarihan ng krimen.

Sa kuha naman ng CCTV camera sa naturang resort may isang lalaki ang dumaan sa bahagi ng exit ng gusali kung saan nakasuot ito ng itim na long sleeve, naka-short at naka backpack na dumaan sa direksyon ng Bloomfield Academy.

Sa ngayon ay patuloy na sinusundan at inaalam ang pagkakakilanlan ng suspek na ayon sa mga otoridad ay patuloy na pinaghahanap.

Monday, September 30, 2019

Guest Relation Officer o (GRO) kalaboso sa pagbebenta ng ilegal na droga

Posted September 27, 2019

Kalaboso sa pagbebenta ng sinasabing iligal na droga ang isang Guest Relation Officer o GRO kaninang umaga sa Sitio Lugutan, Brgy. Manoc-manoc, Boracay.

Ang suspek ay si Keziah Ann Mikaela Villanueve, 21-anyos, native ng Sta. Fe, Zarraga, Ilo-Ilo at pansamantalang nakatira sa Sitio Malabunot ng nasabi ring Brgy.

Nahuli si Villanueva ng kapulisan matapos itong mabilhan ng apat na sachet ng pinaniniwalang shabu kapalit ng P 2, 200.

Samantala sa isinagawa pang body search nakuhaan pa ito ng lima pang sachet ng droga.

Pansamantalang ikinustodiya ang suspek sa Malay PNP at mahaharap ito sa kasong paglabag sa R.A 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.

Water Activity sa Boracay tuloy sa kabila ng nangyaring insidente sa Dragon Boat

Posted September 26,  2019

Image may contain: ocean, water and outdoor
photo credit:
“Walang kanselasyon ng mga water activity sa isla”.

Ito ang sinabi ni Lieutenant Commander Marlowe Acevedo, PCG-Aklan station commander, sa kabila ng nangyaring pagkalunod ng pitong miyembro ng Boracay Dragon Force Team matapos tumaob ang kanilang sinasakyang 20-seater dragon boat habang binabaybay kahapon ang area ng Tulubhan Bay, Brgy. Manocmanoc.

Aniya, tuloy parin at regular ang operasyon ng mga water sports at ibang mga aktibidad na ginagawa sa baybayin ng isla ng Boracay.

Sa ginanap na Incident Management Conference kahapon, napag-alaman na alon at hangin ang dahilan ng paglubog ng dragon boat at walang suot na lifevest ang mga atleta.

Inirekomenda rin ni Acevedo na magdagdag pa ng mga kagamitan sa rescue operation dahil hindi pa umano sapat.

Dahil sa pangyayari, payo nito sa iba pang dragon boat teams na nagsasanay ngayon, kailangan isipin ang seguridad ng bawat isa, alamin ang lagay ng panahon bago puntahan ang lugar, at makipag ugnayan sa mga concern agency.

Samantala, sa pitong namatay, dalawang bangkay pa ang hindi nakukuha ng kanilang pamilya at nasa pangangasiwa ngayon ng Malay Health Office at MSWDO.





Posted September 25, 2019

UPDATE:

Image may contain: 3 people, people standing, crowd and outdoorPito ang idineklarang patay sa nangyaring paglubog ng dragon boat sa Tulubhan Bay, Manocmanoc kaninang umaga.

Ang mga biktima ay kinilalang sina:

1. Arcob Comar
2. John Vincent Natividad
3. Mark Vincent Navarrete
4. Johann Tan
5. Maricel Tan
6. Rachel Montoya
7. Antonette Supranes

Sa labing-apat na survivors, nasa hospital pa rin ngayon si Von Navarrosa.

Ayon sa isang survivor, nasa layong 300 meters mula sa dalampasigan ng Tulubhan ng pasukin ng tubig dagat ang kanilang 20-seater na dragon boat.

Ang ilan sa kanila ay kumapit sa lumubog na dragon boat habang ang iba ay pinilit na lumangoy pabalik sa dalampasigan.

Ang grupo na Dragon Force ay magsasanay sana para sa parating na international competition.



Mag-ina sa boracay, binaril ng guwardiya

September 23, 2019
Teresa Iguid, YES THE BEST BORACAY NEWS

Isinugod sa ospital ang mag-inang biktima ng pamamaril matapos pasukin at putukan ng baril ang mga ito sa loob ng kanilang bahay sa Tapus Compound, Sitio Pinaungon Ibabaw, Balabag kagabi.

