YES THE BEST 911 BORACAY

Saturday, July 02, 2016

Brgy. Yapak sa Boracay, planong lagyan ng Maritime Police satellite office

Posted July 2, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay 

Magandang balita ngayon sa mga residente ng Brgy. Yapak, Boracay dahil plano na umano ngayong lagyan ang lugar ng Maritime Police satellite office.

 Itoy para hindi na mahirapan ang mga taong humingi ng tulong sa mga pulis sakaling magkaroon ng kaguluhan sa lugar.

Sa panayam ng istasyong ito kay SPO2 Virgelio Caporal ng Maritime Police, maglalagay umano sila ng satellite office sa Brgy. Yapak kung saan mahigit kumulang dalampu na silang naka-duty ngayon dito.

Nabatid, na layunin ng kanilang grupo na mapanatili ang pagbabantay nila sa lugar upang mabantayan din ang seguridad ng mga residente dito.

Samantala, nasa protocol naman nila ngayon ang seguridada sa port na “one entry” “one exit”, pag-mentina ng  waste clean-up sa tabon port, front beach at check-point.

PSI Andrade, nanawagan sa mga sangkot sa droga sa Malay: 7 sumuko

Posted July 2, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay   

Isa ang bayan ng Malay sa buong probinsya ng Aklan sa may pinakamaraming nahuling gumagamit at nagbibinta ng illegal na droga.

Dahil dito nanawagan si Malay PNP Police Senior Inspector Frensy Andrade sa mga drug user o mga may nakakakilala sa mga gumagamit ng droga na kung maaari ay hikayatin umano ang mga itong sumuko sa kanilang tanggapan.    

Nabatid na patuloy ngayon ang ginagawang Oplan Tokhang (Toktok-Hangyo) ng Malay at Boracay PNP sa mainland at isla ng Boracay na nasalistahan ng mga sinasabing sangkot sa droga.    

Napag-alaman na marami na ring mga drug user sa probinsya ang sumuko sa mga kapulisan at nangakong sila ay magbabago na umano dahil sa takot sa banta sa kanilang buhay ni Pangulong Duterte.   

Sinabi din ni Andrade na walang dapat ikabahala ang mga sumusuko dahil hidni naman umano sila ikukulong dahil ipapapirma lamang umano ang mga ito sa kasundun na hindi na sila uulit muli sa paggamit ng droga.

Samantala, maaari umanong tumawag o mag-text sa kanilang numerong 0998-967-3667 ang mga gustong sumuko na drug user o may mayroong nalalamang sangkot sa droga.

Sa ngayon nasa pito na ang sinasabing drug user ang sumuko sa mga oras na ito sa Malay PNP matapos ang panawagan sa YES FM ni Andrade.

Drug user sa bayan ng Malay nais ni SB Gallenero na sumuko

Posted July 2, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Ilang drug user na ang sumuko sa mga kapulisan sa probinsya ng Aklan bago paman umupo bilang bagong prisedente ng bansa si Pangulong Rodrigo Duterte.

Dahil dito hinikayat naman ni SB member Jupiter Gallenero ang LGU Malay na magkaisa para maingganyo ang mga drug user na sumuko na sa mga kapulisan.

Ayon kay Gallenero ang droga umano kasi ang dahilan kung bakit nangyayari ang mga kreminalidad sa bansa.   

Binanggit din ng konsehal na marami na rin ang mga nahuli na gumagamit at nagbibinta ng illegal na droga sa bayan ng Malay lalo na umano sa isla ng Boracay.

Samantala, nais umano ni Gallenero na magkaroon ng kasunduan ang alkalde ng Malay at ang mga pulis para sa mga sakaling susukong drug user sa kanilang lugar.

Nabatid na walang rehabilitation center ang nasabing bayan kung kayat napag-alaman mula sa ibang lugar na pinapapapirma lamang ang mga ito ng kasunduan na sila ay magbabago na at tatalikuran na ang droga ngunit sakaling masangkot muli ang mga ito sa ipinagbabawal na gamot ay doon na sila huhulihin at ikukulong.

Friday, July 01, 2016

Tubig na nagdudulot ng pagbaha sa Sitio Pinaongon, Balabag, ini-imbestigahan

Posted July 2, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Ini-imbestigahan na ngayon ang tubig na nagdudulot ng pagbaha malapit sa mga hotel sa Sitio Pinaongon, Balabag, Boracay.

Kung saan nagsagawa kahapon ng imbestigasyon ang Boracay Island Water Company (BIWC), Boracay Tubi Systems Inc. (BTSI), at ng isang hotel na malapit sa lugar para malaman kung kaninong linya ang may-sira na nagdudulot ng pagbaha sa lugar.

