YES THE BEST 911 BORACAY

Monday, December 31, 2012

Mga pasahero sa Boracay, nag-aalburuto dahil sa kakulangan ng masasakyang traysikel! Color coding scheme ng BLTMPC, tuloy pa rin!


Ni Malbert Dalida, News Director, YES FM News Center Boracay

Nagmamadali ka na bang makauwi subali’t walang masasakyang traysikel?

Nag-aalburuto ka na ba dahil tila dinadaanan ka na lamang ng pinapara mong traysikel?

Wala ka na bang choice kundi ang sumakay ng habal-habal kahit bawal?

Talaga ngang magiging ganito ang eksena dito sa Boracay lalo pa’t dumarami na ang mga turista sa isla.

Ito’y matapos kumpirmahin ni Boracay Land Transport Multi-Purpose Cooperative o BLTMPC Chairman Ryan Tubi, na tuloy ang color coding scheme nila sa kanilang mga traysikel.

Sa panayam kasi ng himpilang ito kay Tubi, sinabi nito nito na hindi natapos ang kanilang request sa LGU Malay na i-lift off o kanselahen muna ang nasabing color coding.

Magkaganon paman, sinabi parin ni Tubi na ang kanilang mga “gurot” o reliever na mga multicab na bumibiyahe ng Yapak papuntang Cagban ay hindi muna nila pinagpahinga.

Ito’y upang kahit papaano ay matugunan ang kakulangan ng mga masasakyang traysikel.

Samantala, pinayuhan naman Tubi ang publiko na huwag sumabay sa tinatawag na rush hour, upang hindi sila mahirapan.

Matatandaang kamakailan ay hiniling ng BLTMPC sa LGU Malay na kanselahin na ang color coding sa isla, dahil na rin sa mga natatanggap na reklamo ng kanilang kooperatiba at panahon pa ng Kapaskuhan.

DPWH may clearance mula sa DENR sa pagtatambak ng lawa sa Balabag


Tuloy na tuloy na ang pagtatambak sa bahagi ng isang lawa sa Boracay na dadaanan ng proyektong circumferencial road.

Sapagka’t tinapos na ng DENR at DPWH ang kanilang bangayan sa ginagawang pagtatambak sa nasabing lawa sa mainroad ng barangay Balabag.

Nabatid mula kay Boracay CENRO officer Merza Samillano na may hawak nang CNC o certificate of non coverage ang DPWH, na siyang clearance mula sa Department of Environment of Natural Resources o DENR para matuloy na ang ginagawang pagtatambak doon bilang bahagi ng kalsada.

Mismong central office ng DENR na umano ang nagbigay ng CNC para matuldukan na rin ang usapin at makausad na ang nasabing proyekto ng DPWH.

Pero nabatid mula kay Samillano na bahagi lamang ng lawa ang tatambakan.

Una nang umalma ang DENR nang magsimulang magtambak doon ang DPWH na walang kaukulang permiso mula sa kanila, gayong ang lawa na ito sa isla ay isa sa mga pinoprotektahan ng DENR.

Kung maaalala, mismong ang DPWH-Aklan na rin ang nagsabi na nagkaroon ng isyu ang dalawang departamento kaugnay sa proyektong ito sa Boracay kung saan ang kanilang mga kalihim na umano ang nag-usap para masolusyunan ang nasabing suliranin. #cm122012

Noche Buena products sa Aklan bahagyang gumalaw ang presyo


Kung may paggalaw man sa presyo ng Noche Buena products sa Aklan sa mga panahong ito, napakaliit lamang umano ito ayon sa DTI.

Sa panayam kay Department of Trade and Industry o DTI-Aklan Director Diosdado Cadena, sinabi nitong rasonable naman ang limang pursiyentong dagdag presyo sa mga produkto na mabibili ngayong magbabagong taon.

Subalit, wala na umanong tataas pa sa limang pursiyentong pagtaas na ito.

Aminado si Cadena na tumaas nga, pero bahagya lamang at hindi naman lahat kundi mga piling produkto gaya ng Ham, condense milk, fruit cocktail, mayonnaise, pasta at pasta sauce.

Ganoon pa man, ang mga nabanggit na produktong ito umano ay marami namang mapagpipiliang mga brand.

Kaya depende na sa mga mamimili kung ano ang kakayanin ng kanilang budget.

Samantala, pinasiguro naman ng DTI na may sapat na suplay ng Noche Buena Products sa Aklan.

Ito rin umano ang rason kung bakit hindi gaanong nagmahal ang mga pangunahing bilihin para sa pagsalubong ng Bagong Taon. #ecm122012

Friday, December 28, 2012

Mga resort sa Boracay na lalahok sa fireworks display, wala pang permit


Inaasahang ngayon araw pa lang kukuha ng mga permit ang mga establishemento sa Boracay na lalahok sa taunang fireworks display sa isla.

Ito ang inihayag ni Island Administrator Glenn Sacapaño kahapon kung saan sa panayam sa kaniya ay sinabi nito na wala pang may kumuha ng mayors permit hanggang sa mga oras na iyon.

Pero inaasahang susugod umano ang mga ito sa tanggapan ng Alkalde ngayong araw, Biyernes at huling araw ng opisina para sa taong ito.

Ang firework display sa Boracay ay isa na rin sa dinadayo ng mga turista sa isla at taunang ginagawa, sa tulong at kooperasyon ng bawat resort at mga establishimiyento dito.

Dito ay sabay-sabay na sinisindihan ang mga fireworks na ito sa front beach pagsapit ng alas-dose ng ika-31 ng Disyembre.

Nabatid naman mula kay Sacapaño na sa tubig o isasakay sa mga bangka ang paputok at doon ito sisindihan para hindi maiwan ang mga basura at pulbura sa mapuputing buhangin ng Boracay.

Layunin umano nito ay upang maprotektahan ang beach at gayon din ang publiko na nanunuod ay maging ligtas. #ecm122012

DTI Aklan, nagpa-alala sa deadline ng pag-iinspeksyon ng helmet ngayong araw


Hanggang ngayong araw na lamang, araw ng Biyernes, ika-28 ng Disyembre, ang deadline sa gagawing pag-inspeksiyon at paglalagay ng ICC stickers sa mga helmet ng motorsiklo.

Kaya sa mga nais humabol, mariing pina-alalahanan ng Department of Trade and Industry (DTI) ang mga motorista sa Aklan na may huling araw pa sila ngayon para magpa-inspeksiyon ng kani-kanilang helmet.

Ito ay sa kabila ng pagiging abala umano ng DTI sa panahong ito dahil sa price monitoring na gagawin nila sa mga Noche Buena products at kapag magpatupad ng price freeze sa bayan ng Kalibo.

Sinabi ni DTI-Aklan Director Diosdado Cadena na malugod pa rin nilang tatanggapin sa opisina ng DTI ang mga nais magpainspeksiyon ng helmet para magkaroon ng tatak at ICC Stickers.

Dahil sa mga panahon ito, wala umanong  abiso sa kanila ang DTI national office na magkakaroon pa ng extension sa muling pagbabalik mula sa bakasyon ng mga empleyado sa Enero sa susunod na taon.

Muling ipina-alala nito na hanggang ngayong alas singko na lamang ng hapon ang kanilang tanggapan dahil ang susunod na mga araw ay New Years break na. #ecm122012

DTI, posibleng magpatupad ng price freeze sa Kalibo


May posibilidad na magpatupad ng price freeze ang DTI Aklan sa bayan ng Kalibo dahil sa pagbaha na naranasaan doon kamakailan lang.

Ito ang nabatid mula kay Department of Trade and Industry (DTI) Aklan Director Diosdado Cadena sa panayam dito.

Aniya, sa ngayon ay naghihintay sila ng opisyal na deklarasyon na “under the state of calamity” ang Kalibo mula sa lokal na pamahalaan ng nasabing bayan, para maipatupad na rin ang price freeze sa mga pangunahing pangangailan.

Ayon kay Cadena kapag nai-deklarang nasa state of calamity ang Kalibo.

Mananatili ang presyo ng mga basic commodities at ito ang kanilang babantayan, gaya sa presyo ng mga instant noodles, gatas, kandila, sardinas, asin at ilan pang de latang pagkain.

Aasahan aniyang magtatagal ito ng 60 araw, o hanggat hindi pa binabawi ng LGU ang kanila deklarasyon.

Kaya aasahang wala umanong tataas na presyo sa mga nabanggit ng commodities kapag ipatupad na ito.

Samantala, gaya ng ibang establishment at tanggapan na pinasok ng tubig baha sa Kalibo, maging ang empleyado ng DTI ay abala na rin sa paglilinis sa mga putik na dinala ng baha. #ecm122012

Thursday, December 27, 2012

Bagyong Quinta, nagdala ng baha sa ilang bayan sa Aklan


Walang tulog ang mga taga-bayan ng Kalibo at Libacao dahil sa hagupit ng bagyong Quinta kagabi.

Bagamat walang gaanong hangin, malakas na ulan naman ang bumuhos na nagresulta doon ng pagbaha.

Kaya limang araw bago sumapit ang Bagong Taon ay nag-iwan pa ng pinasala ang baha na nanalasa sa nabanggit na mga lugar at sa ilan pang mga bayan sa Aklan.

Kung saan, 600 katao ang naghakot ng kanilang mga gamit sa dalawang evacuation center sa bayan ng Kalibo dala ng baha kagabi bandang alas-8 ng gabi.

Sa kasalukuyan ay hanggang baywang parin ang tubig baha sa ilang kalye sa bayan ng Kalibo, partikular sa Mabini Street sa area ng Provincial Hospital at D. Maagma at Osmeña Street sa isang Bus Terminal doon.

Sa sobrang lakas ng baha, pati ang Sports Complex sa Provincial Capitol na nagsisilbing isa sa nga evacuation center ay pinasok na rin ng tubig baha.

Pero ayon kay Provincial Disaster Risk Reduction Management Council o PDRRMC-Aklan Executive Officer Galo Ibardolaza, hindi naman umabot sa bleacher ng Sports Complex ang baha kaya kahit papaano ay hindi na-apektuhan mga nagsilikas.

Maliban sa bayan ng Kalibo, apektado rin ng baha ang ilang bayan gaya ng Libacao, Banga, Malinao, Numancia at Lezo.  #ecm122012

Presyo ng gulay, prutas at karne sa Aklan, hindi pa gumagalaw


Walang anumang pagbabago o pagtaas sa presyo ng gulay, karne at prutas hanggang ngayon araw na ito.

Ito ang nabatid mula kay Moises Inamac, Administrator Aid ng Provincial Agricultures Office, kasabay ng ginagawa nilang pababantay sa presyo ng mga gulay, karne prutas at isda sa Aklan ngayon nalalapit na ang Bagong Taon.

Ayon dito, wala pa naman silang nakita o napansing pagtaas sa presyo ng mga nabanggit na produkto sa ngayon.

Dahil nananatili ang presyo ng mga bilihing ito kahit pa sabihing dumaan na umano ang Pasko.

Ganoon pa man, inaasahan na, lalo pa at dadagsa ang mga mamimili sa susunod na mga araw para sa selebrasyon ng Bagong Taon.

Ang pagtaas sa presyo ay depende sa lugar o kinalalagyan ng tindahan o pamilihan, pero hindi naman umano ito magmamahal ng ganoon talaga kalaki.

