YES THE BEST 911 BORACAY

Saturday, September 26, 2015

Mga "dangling wires" sa bayan ng Kalibo, tatanggalin na

Posted September 26, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for electric wire poleDahil sa mabilis na improvement ng bayan ng Kalibo, nakatakda ngayong tanggalin ang mga "dangling wires" o mga nakalawit na kable ng kuryente ng ibat-ibang telecommunication company.

Ito mismo ay kikilalanin ng Kalibo Municipal Planning & Development Coordinator (MPDC).

Sa report nangako ang utility firms na kanilang aayusin o tatanggalin ang mga nakabitin na wire at bulok na poste na maaaring magdulot ng panganib sa pangunahing kalsada sa bayan ng Kalibo.

Maliban dito aayusin din nila ang mga mababang kable ng kuryente para sa kaligtasan ng mga motorista sa sandaling mailagay na ang mga traffic lights.

Nabatid na kabilang din dito ang pag-sasaayos ng mga sirang poste na maaaring makapagdulot ng piligro sa mga establisyemento at ang tinatawag na spaghetti wire na eye-sores sa mga tao.

Lasing na lalaki, sa kulungan na ipinagpatuloy ang kanyang kaarawan

Posted September 26, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for kulunganSa kulungan na ng Boracay PNP Station ipinagpatuloy ng isang lalaki ang kanyang ika-26 na kaarawan matapos na magwala at manggulo sa Sitio Pinaungon, Boracay.

Sumbong ng nagrereklamong si Judy Seraspi sa Boracay PNP, masyado umanong nakadistorbo ang ginagawang pag-iingay ng inirereklamo nitong si Mark Leo Basay sa kanilang lugar.

Ayon kay Seraspi lasing umano si Basay habang ipinagdidiriwang nito ang kanyang kaarawan dahilan para ireklamo niya ito dahil sa inililikhang ingay.

Maliban dito makailang beses niya rin umanong sinuway si Basay ngunit hindi umano siya pinakinggan sa halip ay sumigaw pa ito ng malakas at sinira ang bakud sa lugar.

Samantala sa Boracay PNP lock-up cell na nagpalipas ng kanyang kaarawan si Basay.

DATEM construction pansamantalang pinahintu dahil sa nangyaring landslide

Posted September 26, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for temporarily closed
Naglabas ngayon ng order ang Municipal Engineering Office ng Malay sa pansamantalang pagpapahinto ng construction project ng DATEM Construction Corp. sa Yapak Boracay.

Ayon kay Head Engineer Azur Gelito ng Boracay Redevelopment Task Force, hindi muna nila pahihintulang ipagpatuloy ang nasabing construction hanggat hindi nakakahuha ng clearance ang DATEM mula sa Department of Labor and Employment (DOLE).

Maliban dito humihingi din ang Engineering Office ng revise project plan ng DATEM sa ginagawang building na hawak ng New Coast Boracay.

Matatandaang isang landslide ang nangyari nitong Miyerkules ng umaga sa ginagawang basement ng isang gusali kung saan isa rito ang patay at dalawa naman ang nagtamo ng seryosong sugat.

Samantala, katuwang ng Boracay Redevelopment Task Force ang Engineering Office ng Malay sa pagsasagawa ng imbestigasyon.

Nabatid na ikinadismaya naman ng Local Government Unit ng Malay ang hindi agad pagpapasok sa kanila sa loob ng site at ng maging ng mga pulis.

AKELCO magpapatawag ng Press Conference para pag-usapan ang referendum

Posted September 26, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for AKLAN ELECTRIC COOPERATIVE 
Magpapatawag ng Press Conference ngayong Lunes Setyembre 28 ang Aklan Electric Cooperative na gaganapin sa Engr. Job Y. Besana Hall, AKELCO Compound, Poblacion, Lezo, Aklan.

Ito ay para ipaliwanag ang isyu tungkol sa electric cooperatives sa preparasyon ng ipinahayag na referendum.

Nabatid na ang referendum ay alinsunod sa Section 25-A ng Implementing Rules Regulations (IRR) of R.A. 10531 – National Electrification Administration Reform Act of 2013 and Section 57 of EPIRA – Electric Power Industry Reform Act.