Ngunit ayon sa dalawang water company, wala naman umanong sira ang kanilang linya bagkus ang hotel ang itinuturong umanong may-sira ang linya.

Kanila umanong kinalkal ang lupa para malaman kung may depekto ang kanilang linya kung kaya’t nagbabaha sa nasabing lugar.

Ngunit, nagsagawa rin umano ang nabanggit na hotel ng sariling imbestigasyon, at ayon sa kanila, walang sira ang kanilang linya.

Dahil dito, pala-isipan ngayon kung kaninong linya nga ba ang may-sira na nagdudulot ng pagbaha sa lugar at perwisyo sa mga dumadaang motorista maging sa mga residente at turista na rin.

Samantala, kaugnay nito, bukas naman  umanong magpa-imbestiga ang BIWC para malaman kung kaninong tubo ang may sira.

Bagong set ng SB Malay nagsagawa ng Inaugural Session kaninang umaga

Posted July 1, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay      

Nagsagawa kaninang umaga ng Inaugural Session ang bagong set ng administrasyon ng Malay sa pangunguna ni Mayor Ceciron Cawaling at Vice-mayor Abram Sualog.

Kasama rin dito ang Sangganuniang Bayan member kung saan nagkaroon sila ng adoption ng Internal Rules ng procedure ng SB Malay at privilege speech na sinundan naman ng suspension ng rules, presentation ng municipal mayor sa kanyang mga plano at programa at direksyon ng LGU para sa susunod na tatlong taong panunungkulan. 

Nagka-isa naman ang konseho at buong department heads ng Malay sa pagsuporta sa mga programang inilatag ni Mayor Cawaling para sa kanyang pag-upo ngayong admistrasyon.

Island activities ng turista naunsyami matapos hindi siputin ng commissioner; suspek kulong

Posted July 1, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay   

Image result for estafa
Isa nanaman ngayong commissioner ang inereklamo ng turista matapos nitong tinakbuhan ang inalok na water sports activities sa bisita sa front beach ng Station 2 Balabag, Boracay.

Base sa blotter report ng biktima na si Lyn Magtiza 43-anyos, isang private employee at temporaryong nakatira sa isang hotel sa nasabing lugar sa Boracay PNP, naglalakad umano siya sa dalampasigan ng nilapitan siya ng suspek na si Ruel Ascarez 39-anyos, at inalok ng water activities dito sa isla.

Kung saan mabilis naman itong nagbayad ng P1,000  sa suspek at  gagawin ang nasabing water activities kinabukasan.

Subali’t, ng kinaumagahan habang tinitext ng biktima ang suspek ay hindi na ito makontak sa cellphone number niyang binigay sa bikitma.

Samantala, mabilis na namang nag-reklamo ang biktima sa mga pulis kung saan agad namang nahuli ang suspek at ngayon nga ay pansamtalang iki-nustudiya sa Boracay PNP station.

BFRAV responders nakatanggap ng mga donasyon mula sa retired Fireman mula Canada

Posted July 1, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Photo by BAG
Laking pasasalamat ng Boracay Fire Rescue Ambulance Volunteer (BFRAV) responder’s ng Boracay Action Group (BAG) ang kanilang nakuhang donasyon.

Ito ay mula sa isang retired fireman mula sa Canada na si David Civitarese na personal na pumunta sa isla ng Boracay para ibigay ang mga donasyon nito sa mga responders.

Personal namang tinanggap ni Commodore Leonard Tirol BAG Adviser at Consultant ang naturang mga donasyon na kinabibilangan ng mga damit na pang-rescue at mga gloves.

Ang BFRAV ay isang aktibong responders sa isla ng Boracay na nagseserbisyo 24/7 para sa mga residente ng isla at sa mga turista.

Thursday, June 30, 2016

“Send off Ceremony and Testimonials” ng mga outgoing officials, naging matagumpay

Posted June 30, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Naging matagumpay ang “Send off Ceremony and Testimonials” ng mga outgoing officials ng Sangguniang Panlalawigan sa Aklan.

Pormal ng nagtapos ang serbisyo publiko ng limang outgoing SP members na sina Plaridel Morania, Rodson Mayor, Robert Garcia Jr., Jose Enrique Miraflores at Stephen Bolivar kasama si Vice Governor Garielle Calizo-Quimpo bilang presiding officer ng 16th Sangguniang Panlalawigan.

Pinasalamatan ni Vice Governor Bellie Calizo Quimpo ang lahat ng mga kasama nito sa SP, sa loob ng siyam na taon.

