YES THE BEST 911 BORACAY

Saturday, October 15, 2016

Mga maagang magbabayad ng buwis, bibigyan ng diskwento ng Malay Treasurers Office

Posted October 15, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for buwis“20% na Diskwento”

Ito ang inanunsyo ng Lokal na pamahalaan ng Malay sa ilalim ng Malay Treasurers Office sa mga residente na may-ari ng lupa kung saan bibigyan umano ng 20% diskwento ang maagang magbabayad ng kanilang buwis sa lupa bago ang nakatakdang deadline nito.

Kung kaya’t hinihikayat ang publiko na magbayad ng maaga simula ngayong araw hanggang katapusan ng Disyembre taong kasalukuyan.

Narito naman ang iskedyul ng installment para sa pagbayad ng buwis sa taong 2017; March 31, June 30, September 30 at December 30.

Kaugnay nito, ang taxpayer umano na magbabayad bago ang itinakdang deadline ay ginagaratiyahan ng 10% diskwento kung saan wala silang nilabag sa kanilang patakaran habang  20% diskwento naman ang ibibigay sa mga taxpayers na nagbayad bago ang due date.

Samantala, para sa karagdagang impormasyon pumunta lamang sa Malay Treasurers Office.

Punong Brgy. Lilibeth Sacapaño, ikinadismaya ang Brgy. Assembly sa Balabag

Posted October 15, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Tahasang sinabi at ikinadismaya ni Punong Barangay Lilibeth Sacapaño ang ginanap na Brgy. Assembly meeting nitong Sabado ng Oktubre 8.

Sa pakikipag-usap ng himpilang ito sa Punong Barangay, nadismaya umano siya dahil kaunti lamang ang umattend sa kanilang isinagawang meeting.

Aniya, mas maganda sana kung pumunta ang mga residente dito ng sa gayon ay maipaabot sa kanila kung saan napunta ang kanilang budget at kung ano ang mga ipinagawa nito.

Kaugnay nito, hindi naman sila nagkulang sa pagpa-alala at pagpa-anunsyo sa kanilang gaganaping meeting.

Nabatid na ang Barangay Assembly ay taunang ginagawa upang ibahagi at mapag-usapan ang mga nagawa at sisimulan palang na proyekto ng kanilang Barangay.

Samantala, kahit umano kaunti lang ang dumating sa kanilang pagpupulong ay naibahagi naman nito sa kanila ang mas pinaganda pang serbisyo ng Balabag, isa na rito ang bagong pasilidad ng Barangay Hall.

Inaasahan naman nito sa pagbibigay ng budget sa susunod na taong 2017 ay uumpisahan na ang kanilang mga nakalatag na proyekto.

Lalaki kulong matapos mapatay, ang sariling pinsan

Posted October 15, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for NATAGPUANG PATAYSinaksak-patay ang isang menor-de-edad ng kanyang sariling pinsang lalaki sa Sitio Bolabog, Barangay Balabag, Boracay kaninang madaling araw.

Base sa report ng Women and Children Protection Desk (WCPD) Boracay, nagpasaklolo umano sa kanila ang tatay ng biktima kung saan nga ay sinaksak-patay ang kanyang anak ng sariling pinsan nito na 21-anyos na suspek.

Sa kanila umanong imbestigasyon, mismong ang live-in partner ng biktima ang nakasaksi ng pangyayari kung saan hinamon umano ng suspek ang pinsang biktima ng suntukan sa hindi pa malamang rason.

Kaugnay nito, nagpasaklolo nalang ang biktima sa kanyang live-in partner dahil nagresulta umano ng pananaksak sa kanyang leeg ang kanilang away.

Dahil dito, agad namang dinala ang biktima sa malapit na pagamutan subali’t ideneklara din itong DOA o dead on arrival ng doktor na sumuri.

Samantala, pansamantalang nakapiit na ang suspek sa lock-up-cell ng Boracay PNP station at nakatakdang sampahan ng kaso sa kanyang nagawang kasalanan.

Nabatid, na dating kasintahan  ng suspek ang live-in partner ngayon ng pinsang biktima.