No photo description available.
photo credit:
 Kinilala ang mga biktima na sina Liberty Asuncion, 50 anyos at ang anak nitong si Edwin Asuncion 22 anyos ng naturang lugar.

Batay sa blotter report, bandang 8:30 kagabi habang naghahanda ng hapunan sa kusina ang mag ina nang bigla na lamang silang pinasok ng suspek na kinilala kay Generoso Andongan 54 anyos, isang security guard at pinutukan gamit ang “shotgun”.

Sa salaysay ng biktimang si Edwin, maliban kay Andongan ay may kasama pa itong guwardiya na sina Sanny Boy Andol na nagsilbi umanong “back-up gunman” at Romeo Villarias Jr.

Nagtamo ng tama ng shotgun sa ibat-ibang parte ng katawan ang mga biktima kung saan ang nanay na biktima ay ini-refer sa Kalibo para sa karagdagang atensyong medikal.

Matapos ang pamamaril, kumasa ng hot-pursuit operation ang pulisya at nadakip ang tatlong suspek subalit at-large pa ang isang alyas “Tatang” na umanoy kasama rin ng mangyari ang pamamaril.




Friday, September 13, 2019

Imported Meat Products, haharangin dahil sa African Swine Fever

Posted September 12, 2019

Image may contain: one or more people and text
ctto
Boracay Island – Mas paiigtingin ngayon ng Office of the Provincial Veterinarian ang pagbantay sa pantalan at paliparan sa buong Aklan para maiwasan ang kaso ng African Swine Fever sa probinsya.

Ayon kay Dr. Ma. Cyrosa Leen Mabel SiƱel, patuloy ang pagkumpiska nila sa Kalibo International Airport ng mga bagaheng naglalaman ng mga meat products na bitbit ng mga turista mula China at Korea.

Paliwanag nito, pwedeng manatili ng 140-days ang virus ng ASF o African Swine Fever sa mga canned goods at mga processed foods.

Ang virus na ito ay walang direktang epekto sa tao subalit paliwanag ng mga eksperto, kapag nakainin ng alagang baboy ang mga kontaminadong produkto na ito ay magkakaroon ang mga ito ng ASF.

Kaya panawagan ngayon ng Department of Agriculture sa publiko at mga may restaurant, huwag pakainin ng kaning-baboy o “damog” ang mga baboy at sa halip ay feeds lang muna para maiwasan ang kaso ng ASF.

Sa rekord ng probinsiya, sa mahigit 120,000 na baboy, 90% dito ay “backyard raising hogs” rason na kailangan na maiwasan na magkaroon ng kaso dito.

Samantala, naglagay ng mga quarantine check points sa bayan ng Altavas, Nabas, at Buruanga para masiguro na nasuri at nabigyan ng Meat Inspection Certificate ng NMIS ang mga binabiyahe at ibebentang karne ng baboy sa mga palengke.

Sa isla ng Boracay, nanawagan ang Office of the Provincial Veterinarian sa mga stakeholders na tulungan silang i-kampanya na huwag ipakain sa baboy ang mga left-overs o tirang pagkain mula sa mga restaurants.

Sa mga susunod na araw ay susuyurin din nila ang mga Korean at Chinese stores para ma-inspeksyon ang mga panindang galing sa kanilang lugar lalo na ang mga produktong karne.




Dry Run sa direktang pag kolekta ng basura sa mga sstablisyemento, sisimulan sa susunod na buwan

Posted September 10, 2019
Inna Carol L. Zambrona, YES THE BEST BORACAY NEWS DEPARTMENT

Image may contain: one or more people and indoorSisimulan sa susunod na buwan ang dry run sa direktang pagkolekta ng basura sa mga establisyemento sa isla ng Boracay.

Ito ang napagkasunduan sa ginanap na public hearing ng Sangguniang Bayan ng Malay na  ni SB member Dante Pagsuguiron na siyang nagbukas ng usapin sa plenaryo kasama sina Acting Mayor Frolibar Bautista, Acting Vice Mayor NiƱo Cawaling, LGU Officials Stakeholders, Hotel Owners, ECOS Sanitary Landfill and Waste Management Corporation, at iba pang concern agencies.

Kung matatandaan, sa naging privilege speech ni Pagsuguiron, nais nitong direkta ng sisingilin ang mga establisyemento upang makatulong at mabawasan ang utang na kinakaharap ng Bayan ng Malay sa ECOS.