Sinasabi na ang referendum ay nagsasapilitan na ang lahat ng naiwang Electric Cooperatives na non-stock ay kailangang magsagawa nito katulad ng pananatili bilang non-stock, non-profit sa ilalim ng NEA o magpalit bilang stock cooperative sa ilalim naman ng CDA o di kaya ay magabago bilang stock corporation sa ilalim ng SEC.  

Emergency Shelter Assistance (ESA) Budget ng Banga mapapasakamay na ng mga benepisyaryo

Posted September 26, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for pera o salapiMakalipas ang ilang taon mula ng manalasa ang super typhoon Yolanda sa probinsya ng Aklan dumating na din ang Emergency Shelter Assistance (ESA) Budget para sa bayan ng Banga.

Ito mismo ang masayang balita ni Mayor Erlinda Maming ng Banga sa kanyang mga nasasakupan na matinding naapektuhan ng bagyong Yolanda.

Ayon kay Maming nasa 128 milyon ang napuntang pundo sa kanila para sa 7, 557 na mga beneficiaries.

Nabatid na makakatanggap ng tig-sampung libong peso ang partially damage at tatlumpung libo naman sa totally damaged na kabahayan.

Matatandaan na natagalan ang pagbibigay pundo sa nasabing bayan dahil sa pagkakaroon ng problema na isinumite sa Department of Social Welfare Development (DSWD) 6.

Friday, September 25, 2015

Construction worker sinaksak, suspek kulong

Posted September 25, 2015
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for sinaksakSugatan ang isang construction worker matapos na saksakin ng kanyang katrabaho sa Sitio Diniwid Brgy. Balabag, Malay, Aklan kagabi.

Nagtamo ng sugat sa katawan ang biktimang si Ronnie Doronio 26- anyos ng Sitio Agutay Brgy. Aquino Ibajay, Aklan at temporaryong nakatira sa Sitio Diniwid.

Nabatid sa report ng Boracay PNP, nag-iinuman ang biktima at suspek kasama ang ilan pa nilang katrabaho ng magkaroon ng mainit na argumento sa pagitan ng biktima at ng suspek na si Alvin Tividad 33-anyos ng Brgy. Lunoy, Guibungan, Sapian Capiz

Dito nagtungo ang suspek sa kusina at sa pagbalik nito ay may dala na siyang kutsilyo na agad niyang inunday sa katawan ng biktima habang nakatayo sa labas ng kanyang kwarto.

Matapos ang insidente mabilis namang nakatakas ang suspek sa pamamagitan ng pagtalon sa bakod ng barracks.

Agad namang naisugod ang biktima ng kanyang kapatid at katrabaho sa isang pribadong klinika para mabigyan ng agarang pagpapagamot ngunit nagdesisyon ang doktor na dalhin nalang ito sa ospital sa bayan Kalibo.

Samantala, agad namang nahuli ng mga pulis ang suspek matapos ang kanilang pagrespondi sa insidente na ngayon ay pansamantalang ikinustodiya sa Boracay PNP habang patuloy na ginagawa ang imbestigasyon.

Forum laban sa rabies inilunsad ng DOH sa Boracay

Posted September 25, 2015
Ni Alan C. Palma, YES FM Boracay

“Rabies Free Philippines by 2020”.

Ito ang layunin ng Department of Health katuwang ang World Health Organization sa isinagawang Rabies Dissemination Forum in the Visayas Island nitong nakalipas na araw sa Boracay.

Ito ay dinaluhan ng mga delegado mula sa iba’t ibang rehiyon sa Visayas kung saan ang paksa ng aktibidad ay para palakasin ang kampanya ng Responsible Pet Ownership ng mabawasan ang kaso ng rabies sa bansa.

Maliban kay Cebu City Mayor Michael Rama, Antique Governor Rhodora Cadiao at Guimaras Governor Samuel Gumarin, naging panauhin din si DOH Undersecretary Dr. Vicente Belizario Jr.

Ayon kay Belizario, maliban sa dog vaccination campaign ng Department of Agriculture sa bawat munisipalidad ay mainam din palawakin ang bakuna sa mga bata sa elementarya bukod pa sa libreng bakuna na ibinibigay sa mga Animal Bite Treatment Centers.