Subalit nilinaw nito na mangyayari ang inaasahan pagtaas kapag kinulang sa suplay ng mga produktong ito ang Aklan.

Ngunit sa ngayon aniya ay sapat pa ang suplay mga pamilihan, kaya tila wala pang rason para tumaas ang presyo kahit pa imported ang mga produktong ito. #ecm122012

Bilang ng Tourist Arrival sa Boracay, malapit nang umabot ng 1.2 milyon


Malapit na umanong maabot ang 1.2 milyong tourist arrival sa Boracay ngayong 2012.

Kung saan isang linggo pa bago magtapos ang taong ito ay tila umaapaw na umano ang mga pasaherong turista, lokal at dayuhan man na dumarating sa Caticlan Jetty Port.

Nabatid mula sa Malay Municipal Tourism Office o MTO sa Caticlan na dagsa talaga ang turista nitong mga nagdaang araw.

Kung saan bago mag-Pasko at mismo araw ng Pasko ay hindi bumababa sa tatlong libong turista araw-araw ang pumapasok sa Boracay.

Bagamat ang 1.2 milyong tourist arrival na ito ay sobra na sa isang milyong target tourist arrival target ngayong taong.

Kampante ang MTO na maaabot ang 1.2 milyon na bilang na ito ng tourist arrival sa Boracay ngayong 2012.

Pero malalaman pa umano ito sa darating na Enero, dahil hindi pa nila nabibilang lahat gayong ang datus ay makakalap pa nila hanggang sa ika-31 ng Disyembre.

Samantala, sa trend o takbo naman ng tourist arrival sa kasalukuyan, parami ng parami na umano ang pumupuntang turista sa Boracay. #ecm122012

Tourist arrivals sa Boracay ngayong Kapaskuhan, tumaas


Naging mas mataas ang bilang ng mga turistang dumayo sa isla ng Boracay ngayong taon upang dito na mag-Pasko.

Ayon sa Malay Municipal Tourism Office, kung ikukumpara ang tourist arrivals ngayong taon ay mas mataas ito ng mahigit dalawampung libo kumpara noong nagdaang taon.

Sa kanilang datos mula Disyembre a-uno hanggang bente kwatro ng taong kasalukuyan ay umabot na ang tourist arrivals sa mahigit animnapung libo.

Mas mataas ito kung ikukumpara sa naitalang datos sa parehong petsa ng nagdaang taon na umabot lamang sa mahigit apatnapung libong tourist arrivals.

Ngunit sa kabila ng malaking bilang ng mga turista ngayon taon ay nagagawa namang i-accommodate ang lahat ng mga ito.

Samantala, inaasahan pa rin ng Malay MTO na tataas pa ang bilang ng mga turistang pupunta sa Boracay pagsapit ng Bagong Taon. #pnl122012

Pasko sa Boracay ngayong taon, naging “generally peaceful”


“Generally peaceful.”

Ito ang mga salitang maaaring makapag-larawan sa pagdiriwang ng Pasko ngayong taon dito sa isla ng Boracay.

Ayon sa Boracay Tourist Assistance Center o BTAC, wala naman umanong malalaking krimen na naganap sa isla ilang araw bago mag-Pasko.

Karamihan lamang umano ng mga naitatala ay mga petty crimes tulad ng panggugulo dahil sa kalasingan at maliliit na kaso ng pagnanakaw.

Kaugnay ito, nagbilin pa rin ang kapulisan sa publiko na patuloy na mag-ingat, lalo na sa mga nakawan.

Dapat umano ay ugaliing isara o huwag iwang bukas ang mga area na maaaring magsilbing “entry point” ng mga magnanakaw sa isang bahay o establishimiyento.

Importante din umanong manatiling alerto, dahil sa ngayon ay mautak na ang mga magnanakaw at minu-monitor na nila ngayon ang isang lugar bago pasukin at limasan ng pera at kagamitan. #pnl122012

Yapak, inuwi ang kauna-unahang titulo na “Malinis at Organisadong Barangay”


Inuwi ng Barangay Yapak ang titulo bilang malinis at organisadong Barangay ngayong taong 2012.

Ito ay kaugnay sa ginawang patimpalak ng lokal na pamahalaan ng Malay na pinangasiwaan ng Municipal Tourism Office (MTO) na Beautification Program sa apat na Barangay na direktang pinupuntahan ng mga turista.

Kinabibilangan ito ng Caticlan bilang entry point ng Boracay, Manoc-manoc, Balabag at Yapak.

Nasungkit ng Yapak ang titulong ito at na-take home ang premyong P20,000.00.

Naging mahigpit na katungali naman ng Yapak ang pumangalawa dito na Barangay Manoc-manoc na may premyong P15,000.00.

Sinundan naman ng Caticlan na siyang ika-tatlo ay nag-take home ng P10,000.00.

Habang ika-apat naman ang Balabag na may panalo na P5,000.00.

Naging basehan ng mga hurado sa pagpili ay ang mga preparasyon at nakitang resulta sa ginagawang paglilinis at paglagay ng mga dekorasyon sa main raod para maging kanais-nais din sa mata ng mga turista.

Samantala, nilinaw naman ng MTO na hindi kasama sa pagpili ng hurado ang patimpalak na ginawa din ng Brgy. Balabag sa bawal selda dahil nakatuon sa main raod ang pinagbasehan nila.

Inihayag ang resulta ng kau-unahang patimpalak na ito ng MTO noong Sabado ika-22 ng Disymebre kasabay ng Christmas Party ng LGU Malay. #ecm122012

Wednesday, December 26, 2012

Debotong Katoliko, dinagsa ang Nativity Mass sa Boracay

Ni Hensie Tumbagahan

Siksikan ang loob at labas ng simbahang Katoliko sa Boracay kagabi hindi pa man nagsisimula ang isinigawang misa para sa padiriwang ng Pasko.

Hindi na halos makapasok ang ilan sa mga huling dumating na deboto sa Holy Rosary Parish Church sa dami ng tao.

Dayuhan man o Pilipino ay nag-abang sa misa na pinangunahan Rev. Fr. Arnold Crisostomo na nagsimula bandang alas-nuwebe kagabi.

Lahat ay nagkaisa at nagkasama-sama para gunitain ang araw ng kapanganakan ng ating Poong Hesukristo.

Kasayahan at ngiti naman ang naglalarawan sa lahat ng dumalo sa pagtatapos ng misa kagabi n alas-diyes y media ng gabi.

Monday, December 24, 2012

P310-milyon annual budget ng Malay, aprubado na


Aprubado na sa Sangguniang Bayan ng Malay ang P310-milyon na 2013 Annual Budget ng bayang ito.

Bago nag-adjourn ang SB sesyon nitong ika-18 ng Disyembre na siyang huling sesyon nila sa taong ito ay nagawa nilang tapusin ang pagre-rebyu sa mga alokasyong pondo ng bawat Department ng LGU Malay sa pamamagitan ng Budget Hearing.

Kung maaalala, ang halaga ng annual budget na ito ng Malay na P305-milyon ay ginawang P310-milyon nitong huli.

Ito ay upang matustusan ang pangangailan ng Municipal Economic Enterprise Development o MEED Department at iba pang programa.

Napapa-wow at nalulula naman ang ibang miyembro ng Sanggunian sa milyon-milyong pundo ng Malay para sa susunod na taon, na nagpapakita lamang umano na mayaman na ang Malay. #ecm122012 


Mga paputok, hindi pa available sa Boracay


Hindi pa available sa Boracay ang mga paputok.

Dahil ilang araw bago ang Pasko at mahigit isang linggo bago ang Bagong taon, ay wala pa ring nakakapaglatag ng mga panindang paputok sa isla.

Ayon kay Boracay Bureau of Fire Protection Inspector Joseph Cadag, sa kasalukuyan ay inihahanda pa lamang ang mga pwesto sa nabigyan nila ng permit na maglatag ng kani-kanilang panindang paputok.

Kung saan, sa isla umano ng Boracay, tanging sa gilid o malapit sa Fire Station ang lugar na designated na pwedeng maglatag ng kanilang panindang mga paputok. 

Habang sa Main Land Malay naman, tanging sa Caticlan Market sa malawak na area doon ang inilaang lugar.

Nilinaw din nito na tanging sa mga lugar na nabanggit lamang pwedeng magbenta at bumili ng paputok lalo pa at ipinagbabawal ito sa mga sari-sari store at kung saan-saan lamang. #ecm122012

Friday, December 21, 2012

X-ray examination sa mga empleyado sa Boracay, kailangan na sa Business Permit


Umpisa ngayong Enero ng 2013, lahat ng empleyado sa Boracay, partikular ang mga frontliners ay idadaan na sa x-ray examination.

Ito ang nilinaw ni Malay Administrator Godofredo Sadiasa, para sa pagkakaroon umano ng Health Card at kailangan ng mga empleyado para makapag-renew ng business permit ang kani-kanilang pinagtatrabahuhang establishimiyento.

Kung saan simula ngayong 2013 ay ipapatupad na ang pag-require sa mga empleyado sa isla na sumailalim sa x-ray examination.

Bagamat dagdag pabigat umano ito para sa mga empleyado, ang mga ito pa rin aniya ang makikinabang para sa kanilang kalusugan.

Aniya, ngayong taon pa lang nila ito ipapatupad, gayong sa ginawang nilang pagrebyu sa Sanitation Ordinance, nakita nila na nakasaad ito sa listahan ng mga requirement para sa pag-renew ng mga business permit bawat taon.

Layunin umano nito ay masigurong maaayos ang kalusugan ng mga empleyado at walang nakakahawang sakit ang mga ito lalo na ang mga food handler, gayong ang Boracay ay isang tourist destination.

Una rito, nitong nagdaang Martes ika-18 ng Disyembre, inihayag sa sesyon ng Sangguniang Bayan ng Malay ni SB Esel Flores na mandatory sa mga frontliners lalo na sa mga food handlers ang nasabing examination. #ecm122012

Thursday, December 20, 2012

P24M na PEI ng mga provincial employee at opisyales ng Aklan, ipapamumudbod bukas


Bukas nakatakdang ibigay sa mga empleyado ng Provincial Capitol ng Aklan ang kanilang PEI o maituturing na kanilang pinaka-bonus.

Ito ay matapos aprubahan kahapon ng Sangguniang Panlalawigan ng Appropriation Ordinance para mai-release ang halagang mahigit P24-milyong pondo para sa Productivity Enhancement Incentive ng mga empleyado at opisyal ng probinsiya.

Nabatid mula kay SP Secretary Odon Bandiola na ang halagang P24,040,000.00 ay hahatiin sa mahigit 2,800 na opisyal, rank in file na empleyado, casual at job order men.

Inaasahang makakatanggap aniya ang mga elected Officials, Department Heads at rank in file ng tag-P20,000.00.

Habang ang mahigit 1,300 mga casual at job order na mga empleyado ay pinag-iisipan umano ngayon ni Aklan Governor Carlito Marquez kung magkano ang ibibigay.

Pero ayon dito, inaasahan na mataas pa sa tinanggap na PEI ng casual at job order noong 2011 ang matatanggap ngayon kung saan dati ay tumanggap lamang ng ang mga ito ng P3,000.00. #ecm122012

X-ray machine sa Boracay Hospital, 20 lang ang kaya sa isang araw


Hanggang 20 lamang sa isang araw ang kaya ng x-ray machine sa Boracay Hospital.

