YES THE BEST 911 BORACAY

Saturday, March 16, 2013

“Plastic Free Boracay”, ikinatuwa ng DoT

Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay

Ikinatuwa ng Department of Tourism sa Boracay ang ordinansa na nagbabawal at nare-regulate sa pag-gamit ng mga plastic bag at Styrofoam sa buong bayan ng Malay lalo na sa isla.

Sa panayam kay DoT Boracay Officer-in Charge Tim Ticar, positbo ang pagtanggap nito na balak na implelmentasyon ng Municipal Ordinance # 320, para maging plastic free na rin umano ang islang ito.

Aminado naman si Ticar na isa sa seryusong problema na hinaharap sa ngayon ng “2012 Best Beach in the World” na Boracay ay ang suliranin sa kapaligiran dahil sa dami ng basura lalo na ngayong Summer Season kasabay ng inaasahan ng pag-dagsa ng mga turista.

Kaya umaasa sila na ito na rin ang isa sa magiging sulosyon ng lokal na pamahalaan ng Malay upang ma-sustain ang kapaligiran ng isla na maging “plastic free” na ito.

Bagamat inaasahan ni Ticar na sa umpisa ay mahihirap itong ipatupad, ngunit positibo ang papanaw niya ukol dito lalo na kung maipapatupad ito ng husto.

Gayong halos lahat naman umano ay nagtutulungan sa ngayon para sa Boracay, at maging ang national government man ay nakatutok na rin dito sa isla. 

Mga tarpaulin dumadami pa, sa kabila ng kampaniya na maging “plastic free” ang Boracay

Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay

Kung target na maging “plastic free” ang Boracay, mistulang tambakan na rin sa ngayon ng tarpaulin ang islang ito.

Ito ay kahit wala pa ang campaign period para sa mga lokal na politiko, pero halos puno na ng tarpaulin na naglalaman ng patalastas at promosyon ng iba’t ibang malalaking kumpaniya  ang mga poste ng ilaw sa Boracay.

Bagamat halos ilang taon na rin na laman ng mga deliberasyon ng Sangguniang Bayan ng Malay ang lapad at laki ng mga tarpulin na ilalagay o ikakabit sa mga daan lalo na sa lamp post na hanggang sa ngayon ay hindi maayos-ayos makalipas ang mahigit limang taon na nakatayo ito at kinakalawang na, pero sa ngayon ay naging makulay naman ang mga poste na ito dahil sa makukulay na tarpaulin na nakasabit dito.

Bagamat may ordinansa na kaugnay sa regulasyon sa pagsasabit ng nga tarpaulin ay may binabayaran sa LGU Malay para makakuha ng permit ang mga magkakabit ng ano mang tarpaulin ng patalastas.

Hanggang sa ngayon ay sagabal parin sa daan ang mga ikinabit na ito, sapagkat naglalakitahan parin na halos ay maakupahan na ang “foot walk” na inilaan para sa publiko.

Kung maaalala, una ng pinuna nitong nagdaang taon ng isang opisyal ng Boracay Foundation Inc. (BFI) na tila basura sa mata ng turista ang dami ng mga tarpaulin na nakalat o nakasabit kung saan-saan lang.

Subalit hanggang sa ngayon ay nananatiling problema pa rin ito.  

Ordinansang nagbabawal sa pag-gamit ng plastic bag sa Boracay, malapit nang ipatupad

Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay

“Soon to be implemented.”

Ito ang sagot mula sa tanggapan ng Alkalde ng Malay kaugnay sa implementasyon ng Municipal Ordinance No. 320 na inaprobahan ng Sangguniang Bayan noong ika-2 ng Oktubre ng nagdaang taon na aprobdo din sa Sangguniang Panlalawigan sa kanilang pagrerebyu.

Ang Municipal Ordinance # 320 ay siyang local na batas na nagba-bawal at nagre-regulate sa pag-gamit ng mga plastic bag at Styrofoam sa buong bayan ng Malay lalo na sa Boracay.

Nakita kasi ng konseho na hindi parin sapat ang programang segregation ng basura lalo na sa isla upang masulosyunan ang dami ng basura dito.

Kung saan mga plastic bag umano ang karamihan sa mga basura na siyang kalimitang ginagamit sa halos lahat ng establishemento dito.