Employees Compensation Programs, ikinasa ng DOLE

Posted October 15, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for dolePatuloy ngayon ang isinasagawang seminar ng Department of Labor and Employment (DOLE) hinggil sa karapatan ng isang manggagawa sa kanilang trabaho mapa-pribado man o pampublikong sektor. 

Ihahayag dito ang ilang kaalaman hinggil sa Employees Compensation Programs ng DOLE kung saan magbibigay ito ng impormasyon sa mga empleyado kung ano ang kanilang benepisyong matatanggap sa oras na sila ay magkasakit, madisgrasya at mamatay may kaugnayan sa kanilang trabaho.  

Nabatid na may tatlong bahagi ang naturang aktibidad, isa na rito ang Prevention, na nakapukos sa kaligtasan at kalusugan sa trabaho,   pangalawa ang Compensation o mga benepisyong makukuha ng empleyado, at pangatlo naman ay ang Rehabilitation na nagbibigay ng pagkakataon sa mga Persons with Work-related Disabilities (PWRDs) na makaserbisyo sa lipunan.  

Katulad nalang ng kanilang programa na Katulong at Gabay sa Manggagawang may Kapansanan o (KAGABAY) kung saan layunin nito na mabigyan sila ng benepisyo sa Livelihood at skills, training, prosthesis, medical appliances at occupational therapy.

Samantala, ito umanong proyekto ng DOLE ay malaking tulong sa mga empleyado,lalo na sa usaping compensations.

Kaugnay nito, para sa karagdagang impormasyon, maaaring makipag-ugnayan sa kanilang email na reu6@ecc.gov.ph, telephone number na (033) 3300910 at cell phone number (0929) 540 9654.

Friday, October 14, 2016

Barangay Hall sa Balabag, mas pinaganda na

Posted October 14, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

“Mas pinaganda na ngayon ang Barangay Hall ng Balabag”.

Ayon kay Punong Barangay Lilibeth Sacapano, na sa kabila umano ng mga problema na kanilang kinakaharap ay napapanatili parin nilang maayos ang kanilang pagserbisyo sa mga tao.

Nabatid na merong bagong silid ang Day Care at Health Center kung saan may inilagay na silang mga tao dito para magduty.

Kaugnay nito, ang Health Center ay may mga serbisyon na ngayon na ibinibigay katulad nalang ng Prenatal sa mga buntis at tuwing Biyernes naman ay may Immunization sa mga bata.

Samantala, pina-alalahanan naman nito ang mga Balabagnon na maging maingat dahil sa kanyang imbestigasyon na nakuha ay pangalawa umano ang Balabag sa  may pinakamataas na apektado ng Dengue.

Nanawagan naman ito sa mga residente ng kooperasyon para sa kalinisan ng Balabag kung saan balak nitong bumuo ng Task Force na tututok para dito.

Samantala, sa susunod umanong taon na 2017 ay planado ang isusunod na ipapagawang Evacuation Center na idudugtong sa bagong Barangay Hall.

Iloilo-Guimaras Bridge, malapit ng maisakatuparan

Posted October 14, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for Iloilo-Guimaras BridgeNakatakda na ngayon ang isasagawang construction sa tulay ng Guimaras na magkokonekta papuntang Iloilo.

Ito umano ang magandang balita na ipinaabot ng Department of Public Works and Highways (DPWH) kung saan ang pinakahihintay na pagsagawa ng tulay ay maisasakatuparan na.

Ito ang kinumpirma ni Buenavista, Guimaras Mayor at League of Municipalities (LMP)-Guimaras Chapter President Eugene Reyes, na malapit na umanong simulan ang construction ng tulay na may iniysal na budget na P 150-Million.

Ayon pa kay Reyes, ito umanong proyekto ay inanunsyo ni DPWH secretary Mark Villar sa ginanap na LMP meeting sa Maynila.

Samantala, sinuportahan naman ito ni Guimaras Governor Samuel Gumarin at Iloilo Governor Art Defensor kung saan sa tulong din ng Public at Private Partnership (PPP) at ng National Government  inaasahan nito na sa susunod na taong 2017 ay masisimulan na ang pagpapagawa ng naturang tulay.