Kaya kung ganito ang siste, mistulang mahaba-habang pila ito para sa mga empleyado lalo na ang mga front liners sa Boracay.

Ito ay kapag ipatupad na sa Enero ang pagpapa-xray sa lahat ng empleyado bilang isa sa requirement upang makapag-renew ng Business Permit ang kani-kanilang mga establishementong pinag-tatrabahuhan.

Sa panayam kay Dra. Michelle Depakakibo, Administrator ng Don Ciriaco Tirol Hospital o mas kilala sa tawag na Boracay Hospital, sinabi nito na may ideya na siya kaugnay dito kaya balak nilang hilingin sa lokal na pamahalaan ng Malay ang posibleng bilang ng mga empleyado na ito sa Boracay.

Kaya siya na ang gagawa aniya ng hakbang para malaman ng LGU kung ano lamang ang kakayanin ng x-ray mayroon sa ospital.

Aasahan din aniyang aabutin ng isang linggo pa ang resulta bago maibigay, dahil sa bayan pa ng Kalibo ang taga-basa.

Kapag ganito aniya, maaaring i-iskedyul na lang ang mga empleyado, para hindi na pumila pa.

Ganoon pa man, sinabi ng doktor na may dalawang klinika pa sa Boracay na mayroon ding x-ray.
Ang pahayag na ito ni Depakakibo ay sagot kaugnay sa napipintong pagdagsa ng mga magpapa-xray gayong sa susunod na buwang ng Enero ng 2013 ay magsisimula na ang pagproseso sa business permit. #ecm122012

Wednesday, December 19, 2012

SP session nitong umaga, naging mainit!


May nagtitimpi, may malakas na boses, may ayaw naman magpaawat, may tila namimersonal din at mayroong tahimik lang.

Ganito ang naging eksina sa huling sesyon ng mga Board Member sa Aklan para sa taong 2012, kasabay ng deleberasyon sa  2013 Annual Budget ng buong probinsiya at ng SP Session nitong umaga.

Imbes na pag-apruba sa P1.19 billion 2013 Annual Budget ng probinsiyang ito kasama na ang pondo ng Sangguniang Panlalawigan ng Aklan na siyang pinagdidebatihan ay napunta sa komprontasyon ang usapan.

Sapagkat, bago magbakasyon ang mga miyembro ng SP para sa Pasko at Bagong Taon, hindi naiwasang makalkal ang kanilang mga nagdaan, lalo na ang mga mainit na usapin at tampuhan.

Una rito, hiniling ni SP Member Rodson Mayor na amiyendahan o baguhin at bawasan ang halagang nakasaad sa proposed 2013 budget ng SP lalo na ang alokasyon para sa seminar at trainings.

Bagay na hindi naman sinang-ayunan ng ibang mga miyembro ng SP na humangtong pa kanina sa botohan.

Pero lumabas sa botohan na si Mayor ang solo lamang palang tutol at may nais na bawasan ang pondo ng SP.

Ipinunto kasi ng nasabing board member na hindi tama at makatwiran na maglaan ng pondong malaki na hindi naman nagagamit ng maayos.

Kung saan ang pinatutungkulan nito ay si Vice Governor at Presiding Officer Gabrielle Calizo-Quimpo, na siyang madalas nitong nakakahidwaan sa loob ng session hall. #ecm122012

Vice Governor Calizo-Quimpo, tinira ni SP Mayor sa huling session ng SP sa taong ito


Mistulang naimbyerna na naman si Vice Governor at Presiding Officer Gabrielle Calizo-Quimpo kay Aklan Board Member Rodson Mayor.

Nangyari ito bago mag-adjourn upang magbakasyon ang buong Sangguniang Panlalawigan ng Aklan para sa pagdiriwang ng Pasko at Bagong Taon na aasahang magbabalik sa ika-9 ng Enero sa susunod na taon.

Sapagkat, tinira ni Mayor ang Bise Gobernador sa di umano’y maling pag-gamit sa pondo ng kaniyang tanggapan, na hinayaan na lamang na pati ang staff ni Calizo ay nakakagamit ng pondo na ito na hindi naman dapat kasama sa budget.

Una rito, hiniling ni Mayor na baguhin ang mga halagang nakasaad sa proposed 2013 budget ng SP lalo na ang alokasyon para sa seminar and trainings, dahil hindi ito makatwiran.

Pinunana din ng Board Member ang sobra-sobrang budget umano para sa gasoline allowance gayong may tatatlong sasakyan lamang ang SP.

Kaya hiniling nito na magpaliwanag si Calizo sa gitna ng session.

Dahil dito, nagpaliwanag naman ang Bise Gobernador kung ano ang pinag-gamitan niya sa pondo.

Sa gitna noon ay hindi rin naiwasang banggitin ni Calizo ang tungkol sa mga naging lakad nila sa Laoag City kamakailan lamang na siyang pinagmulan ng “word war” ni Calizo at Mayor na di umano ay hindi isinama ang Board Member na si Mayor sa kabila na inimbetahan ang lahat ng miyembro ng SP.

Isiniwalat din ng Bise Gobernador na hindi tama ang mag inilahad at inihayag na halaga ni Mayor kaugnay sa mga nagastos ng tanggapan ni Calizo.

Sinang-ayunan naman ng ibang board member si Calizo at nagpaliwanag din kaugnay sa kanikanilang mga seminar at training na dinaluhan, sa pagsasabing ang lahat ng kanilang travel ay mahalaga at may kinalaman sa kanilang trabaho.

Matatandaang ilang beses nang nagkaroon ng mainit na arguemento ang dalawa. #ecm122012

Proper segregation ng basura sa Boracay, problema pa rin


“May mga pasaway pa rin talaga.”

Kaya hindi rin naiwasan ni Island Administrator at Solid Waste Manager Glenn Sacapaño na pasaringan ang ibang indibidwal na patuloy pa ring hindi sinusunod ang tamang paghihiway sa tinatapong basura na iniiwan sa mga tabing kalsada para sa koleksiyon.

Aniya, mayroon pa ring pasaway dahil sa hindi sinusunod ang “proper segregation” sa kabila ng kampaniya ng LGU Malay kaugnay dito, kaya may mga basura pa rin gaya ng mga tira-tirang pagkain na naka-kalat sa daan lalo na at hindi umano tama ang pagkakatapon ng mga ito.

Ito ang sagot ng Solid Waste Manager, sa tanong dito kung bakit bumabaho ang kalsada na pangit naman para sa mga nagdi-jogging na turista maging ng mga lokal at residente tuwing umaga.

Kung saan ito ay dala ng mga katas ng mga tira-tirang pagkain na iniiwan lang sa tabing daan para sa koleksiyon sana, pero natatapon lang din doon bago mahakot.

Naniniwala naman si Sacapaño na sa tulong at pakikiisa ng lahat hindi lamang ng mga residente kundi maging ang mga turista sa isla ay nasasawalata ang problemang ito sa Boracay. #ecm122012

Problema sa basura, tututukan na sa 2013


Sinisikap umano ngayon ng Material Recovery Facilities o MRF na matugunan ang problema sa basura sa Boracay.

Katunayan, ayon kay Island Administrator Glenn Sacapaño at kasalukuyan Solid Waste Management Manager, nagdagdag na rin sila ng mga iskedyul sa hating gabi para sa pangungulekta ng basura, para hindi na abutan pa ng pagsikat ng araw na nakatambak pa rin sa tabing daan ang mga basurang ito.

Ayon kay Sacapaño, alas-12 pa lang ng madaling araw ay may mga area ng naka-iskedyul para sa koleksiyon at sinisimulan na rin pag-iikot ng mga garbage truck sa oras na alas-4 ng umaga.

Pero may mga pagkakataon pa rin ayon dito na hindi talaga maiiwasan na ang ibang basura sa tabing daan ay inaabot pa ng alas siyete, dahil sa dami ng mga ito.

Ganoon paman, ginagawa naman umano nila ang lahat, sa pangamba na kapag hinayaan lang ang mga basurang ito, baka ito pa ang sisira sa Boracay.

Aminado din ito na mahirap talaga ang trabaho nila ngayon, lalo na at hindi bumabawas ang tao sa Boracay, kundi lalo pang dumarami.

Itinuturo nito sa biglaang paglaki ng populasyon at pagdami ng turista sa isla ang suliranin sa basura, gayong 2017 pa umano inaasahang maaabot ang isang milyong turista, pero ngayong 2012 pa lang ay nalampasan na ang target na ito.

Dahil dito, inihayag ng nasabing opisyal na sa susunod na taon ng 2013 ay tututukan na nila ang problema ukol dito.

Kaya pipilitin nilang mahabol ang koleksiyon ng basura batay na rin sa pagdagsa ng tao dito ang pagtugon sa problema sa basura.

Nabatid na bawat araw ay umaabot ng 18 truck ng basura ang nahahakot ng mga collector. #ecm122012

LGU Malay, magbibigay donasyon sa mga biktima ng bagyong Pablo


“Huli man daw at magaling nakakahabol din”.

Ganito ang nangyari ngayon sa lokal pamahalaan ng Malay partikular sa Sangguniang Bayan ng Malay.

Ito ay kaugnay sa pagpasa ng resolusyon sa pagpapaabot ng tulong sa mga biktima ng Bagyong Pablo sa Davao Oriental at Compostela Valley sa Mindanao.

Sapagkat sa huling sesyon ng SB ngayong taon ng 2012, muntikan nang makalimutan ang resolusyon na nagbibigay pahintulot na ma-release ang halaga ng tulong na nais ibigay ng LGU Malay para sa mga biktima ng bagyo.

Bagamat patapos na ang sesyon ng SB kahapon ng tanghali, inihabol talaga ang resolusyon na ito.

Nabatid mula kay SB Member Rowen Aguirre na P500.00 ang ipapaabot na donasyon ng LGU mula sa cavan ng Malay. #ecm122012

PEI ng LGU Malay ngayong 2012, umabot ng mahigit P19M


Hidi nakakahiya, kundi nakakalula pala ang halaga Productivity Enhancement Incentives o PEI ng mga empleyado ng LGU Malay.

Sapagkat mahigit P19-milyon ang PEI ngayon taon na siyang hahati-hatiin sa mga opisyal, regular na empleyado at mga nasa plantilya ng LGU Malay.

Medyo nahihiya pa sana ang konseho ng Sangguniang Bayan ng Malay na ibunyag ang halaga ng PEI ngayon taon ng 2012, na maituturing na pinaka-bonus na din ng mga nanunungkulan at nagtatrabaho sa gobyerno.

Pero napilitang ihayag ito makaraang magtanong ang ilan sa miyembro ng SB.

Kung saan ang mahigit P19-milyon na ito ay kahapon ng umaga lamang sa sesyon ng SB inaprubahan sa ikalawang pag-basa, upang mai-release na at maipamahagi na rin.

Samantala, nabatid mula kay SB Member Rowen Aguirre na ang pundo para sa PEI na ito ay magmumula sa savings ng Personal Services o PS. #ecm122012

BFI, tinututulan ang paglalagay ng mga basement sa mga gusali sa isla


Natutuwa ngayon ang Sangguniang Bayan ng Malay sa aksiyon ng Boracay Foundation Inc. o BFI.

