YES THE BEST 911 BORACAY

Saturday, August 27, 2016

Lalaki sa Kalibo, nagbigti dahil umano sa away sa nobya

Posted August 28, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for nagbigtiAng hindi pagkakaunawaan sa kanyang nobya ang isa sa nakikitang dahilan ngayon ng pagpapakamatay ng hindi pinangalanang 23-anyos na lalaki.

Ito ang pahayag ng kanyang pinsan na si Joseph Cabal sa Kalibo PNP, kung saan ini-report nito na nakabitay na ang kanilang kamag-anak ng makita nila ito sa loob ng kwarto kahapon gamit ang isang tali.

Sa imbestigasyon ng mga pulis, ang biktima ay residente ng Dao, Capiz at nagtra-trabaho sa isang karenderya ng kanyang pinsan bilang helper sa Kalibo.

Nabatid na mayroong kasintahan ang biktima, kung saan nag-away umano ang mga ito dahil sa nag-paalam ang babae na doon na ito magtra-trabaho sa isang mall sa Iloilo bago nangyari ang insidente na isa sa mga sinasabing dahilan ng pagpapakamatay ng biktima.

Sa ngayon ay patuloy ang ginagawang imbestigasyon ng SOCO kung saan ayon naman sa pamilya ng biktima ay wala naman silang nakikitang foul play sa insidente.

PNP Chief Ronald "Bato" dela Rosa, bibisita sa isla ng Boracay ngayong araw

Posted August 27, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for dela rosa
Handang handa na ang Boracay Tourist Assistance Center (BTAC) sa pagbisita ni PNP Chief Ronald "Bato" dela Rosa sa isla ngayong araw.

Ito ang kinumpirma SPO1 Christopher Mendoza ng BTAC kung saan kasalukuyan na umano ngayong nagbibiyahe ang PNP Chief mula sa probinsya ng Iloilo matapos itong dumalo kahapon sa Leaders' Convergence.

Ayon kay Mendoza wala naman umanong programang nakahanda para kay “Bato” ngunit inaasahang makikipagpulong ito sa mga personnel ng BTAC.

Nabatid na isa ang isla ng Boracay sa mga tinututukan ng kapulisan para mapangalagaan ang mga turistang dumadayo rito araw-araw.

Paglalaro ng ‘Pokemon Go’ sa mga polling precincts ipinagbabawal

Posted August 27, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for Pokemon Go‘Pokemon Go.’

Ito ngayon ang kinaaadikang laro sa smartphone game sa ibat-ibang panig ng mundo.

Dahil dito mahigpit ngayong nagbabala ang Commission on Elections (Comelec) Aklan na bawal ang pagalalaro nito sa mga polling precincts sa gaganaping barangay at Sangguniang Kabataan (SK) elections sa Oktober 31.

Nilinaw ng Comelec na magiging mano-mano lamang kasi ang gaganaping eleksyon sa Oktobre at baka maging dahilan ito ng ibat-ibang problema.

Nabatid kasi na walang lugar na pinipili ang paglalaro ng ‘Pokemon Go’ ngunit ipinagbabawal na rin ito sa ibat-ibang establisyemento kabilang na ang simbahan.

Kaugnay nito, naghahanda na ngayon ang Comelec para sa pag-file ng Certificate of candidacy (COCs) sa Oktobre 3-15, 2016 habang ang Campaign period ay magsisimula sa Oktobre 21 hanggang 29.

Friday, August 26, 2016

Panelo dadalo sa Oath Taking ng Aklan Press Club

Posted August 27, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo.Isa ngayon sa inaasahang bisita sa gaganaping Induction ng Aklan Press Club Incorporated (APCI) ay si Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo.

Pangungunahan ni Panelo ang panunumpa ng mga bagong opisyales ng Aklan Press Club Incorporated (APCI) para sa taong 2016-2018 kung saan si Odon Bandiola ang nahalal na bagong presidente.

Dadaluhan din ang pagtitipon ng mga kilalang media personalities sa probinsya at mga bisita mula sa  ibat-ibang sektor.

Nakatakdang gawin ang Oath Taking bukas Agosto 27 taong kasalukuyan sa Governor L. Cabagnot Memorial Tourism and Training Center sa bayan ng Kalibo.

Ang Aklan Press Club, ay itinatag noong 1958, pagkatapos ng separasyon ng Aklan sa Capiz kung saan ito ay kaanib ng Federation of Provincial Press Clubs of the Philippines at ng Publishers Association of the Philippines Inc.

Halaga sa nangyaring sunog sa Boracay kagabi, umabot sa 50K

Posted August 26, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Tinatayang nasa 50k umano ang halaga ng pinsala sa nangyaring sunog sa BBC restaurant sa Station 1 Brgy. Balabag, Boracay, kagabi.

