Posted August 31, 2017
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES THE BEST
Boracay
29th Regular Session Malay |
Ito ang sinabi ng
Sangguniang Bayan ng Malay kay Peter Montalban, Director ng Modelo Global
Solutions Corporation nitong Martes sa naganap na sesyon ng plenaryo.
Nabatid kase na
ang Modello ay siyang kinukuhaan o nagsusuplay ng Star 8 E-trike na siyang
nag-ooperate sa isla ngunit walang kaukulang permit dahilan kung bakit sila
pinagpaliwanag sa sesyon.
Pinangunahan ni
Sangguniang Bayan Member Jupiter Gallenero ang katanungan kay Montalban na
aniya bakit sila nag-ooperate na hindi manlang dumaan sa kanila.
Giit ni Gallenero
hindi sila tutol sa kanilang negosyo ang kanya lang ay magbigay sila ng respeto
sa kanilang mga SB Member dahil isa sila sa mga nag-aaproba na makapasok at
makapag-operate ang mga ito sa isla.
Ang sagot lang ni
Montalban dito ay meron na umano silang application para makapasok at
maka-operate ang kanilang unit mula sa LGU-Malay.
Paglilinaw ni
Vice Mayor Abram Sualog upang wala nang po-problemahin pa, ang kinakailangan
nilang gawin ay tiyakin na meron munang akreditasyon para sila ay maaprobahan
ng Sangguniang Bayan ng Malay.
Napag-alaman na may
sampung Star 8 E-trike na umano dito sa isla ng Boracay ang namamasada.
Kung
maisakatuparan ang akreditasyon ng Modello, pang-lima na silang suppliers ng E-trike
sa Boracay kung saan ang apat na nag-ooperate na dito ay Be-mac, Tojo, Gerweiss
Motors at Prozza.