Ito ay dahil katulad sa nais mangyari ng SB, hiniling din ngayon ng grupong ito sa SB na sana ay bigyang aksiyon na rin ng local na pamahalaan ng Malay ang nakakatakot na paglalagay ng mga bagong tayong gusali ng basement na sadyang nakakabahala para sa kapiligiran ng Boracay.

Una dito, ang Board of Director ng BFI ay nagpasa ng resolusyon para ipakita ang kanilang hindi pagsang-ayon sa ganitong gawain ng mga establishment owners sa isla.

Isinumite naman ng BFI ang kupya ng kanilang resolution no. 5 na ito sa konseho para mapakinggan din ang kanilang hinanaing.

Subalit dahil sa noong nagdaang sesyon ng SB ay tinalakay na ang kaugnay dito lalo na sa pag-amiyenda sa Building Ordinance na sinusunod sa Boracay para ipagbawal na ang paglalagay ng basement sa mga gusali.

Ganoon pa man, dapat pa rin aniyang pasalamatan ng konseho ang BFI sa pagmamalasakit nilang ito sa kapaligiran. #ecm122012

Amerikano, natagpuang patay sa kwarto ng resort


Isang malamig na bangkay na ng makita sa kwarto ng resort na nirentahan ang isang American National bandang ng 7:30, gabi ng Lunes.

Ito ay makaraang magulantang ang mga staff ng nasabing reorts gayon din ang may-ari ng nasabing establishimiyento sa Sitio Diniwid, Brgy. Balabag.

Agad namang kinordon ng mga taga-Boracay Crime Laboratory at Boracay Tourist Assistance Center o BTAC ang area para sa kanilang imbestigasyon.

Sa pang-uungusisa ng awtoridad, kinilala ang nasabing American National na si Fred Harvey Lubin, 60-anyos na may address na New Jersey, USA.

Nang datnan umano ito ng mga staff, may-ari ng resort at pulisya, naka-tihaya o nakahiga sa kama ang Kano.

Sa imbestigasyon ng pulisya, tila wala din silang palatandaang nilooban ang kwarto ng nasabing foreigner, dahil ang wala ding palatandaang pinuwersang buksan ang kwarto o kaya ay bintana ng kwarto nito.

Maging ang mga gamit umano gaya ng mga alahas, pera, gamot at ilan nitong dokumento at maaayos at naroroon naman.

Bagamat dinala sa Boracay hospital si Lubin, dineklara pa rin itong dead on arrival o DOA ni Dra. Mishelle Depakakibo.

Ginawan ng pulisya ang pagsisisyasat na ito sa kuwarto ng Amerikano sa harap ni OIC Boracay DoT Officer Tim Ticar. #ecm122012

Tuesday, December 18, 2012

Malay Comelec Officer, kandidata sa mga ire-reshuffle ng kumisyon


Ngayon pa lang ay pinaghahandaan na ni Malay Comelec Officer Elma Cahilig ang re-shuffling na gagawin sa mga Comelec Officers.

Aniya, ang bagay na ito sa kanila ay hindi na bago, lalo na kapag papalapit na ang halalan.

Pero, bagamat nasabi na nito dati na posibleng hindi na siya kasama sa mga Comelec Officers na pansamantalang i-assign sa ibang lugar.

Sa panayam dito, sinabi ni Cahilig na kandidata siya ngayon kasama ang anim pang-election officer sa Aklan na kabilang sa ire-reshuffle kung haba ng paninilbihan sa bayan kung saang bayan sila na-assign na mag-bantay.

Maliban umano doon ay wala na siyang nakitang dahilan pa.

Kaya ngayon ay naghihintay na lang aniya sila ng resulosyon na nag-uutos ng kanilang bagong assignment sa ibang lugar para sa 2013 election.

Pero matapos aniya ng nasabing halalan ay ibabalik din naman ito sa bayan ng Malay.

Una nang sinabi ni Comelec Commissioner Sixto Brillantes ng buwan ng Enero sa susunod na taon ay sisimulan na nilang ipatupad ang re-shuffling sa mga opisyal ng kumisyon. #ecm122012

Monday, December 17, 2012

Bayan ng Malay, ikalawa na sa may pinakamaraming botante sa Aklan


Malamang ay pupunteryahin na rin ng mga politiko ang isla ng Boracay.

 Hindi upang magbakasyon, kundi upang mangampaniya na.

Sapagkat, naungusan na ngayon ng bayan ng Malay ang Ibajay, New Washington at Banga sa dami ng botante.

Kung saan, 200 na botante umano ang naging lamang ng Malay mula sa bayan ng Ibajay ayon kay Malay Comelec Officer Elma Cahilig.

Aniya ikalawa na ito ngayon, kasunod ng Kabisiera ng probinsiya na bayan ng Kalibo na siyang may pinakamaraming botante sa ngayon, na napanatili naman ang unang pwesto.

Taong 2010 kasi, ayon sa pagkakasunod-sunod, Kalibo ang nangunguna, ikalawa ang Ibajay, ika-3 ang New Washington, ika-4 ang Banga at ika-5 ang Malay.

Ngunit sa isinagawang pagpaparehistro ng mga botante ngayon taong 2012, sa kabuoan ay Kalibo parin ang nangu-nguna, sinundan ng Malay, Ibajay, Banga at ika-lima na ang New Washington.

Nabatid mula kay Cahilig ang migration sa Boracay ang rason ng biglaang paglobo ng mga registered voter ng Malay. #ecm122012

Taong 2013, pinaghahandaan na ng Red Cross Boracay


Ngayon pa lang ay pinaghahandaan na ng Philippine National Red Cross Malay-Boracay Chapter ang taong 2013.

Ito ay dahil abala na sila sa mga trainings na gagawin sa mga volunteer, Life Guard ng mga resorts at iba pa, katuwang ang Australian Life Guard na si David Field.  

Kung saan, ngayon pa lang ay marami na rin silang malalaking aktibidad at programa na inilatag para sa susunod na taon.

Kabilang na dito ang mas pinalaki pang pagdiriwang ng 2nd Festival of the Wind sa Boracay, at Fun Run na ilalahok ng bansa sa Guinness Book of World Record. 

Kung saan sa 2nd Festival of the Wind sa Boracay, plano ngayon ni Field na magdala ng Life Guard mula sa Thailand na siyang inaasahan makakatungali ng Life Guard Boracay sa  isang patimpalak pagdating sa pagliligtas sa buhay sa Beach.

Samantala, ang dalawang malalaking aktibidad na ito ang isa din sa mga rason ni Field sa pagbabalik niya sa Boracay. #ecm122012

David Field, di pa maiwan-iwan ang Boracay


Hindi lang ganoon kadali para sa isang Australian Life Guard na iwan ang Boracay.

Ito ang inihayag ni David Field, isang propesyunal na Life Guard at instructor ng Philippine National Red Cross o PNRC sa islang ito.

Aniya, bagamat uuwi siya sa Australia para doon magdiwang ng Pasko, pero sa Pebrero ay agad naman itong babalik.

Pinasiguro naman nito na babalik siya muli sa Boracay para ipagpatuloy ang kaniyang misyon na magturo at mapalaganap ang seguridad sa beach ng Boracay para makaiwas sa sakuna.

Maliban kasi na siya ang nagtuturo sa mga Life Guard ng lokal na pamahalaan ng Malay sa isla.

Siya din ay trainer ng Life Saving sa mga estudyante ng iba’t ibang paraalan sa Boracay, ganon din sa mga empleyado ng mga resort sa isla at iba pang volunteer organizations, na handa na rin ngayong isabak sa oras ng emehensiya.

Marami na rin itong nailatag na mga plano para panatilihing ligtas ang sa Beach ng isla at walang humpay din ang suportang ipinaaabot nito sa mga programa ng Red Cross Malay-Boracay Chapter.

Kaya sa kaniyang pagbabalik sa Pebrero sa susunod na taon, itutuloy pa rin umano niya ang pagtuturo dito.

Si Field ay halos labing apat na buwan na ring katuwang ng PNRC Boracay sa pagbibigay ng kaalaman sa Life Saving. #ecm122012

Tribung kasali sa 2013 Boracay Ati-atihan, hindi pa mabilang


Hindi pa malaman sa ngayon kung ilang tribo ang lalahok sa Ati-atihan sa Boracay.

Ayon kay Rev. Fr. Arnold Crisostomo, Kura Paroko ng Holy Rosary Parish Church sa Balabag, ito marahil ay may mga planong tulong na inilatag ang lokal na pamahalaan ng Malay at hiniling na baguhin ang iskedyul ng selebrasyong ito.

Pero nilinaw ng pari na nagdesisyon silang panatilihin sa ikalawang linggo ng Enero pa rin ang o ika-13 sa susunod na buwan ng Enero taong 2013 ipagdiwang.

Dahil ito rin aniya ang nais ng mga tao lalo na ng mga kalahok na tribu.

Ito ay upang mapanatili ayon sa pari ang tradisyon na pawang “debusyonal” lamang at simpleng ipagdiwang.

Sa kasalukyan umano, ang mga tribu din mismo ang nag-uusap usap kaugnay sa aktibidad na ito at ipinapabatid lamang sa simbahan kung ano ang mga plano nila.

Kaya hindi pa aniya masasabi ngayon kung ilan talaga ang sasaling grupo para sa 2013 Boracay Ati-atihan. #ecm122012

LGU Malay, pinaghahandan na ang kalamidad


Pinaghahandaan na ng lokal na pamahalaan ng Malay ang Boracay sa anumang kalamidad.

Ito’y dahil ang Municipal Disaster Risk Reduction Management Council o MDRRMC ng Malay ay bumuo na ng sistema at grupo na siyang aaksyon sa oras ng kalamidad.

Ayon kay Municipal Disaster Reduction Officer Jose Oczon, isinailalim na nila sa pagsasanay ang mga ito sa oras ng emergency.

Nagsanib-pwersa na din at sinanay ng Red Cross ang Malay Auxiliary Police o MAP sa Boracay, Lifeguard, Boracay Action group o BAG, at iba pang mga volunteer groups.

Hindi lang ito sa pagre-rescue kundi maging sa Basic Life support bilang paghahanda na rin sa hindi hinihinging pagkakataon.

Ayon pa kay Oczon, di lang dito magtatapos ang training dahil aasahang may mga susunod pa.

Higit sa lahat, mahalaga pa rin aniya na maging aktibo ang mga rescuer sa Boracay, lalo pa nga’t ang isla ay pinarangalan bilang “best beach in the world” at masigurong ligtas ang mga turista at kumunidad ng Boracay.

Ang Basic Life Support Course ng mga volunteers ay sinimula kahapon, hanggang ngayong araw, na pinangunahan ng isang Australian Red Cross na si David Field. #ecm122012

Saturday, December 15, 2012

Simbahang Katoliko sa Boracay, handa na para sa Simbang Gabi


Handa na ang ng Simabahang Katoliko sa isla ng Boracay para sa pagsisimula ng 9 mornings o simbang gabi.

Katunayan ay may mga iskedyul nang ipinalabas ang Holy Rosary Church sa Balabag kaugnay sa siyam na umagang Misa De Gallo sa isla.