Ayon kay FO3 Franklin Arubang ng BFP Boracay, naganap ang sunog bandang alas- 6:50 ng gabi kung saan agad naman nila itong ni-respondihan kasama ang BFRAV - Boracay Fire Rescue, Ambulance and Volunteer at Kabalikat Civicom 961.

Nabatid na sa kwarto mismo ng may-ari nagsimula ang sunog kung saan din ang restaurant na naapula bandang alas-7:30 ng gabi.

Samantala, wala namang nasaktan sa nangyring insidente kung saan masuwerti naman at hindi natupok ang buong kwarto at ang kainan ngunit ilang mahahalagang bagay sa loob ng kwarto ang sinasabing tinupok ng apoy.

Sa ngayon patuloy parin ang ginagawang imbestigasyon ng Bureau of Fire - Boracay Sub-Station hinggil sa pinagmulan ng sunog. 

International Events sa Boracay sa last quarter ng taon, pinaghahandaan na ng LGU Malay

Posted August 26, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay   

Image result for BoracayBago magtapos ang taong 2016 at ang pagpasok ng taong 2017 ay inaasahang ibat-ibang international events ang isasagawa sa isla ng Boracay.

Dahil dito ang Local Government Unit ng Malay ay pinaghahanaan na ang mga aktibidad na na inaasahang magsisimula sa last quarter ng taon.

Sa panayam ng himpilang ito kay Executive Assistant III Rowen Aguirre, isa umano ang Boracay sa magiging area sa bansa kung saan ang aktibidad ng Miss Universe sa Enero ay inaasahang gagawin.

Ngunit wala pa umano silang signal mula sa Department of Tourism (DOT) kung ano ang kanilang dapat gawin pero nangangako itong magiging handa sila sa naturang event.

Maliban dito inaasahan umano na isa rin ang Boracay sa magiging host ng meeting ng Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit 2017 matapos na magpahiwatig sa kanila ang National Organizing Committee ng ASEAN Summit .

Samantala, tiwala naman si Aguirre na makakaya nila ang humawak ng malalaking event na magaganap sa isla kung saan may karanasan na rin umano ang kanilang mga personnel at kaya na nilang gumawa ng mga templates dahil sa mga nakaraang international events sa isla. 

Turista, nabiktima ng sinasabing Commissioner sa Boracay

Posted August 26, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for blotter reportPanibago na namang sinasabing Commissioner ang inireklamo ng isang turista sa kanilang kinuhang water sports activity sa Bolabog, Boracay.

Kinilala ang biktimang si Angela Cassandra Casal, 19-anyos at temporaryong nanunuluyan sa isang hotel sa Brgy. Manoc-manoc.

Sa report ng biktima sa Boracay PNP, kasama niya umano ang kanyang live-in partner ng magpa-booked ito ng water sports activity sa sinasabing Commissioner na si certain Greg kung saan dinala sila sa isang sea sport shop at doon ay kumuha sila ng helmet diving at parasailing activity na nagkakahalaga ng P1,300 bawat tao.

Nabatid na nagbigay ang biktima ng P3, 000 sa cashier na si Sharon kung saan agad naman itong dumiretso sa kanilang water activities.

Samantala, ng matapos na ang kanilang helmet activity ay binalikan nito ang nasabing cashier para kunin sana ang sukli nito pero ayon sa cashier ay kinuha na ito ni certain Greg.

Agad namang kinontak ng biktima ang nasabing commsioner ngunit hindi na ito nagpakita kung kayat minabuti na lamang ng may-ari ng water sports activity na ilibre sila ng parasailing activity.

25 Taiwanese at Chinese nationals na nahuli sa Boracay sinampahan na ng kaso

Posted August 26, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Naisampa na ang kasong paglabag sa section 5, 7, 11 at 12 ng RA 9165 sa 25 mga Taiwanese at Chinese nationals na nahuli sa drug raid sa Zone 5 Bolabog, Boracay.

Sa panayam mula sa Kalibo PNP kung saan pansamantalang ikinulong ang mga suspek, dinala na umano kahapon ng mga taga Boracay PNP ang mga ito sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa Nalook, Kalibo.

Nabatid na matapos ang isinagawang mugshot at finger print sa mga suspek nitong Martes sa Boracay ay agad na isinailalim ang mga ito sa Medical at dinala sa bayan ng Kalibo kung saan ang 12 sa mga ito ay ikinulong sa Kalibo Police Station habang ang 13 naman ay sa Numancia.

Samantala, ang kasong cyber crime ay isasampa ng cyber crime division ng Camp Crame.