Kasunod nito, pinag-uutos na na sa halip na gumamit ng plastic bag para sa mga dry goods at Styrofoam sa wet goods, sa ordinansa ding ito nakasaad na maaari ding gumamit ng mga recycle o recyclable na lalagyan ng mga binili o ibinibinta, gaya ng bayong, cloth bag, at iba pang pwedeng pambalot gaya ng dahon ng saging at taro.

Bagamat kapag naidaan na ito sa information dissemination ay maaari nang ipatupad sa buong bayan ng Malay at Boracay.

Subalit sa ngayon ang hindi malaman kung kaylan sisimulan ang implementasyon, gayong ang mga esatablishemento ang unang maapektuhan ng ordinansang ito.

Sobrang loan ng LGU para sa landfill, inusisa ng SB Malay

Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay

Nagtataka ngayon ang Sangguniang Bayan ng Malay kung bakit P25.6 milyon pa ang kailangan i-loan para pambayad sa balanse o utang sa kontraktor na gumawa ng Municipal Sanitary Land Fill.

Sa sesyon ng konseho nitong Martes, maging ang mga konsehal ay napatanong na lamang kung bakit umaabot sa P25, 600,000.00 pa ang uutangin para dito.

Gayong nitong nagdaang taon umano ay nakapag-utang na ng P15, 255,000.00.

Samantalang ang halaga lamang umano ng proyekto ay mahigit tatlumput walong milyon piso, kaya tila sobra naman umano ito.

Kung saan kapag pinagsama ang dalawang loan na ito ay magkakahalaga na lahat ng mahigit P40.8-milyon.

Bunsod nito, nagtataka sila kung bakit at para saan ito.

Dahil dito, bago umano nila aprubahan sa susunod na sesyon nila ang otorisasyon na ibibigay nila sa Punong Ehekutibo  para sa pumasok sa pakikipag-negosasyon sa isang banko upang muling makapag-utang ay aalamin muna nila sa mga kina-uukulan kung para saan ito.

Duda naman ang SB na para sa interes ng loan ang sobrang halaga.

Malay Police Station may bagong hepe na

Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay

May bagong hepe na ngayon ang Malay Police Station.

Epektibo nitong Miyerkules ika-13 ng Marso ng taong ito ay pormal nang pinalitan ni S/Insp. Reynante Jomocan si Insp. Mark Cordero sa designation nito bilang hepe ng Malay Pulis.

Nabatid na dahil sa over staying na rin umano sa bayan ng Malay si Cordero, kaya na-relieve ito.

Pero, hindi naman kinumpirma ni Cordero kung ano ang rason ng pagkaka-relieve nito.

Aniya, hindi muna siya magkukomento hinggil sa rason at nakasaad sa kaniyang relieve order.

Sa ngayon ay nasa Aklan Police Provincial Office muna si Cordero at hindi pa umano nito alam kung saang departamento sa APPO siya maa-assign.

Si Cordero ay nagsilbing Hepe ng Malay Pulis simula noong ika-7 ng Marso taong 2011, kung saan mahigit dalawang taon na rin ito sa nasabing bayan.

Kung maaalala, una nang sinabi ni Aklan Police Provincial Director S/Supt. Pedrito Escarilla sa panayam ng himpilang ito na hindi pa tapos ang pagrere-assign o balasahan sa mga hepe ng pulisya sa Aklan para sa nalalapit na May 2013 elections.

Pero kung tutuusin ay wala naman umano talagang katapusan kung balasahan ang pag-uusapan dahil normal naman sa kanilang Kapulisan, pero ang pagkakare-leave umano sa mga ito ay may mga rason naman.

Bilang mensahe ni Cordero sa mga Malaynon, kooperasyon at suporta sa bagong hepe ang hiling nito.

Samantala, ang bagong Hepe naman na si Jomocan ay nagmula sa provincial headquarters office at nagsilbing hepe na rin sa bayan ng Lezo  hanggang nitong unang bahagi ng taon at naging opisyal sa Aklan Public Safety Company.


Friday, March 15, 2013

Kalibo International Airport pinondohan na ng DOTC ng P125.14

Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay

Kahit dumami pa ang flights sa Kalibo International Airport ay makakaya na ito kapag naipatupad na ang P125.14 million na proyekto ng DOTC.

