YES THE BEST 911 BORACAY

Saturday, June 28, 2014

Boracay National High School, inilunsad ang recrafting School Improvement Program Plan

Posted June 28, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Inilunsad ng Boracay National High School ang recrafting School Improvement Program Plan kaninang umaga.

Ito ay para matugunan ang pangangailangan ng nasabing paaralan at ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng ibat-ibang programa.

Pinangunahan mismo ito ni Mr. Jose Nero R. Nillasca School Principal II ng Boracay National High School kasama ang school’s and teaching staff.

Isa ring eleksyon ang isinagawa para sa School Governing Council (SGO) upang lalong mabigyan ng atensyon ang mga programa at pangangailangan ng nasabing paaralan.

Layunin din nito na mapangalagaan ang pag-aaral ng kanilang mga estudyante kung saan target nilang mapababa ang bilang ng drop-out sa kanilang paaralan.

Nabatid na ang Boracay National High School ay kulang ng anim na silid aralan, Library at walang sapat na tubig at comport rooms.

Samantala ang pangangailangan ng nasabing paaralan ay isang hamon para sa mga naihalal na stakeholders at teachers sa School Governing Council (SGO).

Mga turistang nabibiktima ng ilegal na island activity sa Boracay pinaalalahan ng Mtour

Posted June 28, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

www.boracay.travel.com
Pinaalalahan ng Municipal Tourism Office sa pangunguna ni Chief Tourism Officer Felix G. Delos Santos ang mga turistang nabibiktima ng illegal na island Activity sa Boracay.

Ito’y kaugnay sa ilang reklamong natatanggap ng Boracay PNP sa mga turistang na biktima umano ng illegal commissioner sa isla.

Aniya, ang identified na area ng marketing and selling ng product and services sa Boracay ay may iisang lugar lamang na makikita sa station 1 at station 3.

Ito umano ay mga accredited tourism front liners para sa Sea sports at island hopping activity. 

Samantala, sinabi pa ni Delos Santos na hindi nag kulang ang kanilang opisina sa pagbibigay ng paalala o impormasyon sa mga turista kaugnay sa Boracay activities.

Sa kabilang banda maaari din umanong maharap sa kasong Estafa ang mga island activity na hindi rehistrado sa Boracay Island Hopping Association (BIHA) gayon din ang illegal commissioner na naniningil ng malaking halaga at hindi ibinibigay ang magandang serbisyo.

Babaeng nagtutulak ng illegal na droga, timbog matapos mahulihan ng 30 plastic sachet ng shabu

Posted June 28, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Timbog sa isinagawang buy bust operation kahapon ang isang babae sa Boracay matapos mahulihan ng 30 plastic sachet ng shabu.

Ayon sa report ng Boracay PNP, isinagawa ang operasyon alas singko kahapon ng hapon sa isang lodging house sa Balabag Boracay.

Kasama ang BTAC Anti Illegal Drugs Special Operation Task Group at Provincial Anti Illegal Drugs Special Operation Task Group (PAIDSOTG) at sa kooperasyon ng PDEA, timbog ang suspek na si Neslie Estropegan, 21 anyos ng Feliciano Balete Aklan.

Nakuha sa suspek ang 30 sachet ng shabu, isang libong pisong marked money at cellphone na umano’y naglalaman ng mga text messages para sa transaksyon.

Samantala, nakuha rin mula sa poseur-buyer ang isang sachet ng shabu at isang libong piso na ginamit bilang marked money.

Nakatakda namang e-turnover sa Kalibo Police Station ang suspek kung saan nahaharap ito sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o An Act Instituting The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Friday, June 27, 2014

Tourist arrival sa Boracay ngayong half quarter ng taon umabot sa mahigit 735 libo

Posted June 27, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Umabot sa mahigit 735 libong turista ang naitala ng Municipal Tourism Office (MTO) na nagbakasyon sa isla ng Boracay ngayong half quarter ng taon.


Basi sa naitalang record ng Mtour Boracay umabot sa 735,060 turista ang kanilanag nai-record simula nitong buwan ng Enero hanggang buwan ng Mayo.

Karamihan sa mga ito ay Domestic na 409, 693 na sinundan ng Foreign Tourist na 303, 683 at overseas Filipino na 21, 729 habang 3, 291 na iba pa.