Ang 25 mga suspek ay nahuli nitong Lunes matapos pasukin ng SWAT Team Aklan kasama ang Malay at Boracay PNP ang kanilang pinagtataguan matapos ang pagmaman-man sa mga ito.

Thursday, August 25, 2016

Mga talyer sa Mainroad ng Boracay at Highway sa Mainland, pinuna ni SB Graf

Posted August 25, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Pinuna ni Malay SB Member Nenette Aguirre-Graf ang mga  talyer at mga Junk Shop sa gilid ng kalsada o Mainroad at Highway na dinadaanan ng mga turista papunta ng isla ng Boracay.

Sa 8th Regular Session ng SB Malay, ipinunto ni SB Graf ang tungkol sa kanyang obserbasyon sa nasabing usapin kasama na ang mga damit na nakasampay sa gilid ng kalsada kung saan hindi umano ito maganda sa paningin ng mga turistang bumibisita sa isla.

Aniya, tinagurian pa namang number 1 tourist destination ang isla ng Boracay tapos ito lang ang makikita nila.

Nabatid na nais lang naman ni Graf na i-atras o i-regulate ang ganitong uri ng istrakturang-pangkabuhayan na makikita sa gilid ng kalsada para hindi maging agaw pansin sa mga turistang dumadaan.

Samantala, bilang Committee Chairman on Environment, balak ngayon ni Graf na magsagawa ng imbestigasyon hinggil sa nasabing usapin para malaman kung ito ba ay nasa Ordinansa nang sa gayon ito ay mabigyan ng kaukulang aksyon.

PAIDSOTG may panawagan sa mga drug surenderees sa probinsya

Posted August 25, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for Drug surendereesWala parin umanong takot na bumalik sa ilegal na gawain ang mga drug surrenderess na sumuko sa “Oplan Tokhang” ng Philippine National Police (PNP).

Ito’y matapos lumabas sa monitoring ng Provincial Anti-Illegal Drugs Special Operation Task Group (PAIDSOTG) na maraming mga sumuko ang ngayon ay nahuli sa sunod-sunod na buy-bust operation sa probinsya.

Sa panayam ng himpilang ito kay PSINP Frensy Andrade ng PAIDSOTG, hindi na umano ang mga ito bibigyan ng ikalawang tiyansa at sila ay huhulihin na at sasampahan ng kaso.

Bagamat tuloy-tuloy parin umano ang nasabing Tokhang ng kapulisan ay nanatili parin umanong dapat na naka-bantay upang tuluyang masugpo ang mga gumagamit ng ilegal na droga. 

Drug Surrenderees sa ibajay,arestado sa buy-bust operation sa boracay

Posted August 25, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Bagsak sa kulungan ang isang drug surrenderees na lalaki sa Ibajay matapos itong mahuli sa isinagawang buy-bust operation sa Brgy. Manoc-manoc,Boracay kahapon.

Naaresto ng PAIDSOTG, Boracay PNP, Maritime Group at PDEA ang suspek na kinilalang si Vip Delos Santos, 40-anyos residente ng Laguinbanwa, Ibajay, Aklan at nakatira sa nasabing Brgy. sa Boracay.

Nahuli ang suspek sa pagbebenta ng isang sachet ng pinaniniwalaang suspected shabu na may kapalit na P1, 000 na buy-bust money mula sa isang poseur buyer.

Sa ngayon ay pansamantalang nakakustudiya sa Malay PNP ang suspek habang nakatakda naman itong sampahan ng kasong paglabag sa Section 5, Section 11 at Article II Republic Act 9165 o dangerous drugs act.

Barangay at SK eleksyon, unique umano- COMELEC Aklan

Posted August 25, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for sk election 2016Ang nakatakdang Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) elections sa darating na Oktobre 31 ay magiging unique umano ayon sa Commission on Elections (COMELEC) Aklan.

Sa panayaman sinabi ni COMELEC-Aklan Information Officer at ngayon ay New Washington Election Officer Chrispin Raymund Gerardo, na ito umano ang kauna-unaha para sa mga botante ng SK na may edad 18 hanggang 30, na makaboto ng dalawang beses kung saan ang una ay para sa SK officials, at ang sumunod ay para naman sa barangay officials sa kanilang mga Baranggay.

Ito din umano ang kauna-unahang pagkakataon na ang SK member ay kasama ang 15 hanggang 30-anyos kung saan ang dati ay nasa edad lamang na 15 taong gulang hanggang 18-anyos.

Samantala, nakasaad sa RA No. 10742 re Reform Act of 2015 na ang SK members mula 15 hanggang 17-anyos ay makakaboto lamang ngunit hindi maaaring tumakbo bilang opisyal.