Dagdag pa nito na kung dati ay una at dalawang dose lang ang libre, balak ng DOH na ibigay ang walong dose ng libre para hindi na mahirapan ang mga biktima lalo na ang mga mahihirap.

Samantala, isa sa mga highlight ng nasabing forum ay ang Presentation of Selected Good Practice ng mga probinsya na deklaradong rabies-free para magsilbing huwaran sa mga local officials at medical practioners na dumalo.

Kung maalala, ang isla ng Boracay ay isa din sa mga idineklarang ng DOH na Rabies-Free noong taong 2013.

Thursday, September 24, 2015

Boracay kinilala ng Topinspired.com bilang isa sa pinakamagandang isla sa buong Asya

Posted September 24, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Isa na namang karangalan ang nakuha ng isla ng Boracay matapos itong kilalanin ngTopinspired.com. bilang isa sa pinakamagandang isla sa buong Asya.

Sa sampung tourist destination na napili mula saAsya na magandang pasyalan ngayong darating na Summer, tanging ang Boracay lang ang nakapasok mula sa Pilipinas na pumapangalawa sa listahan.

Nangunguna naman dito ang Gili Island sa Indonesia, pangatlo ang Phi-Phi ng Thailand, ika-apat ang Havelock sa India, pang-lima ang Koh Lipe mula rin sa Thailand, ika-anim ang Langkawi ng Malaysia, ika-pito ang Bali sa Indonesia, sinundan ng Koh Tao sa Thailand, pang-siyam ang Jeju sa South Korea at pang-sampu ang Phu-Quoc ng Vietnam.

Samantala, ilan umano sa maaaring gawin sa Asia’s 24/7 island na Boracay ay ang swimming, sunbathing, snorkeling, island hopping, kayaking, parasailing, scuba diving, helmet diving, skim boarding, jet skiing, zip lining, horseback riding, eating, shopping at dancing.

Operasyon ng Foreign Tourguide sa Boracay paiimbestigahan ng SB Malay

Posted September 24, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for tour guidePera ang siyang dahilan kung bakit nais paimbistigahan ng Sangguniang Bayan ng Malay ang operasyon ng mga foreign tourguide sa Boracay.

Sa 34th Regular Session nitong Martes, sinabi ni SB Member Floribar Bautista, na may natanggap siyang impormasyon na mayroong tao sa likod ng mga tourguides na sinasabing nag-proproseso ng kanilang permit para sa kanilang legal na operasyon sa Boracay.

Ayon kay Bautista nalaman umano nito na sinisingil ang bawat tourguide sa halagang P50-60,000 para sa pagsasaayos ng mga papeles sa kabila na aabot lamang sa P10-20, 000 ang kailangang ibayad ng foreign tourguide sa LGU Malay para sa kanilang legal operation.

Samantala, napag-kasunduan ng local body na ipatawag sa committee hearing ang Presidente ng Tourguide Association sa Boracay para alamin kung gaano katoto ang naturang balita.

Maliban dito kasama din sa mga iimbitahan ang Department of Labor and Employment (DOLE) para matukoy kung anong mga requirements ang dapat e-proseso ng mga tourguide para sa kanilang operasyon kasama ang Department of Tourism.

Ang committee hearing ay pangungunahan ng Committee on Tourism na gaganapin sa Oktobre 9, 2015 sa SB Session Hall ng bayan ng Malay.

Apat na Culinary student sa Aklan, patay sa aksidente sa Antique

Posted September 24, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay 

Hindi na umabot ng buhay sa pagamutan ang apat na mga culinary student ng Carillo Culinary Arts sa Numancia, Aklan matapos na maaksidente sa Brgy. Mag-Aba, Pandan, Antique.

Ang mga biktima ay kinilalang sina Jonel Angelo Garson 18-anyos ng Mag-Aba, Elmer Selvestre 17-anyos ng Brgy. Aliputos, Numancia, Kerby Cangayda 21-anyos at John Airon Jutoc 21-anyos na parehong residente ng Mambusao, Ibajay, Aklan.