Ayon kay Rev. Fr. Arnold Crisostomo, Kura Paroko ng Holy Rosary Church sa Boracay, alas-4 ng umaga sisimulan ang misa bawat araw, simula sa ika-16 ng Disyembre.

Pero sa mga nais naman umanong dumalo sa Santo Rosario, ginagawa ito bago magsimula ang misa sa umaga.

Samantala, sa darating na ika-24 ng Disyembre, ilang oras bago ang selebrasyon ng kapanganakan ni Jesus ay gaganapin aniya ang misa sa oras na alas-9 ng gabi sa Holy Rosary Church.

Habang ang mga misa naman umano sa Chapel ng Yapak at Manoc-manoc  sa nasabing petsa din ay gagawin alas-6:30 ng gabi bago ang misa sa Balabag. #ecm122012

LGU Malay, tinatrabaho na ang Municipal Environmental Code,


Balak ng lokal na pamahalaan ng bayang ito na magkaroon ng akmang Municipal Environmental Code ang Malay kasama na ang Boracay.

Kaya nais na itong trabahuhin ng Punong Ehekutibo ngayon.

Uumpisahan ito sa pagkakaroon ng consultant na siyang eksperto para makatulong sa pagbigay ng sulosyon sa usaping pangkapaligiran sa bayan para mapangalagaan ang likas na yaman lalo na ang Boracay.

Dahil dito, hiniling ng Alkalde sa Sangguniang Bayan ng Malay na bigyang awtoridad siya para pumasok sa sang kasunduan sa isang dalubhasa sa larangan para sa proteksiyon sa kapaligiran.

Si Dr. Miguel Fortes ng University of the Philippines Marine Science Institute ang napipisil nitong na siyang magiging Consultant sa bubuuing Environmental Code. #ecm122012

Barangay Manoc-manoc, nangunguna sa pre-judging ng “Beautification of Barangay Contest”


Nangunguna umano ngayon sa puntos ang Barangay Manoc-manoc sa ikinasang “Beautification of Barangay Contest”.

Ito ang nabatid mula sa Municipal Tourism Office partikular kay MTO Chief Operation Officer Felix Delos Santos Jr.

Aniya sa pre-judging na ginawa nila ng inikot ng mga hurado kamakalawa ang apat na Barangay na kalahok sa patimpalak, ang Brgy. Yapak, Balabag, Manoc-manoc at Caticlan.

Ang Manoc-manoc ang nangunguna sa puntos sa ngayon.

Pero ayon kay Delos Santos, magkakaroon pa rin ng final judgment sa mga paghahanda na ginawang ito para mapaganda at maging malinis ang nasabing mga Barangay na siyang punterya at dinadaanan ng mga turista na nangpupunta dito sa Boracay.

Ayon dito, nakatakda ang final na judgment para sa patimpalak na ito sa ika-20 ng Disyembre.

Layunin ng programang ito na mapanatiling malinis ang isla pati na rin ang Barangay Caticlan na siyang pintuan ng Boracay, at maipadama ang diwa ng Pasko hindi lamang sa mga turista kundi maging sa mga residente ng islang ito. 

Ang “Beautification of Barangay Contest” ay programa ng lokal na pamahalaan ng Malay na pinangasiwaan naman ng Tourism Office. #ecm122012

Friday, December 14, 2012

Stakeholder sa Boracay, alam na ang planong pagwalis sa mga iligal na gusali


Alam at tanggap na rin ng mga stakeholder sa Boracay ang pagtanggal sa mga iligal na istraktura o gusali sa isla.

Ito ang paniniwala ni Boracay CENRO Officer Merza Samillano.

Ito ay kaugnay sa napapabalita ngayon ipinag-utos na ng DENR na simulan nang tanggalin ang mga straktura/gusaling pasok sa 25-meter mula sa beach line at 5-meter ang layo mula sa kalsada o tinatawag na “25+5 easement”.

Sapagkat ayon kay Samillano, taong 2009 pa sinimulan ang inventory ng mga gusali sa isla kung sino ang lumabag sa Presidential Proclamation 1064 partikular ang pagpapatupad ng 25+5.

Sinundan naman umano ito ang pagbibigay ng mga notice of violation ng EMB o Environmental Management Bureau ng DENR para malaman ng mga stakeholders na ito ang kanilang nalabag.

Dagdag pa nito, ang kaugnay sa nasabing usapin ay alam na rin umano ng Alkalde ng baying ito, sapagkat kasama ito sa ipinatawag para pag-usapan ang suliranin sa mga gusali sa Boracay.

Samantala, dahil sa binuo ang National Task Force ng Pangulong Benigno Aquino III na siyang tututok sa problema nasabing problema ng isla, ang Department of Justice, Tourism, DENR at DILG aniya ang magtutlungan upang magpatupad ito.

Pero ang lahat ng implementasyon umano gaya ng pagpapatanggal sa mga illegal na gusali ay nasa mandatu ng local na pamahalaan.

Tumanggi naman si Samillano na banggitin kung ilan ang maaapektuhang gusali sa Boracay kung sakaling maumpisahan na ito. #ecm122012

Thursday, December 13, 2012

Pagwalis sa mga illegal structure sa Boracay, ipina-utos ni PNoy; CENRO Boracay, walang alam


Wala umanong alam ang CENRO Boracay kung nais na ngang ipatanggal ng DENR ang mga iligal na istraktura sa front beach ngayon.

Ito ang nabatid mula kay Boracay-CENRO Officer Merza Samillano.

Aniya, ang ganitong usapin sa isla ay ang national level na ang nagdedesisyon gayong ang Punong Ehekutibo na ng bansa ang may hawak sa isyung ito.

Dahil mismong ang Pangulo Benigno Aquino III na ang nag-utos nito nang binuo ng presidente ang National Task Force para aksiyunan ang problema ng Boracay at Baguio City noong nagdaang buwan ng Marso ng kasalukuyang taon.

Binubuo umano ito ng Department of Tourism, Department of Justice, DENR at DILG.  

Ito ay kaugnay sa pagbibigay solusyon sa mga gusaling itinayo sa “no build zone” gaya ng tabing dagat at bulubundukin na maaaring makasira sa kalikasan at kapaligiran.

Kaya kung may utos naman umano ang DENR na simulan na pagwalis sa mga iligal na gusaling ito sa isla, hindi umano ito imposibleng mangyari, at sila dito sa CENRO ngayon ay naghihintay na lamang din ng utos mula sa DENR. #ecm122012

DPWH may P50-million na para sa streetlights mula Caticlan papuntang KIA


Kung gaano kahirap pailawan ang iilang poste at kalye sa isla ng Boracay, ganoon naman kadaling liliwanag ang National High Way ng Aklan mula Caticlan papuntang Kalibo Airport kung sakali matuloy na ito.

Sapagkat ang Road Board Fund ng DPWH ay naglaan ng P50-milyong pondo para pailawan ang mga daanang ito.

Kung saan, layunin umano ay upang masigurong ligtas ang mga turistang dumadaan dito.

Ang P50-milyon ay inilaan para sa street lights sa highway ay hiniling umano ni Kasangga Rep. Teodorico Haresco sa DPWH na siyang nagpresinta naman sa lokal na pamahalan ng probinsiya.

Pero ang DPWH pa rin umano ang magpapatupad sa proyekto.

Bagamat malinaw na makakatanggap ang Aklan ng ganoon kamahal na proyekto, nagpaabot pa rin ang Sangguniang Panlalawigan ng Aklan ng pag-endorso sa proyekto na isa din sa mga requirements ng Board.

Samantala, nabatid na ang area ng Nabas at Caticlan, gayon din ang Numancia diretso na sa Kalibo Airport ang uunahing lalagyan ng streetlights.

Ito ay dahil ang mga kalsada sa area na ito ay napalaparan na ng DPWH, at upang pemanenteng na rin umano ang mga poste na ilaw na ang ilagay nila dito. #ecm122012

Wednesday, December 12, 2012

Guwardiyang nanutok ng baril sa MAP, nais pakasuhan ng Island Administrator


Dapat talagang makasuhan ang Security Guard na nanutok ng baril sa miyembro ng Municipal Auxiliary Police o MAP.

Ito ang nais mangyari ngayon ni Island Administrator Glenn Sacapano, gayong sa ilalim ng pamumuno nito ang mga MAP sa Boracay.

Pero ang lahat umano ay depende na sa pangungunisa  at suhestiyon ng Pulis sa Boracay.

Ang pahayag na ito ni Sacapano ay kasunod ng panunutok ng baril ng isang security guard na si Franc Raz sa MAP Member na si John Quinto kagabi habang ginagampan ng MAP ang kanilang tungkulin sa main road ng Balabag.

Nangyari ito makaraang arogante umano sinigawan ng guwardiya ang MAP na ayusin ang trapik sa nasabing lugar at sinundan ng panunutok ng baril ng lapitan ito at sitahin kaya nagkaroon ng kumprontasyon.

Kaugnay nito naniniwala naman ang Administrador na gayong nangyari ito habang ginagampanan ng MAP ang trabaho, hindi naman umano ito pababayaan ng lokal na pamahalaan ng Malay. #ecm122012

Paglalagay ng basement sa mga gusali sa Boracay, nais ipagbawal


Tila nasasalaula na umano ang kapaligiran ng Boracay dahil sa paglalagay ng mga basement ng ilang establishimiyento sa isla.

Dahil dito, nagpanukala kahapon si Sangguniang Bayan Member Rowen Aguirre na baguhin o ameyndahan ang Building Ordinance sa Boracay para sa proteksiyon ng isla.

Ito ay kasunod umano ng napapansin ni Aguirre ang nakakabahalang paghuhukay ng mga establishimiyento para gawing basement sa kabila umano na batid naman ng lahat na kaunting hukay lang ay tubig na ang lumalabas sapagkat ang Boracay ay napapalibutan din ng tubig.

Pinuna din ng konsehal ang masakit sa matang mga hose na ginagamit ng mga establishsmentong ito dahil walang tigil umanong paglalabas ng tubig na diritso sa drainage na wala pang direksyon sa ngayon.

Maliban dito ang iba naman ay diritso umanong nagdidispatsa ng tubig mula sa basement papuntang beach.

Kaya, nais ngayon ng konsehal na ipagbabawal na ang paglalagay ng basement. #ecm122012

Panukalang gawing dalawang distrito ang Aklan, muling hinarang sa Senado


Tila hindi na mahahati sa dalawang distrito ang probinsiya ng Aklan.

Sapagkat noong ika-10 ng Disyembre, nabatid na muling hinarang sa Senado ni Sen. Sergio Osmeña ang resolusyon na lumilikha ng isa pang Congressional district sa probinsyang ito.

Ito ay makaraang ihain ni Aklan Rep. Florencio Miraflores sa mababang kapulungan ang House Bill No. 3860 na siyang panukalang batas na ito na sopurtado naman ng mga Alkalde ng probinsiya.

Dahil dito, inaasahang mahigit sa P210-M ang mawawala sa lalawigan matapos harangin ni Osmeña ang resolusyon, sapagkat ang bawat kongresista ay may nakalaang Priority Development Assistance Fund (PDAF) na P70-M bawat taon.

Subalit kapag patuloy itong haharangin ng senador, mistulang bula na maglalaho ang pangarap na ito para maging dalawang distrito ang Aklan.