Sa panig ng ECOS, itong hakbang ay malaking tulong sa LGU Malay dahil wala na silang babayaran sa oras na mapagkasunduan ang bagong sistema ng koleksyon.

Isa rin umano itong paraan para matutukan ng mga establisyemento na ma-segregate ng maayos ang kanilang mga basurang itinatapon.

Sa inisyal na pag-uusap, sampung piso kada kilo naman ang singilan ng mga basurang makokolekta.

Samantala, ikukonsulta rin muna ng LGU-Malay sa COA kung pwede ang ipapatupad na sistema ng bayaran o si LGU na mismo ang sisingil para ipambayad sa ECOS.

Aprubado din sa mga stakeholders ang scheme at gagawin ang dry run sa buwan ng Oktubre.

Kung maaalala, kapos ang P 60M na budget ng LGU Malay para sa solid waste management kumpara sa P 93M na bayarin nito sa ECOS sa unang anim na buwan ng taon.


Friday, July 26, 2019

SB Member Pagsuguiron, nais pa-amyendahan ang kontrata ng ECOS

Posted August 26, 2019
Inna Carol Zambrona, YES THE BEST BORACAY NEWS DEPARTMENT

Image may contain: 1 person, ocean, sky, outdoor and waterNais ngayon ni Sangguniang Bayan Member Dante Pagsuguiron na amyendahan ang kontratang pinasok at pinirmahan sa pagitan ng ECOS Sanitary Landfill and Waste management Corporation at ng LGU Malay.

Ito aniya ang paraan para hindi mabaon sa utang ang Malay lalo’t hindi sapat ang taunang budget ng LGU para sa solid waste management.

Umabot na kasi sa P 93 million ang bayarin ng LGU-Malay sa ECOS sa kalahating taon na paghahakot ng basura sa isla papuntang Sanitary Landfill sa Brgy. Kabulihan.

Apela ng konsehal, kung maaari umano ay ipahinto muna at amyendahan ang kontratang pinirmahan dahil nasa labing-limang taon pa ang itatagal nito.

Ayon naman kay SB Secretary Concordia Alcantara, sinabi ng COA na hindi umano applicable ang PPP na ginamit ng LGU sa kontrata bagkus dapat idinaan ito sa bidding process.

Samantala, ayon kay Oliver Zamora ng ECOS, legal ang 15-years na kontrata, “entered with good faith”, at inaprobahan mismo ng Sangguiniang Bayan ng Malay.

Ayon pa kay Zamora, posibleng ikonsulta nila ang usapin sa kanilang legal team para maayos na ito.

Nakatakdang pag-usapan ang isyu sa ikakasang committee hearing kasama ang SB Committee on Environment and Laws kasama representante ng ECOS sa susunod na linggo.

Friday, July 19, 2019

Pag-amyenda ng Transportation Code, sagot sa mga pasaway na trike driver – SB Malay

Posted July 19, 2019
Inna Carol Zambrona, YES THE BEST BORACAY NEWS DEPARTMENT

Image may contain: outdoorNapagkasunduan ng Sangguniang Bayan ng Malay na dadalhin sa committee hearing ang posibleng pag-amyenda ng batas trapiko o transportation code para masawata ang mga abusadong driver sa isla.

Nitong Huwebes, pinasaringan ng mga konsehal ang mga driver na matigas parin ang ulo na hindi nagpapasakay at minsan ay namimili pa ng pasahero.

Inihalimbawa ni SB Member Nickie Boy Cahilig ang hindi pagpasakay sa isang batang estudyante ng Balabag Elementary School na pauwi sana sa Barangay Yapak.

Nais nitong maaksyunan dahil matagal at paulit-ulit nalang itong problema ng mga mananakay sa Boracay.

Dito pumasok ang suhestyon ni SB Pagsuguiron na amyendahan ang ordinansa na taasan ang penalidad na ipapataw sa mga drivers upang magtanda.

Maliban sa babaguhing probisyon sa penalidad ay ang istriktong pagkansela ng akreditasyon at prangkisa kapag paulit-ulit itong lumabag.

Nabatid kasi na P 2,500 lang ang penalidad sa hindi nagpapasakay ng pasahero.

Samantala, ayon sa BLTMPC susunod sila kung ano man ang mapagkasunduan at ipapatupad na batas trapiko lamang madisiplina ang mga driver.