Sa report, sakay umano ng motorsiklo ang mga biktima mula sa isang Birthday Party habang papauwi na sana sa bahay ni Garson ng mabunggo ang kanilang sinasakyang motor sa puno ng kahoy.

Sa pag-iimbestiga naman ng Pandan PNP Station sa insidente dito sinasabing nasa ilalim umano ng nakakalasing na inumin ang mga biktima at mabilis ang pagpapatakbo ng motorsiklo na minamaneho ni Selvestre.

Samantala, base sa hospital na pinagdalahan sa mga biktima patay na umano ng makarating sa pagamutan dahil sa kanilang mga natamong sugat sa ibat-ibang parti ng katawan lalo na sa ulo.

Wednesday, September 23, 2015

Isa patay, dalawa sugatan sa nangyaring Landslide sa Boracay

Posted September 23, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay 

Image result for namatayIsa ang patay at dalawa ang sugatan sa nangyaring Landslide sa loob ng construction site ng New Coast Boracay sa Brgy. Yapak Malay, Aklan kaninang alas-onse ng umaga.   

Sa ginawang pagresponde ng Philippine Red Cross Boracay-Malay Chapter sa lugar, dito nila nadatnan na wala ng buhay ang biktimang nakabaon sa gumuhong lupa.  

Agad namang umano nagsagawa ng paghuhukay ang PRC responders para makuha ang katawan ng mga biktima na mabilis ring naidala sa pinakamalapit na pagamutan.

Nabatid na natabunan ng hinuhukay na lupa ang mga biktima sa ginagawang basement dahil sa malakas na pagbuhos ng ulan.   

Napag-alaman na ang mga biktima ay tauhan ng Datem Construction Corp. na contractor ng Mega world na nagde-develop ng NewCoast Boracay. 

Sa ngayon nasa pangangalaga na ng isang punirarya sa bayan ng Malay ang namatay na biktima habang ang isang sugatan ay nakauwi na at ang isa ay dinala sa isang ospital sa Kalibo. 

Samantala, patuloy naman ang ginagawang imbestigasyon ng Local Government Unit ng Malay sa pamamagitan ng Municipal Engineering Office kasama ang Boracay PNP Station at iba pang ahensya ng gobyerno. 

Ati Community sa bayan ng Malay nabigyan ng libreng pabahay

Posted September 23, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Masuwerti ang mga katutubong Ati sa mainland Malay dahil sa binigyan sila ng siyam na bahay na itatayo ngayong araw sa tulong ng ibat-ibang organisasyon sa Boracay.

Ang siyam na bahay ay proyekto ni Mayor John Yap na itatayo sa Ati Village sa Sitio Bakiruhan, Brgy. Cubay Sur, Malay.

Dahil dito ang Local Government Unit ng Malay sa pakikipagtulungan sa Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council (MDRRMC) ay magsasagawa ng tinatawag na Dagyaw para sa mga Ati.

Dito tulong-tulong ang ibat-ibang grupo at organisasyon sa Boracay at Malay kasama na ang mga Law Enforcers katulad ng Boracay Police sa pagpapatayo ng naturang bahay para sa sama-samang bayanihan.

Ordinansa at mga dokumento ng LGU Malay hinalungkat ng DILG Aklan

Posted September 23, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Hinalungkat ng Department of Interior and Local Government (DILG) Aklan ang mga ipinasang ordinasa, resolusyon at ang mga dokumento ng Local Government Unit ng Malay.

Ito’y matapos sumailalim ang nasabing bayan sa evaluation ng mga taga DILG kahapon para alamin kung paano na-proproseso ng LGU ang kanilang mga dokumento at kung ano ng mga resolusyon o ordinansa ang naipasa ng konseho.

Nabatid na isa ang bayan ng Malay sa paparangalan ngayon sa Iloilo City ng Seal of Good Local Governance ng DILG kasama ang bayan ng Banga, Ibajay at DILG Aklan.

Kaugnay nito ipinaabot naman ni Vice Mayor Welbic Gelito ang kanyang pagbati sa LGU Malay dahil sa maaayos na pamamalakad ng nasabing bayan dahilan para sila ay muling makilala ng DILG sa pangalawang pagkakataon.