Gayong ito na sana ang maituturing na isa sa mga solusyon upang gumanda ang ekonomiya ng probinsiya dahil dalawa na ang kakatawan sa kongreso.

Kung matatandaan, si Senate on Local Government Committee chairman Sen. Bong Bong Marcos ang nagdala ng panukalang ito ni Miraflores sa senado para lubusan na sanang maging batas kung maaprobahan.

Pero, sa kabila ng pagnanais ng lokal na opisyales ng probinsiyang ito na maipasa bago ang paghahain ng kanidatura nitong Oktubre, una nang kinontra ito ni Osmeña, kaya napilitan ang senado na suspendihin ang pagdinig sa house bill. #ecm122012

Tuesday, December 11, 2012

TIEZA, sinagot ang tanong kung bakit mahal ang tubig sa Boracay


“Dahil sa ang Boracay ay isla na napapalibutan ng tubig kaya mahal din ang serbisyo ng tubig.”

Ito ang isa sa nakikitang rason ng TIEZA kaugnay sa sinasabing ang Boracay ang may pinakamahal na taripa sa paniningil ng tubig, at iyon ay ang Boracay Island Water Company o BIWC.

Bilang sagot ni Officer In-charges Atty. Marites Alvares ng Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority o TIEZA Regulatory sa Boracay.

Isa ito sa itinuturing nilang dahilan sapagkat malayo umano ang pinagmumulan at kailangan magtanim ng tubong dadaanan ng tubig patawid ng islang ito mula sa mainland partikular sa Naboy River.

Dahil dito, kailangan pa aniyang mag-invest ng TIEZA at BIWC sa proyekto, lamang makapagbigay ng maayos na serbisyo at malinis na tubig sa Boracay na siyang sentro ng turismo hindi lang sa Malay at Aklan, kundi maging sa buong Pilipinas.

Idagdag pa dito, ayon kay Alvares, na hindi patag ang mga lugar sa Boracay, gayong may mga matataas na area na kailangang pa nilang lagyan ng mga pumping station.  

Ang pahayag na ito ay sinabi ng abogado sa harap ng mga konsyumer ng BIWC sa ikinasang Public Hearing kahapon, kaugnay sa planong pagtaas sa taripa ng serbisyo sa tubig ng nasabing kampaniya ng tubig na aabot hanggang 35.4%. #ecm122012

LGU Malay, nagpaalala laban sa mga nag-iikot at humihingi ng donasyon


“Kapag walang dokomento mula sa Barangay sa Boracay, Municipal Social Welfare at Alkalde sa Malay ay huwag bigyan ng donasyon o pera.”

Ito ang paalala ngayon ng lokal na pamahalaan ng Malay sa mga establishimiyento at residente ng islang ito.

Kasunod ng dumadaming dayo mula sa iba’t-ibang probinsiya na pinupunterya ang Boracay para manghingi ng donasyon gamit ang kani-kanilang relihiyon, organisasyon at minsan naman ay ginagamit ang programa ng pamahalaan.

Ayon kay Island Administrator Glenn Sacapaño, walang masama kung manghingi ng tulong at magbigay sa kapwa.

Pero kailangan parin umanong masigurong totoo ang mga nakasaad sa papel o na dinadala ng mga grupong ito sa isla na nililibot at ipinapakita sa mga pamamahay at establishimiyento para makahingi ng pera.

Ayon kay Sacapaño, tila nasasanay na kasi ang ibang grupo na dumayo sa Boracay gayong kung titingnan ay ang mga taga dito sa isla ay hanggang maaari ay hindi pinahihintulutan, depende sa kanilang layunin.

Kung tutuusin umano ay nakakapagtaka naman talaga gayong gagastos pa ang mga ito ng pamasahe mula sa kani-kanilang lugar para manghingi lamang ng donasyon sa Boracay. #ecm122012

Monday, December 10, 2012

TIEZA, inulan ng tanong kaugnay sa balak na rate increase ng singil sa tubig ng BIWCI


Binatikos ng mga dumalo sa public hearing na ipinatawag ng Tourism Infrastructure Enterprise Zone Authority o TIEZA ang proposed rate increase para sa singil sa tubig at waste water management ng Boracay Island Water Company Inc. o BIWCI.

Maliban sa ayaw ng mga dumalo na taasan ang singil sa tubig, pinuna ni SB Member Rowen Aguirre kung bakit konti lamang ang dumalo at kung may epekto ba ang bilang ng mga dumalo sa desisyon ng TIEZA Board of Directors na siyang mag-aapruba ng rate.

Bilang sagot ng TIEZA, sinabi ni Atty. Marites Alvarez na kaunti man ang dumating at dumalo ay hindi umano sila nag-kulang sa pag-i-imbita sa publiko para dumalo at ipaalam sa mga ito ang halagang balak na idagdag sa singil.

Dagdag pa ng abugado, maituturing pa rin umanong legal ang isinagawang public hearing dahil hindi naman kailangan ang quorum.

Ipinunto naman ni SB Member Esel Flores na naniniwala itong hindi naman nalugi ang BIWCI nitong nakaraang taon sa kabila ng pagpapa-unlad na ginawa ng kompanya, kung kayat bakit pa kailangang taasan ang singil.

Samantala, maliban sa nabanggit na mga opisyal ng bayan, lahat ng mga dumalo sa pagdinig ay tutol sa 35.4% increase na ito.

Lalo pa at may ilang reklamo pang ipinaabot kaugnay sa operasyon ng BIWC, bagay na maliban sa tanong sa rate increase, reklamo ang ipinaabot nila. #ecm122012

Pag-alala ng publiko sa Boracay kay Ambay, pinawi ng Pulisya


Pinawi ngayon umaga ng Pulisya sa Boracay ang pangamba ng mga residente kaugnay sa umano ay pagala-galang kriminal sa isla na si Regine Ambay.

Ayon kay P/Insp. Kennan Ruiz ng Boracay Tourist Assistance Center, hindi dapat mag-panic o matakot ang publiko sa kung anu-ano mga ispekulasyon hinggil sa suspek na pinaghahanap ng awtoridad sa kasalukuyan.

Dahil ang mga maling impormasyon umano minsan ay nagdadala ng pangamba sa publiko, result nito ay nagdadala ng kaba, lalo pa at may mga hindi kagandahan mensahe nag pananakot ngayon ang nakalagay sa kumakalat na mga text message.

Ganoon pa man, sinabi ni Ruiz walang masama kung maging alerto ang publiko hinggil sa taong ito, pero hindi naman umano na dapat na ay katakutan na ang suspek.

Dahil dito, nagpaalala ito na panatilihin pa rin ang segiridad sa bawat tahanan sa isla, hindi lamang laban kay Ambay, kundi pati pa sa ibang masasamang loob na naghihintay lamang ng pagkakaon.

Gayon din umano sa mga kababaihan sa Boracay na kapag umuwi at gabi mula sa trabaho ay kailangan may kasama para sa kanilang kaligtasan.

Hiling din Ruiz sa publiko na sakaling makita nila ang nasabing nilalang ay ipagbigay alam sa Pulisya sa numero 288-3035 o kaya at BTAC Hotline 166.

Sa kasalukuyan naman umano ay ginagawa ng awtoridad ang lahat, lamang mahuli ang suspek na ito.

Ngunit sa ngayon hindi pa masisiguro kung naririto nga sa Boracay ang taong ito.

Ang paghayag ni Ruiz ay kasunod ng pag-alala ngayon ng publiko na baka nasa Boracay na nga si Ambay, kasunod ng pagpakalat na rin sa larawan ng suspek na ito.

Si Ambay ay may kasong pagpatay sa Brgy. Aquino sa Bayan ng Ibajay noong Nobyembre ng taong ito, pero kasalukuyan ay hindi pa rin nahuhuli. #ecm122012

E-trikes ng BLTMPC, sa susunod na taon pa makakapasada


Pinilit sanang maihabol ang 25 e-trikes bago matapos ang buwan ng Oktubre, subalit hindi ito na tuloy.

Pero aaasahan umanong dalawa o tatlong buwan simula ngayon ay posibleng darating ang mga electric tricycle na ito ng BLTMPC.

Sa panayam kay BLTMPC Board of Director Enrique Gelito, bagamat noong nagdaang buwan ng Oktubre pa nila inaasahan na may maunang ma-deliver na mga unit.

Ngunit nabigo di umano ang kampaniya ng e-trike na ito, na madala agad sa Boracay.

Target umano sana ngayon ng kooperatiba na makapasada na ang mga sasakyang ito sa Summer Season na siyang panahon naman na inaasahang maraming pasahero.

Samantala nitong nakalipas na linggo lang ayon kay Gelito nagsimula ang kampaniya ng e-trike na maghanap ng lugar na mapaglalagayan ng Charging Station para sa mga unit.

Matatandaang, una ng sinabi ng kooperatiba na ngayon taon ng 2012 nila inaasahang darating ang unit. #ecm122012

BLTMPC, balak magsumite ng position letter sa Alkalde; RE: color coding


Balak ngayon ng kooperatiba ng tricycle sa Boracay na i-apela kay Malay Mayor John Yap ang pagpapakansela sa ipinapatupad na color coding sa isla.

Sapagkat ayon kay BLTMPC Board of Director Enrique Gelito, ang mga pasahero din ang apektado lalo na ngayon malapit na ang Pasko at inaasahan ang dagsa ng turista hanggang sa Chinese New Year na.

Dahil sa kung titingnan umano ay mas marami ang tricycle na dilaw kaysa sa asul.

May mga araw din umanong kinukulang ang tricycle, kaya hindi rin naisasakay ang mga estudyante sa tatlong barangay sa Boracay kapag nagsisiuwian na ang mga ito.

Inihayag din ni Gelito na maging ang mga principal ng paaralaan ay nababahala na rin para sa mga estudyante dala ng kakulangan ng bumibiyaheng tricycle.

Aminado rin ito na hindi rin maiiwasan minsan, lalo pa at ang kumita ang habol ng ibang driver kaya namamili ang mga ito ng pasahero, bagay na mga turista ang binibigyan nila ng prayoridad.

Dahil dito, gayong mamaya ay magdaraos sila ng monthly meeting, aasahan umano na dito na nila pag-uusapan kung dapat na bang makakaroon din sila ng Position Letter, para mailatag ang kanilang mga concern at iyon din ang ibibigay nila sa Punong Ehekutibo.

Ang hakbang umanong ito, ay kasunod din ng sinabi ng Alkalde na dalawa o tatlong buwan lamang ipapatupad ang color coding dahil dry run palang ito.

Pero ngayong nakita naman umano na nagsasakripisyo ang mga pasahero kaya tama lamang na kanselahin na ang ipinapatupad na coding. #ecm122012

Permit, iginiit para sa mga alagang hayop na idadaan sa Caticlan Jetty Port


Hindi ipinagbabawal ang pagdadala ng manok o anumang uri ng alagaing hayop na idadaan sa Caticlan Jetty Port papuntan Boracay.

Subalit kailangan umanong may permit muna galing sa Department of Agriculture o DA mula sa kanilang mga bayan o lugar na pinagmulan ayon kay Alex Valero, Chief Security ng Caticlan Jetty Port.

Aniya, dapat ay mayroon nito ang may-ari o may dala ng ano mang hayop na ito para pahintulutang makapasok sa Passenger Terminal at maitawid ng Boracay.

