“Collective effort” umano ng lahat ng sector sa Boracay kung bakit muling kinilala ang islang
ito bilang “2013 Traveler's Choice Best Beach in Asia”.
Kung saan malaki umano ang naging papel at naitulong dito sa
paraan ng kooperasyon ng mga stakeholders at mga pribadong sector upang
mapanatili ang yaman na mayroon ang Boracay, ayon kay Malay Administrator Godofredo
Sadiasa.
Hindi naman aniya nila tinuturing na “pressure” sa bahagi ng
LGU Malay ang pamamayagpag ngayon ng isla lalo na nang makuha nito ang titulong
“2012 Best Beach in the World”.
Sa halip aniya ay kinokunsidera nila ito bilang “challenge”
o hamon upang mapanatili ang titulo na tinatamsa ngayon ng Boracay.
Naging inspirasyon din umano nila ito upang pagbuhihan ang
lahat para sa islang ito.
Kung maaalala una ng hinayag ng Department of Tourism na
naging “2013 Traveler's Choice best beach in Asia” ng online travel guide na
TripAdvisor.
Ito ay dahil sa malapulburon na buhangin at mala-kristal na
tubig sa baybayin ng Boracay.