Sa ngayon ay nabigyan na ng Sangguniang Panlalawigan si Aklan Governor Carlito Marquez ng otoridad para pumasok sa isang kasunduan sa pagitan ng pamahalaang probinsiya ng Aklan at Department of Transportation and Communication (DOTC) kaugnay sa proyektong ito.

Ayon kay KIA Manager Engr. Percy Malonesio, ang milyun-milyong pondo na ito ay gagamitin para sa expansion ng paliparan.

Partikular sa pambili ng lupa, parking area at daanan ng mga eroplano, parking area sa mga behikulo at pagpapa-ayos at pagpapalapad sa terminal building.

Ganoon pa man wala pa umanong maibibigay na eksaktong alokasyon si Malonesio sa bawat pagbabago na balak na ipatupad sa KIA at hindi pa nito alam kung kailan talaga sisimulan.

Nabatid na ang P125.14 milyon na ito ay nagmula sa 2012 at 2013 Budget ng DOTC.

DoT kampante na makukuha pa rin ng Boracay ang titulong “2013 Best Beach in the World”

Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay

“Saan pa pupunta ang numero uno kung hindi namimentina, kundi pababa na?”

Ito ang inihayag ni Department of Tourism (DoT-Boracay) officer in-charge Tim Ticar sa panayam dito kamakalawa.

Kaugnay sa posbilidad na kung makukuha pa rin ngayong taon ng Boracay ang titulong “Best Beach in the World”.

Ayon kay Ticar, ito umano ang pinagtutulungang trabahuhin ngayon ng DOT at ng lokal na pamahalaan ng Malay lalo na ng mga stakeholder sa isla, upang mapanatili ang titulong ito.

Ganoon pa man positibo umano DoT na makuha pa rin ng Boracay ang titulong “Best Beach in the World” kung magtulungan lamang ang lahat.

Tinututukan umano ng DoT ngayon ang promosyon at marketing, habang ang lokal na pamahalaan naman ay sa implementasyon ng mga batas para ma-sustain ang yaman ng Boracay, gayon din ang DILG, DoJ, DPWH at iba pang ahensiya.

Habang ang pulisya naman umano ang sa seguridad ng isla.

Kaya kung ang bawat ahensiya umanong ito ay gagalaw ng naaayon sa kanilang obligasyon, walang duda umano na muling makakamit ng Boracay ang titulong ito.

15% share ng probinsiya sa Environmental Fee sa Boracay, pinag-iisapan ng LGU Malay kung ibibigay pa

Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay

Sa kabilang ng kinakaharap na problema sa environment ng Boracay, pinagdedebatihan din ngayon sa Sangguniang Bayan ng Malay kung dapat pa bang magbigay ng 15% share sa pamahalaang probinsya mula sa koleksiyon ng Environmental Fee sa Caticlan at Cagban Port.

Gayong nadiskubre ng konseho na ang share umano ng probinsiya ay napupunta lamang sa maintenance and other operating expenses o MOOE ng dalawang pantalan na ito.

Gayong dapat ay para umano ito sa inprastraktura at programa para sa kapaligiran ng Boracay, batay sa ordinansang inaprubahan ng SB noon pa man.  

Kasama din umano sa ordinansa na dapat ay may napagkasunduang proyekto para sa isla ang Municipal at provincial Government sa paraan ng Memorandum of Agreement o MOA na siyang pupondohan sa 15% share na ito.

Subalit gayong wala naman umanong MOA, tila ang probinsiyal government na lamang ang nagdidisisyon sa ngayon at ang masakit pa doon ay sa operasyon ng jetty port lang ito napupunta.

Dahil dito, may dalawang opsiyon ngayong naisip ang SB Malay:

Ang una ay “huwag” na umanong i-remit o ibigay ang share ng probinsiya gayong sa opinyon ni SB Aguirre ay illigal naman ito.

Dagdag pa nito ay hindi na rin umano napasama sa Revise Revenue Ordinance ng Bayan na ang probisyon na dapat pang-ibigay ang 15% share na ito, kaya dapat na umanong pag-aralan nila ang legalidad kaugnay dito.