Samantala, pinangunahan naman ni Malay DILG Officer Mark Delos Reyes ang pagsalubong sa mga taga DILG Aklan sa isinagawang evaluation kahapon.

Tuesday, September 22, 2015

Basurang dinadala sa Land field ng Malay mula Ibajay, paiimbestigahan

Posted September 22, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for basura
Paiimbestigahan sa Committee on Environment ng Sangguniang Bayan ng Malay ang umano’y basura na nanggagaling sa bayan ng Ibajay at dinadala sa land field ng Malay.

Sa 34th Regular Session ng Malay ngayong Martes, sinabi ni SB Member Rowen Aguirre na may natanggap umano siyang report na dinadala ng bayan ng Ibajay ang kanilang mga basura sa nasabing land field.

Ayon kay Aguirre nais niya itong paimbestigahan kung totoo nga ba ito dahil ang tambakan umano ng basura ng Malay ay para lang sa naturang bayan at hindi para sa kalapit na munisipalidad maliban na lamang kung mayroon umano itong agreement o fees sa LGU.

Samanta, maliban sa Committee on Environment nais din itong paimbestigahan ng konseho sa Office of the Mayor at sa Solid Waste Management.

LGU Malay, sasailalim sa evaluation ng Provincial Government

Posted September 22, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for evaluationNakatakdang sumailalim sa evaluation ng Provincial Government ng Aklan ang Local Government Unit ng Malay sa pangunguna ng Committee on Evaluation at Department of Interior at Local Government (DILG).

Ayon kay Malay Local Government Operations Officer (MLGOO) II Mark Delos Reyes, ito umano ay para kapanayamin si Vice Mayor Welbic Gelito at para alamin kung anong mga batas at ordinansa ang naipasa ng nasabing bayan.

Sinabi nito na karamihan sa e-evaluate ng Province ay ang mga dokumento ng LGU Malay at ang kanilang development Plan.

Sa kabilang banda bukas na ang gaganaping awarding of Seal of Good Local Governance ng DILG sa siyudad ng Iloilo kung saan bibigyang parangal ang Aklan Provincial Governance kasama ang bayan ng Banga, Ibajay at Malay.

Monday, September 21, 2015

LGU Malay, naghahanap ng solusyon para tulungan ang TIEZA sa pagbabaha sa Boracay

Posted September 21, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for baha sa BoracayHanggang ngayon ay isa parin sa itinuturing na problema sa Boracay ang pagbabaha sa ilang lugar lalo na sa area ng mainroad sa station 3.

Dahil dito gumagawa na ngayon ng hakbang ang Lokal na Pamahalaan ng Malay kung paano mabibigyang solusyon ang nasabing pagbaha.

Nabatid na ang mga drainage system sa Boracay ay under sa Tourism Infrastructure Enterprise Zone Authority (TIEZA) na hanggang ngayon ay hindi parin natatapos ang kanilang proyekto sa isla para mabigyang solusyon ang mga baradong kanal.

Ayon kay Malay Environmental Management Services (EMS) Administrative Assitant Adel Lumagod may mga solusyon na umano sila ngayon matapos silang makipag-meeting sa TIEZA nitong Huwebes.

Samantala, sinabi pa ni Lumagod na isa rin sa kanilang tinutukan ngayon ay ang mga over flowing na waste water sa mga resort at kabahayan sa Boracay.

Over flowing na mga waste water ng mga household at establishment sa Boracay bibigyang aksyon ng LGU Malay

Posted September 21, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for waste waterBibigyang aksyon ng Local Government Unit ng Malay ang over flowing waste water ng mga hotel, establishment at mga kabahayan sa Boracay.

Ayon kay Malay Environmental Management Service (EMS) Administrative Assistant Adel Lumagod, pinapatawag umano nila ang mga may-ari ng bahay o establisyemento na mayroong over flowing na waste water para sa isang dialogue.

Dito umano pag-uusapan kung anong mga solusyon ang dapat gawin para maiwasan ang nasabing problema o anong penalidad ang kanilang maaaring kaharapin sakaling lumalala ang naturang problema.