Ito ay upang masiguro umano na sa kanila talaga ang mga a-alagaang hayop na ito at hindi kinuha o dinila mula sa kung saan lang.

Ngunit kung marami na umano, kailangang sa Cargo area na ito idaan upang hindi na makasagabal pa sa mga turistang pasahero ng bangka.

Dagdag pa nito, ganon din umano ang sinusunod na proseso sa mga hayop na isinasakay sa RORO mula sa Caticlan Jetty Port.

Samantala, pagdating naman sa timba-timbang isda na dala ng mga vendors at inilalako dito sa Boracay ay pinapayagan naman umano nila kapag iisang timba lamang, pero kailangang ang mga ito umano ang huling sumampa sa bangka at sila din ang maunang bumaba, upang hindi makasagabal sa iba pang pasahero. #ecm122012

DOLE Aklan, Nagpa-Jobfair sa Boracay sa kanilang ika 79 na taong anibersayo

Ni Malbert Dalida, News Director, YES! FM Boracay

Nagpa Job fair ang DOLE o Department of Labor and Employment Aklan field office dito sa Boracay.

Partikular na ginanap ang nasabing aktibidad sa compound ng simbahang Katoliko sa isla noong Biyernes, ika-pito ng Disymebre, dakung alas-nuebe ng umaga, na dinagsa naman ng mahigit kumulang 100 kabataan.

Tampok sa isang araw na job fair ay ang pag-interbyu sa mga aplikante, kaugnay sa mga trabahong inalok ng mga malalaking resort at establisemyento sa isla.

Ilan sa mga trabahong inilatag doon ay ang therapist, front desk officers, cook at iba pa.

Ayon kay Aklan DOLE supervisor Vidiolo Salvacion, sa susunod na araw pa sana dapat ang job fair, kasabay ng ika-79 na taong anibersaro ng DOLE, subali’t minarapat na lamang umano nilang dito sa Boracay idaos ang aktibidad.

Maliban kasi sa pista bukas sa Caticlan, kung saan doon ito dapat gaganapin, ay abala din para sa mga lalahok ang tumawid pa doon.

Sinimulan ang nasabing aktibidad sa pamamagitang ng isang maikling programa at pagbibigay ng mensahe ng DOLE.

Kung saan, ipinaunawa ng mga ito ang kahalagahan ng tinatawag na employability.

Ang ibig sabihin ng employability ayon kay Salvacion, ay ang tamang saloobin sa trabaho, at ang magandang relasyon ng employeer at employee, lalo pa’t tourist destination ang Boracay.

Kasama ng DOLE Aklan sa 1 araw na job fair ay ang Boracay Alliance, LGU Malay, Boracay Industry Tripartite, at LGU Balabag.  

Australian Life Saver David Field, iiwan na ang Boracay


Matapos ang mahigit isang taong serbisyo sa Malay at Boracay pagdating sa pagtuturo ng Life Saving, pansamantalang iiwan muna ni Surf Life Saving Development Officer David Field sa ika-19 ng Disyembre ang Boracay, dahil pinapabalik muna ito ng Philippine National Red Cross o PNRC sa Central Office nila.

Ganoon pa man, ayon kay Marlo Schoenenberger, Administrator ng Red Cross Malay-Boracay Chapter, aasahang babalik pa dito si Field upang taasan pa ang antas ng pagsasanay lalo na ng mga Life Guard ng LGU sa isla.

Target umano ni Field na gawing Level 5 ang kasalukuyang level 3 training ng Life Guard dito.

Kaugnay dito, ang Sangguniang Bayan ng Malay ay may panukala na rin ngayong magpasa ng resolusyon ng pasasalamat at pagkilala sa mga tulong na ipinaabot ng nasabing propesiyonal na  Australian Life Saver sa Boracay.

Partikular na tinukoy ng mga konsehal ang tulong na ginawa nito upang ma-angat ang kasanayan ng mga Life Saver sa Boracay, kabilang na ang Life Guard ng LGU at mga estalishemento, gayon din sa mga Coast Guard, Red Cross Volunteer at mga kabataan mula sa iba’t-ibang paaralan sa isla.

Dahil dito, ang mga naiwang Red Cross instructor na tinuruan din ni Field muna ang magpapatuloy sa pagturo.

Samantala, nabatid naman mu la kay Schoenenberger na habang nasa bansa si Field, pabalik-balik sa Phuket, Thailand at Boracay ang nasabing propesyunal na Life Saver para magturo.

Kung saan napadpad umano ito dito, dahil pinadala ng Australian Red Cross sa PNRC na siyang pinadala din dito sa Boracay noong Oktobre ng taong 2011. #ecm122012

Seguridad sa Caticlan at Cagban Jetty Port, hinigpitan na


Naghihigpit na sa siguridad ang Caticlan at Cagban Jetty Port, kasabay ng inaasahang pagdagsa ng mga turista gayong magpa-Pasko at Bagong Taon na.

Sa panayam kay Alex Valero, Chief Security ng Jetty Port, sa kasalukuyan ay nagdagdag na sila ng mga guwardiya sa dalawang pantalan na ito para sa 24-oras na operasyon bawat araw.

Ito ay upang masigurong ligtas ang mga turista na pumapasok at lumalabas dito, maging ang kanilang mga gamit na dala ng mga bisita.

Inihayag din ni Valero na malaki ang naitulong ng CCTV camera na inilagay sa paligid at loob ng dalawang pantalan dahil marami sa mga may masasang balak ang nahuli nang mahagip ang mga ito ng kamera at makilala sa ginawang pag-review sa kuha ng CCTV.

Samantala, sa ngayon ay may 76 na silang guwardiya na dineploy sa Cagban at Caticlan Port.

Maliban kasi sa nagbabantay ang mga ito, ang mga guwardiya ding naka-duty ay siyang umaalalay sa ilang turista lalo na kung mahaba na rin ang pila sa pagpasok palang sa Passenger Terminal. #ecm122012

Friday, December 07, 2012

Malay, kinulang sa P305-M na pondo para sa 2013


Kinulang ang lokal na pamahalaan ng Malay sa pondong P305 milyon para sa taong 2013, kaya ginawa ito ngayong P310 milyon.

Sapagkat sa kalagitnaan ng Budget Hearing ay nakitang kulang pa rin ang halagang ito dahil may mga gastusan pa ang LGU sa para sa mga programang pangkapaligiran at sa  Municipal Economic Enterprise Development o MEED.

Kung maaalala ang dalawang ito ay  malaki din ang kontribusyon sa koleksiyon ng LGU dahil ang ilang pasilidad ng LGU sa ilalim ng MEED ay kumikita din mas lalo na ang sa paniningil ng environmental fee sa Cagban at Caticlan Port sa mga turista.

Ito ay kasunod sa ginagawang pagrebyu ng konseho bago aprobahan at ipasa ang pundo at alokasyon ng Malay para sa buong taong ng 2013 ng Sangguniang Bayan.

Kaya kanilang itong binusisi para masigurong tama ang alokasyon sa bawat proyekto na naka-programa para sa susunod na taon.

Katunayan, mismong ang mga Department Head ng bawat departemento ay personal pinatawag sa ginawang Budget hearing ng sa ganon ay sila na ang magpaliwanag kung ano ang nilalaman ng kanilang mga programa.

Kung saan, nitong nakalipas na lingo ay napresenta na sa SB ang pondo para sa 2013 ng bayang ito na 305 milyon.

Ngunit nakita napansing bitin ang halagang ito kaya dinagdagan ngayong ng limang milyong piso pa, upang maging P310 milyon na. #ecm122012

Thursday, December 06, 2012

2012 Tourist Arrival ng Boracay, aasahang aabot ng 1.2 milyon


Malaki ang posibilidad na maabot ang 1.2 milyong tourist arrival sa Boracay ngayong taon.

Sapagkat kulang-kulang 89,000 na lamang o katumabas na isang buwan record ng tourist arrival ay maabot na ang target na ito, gayong may isang buwan pa bago matapos ang taon.

Kung saan sobra na ito para sa taong 2012 target na isang milyong tourist arrival.

Nabatid na buwang ng Oktubre ay naabot ang isang milyong target, at nadagdagan pa ito ngayong nakaraang buwan ng Nobyembre na umabot din sa mahigit 86,000 na libong turista.

Bagamat bumaba ang bilang nitong nagdaang buwan ng Nobyembre kumpara noong buwan ng Oktubre, inaasahan namang tataas ang bilang ng tourist arrival ngayong Disyembre, dahil sa dadagsa ang bisita sa isla sapagkat ang karamihan ay dito na magpa-Pasko at Bagong Taon. 

Paliwanag naman ng Municipal Tourism Office o MTO, bahagyang bumaba ang bilang nitong Nobyembre dahil sa balik eskwelahan at trabaho na ang mga nagbaskyon noong katapusan ng Oktubre kasabay ng pagtatapos ng long week end bago ang Undas.

Samantala, sa kasalukuyan nasa isang milyong at mahigit isang daan at siyam na libo na ang kabuo-ang naitala ng MTO simula noong Enero hanggang Nobyembre. #ecm122012

Boracay, handa na para sa “RS: One Wind Surfing World Championship”


Halos patapos na ang ginagawang paghahanda ngayon para sa gagawing “RS: One Wind Surfing World Championship” na gaganapin dito sa Boracay.

Bagamat may mga kulang pa umano ayon kay Nenette Graf, event coordinator at isang Boracaynon din na international windsurfing champion, tiwala ito na magiging maaayos ang lahat sa gagawing aktibidad sa darating na Disyembre a-10 hanggang a-15 ng taong kasalukuyan.

Sa tulong umano ng lokal na pamahalaan ng Malay at ilang pang sponsor, kampante ito na magiging okay ang siguridad at lugar na pagdadausan ng karera ng mga wind surfer mula sa 15 bansa na tutungo dito sa Boracay.

Dahil sa ang Philippine Coast Guard at ilang awtoridad sa isla ay magbabantay sa gagawing karera, lalo pa at aakupahin sa aktibidad na ito ilang metrong swimming area sa Station 2.

Nabatid mula kay Graf na aasahang 60 malalaro mula sa iba’t ibang bansa ang darating sa Boracay, maliban sa iba pang bisita na mayroong nang mga titulo na pinakamabilis sa larangan ng wind surfing sa buong mundo.

Ayon pa sa Boracaynon Champion, dito masusubok ang diskarte ng bawat manlalaro kung paano nila mapabilis na matapos at maabot ng finish line gamit ang wind surf na pare-pareho ang laki.

Nasa edad na 16 hanggang 21 ang karamihan sa mga sasali sa kompitisyon na kapwa nangangarap na makatungtong sa Olympics kung saan dalawa ang kalahok mula dito sa Boracay sa pagkatao ni Gloria Flores at Sonny Gelito.

Isasagawa umano ang “RS: One Wind Surfing World Championship” dito sa isla dahil sa tinanggap ng Philippine Sports Commission o POC ang hamon na maging venue ang Pilipinas ng event na ito at ang Boracay ang napili nila.

At kapag maganda umano ang kinalabasan ng event ay magiging magandang din ang dulot nito sa turismo ng Boracay. #ecm122012

Pag-angkla sa swimming area sa Station 1, ipinagbabawal na


Ang mga red flags na makikita ilang metro mula sa beach line ng Station 1 sa Boracay ay hindi nanganaghulugang pa-abiso ito na ipinagbabawal ang paliligo.

