Inna Crol L. Zambrona, YES THE BEST BORACAY NEWS DEPARTMENT
ctto |
Patuloy ang ginagawang pagtugis ng Malay PNP sa suspek na
sumaksak sa isang caretaker ng resort sa Sitio Bolabog Brgy. Balabag, Boracay nitong
umaga ng Oktubre 4.
Ang nadiskubreng bangkay ay kinilalang si Dionilo Flores
y Molas, 54 anyos ng Tayhawan Lezo, Aklan.
Nabatid na patay na at tadtad ng saksak nang matagpuan
ang bangkay ng biktima sa loob mismo ng naturang resort na kanyang pinag-tatrabahuhan.
Ayon sa imbestigador ng Malay PNP, maliban sa basag ang
ilong ng biktima ay nagtamo ito ng tatlong saksak sa likurang bahagi ng ulo at
dalawang saksak naman sa leeg.
Bago madiskubre ang bangkay, pinuntahan umano ito ng
kasamahang maintenance ng resort ang kwarto ng biktima para tanungin sana kung
anong oras bubuksan ang generator subalit sa pagpasok nito ay laking gulat
nalang nito na naliligo na si Flores sa kanyang sariling dugo.
Agad na tumawag ng pulis ang maintenance at dinala pa sa
ospital ang biktima subalit idineklarang itong DOA.
Samantala, sa follow-up operation ng imbestigador, isang
lifeguard ng hotel ang nagsauli ng Eco Bag na naglalaman ng mga damit na
mayroong dugo na pina-niniwalaang galing sa pinangyarihan ng krimen.
Sa kuha naman ng CCTV camera sa naturang resort may isang
lalaki ang dumaan sa bahagi ng exit ng gusali kung saan nakasuot ito ng itim na
long sleeve, naka-short at naka backpack na dumaan sa direksyon ng Bloomfield
Academy.
Sa ngayon ay patuloy na sinusundan at inaalam ang
pagkakakilanlan ng suspek na ayon sa mga otoridad ay patuloy na pinaghahanap.