Nabatid na nagunguna parin ang mga turistang Pinoy na pumupunta sa Boracay sa loob ng limang buwan habang sumunod ang Chinese tourist na 100, 108 at pumangatlo naman ang Korean tourist.

Bagamat nangangalahati palang sa target na 1.5 million tourist arrival ang Boracay para sa taong 2014 umaasa naman ang Municipal tourism Office at Provincial Government na maabot ito.

Samantala, sa kabila ng dulot ng sama ng panahon at Habagat patuloy parin ang pagdagsa ng mga turista sa pinakamagandang Beach sa buong Asya.

Kahandaan ng Boracay, sinuri ng APEC-NOC

Posted June 27, 2014
Ni Alan Palma Sr., YES FM Boracay

Kumpiyansa ang APEC Malay Task Group na ang kahandaan ng Boracay para sa nalalapit na APEC 2015 ay aprobado sa isinagawang inspeksyon ng APEC – National Organizing Committee.

Kasama ang DTI Team, sinuri ng APEC-NOC ang mga lugar sa isla na posibleng pagdausan ng ministerial meetings kabilang na ang mga pasilidad at mga hotel na may kakayahan para sa mga dadalong delegado.

Maliban sa mga pasilidad sa paliparan, ang kahandaan sa seguridad , emergency response at transportasyon ay ilan lang sa mga pinagusapan at binusisi ng Ocular Team kasama ang mga Heads of the Working Committee ng Malay at Boracay .

Positibo naman ang tugon ni Deputy Director-General for Conference Management and Services Head -Ambassador Ma. Angelina M. Sta. Catalina sa paghahanda at mga planong inilatag ng APEC Malay Task Group.

Aniya ,napaka-organisado at mukhang handing-handa na ang Boracay para APEC 2015.

Bagamat wala pang tiyak na petsa, habilin ni Sta. Catalina na dapat sapat ang panahon para sa paghahanda.

Ang Boracay ay isa sa mga posibleng pagdausan ng APEC Meetings sa susunod na taon na may layuning itaguyod ang kalakalan at pag-asenso sa rehiyon ng Asya-Pasipiko.

Coral REEFfurbishment Project sa Boracay, nirerepaso pa

Posted June 27, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Nirerepaso pa at patuloy ang isinasagawang pagpupulong para sa Coral REEfurbishment Program sa Boracay.

Ito ang sinabi ni Al Lumagod, Project Officer at Marine Biologist ng Boracay Beach Management Program (BBMP).

Aniya, pangunahing layunin ng nasabing proyekto na dagdagan ang numero ng mga corals sa isla ng Boracay.

Paliwanag ni Lumagod, kapag dumami na umano ang mga nasabing corales ay matutulungan din nitong protekhan ang buhangin sa baybayin lalo na kapag panahon na ng habagat.

Samantala, muli naman nitong ipinaalala sa publiko maging sa mga turista na ingatan ang mga likas na yaman sa Boracay lalo na’t parami na ng parami ang mga dumadayo dito at nagkakaroon ng mga iba’t-ibang aktibidad.

Ang Coral REEFfurbishment Project ay bahagi ng proyekto ng Coastal Resource Management Program at sa ilalim rin ng Boracay Beach Management Program na inilunsad noong March 14, 2014. 

Boracay white beach, nanguna sa listahan ng Top 25 Beaches in Asia ngayong taon

Posted June 27, 2014
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay

Nanguna sa listahan ng Top 25 Beaches in Asia ang Boracay white beach ngayong taon.

Base sa pinakahuling survey ng sikat na travel site na TripAdvisor, nasapawan nito ang mga world-renowned beach destinations sa Asya at maging ang iba pang sikat na tourist destinations.

Maliban sa Boracay, kinilala din ng TripAdvisor ang Secret Lagoon Beach sa El Nido, Palawan na pang-apat sa listahan, at maging ang Yapak Beach sa isla ng Boracay na pang-anim sa listahan.

Ngayong taon lang din ng 2014, pinangalanan naman ng nasabing website ang Boracay bilang ika-19 na best tourist destination sa buong mundo.

Magugunitang nanguna sa listahan ng TripAdvisor ang isla ng Boracay sa mga prestihiyusong tourist destination sa Asya nitong nakaraang taon ng 2013.