Ang ikalawang opsiyon naman nila ay ibigay, pero dapat magkaroon na umano ng MOA ang Malay at pamahalaang probinsiya at ang dalawang ito ay magkasundo na rin kung anong proyekto ang paglalaanan ng pera.

Payo naman ng ibang konsehal, maghinay-hinay sa aksiyong gagawin nila kaugnay dito dahil ang Sangguniang Panlalawigan at SB Malay ay may una nang inaprubahan ordinansa.

Matatandaang kung ang lokal na pamahalaan ng Malay ay nag-uusisa kung saan napupunta ang 15% ng probinsiya.

Ang pamahalaan probinsiya din ay nagtatanong minsan kung saan din ginagastos at napupunta ang 75% share ng Malay mula sa koleksiyon ng Environmental Fee na ito. 

Disenyo ng seawall, pinaplanong ipatupad ng LGU Malay

Ni Alan Palma Sr., YES FM Boracay

Ang seawall ng mga establishemiyento sa Boracay lalo na sa dalampasigan ng Balabag ay isa sa mga nakikitang dahilan ng beach erosion sa isla ayon sa mga dalubhasa.

Kaya bilang isa sa mga nakikitang solusyon ng pamahalaang lokal ng Malay lalo ng Municipal Engineering Office at Municipal Planning Office, iprinesenta ni Engr. Elizer Casidsid ang kanyang disenyo ng seawall.

Bagamat ito ay plano ng desinyo pa lang, nais matiyak ni Alma Belejerdo ng Municipal Planning Office na naayon sa teknikal at syentipikong aspeto ang disenyo at hindi magdudulot ng karagdagdagang problema sa erosion.

Kinatigan ito ng mga dalubhasa subalit kailangan umano munang tingnan ang maaring epekto nito bago ipatupad.

Ayon kay Kazuo Nadaoka ng Tokyo Institute of Technology na naging panauhin sa furom na isinagawa ng PCCI hinggil sa beach erosion, kailangang maging maingat sa lahat ng opsyon na gagawin.

Dagdag pa nito, walang naging matagumpay na proyektong pangkalikasan lalo na sa epekto ng erosion sa mga baybayin sa buong mundo.

Kahit umano ang paglalagay ng reefdome at reefbuds ayon dito ay isa lamang ekspermento at wala pang linaw kung ito ay nakakatulong sa pagsagip ng marine ecosystem at maging sa beach erosion.

Isinagawa ang forum para mamonitor ang sitwasyon at mabigyang ng seyentipikong tugon ang beach erosion na kung saan ito ay pinangunahan ng Philippine Chamber of Commerce and Industry o PCCI Boracay.

Thursday, March 14, 2013

CLUP ng Boracay, di pa rin tapos

Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay

Hindi maipatupad-tupad ang CLUP ng Boracay dahil hanggang sa ngayon ay hindi pa ito matapos-tapos kahit na may apat na taon na itong pinaplantsa.

Katunayan, ayon kay Department of Tourism Boracay Officer in Charge Tim Ticar, hanggang sa ngayon ay nasa estado pa rin ng pagsasapenal ang Comprehensive Land Use Plan (CLUP) ng Boracay.

Kaya nagkakaroon parin ng mga konsultasyon ngayon sa iba’t ibang sector sa isla simula nitong ng Marso 10-12 ng sa ganoon ay makuha ang pulso ng mga stakeholders at mga Non-Government Organization (NGOs) sa isla.

Paglilinaw ni Ticar, may mga aayusin lamang umanong mahaklagang detalye kaugnay dito.

Lalo na sa mga bagay o rason na hindi sinang-ayunan ng pamahalaang probinsiya o Provincial Comprehensive Land Use Plan (PLUP) kaya ibinalik nila LGU para sa koreksiyon.

Kung maaalala, ang CLUP ng Boracay ay ginastusan ng DOT para ma-organisa na rin ang isla at magkoon ng maayos na Zooning upang hindi na kahit saan lang itatayo ang gusali dito, na siya itinuturing na “eye sore” sa mata ng mga turista.

Ang CLUP ding ito ang inaasahang solusyon sa mga problema sa Boracay kaugnay sa usapin hinggil sa over crowded na islang ito.

Matatandaan ding nitong nagdaang taong ng 2012 ay binalik na rin ito sa Sangguniang Bayan ng Malay at pinaayos ang mapa ng Boracay.