Wednesday, July 17, 2019

Inter-Agency Task Force naglatag ng pansamantalang solusyon , humiling ng pag-unawa sa publiko

Posted July 17, 2019
Inna Carol Zambrona, YES THE BEST BORACAY NEWS DEPARTMENT

Image may contain: outdoorHumiling ngayon ng pag-unawa ang Boracay Inter-Agency Rehabilitation Management Group sa publiko matapos ang naranasang pagbaha sa ilang bahagi ng Boracay kahapon sa kasagsagan ng malakas na ulan dulot ng Bagyong Falcon.

Sa ginawang press conference, umapela si GM Natividad Bernardino ng BIARMG ng kaunting pasensya at pagunawa lalo na sa mga turista at residente dahil hindi maiiwasan na magkaroon ng pagbaha lalo’t hindi pa tapos ang proyekto ng gobyerno sa nagpapatuloy na rehabilitasyon.

“ We are doing something to mitigate these flooding in low lying areas while there is on-going constructions” ani Bernardino.

Alam din nito na mataas ang ekspektasyon ng lahat na maayos na ang Boracay dahil sa ginawang rehabilitasyon subalit paliwanag nito na hindi naman agad agad na matatapos ito dahil marami silang ikinukonsidera pagdating sa construction side tulad ng sa TIEZA at DPWH.

Kahapon, nagtulong-tulong ang mga water concessionares na mahigop ang tubig-baha sa Dmall at Ambassador road area para madaanan na ng mga motorista.

Ayon kay Engr. Noel Fuentebella ng DPWH, balak nilang i-elivate ang kalsada malapit sa Ambassador pero mangyayari lang ito kapag mailatag na nila ang drainage system na magkukonekta mula City Mall pababa ng 24/7 palabas ng Bolabog STP.

Samantala, aminado naman si Engr. David Capispisan ng TIEZA na mabagal talaga ang trabaho ng kanilang mga kinontrata sa proyekto dahil hindi raw madali ang paglatag ng drainage line.

Maliban dito, hindi pa nag-ooperate ang existing pumping station na magkukonekta sa drainage system ng TIEZA rason na hindi agad ma pump ang tubig ulan sa mga mababang area tulad ng sa Dmall at ibang low lying areas.

Umaasa naman ang task force na maiibsan ang problema sa baha oras na matapos na ang mga infrastructure project ng TIEZA bago ang May 2020.

Caticlan inilunsad ang “Basura mo, Palitan ko ng Bigas”

Posted July 16, 2019
Teresa Iguid & Inna Carol Zambrona - YES THE BEST BORACAY NEWS DEPARTMENT

Image may contain: text
(ctto)
Inilunsad ng Caticlan Barangay Council sa bayan ng Malay ang kakaibang programa na may temang "Basura mo, palitan ko ng Bigas".

Ang programa ay nag-aanyaya sa mga residente na dalhin ang kanilang mga basura tulad ng plastic sachets at plastic bottles sa “barter area” ng Caticlan Multi-Purpose Hall kapalit ng bigas.

Sa panayam kay Punong Baranagy at Malay Liga President Ralf Tolosa, ang inisyatibo na ito ay upang mabawasan ang mga kalat sa paligid at makatulong narin sa mamamayan ng Caticlan.

Aniya, katumbas ng isang kilong mga ginunting na plastic sachet at plastic bottles ay papalitan rin ng isang kilong bigas.

Dagdag pa nito, hanggang limang kilo lang ang ilalaan bawat pamilya upang maka-benepisyo din ang iba.

Ang palitan ay nakatakda mula Lunes hanggang Sabado na magtatagal hanggang buwan ng Disyembre.

Samantala, hinikayat nito ang mga Punong Barangay maging ang ibang bayan na magsagawa rin ng kahalintulad na proyekto na layunin na mapanatiling malinis ang komunidad at para makaiwas na rin sa sakit na “dengue”.

Isla ng Boracay pasok sa Top 10 Best Islands sa Asya

Posted July 15, 2019
Inna Carol Zambrona, YES THE BEST BORACAY NEWS DEPARTMENT

Image may contain: sky, ocean, cloud, tree, outdoor, nature and water
(ctto)
Muling nakapasok sa Top 10 Best Islands ng Asia and Travel Leisure Magazine ang isla ng Boracay.

Sa July 10, 2019 na resulta ng survey ng Travel and Leisure, nasa pang siyam (9) na pwesto ang Boracay Island.