Sa ngayon ay hindi pa ibinigay ang buong detalye hinggil sa nasabing proyekto subalit may posibilidad na ang bayan ng Leganes sa Iloilo at Buenavista naman sa Guimaras ang maging connecting points ng tulay na ito.

Re-routing ng mga kalsada para sa preparasyon sa Kalibo Ati-atihan 2017, nakahanda na

October 14, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for re-routingNagkaroon ngayon ng re-routing sa ilang mga kalsada sa bayan ng Kalibo.

Ayon kay Kalibo PNP (Traffic Section) SPO2 Reymond Abogadie, nagkaroon umano ng mga pagsarado at pagbukas sa ilang area ng kalsada sa bayan ng Kalibo, ito ay bilang paghahanda sa Opening Salvo sa Oktubre 21 ng Kalibo Sto. Niño Ati-Atihan Festival 2017.

Nabatid na ang mga kalsadang apektado ay magsisimula sa Mabini St. papunta sa 19 Martyrs St. palabas sa Toting Reyes kung saan ay one way lamang ito habang ang mga dumadaan naman  sa City Mall (F. Quimpo Extension) galing sa Mabini St. palabas sa Toting Reyes St. ay hindi pwedeng lumiko sa kanan kung saan dapat kaliwa lang.

Samantala ang parking area naman ng mga tricycle ng Estancia,Tigayon at Linabuan ay temporaryong inilipat malapit sa Toting Reyes St.,at ang Caano, Pook at Mabilo naman ay sa Bayanihan Road.

Kaugnay nito, layunin ng re-routing na maibsan ang pagsikip ng kalsada lalo na at papalapit na ang selebrasyon ng Kalibo Ati-atihan 2017.

Ladyboy sa Boracay, nagtangkang magpakamatay

Posted October 14, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for suicide
Napigilan ang tangkang pagpapakamatay ng isang Ladyboy sa front beach ng isang Hotel sa Station 1 Barangay Balabag, Boracay.


Base sa imbestigasyon ng Boracay Tourist Assistance Center (BTAC), isa umanong Security Guard ang nakapansin sa biktima na balisa sa kanyang sarili kung saan tanging towel lang ang takip ng katawan nito.

Nabatid na pumunta umano ito sa  isang restaurant sa lugar at umupo sa hagdan kung saan nilapitan at sinabihan naman ito ng nakaduty na guard na tanging guest lang ang pwedeng tumambay dito.

Dahil dito, tumayo ang biktima sa kanyang inuupuan at tumakbo sa itaas na bahagi ng lugar hanggang sa roof top ng presidential room dahilan para habulin din ito ng naturang Security Guard.

Kaugnay nito, nagulat nalang ang Guard na nakatayo na ang biktima sa gilid ng rooftop na nakaharap sa dalampasigan at tila tatalon.

Samantala, agad naman nitong tinawag ang mga kasamahang Security Guard at ang Municipal Auxiliary Police (MAP) na nakaduty kung saan kinumbinsi nila itong huminahon at huwag tumalon.

Dahil umano dito, naisip nalang ng mga ito na pagtulungang pigilan ang biktima para hindi na matuloy ang tangkang pagpapakamatay nito.

Dinala naman ng rumespondeng pulis ang biktima sa pagamutan dahil sa natamo nitong sugat sa kanyang braso dahil sa ginawang pagpigil sa kaniya.

Samantala, napag-alaman na lulong sa droga ang biktima nang tangkain nitong magpakamatay.

Drug Personality sa Buruanga, huli sa buy-bust operation sa Kalibo

Posted October 13, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for buybustArestado sa isinagawang drug buy-bust operation ang isang drug personality sa bayan ng Buruanga, Aklan ang 36-anyos na suspek na si Roderick Pelayo.

Sa isinagawang operasyon ng Kalibo PNP, Provincial Anti-Illegal Drugs Special Operation Task Group o PAIDSOTG at Naval Intelligence Unit nahuli ang suspek sa N. Roldan St., Kalibo kung saan nakuha sa kaniyang posesyon ang isang sachet ng pinaniniwalaang shabu at P1, 000 buy-bust money.

