Posted March 9, 2017
Ni Inna Carol L.
Zambrona, YES FM Boracay
Matagumpay na isinagawa ng Department of Trade and
Industry (DTI) ang negosyo encounter sa mga negosyante sa Covered Court ng
Poblacion, Lezo, Aklan nitong katapusan ng Pebrero.
Sa pangunguna ni DTI-Aklan Officer In-Charge Ma. Carmen
Iturralde, isang orientation ang kanilang i-prenesenta sa mga negosyante
kaugnay sa kung ano ang kanilang programa at serbisyo na binibigay sa mga ito.
Katuwang nila dito ang mga ahensya ng National Government
Agencies, Probinsya at Lokal na Pamahalaan ng LGU, Financing Institutions,
Industry Groups at Business Development Service Providers.
Dito, ang mga negosyante ay isa-isang binigyan ng
pagkakataon na magkunsulta patungkol sa access to finance, access to market,
business enabling at productivity and efficiency.
Natapos ang aktibidad na 75 mga negosyante ang
nag-benipisyo sa ginawang Negosyo Encounter habang 21 naman ang nagpakita ng
interes na mag negosyo.
Samantala, naging katuwang ng nasabing proyekto ang BIR,
DAR, DENR, DOLE, PhilFIDA, PIA, TESDA, Provincial Governor’s Office, Office of
the Provincial Agriculturist, Provincial Planning and Development Office, Business
Permits and licensing Office – Lezo,
Landbank of the Philippines, Small Business Corporation, PHILEXPORT, Hugod
Aklanon Producers Association , Piña MANTRA, PCCI, TRIKE E-Solutions at Athena
Business Solutions.