Maliban dito, pasok din ang ibang island destination ng Pilipinas tulad ng Cebu at Palawan.

Narito ang mga isla na nakapasok sa Asia Travel Leisure at ang kanilang score na nakuha.

1. Sri Lanka (92.12)
2. Palawan, Philippines (90.87)
3. Bali, Indonesia (90.76)
4. Maldives (90.48)
5. Koh Lanta, Thailand (90.00)
6. Naoshima Island, Japan (87.43)
7. Cebu, Philippines (87.09)
8. Koh Samui, Thailand (86.94)
9. Boracay, Philippines (86.90)
10. Java, Indonesia (85.88)

Ang survey ay taun-taong ginagawa at ibinase sa karanasan ng mga travelers at kung ano ang kanilang opinyon sa pangkabuuan.

Samantala, ayon sa mga stakeholders mas mainam na makabalik sa mataas na posisyon ang isla ng Boracay dahil mas gumanda ito matapos ang ginawang rehabilistasyon.

Thursday, July 11, 2019

Bagong sets ng Sangguniang Bayan Members itinalaga na sa kanilang hahawakang komite

Posted July 10, 2019
Inna Carol L. Zambrona, YES THE BEST BORACAY NEWS DEPARTMENT

Image may contain: 11 people, people smiling, people standing, people sitting and indoorItinalaga na sa bagong set ng Sangguniang Bayan members ang mga komitebang hahawakan nila sa loob ng tatlong taon na panunungkulan sa lokal na lehislatura ng Malay.

Ang first timer na konsehal na si SB Nickie “Boy” Cahilig ay hahawakan ang Committee on Laws and Ordinances, Rules and Privileges at Committee on Peace and Order and Public Safety.

Itinalaga naman kay SB Nenette Aguirre-Graf ang Committee on Finance, Budget and Appropriations, Committee On Tourism Industry, Trade, Econimic Enterprise at Committee on Environment Protection.

Ang Committee on Health and Sanitation at ang Committee on Housing, Land Utilization and Building Construction ay ibinigay kay SB Danilo Delos Santos.

Ang bagitong si SB Member Junthir Flores ay itinalaga sa Committee on Social Welfare, Senior Citizen, Disable and Human Rights at Committee on Market and Slaughterhouse.

Samantala, pangungunahan ni Liga President Ralf Tolosa ang Committee on Good Government, Public Ethics and Accountability, Committee on Education and Culture at ang Committee on Brgy. Affairs.

Inilagay naman bilang Chairman sa Committee on Public Works and Highways and Public Utility at Committee on Agriculture, Fisheries and Aquatic Resources si SB Dante Pagsuguiron.

Kaugnay nito, hiniwalay naman ang Committee on Youth Games and Amusement and Sports sa Committee on Youth and Affairs na hahawakan ni Sangguniang Kabataan SK Federation Presdident Hope Pagsuguiron at si SB Daligdig Sumndad sa Committee on Games and Amusement and Sports at Committee on Transportation.

Si Sangguniang Kabataan SK Federation President Hope Pagsuguiron ang hahawak bilang Committee Chairman sa Committee on Women, Family and Child habang sa Committee on Culture and Minorities si Sangguniang Bayan Member Lloyd Maming.

Maliban dito, napagkasunduan din na ang linggohang sesyon ay ilipat sa araw ng Huwebes, ala-una ng hapon.

Lalaki namatay habang nasa Snorkeling Activity

Posted July 10, 2019
Inna Carol Zambrona, YES THE BEST BORACAY NEWS DEPARTMENT

Image may contain: one or more people, swimming, ocean, outdoor, nature and water
(ctto)
Wala ng buhay ng isugod sa hospital ang isang lalaking hindi na pinangalan matapos umanong malunod kaninang  sa isla ng Boracay.

Ayon kay Philippine Coast Guard Commander Marlowe Acevedo, ang biktima ay 40 na taong gulang at isang bakasyonista.

Ayon sa inisyal na report ng MDRRMO Malay, nakatanggap ng tawag ang sea patrol na may humihingi ng saklolo sa snorkeling area sa Crocodile Island sa Sitio Tambisaan, ManocManoc.

Sa pagresponde nila sa area ay wala ng malay ang biktima at agad na isinugod sa St. Gabriel Hospital Boracay.

Matapos suriin ay idineklara naman itong DOA o Dead on Arrival ng attending medical staff ng ospital.