Papalitan naman ng kaniyang asawa na si Atty. Boy Quimpo ang kaniyang dating posisyon bilang Bise-Gobernador ng Probinsiya.

Bukod sa kaniyang mga kasamahan sa SP, pinasalamatan din ni Quimpo ang mga media sa Aklan na naging bahagi ng kaniyang panunungkulan partikular na sa pag-cover ng mga naisagawang session.

Naging present din sa nasabing okasyon si Governor Joben Miraflores, kasama ng kaniyang pamilya, at si Vice Governor Elect Atty. Boy Quimpo, pamilya ng mga nagtapos na Board Members at ang mga department heads ng probinsya.

Flying Fish Activities sa isla ng Boracay, hiling na e-regulate

Posted June 30, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Photo by BAG
Dahil sa sunod-sunod na insidente sa Flying Fish Activities sa isla ng Boracay hiniling ngayon ng BFRAV Medical Responders sa LGU Malay na e-regulate ang operasyon nito sa isla.

Base sa inilabas na panawagan ng BFRAV napag-alaman sa nakalipas na dalawang buwan noong Mayo at Hunyo ay ilang aksidente ang nanyari kung saan karamihan sa mga biktima ay nagtamo ng dislocation sa balakang, balikat at tuhod.

Nabatid na kadalasang mga biktima nito ay mga turistang foreigner na mahilig sa mga island activities sa Boracay. 

Ayon naman sa BFRAV responders na kung ang Banana Boat rides umano ay na-regulate sa Boracay sa pag-dropping ng kanilang guest at na banned ay gayon din umano ang mahigpit nilang panawagan para sa flying fish activities.

Cashier at Security guard ng isang convenient store sa Boracay, kulong matapos pagnakawan ang customer na turista

Posted June 30, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for theftArestado ngayon ang cashier at security guard ng isang tindahan sa Manoc-manoc, Boracay matapos nitong nakawin ang wallet ng kanilang customer na turista.

Salaysay ng biktima na si Erlinda Senase 56-anyos sa Boracay PNP, bumili umano siya sa nasabing tindahan kung saan sa pag-uwi naman nito sa hotel na tinutuluan ay namalayan nito na naiwan niya pala ang kanyang wallet sa loob ng tindahan.

Nabatid na binalikan ng biktima ang tindahan kasama ang kanyang asawa para tanungin kung may napansin ang cashier na naiwan wallet ngunit itinanggi naman niya ito sa biktima.

Subali’t ng humingi naman ng inspection ang asawa ng biktima na tingnan ang CCTV kasama ng supervisor ng tindahan ay dito napag-alaman na naiwan ng biktima ang wallet sa may cashier kung saan kinuha naman ito ng isa pang customer at ibinigay sa suspek na cashier at sa security guard.

Samantala, ng isauli naman ng security guard sa biktima ang wallet nito ay natuklasan naman nitong nag-kulang na ang laman nitong pera na nagkakahalaga ng P7, 000.

Nabatid, na kinuha ng cashier ang apat na libong piso na pera at iniwan ang tatlong libong pera sa loob ng wallet. 

Wala namang balak na sampahan pa ng kaso ng biktima ang dalawang suspek kung saan pina-balik nalang nito an pera na kanilang kinuha.

Bagong administrasyon ng Malay pinanumpa ni Governor Miraflores

Posted June 30, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay      

Nanumpa na ang bagong administrasyon ng bayan ng Malay kay Aklan Governor Florencio Miraflores sa isinagawang Oath Taking and Governance Turnover Ceremony kahapon.

Pinanumpa ni Miraflores ang walong Sangguniang Bayan member kasama ang Bise-Alkalde at Alkalde ng Malay para sa pagsisimula ng kanilang pag-upo sa gobyerno ngayong Hulyo.

Present naman rito ang Government officials ng probinsya kabilang na sina outgoing Mayor John Yap at Vice Mayor Wilbec Gelito.

Maliban dito nakisaksi naman ang mga stakeholders mula sa Boracay, department heads, mga organisasyon sa Malay at pamilya at supporters ng mga bagong halal na opisyal ng Malay.

Naging parte naman ng okasyon ang Governance Turnover sa pamamagitan ng mga department heads at ng bagong alkalde ng Malay na si Ceciron Cawaling.

Samantala, nagpasalamat naman si Cawaling sa mga sumuporta sa kanya at nangangakong pag-iibayuhin ang kanyang trabaho sa kanyang bayan gayon din ay nagpasalamat din si outgoing Mayor Yap sa kanyang paglilingkod sa Malay.