Samantala, patuloy namang ipinapatupad ng Boracay Redevelopment Task Force ang iba’t-ibang programa at batas sa isla upang mapangalagaan ito para sa mga susunod na henerasyon.

2015 General Revision of Base Market Values sa Aklan, aprobado na

Posted June 27, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Aprobado na sa Sangguniang Panlalawigan (SP) Aklan ang bagong schedule ng Base Market Values of Real Properties para sa 17 municipalities, epektibo sa Enero 2015.

Kasama rin sa mga inaprubahan ng SP ang special base market valuation sa mga resort sa isla ng Boracay at Metro Kalibo.

Pagkatapos ng ilang mga serye ng committee at public hearings sa huling apat na buwan, ipinasa na sa 20th Regular Session ang Tax Ordinance No. 001, S., 2014 na nagsasaad ng bagong bayarin sa buwis para sa 17 munisipalidad sa probinsya.

Ang inaprubahan ng SP Aklan ay ang sya ring binagong iskedyul mula sa orihinal na panukala ng opisina ng Provincial Assessor, kung saan ang antas ng bayarin sa buwis ay binawasan sa pag-iintindi ng mga hinaing at opinyon ng mga negosyante mula sa Kalibo at Boracay.

Sa binagong mga iskedyul na napapaloob sa General Revision ng ordinansa, isinaayos ng SP ang assessment level sa 14% mas mababa kaysa 15% na orihinal na iminungkahi ng Provincial Assessor para sa lahat ng residential real properties.

Samantala, ang assessment level naman para sa industrial at commercial properties ay 33% mas mababa sa 50% na unang iminungkahi.

Sa agricultural properties naman, ibinaba ito sa 34% mula sa 40% na orihinal na ipinanukala ng Provincial Assessor Office.

Una namang ipinaliwanag ni Provincial Assessor Kokoy Soguilon na nakasaad sa Section 219 ng Local Government Code o base sa Republic Act No. 7160, na dapat magkaroon ng General Tax Revision of Real Properties ang lokal na pamahalaan kada tatlong taon.

Therapist sa Boracay, binato ng baso ng kapwa Therapist dahil sa umano’y nilabag na patakaran

Posted June 27, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Nagtamo ng sugat sa kaliwang pisngi ang 26 anyos na therapist matapos na batuhin ng baso ng kapwa nya therapist sa Boracay.

Kwento ng biktimang si “Mary Ann” sa mga pulis, nagalit umano ang suspek na si “Regine” dahil sa umano’y nilabag nitong internal rules and regulation sa kanilang spa na pinagtatrabahuhan.

Dahil sa galit, bigla na lamang di umano syang binato ng baso ng suspek, kung saan tinamaan ang kanyang kaliwang pisngi.

Kaagad ding naawat ng iba pa nitong mga kasamahang therapist ang pangyayari.

Samantala, ine-refer naman ngayon ang nasabing kaso sa Brgy. Justice System ng Balabag Boracay.

Resulta ng isinagawang evaluation ng RAT sa LGU Malay sa Oktobre pa malalaman

Posted June 27, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Sa darating na Oktobre pa umano malalaman ang resulta ng isinagawang evaluation ng Regional Assessment Team (RAT) sa LGU Malay.

Ayon sa Malay DILG Office matagal-tagal pa bago ilabas ang resulta ng nasabing grupo dahil sasailalim pa ito sa ilang pag-aaral o assessment.

Ang ginawang evaluation ay pinangunahan ng Department of Interior and Local Government Unit (DILG), Philippine National Police (PNP) at University of San Agustin (USA).

Nabatid na ito ay para sa Seal of Good Local Governance kung saan kinabibilangan ng lahat ng mga department heads ng LGU Malay.

Kabilang pa sa ginawang evaluation ay ang pag-iikot sa mga pangunahing lugar sa nasabing bayan para tingnan ang mga proyekto at mga livelihood programs.

Maging ang mga pantalan at isla ng Boracay ay sinuri din ng nasabing grupo para makita kung paaano ito pinalalakad ng LGU Malay.

Umaasa naman ang nasabing bayan na magiging maganda ang kakalabasan ng resulta ng isinagawang evaluation.