Samantala, ayon kay Acevedo inaalam pa nila ang dahilan ng pagkamatay ng biktima at kung ito ba ay inatake sa puso bago nalunod.

LGU Malay magpapasa ng resolusyon kaugnay sa “Clean Up Drive” bilang aksyon sa sakit na dengue

Posted July 10, 2019
Inna Carol L. Zambrona, YES THE BEST BORACAY NEWS DEPARTMENT

Image may contain: one or more people, people sitting, table and indoorBilang aksyon sa tumataas na kaso ng dengue sa ibat-ibang rehiyon sa bansa, magpapasa ngayon ng resulosyon ang Lokal na Pamahalaan ng Malay upang maiwasan at hindi na dumami pa ang mabiktima ng sakit na dengue.

Kahapon, sa isinagawang meeting kasama ang ibat-ibang department heads ng LGU Malay, stake holders at iba pang ahensya ng gobyerno, napagkasunduan na magpasa ng resolusyon para hikayatin ang mga paaralan at barangay sa isang malawakang “Clean Up Drive”.

Ang “Clean Up Drive” ay isang paraan upang suyurin ang mga area na marurumi kung saan naninirahan ang mga lamok at hindi na makapinsala ng buhay ng tao.

Ang schedule ng paglilinis ay araw ng Miyerkules sa mga paaralan na magsisimula sa alas syete ng umaga at araw ng Sabado sa alas-otso ng umaga.

Hinikayat naman ni Malay Acting Mayor Frolibar Bautista ang mga Barangay Captains at Paaralan na gawin ang 4 o’clock habit o paglilinis sa mga area na maaaring pamugaran ng lamok.

Samantala, ire-reactivate naman ang Barangay Dengue Monitoring Task Force at magkakaroon din ng Municipal Dengue Monitoring Task Force bilang tugon upang masawata ang nakakamatay na sakit.

Neuro-exam para sa bagong Malay Auxiliary Police – Bautista

Posted July 9, 2019
Inna Carol Zambrona, Yes The Best Boracay NEWS DEPARTMENT

No photo description available.
(ctto)
Nais ngayon ni Malay Acting-Mayor Frolibar Bautista na pakuhanin muna ng “ Neuro-Phsycological Assessment and Evaluation Exam” ang lahat ng aplikante bago tanggapin na maging miyembro ng MAP o Malay Auxiliary Police.

Sa panayam kay Bautista, marami umano siyang natatanggap na reklamo kaugnay sa performance o trabaho ng ilang miyembro ng MAP.

May iilan na patambay-tambay lang at walang ginagawa at karamihan ay walang kakayahan na gampanan ang kanilang tungkulin.

Aniya ang MAP ay frontliner ng isla kaya dapat sila mismo ay alam ang mga ordinansa na dapat ipinapatupad sa buong bayan ng Malay.

Sinabi pa nito na kahit kaunti lang basta’t inaayos nila ang kanilang trabaho ay wala siyang problema.

Aminado ito na may mga mga “political accomodation” na nagyayari sa pagpili ng kawani sa LGU subalit mahalaga pa rin aniya na dapat ay may kakayahan at kapasidad ang mga empleyado ng gobyerno.

Samantala, nauna ng sinabi at hinamon ni Bautista ang mga nagta-trabaho sa LGU-Malay na mag “ Level Up” sa serbisyo dahil ito umano ang susi para sa mas maunlad na Malay.

Thursday, July 04, 2019

Acting-Mayor Bautista hinamon ang mga kasamahan na mag-level up sa serbisyo

Posted July 3, 2019
Inna Carol Zambrona, YES THE BEST BORACAY NEWS DEPARTMENT

"Mag level up! "

Ito ang hamon na binitawan ni Malay Acting Mayor Frolibar Bautista sa mga department at unit heads ng LGU-Malay sa ginawang Inaugural Session nitong Martes.

Inisa-isa ng alkalde  mga dapat pagtuonan ng pansin ng bawat departamento dahil hindi umano ramdam ng taga-mainland Malay ang pagiging 1st Class Municipality ng Malay.

Tinukoy nito ang ilang problema tulad patubig sa ibang barangay, makitid na kalsada at health services sa mga Malaynon.

Aniya masakit isipin na ang Boracay ay sagana sa tubig dahil sa Nabaoy River subalit ang mga barangay tulad ng Naasug ay walang mapagkukunan ng maiinom.