Nabatid na isa sa dahilan ng pagbaha sa ilang area ng Boracay ay dahil sa mga nasabing waste water mula sa mga business establishment kabilang na ang mga restaurant.


Matatandaan na ilang restaurant ang nasampulan ng LGU Malay at Sanitation Office dahil sa tumatagas nilang waste water.

Boracay magho-host ng 31st ASEAN Maritime Transport Working Group

Posted September 21, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Nagsagawa ng meeting nitong Sabado ang namumuno sa ibat-ibang agencies sa isla ng Boracay para sa paghahanda sa pag-host ng 31st ASEAN Maritime Transport Working Group.


Ito ay sa pangunguna ni Dir Sonia Malaluan mula sa Manpower Development Service ng MARINA Central Office.

Nabatid na gaganapin ang international event sa Abril 6-8, 2016 na dadaluhan ng 150 delegates na kinabibilangan ng sampung head mula sa 10 ASEAN Member countries.

Ayon kay Malaluan dadalo umano ang mga ASEAN Members para pag-planuhan ang  mga programa ng ASEAN.

Maliban dito, ito rin ay magbibigay ng technical overview at makipag-koordinasyon sa implementasyon ng Roadmap patungko sa Integrated and competitive Maritime Transport sa ASEAN.

Samantala, ang nasabing meeting ay dinaluhan ng Philippine Coast Guard-Caticlan, Department of Health-Aklan, Department of Tourism-Boracay, Local Government Unit ng Malay at Jetty Port Administration.

Ang ASEAN Maritime Transport Working Group (AMTWG) ang ikalawang international event na isasagawa sa Boracay matapos ang APEC Ministerial Meeting nitong Mayo.

International Coastal Clean-up sa Boracay dinaluhan ng daan-daang volunteers

Posted September 21, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Daan-daang volunteers mula sa ibat-ibang sectoral groups at mga turista sa Boracay ang lumahok sa 2015 International Coastal Clean-up nitong Sabado.


Ito ay para sa taunang proyekto na ginagawa tuwing ika-19th ng Setyembre para sa sa layuning malinisan ang mga coastal areas sa buong mundo.

Sa pangunguna naman ni Mayor John Yap ng Malay nagpasalamat naman ito sa suporta na ipinakita ng lahat ng sumali sa clean-up activity kung saan inanyayahan din nito na patuloy na suportahan ang nasabing proyetekto na nangangalaga sa kalikasan ng isla ng Boracay.

Samantala, ilan sa mga sumali sa International Coastal Clean-up ay ang Boracay PNP,  Municipal Environment Management Services ng LGU Malay,Boracay Foundation Incorporated at Seven Seas Hotel and Residences.

Nabatid na ang Ocean Conservancy ang siyang International Organizer at Philippine Coast Guard-Auxiliary bilang National Coordinator sa naturang proyekto.

Mga fire dancers sa Boracay, pinagbawalang lumapit sa mga costumer

Posted September 18, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for FIRE DANCERS SA BORACAYHindi na pinahihintulan ng Environmental Management Services (EMS) ng LGU Malay na lumapit ang mga fire dancers sa Boracay sa kanilang mga customers sa oras ng kanilang pagtatanghal.

Ito ang sinabi ni Malay EMS Administrative Assistant Adel Lumagod matapos nilang hinigpitan at ipagbawal ang pagsayaw ng mga Fire Dancers ng walang permit mula sa LGU.

Ayon kay Lumagod ito umano ay proteksyon lamang nila sa mga dancers para sakali umanong magkaroon ng insidente sa pagitan costumer at dancer ay hindi sila makakasuhan.

Nabatid na isa sa pang-aliw ng mga dancers ang paglapit sa kanilang mga costumer habang  hawak-hawak ang kanilang poi at pinapaikot-ikot sa ulo o sa mukha.

Samantala, sinabi pa nito na ang mga costumers lang ang maaaring lumapit sa kanila kung nais ng mga itong magpakuha ng litrato.
Sa kabilang banda, pinagbabawalan na ring magsuot ng maiikling damit ang mga dancers katulad na lamang ng underwear, pagsayaw sa pathway o vegetation area ng beach front gayon din ang pagsasayaw sa buhangin ng walang platform.