Wednesday, June 29, 2016

Construction ng 9-storey building sa Yapak, tinalakay sa SB session

Posted June 29, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Sa huling araw ng mga outgoing officials ng Sangguniang Bayan sa bayan ng Malay ay tinalakay ng isa sa mga SB member dito ang construction ng 9-storey building sa Yapak.

Sa 23 rd Regular Session ng Sangguniang Bayan kahapon, naging usapin sa privilege hour ni SB Frolibar Bautista ang patuloy na construction ng Global Estate Resorts Project sa Yapak kung saan makikita na umano itong nasa siyam na palapag na ito.

Ipinunto naman ngayon ni Bautista kung ano ang mga posibleng violation kung sakali mang lumabag sa patakaran ang may-ari nito sa pagpapatayo ng gusali.

Matatandaang una na ring pinuna ni Bautista ang nasabing gusali dahil sa umabot na umano ito ng siyam na palapag.

Kung saan nagdemand ito ng report kaugnay sa kung anong aksyon ang ginawa ng mga kinauukulan tungkol dito kasama na ang listahan ng mga nag-violate ng height limit sa buong Boracay.

Phase 1 project ng TIEZA sa Boracay ikinadismaya ng BFI

Posted June 29, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for tieza boracayDismayado umano si Boracay Foundation Inc. (BFI) President Dionesio Salme sa naging proyekto ng Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority (TIEZA) sa isla.

Partikular na tinukoy ni Salme ang phase 1 drainage project ng TIEZA kung saan sinabi nito na tapos na ang paggawa nito ngunit hindi padin umano ito functional at baha parin sa isla.

Ayon kay Salme sana hindi umano magaya ang nakatakdang phase 2 drainage project sa phase 1 na itinuturing nitong palpak.

Nabatid na isa si Salme sa mga dumalo sa isinagawang Exit Community meeting kahapon ng BRTF kung saan pinag-usapan ang mga naging proyekto ng administrasyon ni Yap simula ng umupo ito at ng BRTF na naglingkod ng tatlong taon sa isla.

Ang TIEZA ang siyang nagsasaayos ng mga drainage system sa isla ng Boracay upang maiwasan ang pagbabaha ngunit ngayon ay nananatili paring lubog sa tubig baha ang ilang kalsada sa Boracay tuwing umuulan.

BRTF nagsagawa ng EXIT Community meeting

Posted June 28, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay      

Isang EXIT Community meeting ang isinagawa ng Boracay Redevelopment Task Force (BRTF) kahapon para sa pagpapalit ng administrasyon sa bayan ng Malay.

Ito ay sa pangunguna ni Glenn Sacapaño Boracay Island Chief Officer at ni BRTF Secretariat Head Mabel Bacani.

Dito tinalakay ang final report at courtesy ng administrasyon ni outgoing Mayor John Yap at ng BRTF na naglingkod sa publiko ng tatlong taon sa isla.

Ilan lamang sa tinalakay sa final report ay ang pagpapatupad ng 25+5 Build Zone Regulation easement, Environmental Preservation and Protection, Investment Promotions at Wildlife Conservations.

Kabilang din dito ang road setback, pag-review ng Forest Development, pag-regulate ng coastal zoning para sa swimmers at water sport activities, at pag-regulate ng paggamit ng Manoc-manoc port sa pamamamgitan ng undertaking for accountabilities.

Ang EXIT Community meeting ay dinaluhan naman ng PCCI Boracay, BFI, private sector, LGU Malay, Brgy. Officials at DENR.

Persons with Disability sa Probinsya ng Aklan, may libreng training

Posted June 28, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for pwdsMeron ngayong ibibigay na Commercial Arts training para sa mga miyembro ng Person with Disability (PWD) sa Probinsya ng Aklan.

Ayon kay Zaldy Paderes, Provincial Federation President ng Person’s with Disability Provincial Association ng Aklan, ang naturang training ay bukas para sa mga miyembro ng PWD’s at out of school youth sa Probinsya ng Aklan.

Nabatid na ito ay libre kung saan ipapatupad ito ng kanilang asosasyon kasama ang Homage to Enable Linabuanon People Inc. o (HELP).

Samantala, ang nabanggit na training ay magsisimula sa mga susunod na buwan kung sakaling makumpleto na ang mga nagparehistrong sasailalim dito.

Hinikayat naman ngayon ni Paderes ang mga PWD’s at ang mga out of school youth na sumali para sila ay matulungan na maging maayos ang kanilang pamumuhay sa kabila ng kanilang kapansanan.

Isasagawa ang  Commercial Arts training sa mismong opisina ng PDAO o Persons with Disability Affairs Office sa Provincial Capitol Canteen, Kalibo, Aklan.