Hindi rin daw binigyan ng sapat na atensyon na mapalapad at mapaganda ang kalsada ng ibang mga destinasyon tulad ng Nabaoy gayundin ang paakyat na kalsada sa Naasug.

Ipinunto ni Bautista na dapat mag-ikot ang mga department heads ng LGU-Malay at pagtuunan ito ng pansin dahil may pera naman aniya ang Malay.

Pinuna niya rin ang suliranin sa mga buildings sa Boracay na ayon sa huli ay hindi nasusunod at na-iimplementa ng tama rason na nagkaproblema ang isla.

Sa pangkalahatan, layunin umano nito na madevelop din ang mainland Malay.

Samantala, hinikayat nito ang mga bagong miyembro ng SB Malay na magtulungan upang unti-unting maresolba at mapaganda ang lokal na pamamahala.

Monday, July 01, 2019

P90-million, utang ng Malay sa ECOS

Posted July 1, 2019
Inna Carol L. Zambrona, YES THE BEST BORACAY NEWS DEPARTMENT

Image may contain: 3 people, people sitting and screenMahigit P 90-million ang hindi pa umano nababayaran ng Local Government Unit ng Malay sa ECOS Sanitary Landfill and Waste Management Corporation kaugnay sa mga basurang hinahakot sa isla patawid sa Kabulihan sanitary landfill.

Ayon kay Oliver Zamora, President ng ECOS, ang halaga na ito ay kabuuang bayarin para sa anim na buwan nilang operasyon  buwan ng Enero hanggang Hunyo.

Sa kabila ng ganito kalaking halaga na sisingilin pa sa LGU-Malay, ayon kay Zamora ay patuloy ang operasyon ng ECOS dahil ito ang kanilang obligayon sa pinasok nilang 15-taon na kontrata.

Bagamat aminado sila ngayon na gipit sila sa pondo, organisado parin ang operasyon at nasusunod ang Republic Act 9003 o Ecological Solid Waste Management Act in the garbage collection and disposal.

Inaayos na rin nila ang isyu sa hauling na naunang inireklamo ng mga residente sa mainland Malay dahil sa mabahong amoy ng mga dumaraang garbage truck doon.

Samantala, hinihintay nalang nila na mapag-usapang muli ang tungkol sa bayarin ng LGU-Malay kapag naka-upo na ang mga bagong halal simula Hulyo.

Kung maaalala, ang ECOS ay kinontrata ng LGU-Malay sa pamamagitan ng PPP o Public-Private Partnership para hakutin ang lahat ng basura sa Boracay.

“Dimissal is still in effect kay Cawaling” – DILG

Posted July 1, 2019

Image may contain: 3 people, indoor“Walang pwersahan na mangyayari na pababain siya pero ang dismissal sa kaniya ng Ombudsman is still in effect”.

Ito ang pahayag ni MLGOO Mark Delos Reyes matapos umupo kahapon si Malay Mayor-elect Ceciron Cawaling.

Bago nito, naglabas ng advisory si DILG 6 Regional Director Engr. Ariel Iglesia noong June 27, 2019 na ang Office of the Mayor ng Malay ay ‘pansamantalang mababakante’ sa rason na si Cawaling ay na-dismissed na sa serbisyo noong April 24, 2019.

Bagamat nag-file ang kampo ni Cawaling ng MR o Motion for Reconsideration na kinikwestyon ang desisyon ng Ombudsman, hindi umano ito sapat na dahilan ayon sa DILG para maka-upo ang nahalal na alkalde.

Ito rin ang nilalaman ng memorandum na inilabas ni DILG Secretary Eduardo AƱo na kailangan pagsilbihan pa rin ng mga nanalong opisyal ang hatol at penalidad tulad ng (suspension, preventive suspension, at dismissal).

“Wala tayong Mayor ngayon”.

Ito ang paliwanag ni Delos Reyes hangga’t hindi ikinokonsidera ni Vice Mayor-elect Frolibar “Fromy” Bautista na uupo bilang Acting-Mayor.

Dagdag pa ni Delos Reyes, walang bisa at hindi rin daw kilalanin ng DILG ang lahat ng ng mga transaksyon at pipirmahang dokumento ni Cawaling.

Nag-aantay na rin umano siya kung ano ang magiging instruction ng national office ng DILG sa mga susunod na hakbang sakaling patuloy na manunungkulan si Cawaling sa munisipyo ng Malay.