Posted August 7, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Masusing pinag-aaralan ng Sangguniang Panlalawigan
(SP) Aklan ang ordinansa na magre-require sa mga Tourist Bus sa Aklan na
magkaroon ng Audio/Video equipment.
Sa ginanap na 26th SP Regular Session kahapon,
nabatid na posible umanong ipatawag muli ng SP Aklan ang mga tourist bus
operators at iba pang ahensya upang mapag-usapan ang mga maaaring hakbang para
dito.
Magugunitang sinuspende muna ang isinusulong na
ordinansa dahil pinasusumite pa ng Provincial Board ng resolusyon ang may akda
nito na si SP Member Emmanuel Soviet Dela Cruz.
Matatandaan ring isinulong ang panukala dahil sa
malaking maitutulong umano nito lalo na sa turismo ng probinsya, kung kaya’t
nire-require ang mga Tourist Bus at Public Transportation Units na magkaroon ng
audio/video equipment para ipakita ang kagandahan ng Aklan.
No comments:
Post a Comment