Nabatid na naglalakad ang suspek kasama ang kanyang pinsan sa lugar ng maaresto  ng mga pulis.

Kaugnay nito, itinanggi naman ni Pelayo na nagbebenta siya ng iligal na droga sa bayan ng Kalibo.

Samantala, ang suspek ay naka-kulong na sa Kalibo PNP at nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Thursday, October 13, 2016

Mga benepesyaryo ng 4P’s sa Kalibo, isinailalim sa kahandaan sa kalamidad

Posted October 13, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for 4psSumailalim ang mga benepesyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4P’s) Kalibo sa Municipal Disaster Risk Reduction Management Office (MDRRMO) hinggil sa mga preparasyon na dapat gawin sa oras na merong mangyaring kalamidad na makaka-apekto sa mga panananim.

Sa pangunguna ni Alan Francisco ng MDRRMO-Kalibo at Tatsuya Hada, Japan International Cooperation Agency (JICA) isinagawa nila ang training.

Samantala naging topiko nila dito ang Gender and Climate Change, Aklan Local Flood and Early Warning System (ALFEWS), Vulnerability Capacity Assessment, Field Evaluation and Assessment,Mapping: Vulnerabilities, Resources, Capacities, Threats and Hazards, Introduction to Disaster Risk Reduction (DRR) Planning, Introduction to Evacuation Camp Management Organization at Camp Management Process.

Ayon kay Sustainable Livelihood Program (SLP) Coordinator Ezra Munoz, ang mga itinuro sa mga miyembro ng 4P’s na Disaster Risk Reduction (DRR) at climate change ay para malaman at maintindihan nila kung ano ang epekto ng climate change sa mga pananim.

Sinabi pa ni Munoz na ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) at ang SLP ay hanggang 2030 nalang mabibigyan ng benepesyaryo ang mga 4P’s kung saan kahit umano sa ganitong hakbang ay may ideya na sila sa mga dapat gawin at sa pamamagitan umano nito maaari pa nilang ibahagi ang kanilang nalalaman sa ibang tao.

Cebu Pacific Airlines, nagbabala sa publiko kaugnay sa pagkuha ng pekeng online promo

Posted October 13, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for pekeng online promoNagbabala ngayon ang Cebu Pacific Airlines sa publiko hinggil sa pagkuha ng mga online promo sa Internet.

Lumalabas kasi sa kanilang imbestigasyon na marami ang namemeke sa pamamagitan ng online promo kung saan labis ang kanilang pag-alala sa oras na merong kumuha at mabiktima nito.

Napag-alaman na kumalat pa ang balitang ito sa ilang social networking sites na namimigay diumano ng murang ticket ang airlines.

Samantala, inihayag na ng pamunuan ng Cebu Pacific na mag-ingat kung saan naglabas na ang kanilang ahensya ng impormasyon hinggil sa mga pekeng online promo.

Wednesday, October 12, 2016

DOT Accreditation, may paalala sa mga negosyante sa Boracay

Posted October 12, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for ACCREDITATION
Muling iginiit ng DOT Accreditation sa mga negosyante sa Boracay na magpa-accredit ng kanilang mga negosyo upang madali nila itong mamarket.

Ayon kay DOT Boracay Sub-Office Tourism Assistant Kristoffer Leo Velete, mas mahalaga umanong maging bahagi ng kanilang serbisyo kung saan kasama na rito ang pagtaas ng antas ng isang negosyo sa mga turista sa pamamagitan ng accreditation.

Nabatid, na ang accreditation mula sa DOT ang magpapatunay na nakapasa sa standard ng Department of Tourism ang pasilidad o serbisyo ng isang tourism enterprise.

Samantala, nagpaalala naman ngayon si Velete sa mga hotel and owners na magrenew na ng kanilang accreditation at ang mga hindi pa nakapagpa-accredit ay pumunta lang ng kanilang opisina.

Samantala, ang aktibidad ng DOT ay nagbibigay ng sapat na kaalaman tungkol sa online accreditation, ang mga benipisyo nito at insentibo.