Inna Carol L.
Zambrona, YES THE BEST NEWS DEPARTMENT
May bago ngayong inilabas na taripa ang Boracay Island
Water Company (BIWC) para sa taong 2019 na inaprobahan ng TIEZA o Tourism
Infrastructure and Enterprise Zone Authority.
Sa kalatas na ipinalabas ng BIWC, epektibo Enero a-uno,
ang Residential A na ang konsumo ay 11-20 cubic meters ay magbabayad ng
P105.99/cubic meter mula sa dating P89.76 habang ang 21-50 cubic meters ay nasa
P156.18/cubic meter mula sa dating P132.18
Tumaas din ang singil sa Commercial A o 11-50/cubic
meters ang konsumo ay nasa P167.33/cubic meter na ang rate mula sa dating
P141.71/cubic meter, habang ang commercial establishment na gumagamit ng
51-100/cubic meters na tubig ay P195.25/cubic meter ang babayaran kumpara sa
dating P165.35
Samantala sa Commercial B naman kung mayroon kang 11-50
cubic meters ay sisingilin ng P153.39 mula sa dating P129.90 at kung
nakapag-kunsomo naman ng 51-100 cubic meters ay magbabayad ng P 181.23 mula sa
dating P 153.52 at kung sumubra sa 100 cubic meters ay nasa P 209.18 ang rate
mula sa dating P177.15
Tumaas din ang singil sa Sewer maliban sa Residential B
kung saan naka-base naman lahat ang singil sa volume ng tubig na kino-konsumo.
Nabatid na ang paglabas ng bagong taripa ay base sa
approval ng TIEZA Board of Directors sa bisa ng Resolution No. 4-12-18 na may
petsang Desyembre 4, 2018 bilang rekomendasyon ng TIEZA Regulatory Office kung
saan mayroong upward adjustment na 18.08%.