YES THE BEST 911 BORACAY

Saturday, May 16, 2015

Asphalt-overlay sa Kalibo International Airport nagpapatuloy parin

Posted May 16, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for kalibo international airport future expansionPatuloy parin umano ang ginagawang pag-asphalt ngayon sa overlay ng runway sa Kalibo International Airport (KIA) sa Aklan.

Ayon kay Airport Manager Martin Tere, inaasahang matatapos ito ngayong buwan ng Mayo para ma-accommodate ang dumaraming International Flights.

Sinabi pa ni Tere na ang check-in counters ng Cebu Pacific, Philippine Airlines at AirAsia sa bagong ayos na terminal pre-departure area ay fully operate na.

Ang nasabing counters ay bahagi ng nagpapatuloy na construction project na layunin na makapag- accommodate ng lumalaking bilang ng mga pasahero sa itinuturing na busiest airport sa bansa.

Samantala, ang Department of Transportation and Communications ay isinaayos ang 4,000-square-meter building para sa P44.3 million na tumataas namang domestic passengers.

Construction worker sa Boracay, nabiktima ng bangungot

Posted May 16,2015                
Ni Bert Dalida YES FM Boracay 
                              
Isang construction sa isla ng Boracay ang hindi na nagising pa mula sa kanyang pagkakatulog kagabi.

Natagpuan na lamang umano kasi siya sa kanyang higaan sa Sitio Bolabog kaninang umaga na wala nang buhay dahil sa bangungot.

Nakilala sa police report ng Boracay PNP ang biktimang si Jhay Galang, 31 anyos ng Comod-om, Alcantara, Tablas, Romblon.

Kinumpirma naman sa findings ni Dr.Adrian Salaver ng Malay Rural Health Unit na Hemogrraghic Pancreatitis o ‘bangungot’ ang ikinamatay ng biktima.

Dalawang motorsiklo sa Sitio Bolabog, nagsalpukan

Posted May 16, 2015
Ni Bert Dalida YES FM Boracay

Dalawang motorsiklo sa Sitio Bolabog ang nagsalpukan kaninang umaga.

Dahil dito, pawang nagtamo ng pinsala sa iba’t-ibang parte ng kanilang katawan ang driver ng Boracay Water na si Doroteo Inson, 46 anyos ng Malinao, Aklan, at si Alfredo Margallo Jr., 25 anyos, ng Sitio Ambulong, Barangay Manoc-manoc.

Base sa report ng Boracay PNP, galing sa Sitio Lugutan ang driver ng Bullet Sunriser na si Inson nang makasalubong nito si Margallo na nagmamaneho naman ng Euro 110.

Subali’t nabatid na umagaw pala si Margallo sa kanyang linya kung kaya’t nagkasalpukan ang manobela ng kanilang motorsiklo hanggang kapwa sila tumumba sa kalsada.

Samantala, nagkasundo na lamang ang magkabilang panig na kusa nilang aayusin ang gusot dulot ng insidente.

Babae, sugatan matapos umanong mahulog bangin sa Sitio Bolobog

Posted May 16, 2015
Ni Bert Dalida YES FM Boracay

24/7 Tech Support For Urgent Tech Help and On A Budget
Sugatan ang isang babae matapos umanong mahulog sa bangin sa Sitio Bolabog, Boracay.

Personal na nagsumbong sa himpilang ito ang 29 anyos na babaeng itinago lamang sa pangalang ‘Michele’ ng Tulingon, Nabas, at residente ng Barangay Balabag.

Kuwento ng babae, doon na siya nagkamalay sa parlor ng taong nagligtas sa kanya matapos umano siyang mahulog sa bangin dakung alas 3:00 kaninang madaling araw.

Ayon sa kanya, sakay siya ng motorsiklo kasama ang kanyang kaibigang babae nang pumunta umano sila sa hindi na niya maalalang lugar sa Sitio Bolabog.

Pagdating sa lugar, inutusan umano ng driver ang kasama niya na mag-selfie ang biktima gamit ang kanilang cell phone.

Subali’t huli na pala umano nito napansin na bangin na pala ang sa kanyang likuran, kung kaya’t nahulog siya doon at nawalan ng malay.

Nitong umaga na lamang din umano siya nagkamalay at minarapat pumunta sa himpilang ito upang ipaabot ang pasasalamat sa taong tumulong sa kanya, sa halip na magpagamot sa ospital.

Samantala, wala na rin umano siyang planong magsampa ng kaso o magreklamo sa kanyang kaibigan, sa kabila ng paniniwalang sinadya ang pag-utos sa kanyang umatras papunta sa bangin.

Aminado naman ang babae na nakainom na siya nang magkita sila ng kaibigan sa labas ng isang bar, bago nangyari ang insidente.

PHO –Aklan nagsawaga ng HIV testing bilang pakikisa sa National HIV Testing Week

Posted May 16, 2015
Ni Jay-ar M.  Arante, YES FM Boracay

Image result for hiv testingNagsawaga ng HIV testing ang Provincial Health Office (PHO) bilang pakikiisa sa National HIV Testing Week ng Department of Health (DoH).

Ito ay dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng Human Immunodeficiency aVirus (HIV) sa bansa kung saan naitala sa Western Visayas ang 804 simula noong 1984 hanggang nitong Pebrero 2015.

Ayon kay Cuachon nagsagawa sila nitong Mayo 11 hanggang kahapon ng confidential at voluntary HIV testing at counseling na available at libre sa Dr. Rafael S. Tumbokon Memorial Hospital Social Hygiene Clinic sa Kalibo, Aklan.

Nabatid na inilunsad ng DOH ang bagong kampanyang ito sa mga taong nabubuhay na may HIV at para maiwasan ang undiagnosed impeksiyon ng HIV sa buong bansa.

Samantala, hinikayat pa nito ang publiko at ang mga community leaders na suportahan ang kampanya ng DoH kasabay din ng panawagan ng ibang sektor at ng National Council of Churches sa bansa na mag-voluntary HIV testing.

Probinsya ng Aklan lalahok sa Western Visayas “Fiestas in the City 2015”

Posted May 16, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for ITS MORE FUN IN THE PHILIPPINES?Sa pamamagitan ng Aklan Provincial Tourism Office (APTO) ang probinsya ng Aklan ay lalahok sa nalalapit na ika-13th Western Visayas “Fiesta in The City” 2015.

Ito ay para maipakita ng mga kalahok na probinsya ang kanilang mga local products, tourism attractions at ang kanilang kakaibang selebrasyon ng sari-saring kapistahan sa ibat-ibang lugar o kabayanan.

Nabatid na lima pang probinsya sa Region 6 ang kasali rito na gaganapin ngayong darating na Mayo 18-24, 2015 sa SM City Iloilo Activity Center sa probinsya ng Iloilo.

Napag-alaman na ang Feistas in the City ay may tatlong parte ng selebrasyon kung saan kabilang rito ang Province/Local Government Unit (LGU) Day, Tourism at Trade Fair at Sagala (Festival Queen Parade).