Sa halip ay inilagay umano ito doon na palatandaang ang nasabing lugar ay “swimming area”, ito ay para masigurong ligtas ang naliligong publiko doon.

Inilagay umano ito doon, hindi gaya sa nakasanayan na dito sa Boracay na kapag itinaas ang red flag ay hudyat na bawal munang maligo.

Paliwanag ni Life Guard Supervisor Miguel “Mike” Labatiao, ang mga pulang flag na ito ay malatandaang hindi na pwedeng pumasok o lumapit sa area na ito ang mga bangka o speed boat, dahil para na sa mga naliligo ang lugar na ito.

Kung maalala, ilang insidente na rin ang nai-ulat na may naliligo sa area na ito ang nahagip ng bangka o kaya ay nai-istorbo sa maya’t-mayang pag-angkla sa lugar na ito.

Dagdag pa Labatiao, iba naman dito ang red flag na tinataas nila kapag delikado ang maligo sa dagat dahil doon naman ito makikita sa station 2.

Inihayag pa ng Supervisor na hindi lang red flag ang ginagamit nila sa ngayon sa pagbigay babala sa mga naliligo sa beach kapag masama ang panahon.

Sapagkat mayroon na rin silang mga signage o karatula na ililalagay sa mga kritikal o lugar na madalas na pinangyayarihan ang pagkalunod. #ecm122012

Dahil sa hindi naisauling iPhone, mag live in partner sa Boracay, timbog sa entrapment operation


Ni Malbert Dalida, News Director, YES FM Boracay

May  napulot ka bang bagay na hindi sa’yo?

Kung ganoon, mas makabubuting isauli mo ito ng maluwag sa puso.

Kung hindi, baka karmahin ka at ika’y makalaboso.

Ito ang sinapit ng diyes y otso at bente uno anyos na maglive in partner, matapos matimbog ng mga pulis Boracay sa isang entrapment operation kahapon ng hapon.

Ang siste, humingi umano ng trenta mil pisos ang lalaking suspek sa biktima, na isang general manager ng isang resort sa isla, kapalit ng kanyang iPhone.

Nabatid na bandang alas dos din kahapon ng hapon ay nagparekord sa Boracay PNP ang biktima tungkol sa kanyang nawawalang gadget.

Nawala umano ang kanyang iPhone nitong nagdaang Linggo ng madaling araw, nang pumasok ito sa isang disco bar.

Mabilis namang nagsagawa ng entrapment operation ang mga otoridad, nang bumalik at muling magsumbong ang biktima sa himpilan ng pulis.

Sa nasabing pagkakataon, itinimbre ng biktima na may lumapit umano sa kanyang lalaki at humingi ng naturang halaga ng pera.

Sa nasabing operasyon ay tinanggap ng maglive in partner ang pera sa mismong opisina ng pinagtatrabahuang resort ng biktima.

Kaagad namang inaresto ang mga suspek at kasalukuyang nasa kostodiya ng Boracay PNP, para sa karampatang disposisyon.

Sa tinutuluyang boarding house naman ng mga suspek narekober ang Iphone ng nasabing manager. 

TIEZA Public Consultation sa Lunes, magiging madugo!


Walang sinumang customer ang may nais na magbayad ng mataas na singil sa mga utilities.

Kaya inaasahan na ni Malay Vice Mayor Ceceron Cawaling na magiging madugo ang Public Consultation na ikinasa ng TIEZA o Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority.

Ito ay para sa balak nilang pagtaas sa taripa ng paniningil sa serbisyo ng tubig at management ng waste water ng Boracay Island Water Company o BIWC.

Ayon kay Cawaling, nakikinita nito na marami talaga sa mga konsyumer ng BIWC ang magpapa-abot ng kanilang reaksiyon o reklamo dahil sa napakalaking halaga ang idadagdag sa kasalukuyang taripa na ipinapatupad ng BIWC.

Aniya ang 35% hanggang 50% na dagdag sa taripa ay napakabigat sa bulsa at maging siya umano ay hindi nagustuhan ang ganitong increase sa bayarin sa tubig dahil maliban aniya sa residente sa Boracay, malaki din ang epekto nito sa negosyo ng mga investor sa isla.

Dahil dito, inatasaan nito ang kalihim ng Sanggunaiang Bayan na madaliin na ang pag-gawa sa posisyon letter na naglalaman ng pagtutol ng konseho sa balak na dagdag singgil sa tubig ngayong unang araw ng 2013.

Plano kasi ngayon ng konseho na ipakita sa TIEZA na hindi sila sang-ayon dito, kaya sa Public Consultation sana nila ipapaabot ang nilalaman ng kanilang position letter.

Subalit purnada pa ito dahil ni-reschedule ang petsa ng consultation sa darating na Lunes.

Samantala, dahil sa napipintong pagtaas sa singgil ng tubig ng BIWC, nagpanukala naman si SB Member Wilbec Gelito na dapat na ring silipin ng konseho ang nilalaman ng kasunduan ng TIEZA at BIWC.

Ang pahayag ni Cawaling at Gelito ay isinatinig ng dalawa sa gitna ng SB Regular Session noong ika-4 ng Disyembre. #ecm122012

Wednesday, December 05, 2012

Beach sa Boracay ngayon araw, ligtas para sa mga naliligo


Ligtas pa rin ang paliligo sa White Beach ng Boracay ngayong araw kahit nasa Storm Signal # 1 pa rin ang Aklan dahil sa bagyong “Pablo”.

Ito ang inihayag ni Life Guard Supervisor Miguel “Mike” Labatiao sa panayam dito nitong umaga.

Aniya, maliliit lamang ngayon ang alon sa Front beach kaya ligtas ang maligo.

Pero nakaantabay parin aniya ang mga life guard sa beach line para bantayan ang sitwasyon at mabigyan ng babala ang mga turistang naliligo gayong hindi naman umano pwedeng ipagbawal ang paliligo sa Front Beach.

Ngunit sinabi nitong sa ngayon ay hindi muna nila hinahayaang pumunta sa malalim na area ang naliligo o lumayo sa beach line ng may dalawangpu hanggang limangpung metro para sa kaligtasan ng mga ito.

Samantala, mga barangay opisyal, tanod at  Malay Auxiliary Police o MAP naman umano ang binigyan ng responsibilidad para nagbabantay at masigurong ligtas ang mga naliligo sa Puka Beach sa Yapak. #ecm122012

Publiko, pinayuhang huwag mag-panic sa kumakalat na text message; RE: gumagalang killer at rapist sa Boracay


Naaalarma na ngayon ang publiko sa bayan ng Ibajay, Nabas, Malay at maging dito sa Boracay dahil sa kumakalat na text message na may kaugnayan sa napapabalitang rapist na gumagala ngayon.

Kung saan, ang suspek na ito ay pinaghahanap na umano talaga ng pulisya ayon sa hepe ng Ibajay Pulis na si P/S Insp. Frenzy Andrade.

Aniya, may kasong attempted rape at homicide ang suspek dahil sa pagpatay nito sa isang batang babae sa paraan ng pag-sakal dito sa Aquino, Ibajay nitong nakalipas na Nobyembre a-kwatro.

Pero wala umanong dapat na ikatakot at ipag-panic ang publiko kaugnay sa mga nakasaad sa text message na di umano ay kumakatok ang suspek sa mga pamamahay.

Bagamat may mga impormasyon na nakarating sa kanila kaugnay dito, ngunit sa pangu-ngusisa naman umano nila ay negatibo, subalit may mga lugar umano na tinuturo kung saan nakikita ang suspek.

Pinabulaan naman ni P/S Insp. Reynante Matillano, hepe ng Nabas, ang laman ng text message na kumakalat na umano ay may panibagong biktima ang suspek na kinilalang si alyas “Ambay” sa bayan ng Nabas.

Ayon kay Matillano hindi iyon totoo, pero may mga nagsasabi na nakita umano ang suspek sa nasabing bayan.

Dahil dito, pinayuhan ni Matillano ang publiko na huwag paniwalaan ang mga nakakatakot na mensahe gaya ng kumakalat ngayon sa cell phone.

Samantala, dito naman sa Boracay, nitong umaga sa panayam kay P/S Insp. Joeffer Cabural ay pinasiguro nito na walang dapat ikabahala ang publiko dahil, sa imbestigasyon nila ay nakitang wala naman sa isla ang suspek sa ngayon. #ecm122012

Bangka, pinayagan nang lumayag ngayong araw


Balik biyahe na ulit ang mga bangka na may rutang Caticlan-Boracay, pampasahero, pang-cargoes at fast craft man ito.

Ito ang nilinaw ni Lt. Cmdr. Terrence Alsosa, Station Commander ng Philippine Coast Guard Caticlan, dahil sa ipinatupad nila ang “sunrise-to-sunset” na biyahe ng bangka, lalo na at balik na sa storm signal number 1 ang buong probinsiya ng Aklan.

Aniya, nitong umaga ng lumiwanag na ay inabisuhan na nila ang mga bangka na bumiyahe, sapagkat nakita nila na ligtas na rin ang paglalayag para sa mga pasahero.

Ngunit sakaling lumaki umano ang alon at lumakas ang hangin ay pwede uli kanselahin ng PCG ang biyahe.

Inihayag din nito na hangang sa ngayon ay ipinagbabawal muna ang anumang uri ng sea sports activities sa Boracay dala ng masamang panahon dahil sa bagyong “Pablo”.

Samantala, nabatid mula sa Station Commander na mayroon pa ring stranded na pasahero kagabi sa Caticlan Jetty Port papuntang Boracay na umabot sa mahigit 50 pasahero at 40 pasahero ng RORO papuntang Roxas, Oriental Mindoro. #ecm122012

Publiko, walang dapat ikabahala sa mga kumakalat na text message --- P/Insp. Cabural; RE: gumagalang killer at rapist sa Boracay


Pinasiguro ng pulisya sa Boracay na walang dapat ikabahala ang publiko kaugnay sa mga kumakalat na text message ng di umano’y bagong modus ng masamang elemento.

Sa mga kumakalat na text message, sinasabing may bata diumano na umiikot ngayon sa Boracay na pakawala ng mga masasamang elemento, umiiyak at nagpapahatid pauwi sa kanila, pero sa oras na maihatid umano ito, patibong pala iyon dahil may naghihintay na grupo ng mga taong may masasama ang balak.

Ayon kay Boracay PNP Chief P/Insp. Joeffer Cabural, tila malayong mangyari ang gaya sa kumakalat na text messages dahil napakaliit lamang ng Boracay para sa ganitong gawain o modus.

Maliban dito, wala din anya silang naitala kaugnay o katulad sa nakasaad sa kumakalat na balita sa cellphone sapagkat naririyan lamang din umano ang mga pulis sa paligid na anumang oras ay maaaring lapitan kapag kailangan ng tulong.

Pero ang bagay na ito ay hindi minaliit ni Cabural at wala umanong dapat na ikatakot ang publiko.

Maliban dito, isa pang nakaka-alarmang mensahe ang kumakalat ngayon sa text na mayroong isang rapist diumano ang gumagala din dito sa Boracay at may nabiktima na ito sa bayan ng Ibajay, Nabas at maging sa Caticlan. #ecm122012