Kaya hanggang sa ngayon ay hindi pa ito maipatupad-tupad sapagkat hindi pa rin naaaprubahan sa provincial level.

Problema sa soil erosion sa Boracay, pinag-usapan sa forum ng CECAM

Ni Malbert Dalida, News Director, YES FM Boracay


May mga inilagay na CCTV o Close Circuit Television sa beach front ng Boracay.

Hindi upang mabantayan ang mga masasamang elemento sa isla, kundi upang bantayan ang sitwasyon ng beach front nito.

Eye sore o masakit na nga talaga kasi sa mata ang mga naglilitawang ugat ng mga punong niyog, at mga tubo dahil sa soil erosion sa isla ng Boracay.

Ang problema ding ito ang masisinang pinag-usapan sa ipinatawag na forum ng PCCI o Philippine Chamber of Commerce and Industry na ginanap sa Balabag Action Center.

Ang forum naman ay pinangunahan ng CECAM o Coastal Ecosystem Conservation and Adaptive Management, na binubuo ng mga siyentipiko mula sa Tokyo Institute of Technology at UP o University of the Philippines.

Kung saan sa nasabing forum ay inilatag ng nasabing grupo ang naging resulta ng kanilang pag-aaral na ginawa sa beach front ng isla.

Base umano sa kanilang pag-aaral, napag-alamang nanganganib na ang buhangin sa beach front kung tuluyan ding masira ang mga korales sa karagatan ng islang ito.

Nasilip sa pamamagitan ng kanilang pag-aaral na ang isa sa mga nakasira sa mga korales ay ang anchor damage, at ang kaliwa’t kanang pagpapatayo ng mga gusali sa mga tinatawag na environmentally critical area ng isla.

Kaugnay nito, nanawagan ngayon ang CECAM sa pamamagitan ni Professor Miguel Fortes na magtulungan ang lahat sa isla upang matugunan ang nasabing problema

Kalulangan ng pulis sa Boracay, nasa tenga na ng SP

Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay

Kulang pa rin ang pulis sa Boracay.

Ito ang nalaman ng mga Board Member sa Aklan mula kay S/Insp. Jeoffer Cabural Hepe ng Boracay Tourists Assistance Center (BTAC) sa pagdalo nito sa ika-8 Regular Session ng Sangguniang Panlalawigan ng Aklan kahapon ng umaga.

Ang pangunahing layunin sa pag-imbita kay Cabural sa SP ay upang mabigyan din ng update ang mga mambabatas ng probinsiya kaugnay sa nangyaring pamamaslang sa Ati Community Spokesperson na si Dexter Condez.

Subalit hindi naiwasan ang usapin kaugnay sa estado ng kapulisan sa Boracay, lalo na ang muling pagkakaungkat sa pasa-pasang problema na ng mga hepe na dumaan dito, iyon ay ang kakulangan pa rin ng bilang ng pulis sa isla.

Ayon sa kalihim ng SP Aklan na si Odon Bandiola, dahil dito, magpapasa ng resolusyon ang SP na humihiling kay PNP chief Director General Alan Purisima ng karagdagang pulis sa isla.

Sa kasalukuyan kasi, nasa 52 lamang ang organic sa BTAC at may 80 augmentation.

Gayong ang ideal number ng personnel na organic umano para sa Boracay ay 120 kasama na ang mga opisyal.

Magalang na pulis, nais ni SB Pagsugiron para sa Boracay

Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay

“Aroganteng at walang galang na Pulis kung makipag-usap sa tao.”

Ito reklamo ni Sangguniang Bayan Member Dante Pagsugiron sa SB Session noong ika-12 ng Marso.

Ito ay may kaugnayan sa ginawang pagbabastos umano sa kaniya ng isang miyembro ng Boracay Tourist Assistance Center (BTAC) nitong Lunes ng gabi.

Aniya, wala siyang reklamo sa serbisyo ng mga ito, pero ang paraan umano ng sa pagsita nito at pag-utos sa kaniyang ang hindi niya na gustuhan na tila nakakabastos.

Gayong wala naman umano siyang nalabag na batas trapiko sa mga oras na iyon at bigla lamang sumulpot ang naturang pulis makaraang makalampas na rin ang una sa Comelec check point doon at pauwi na umano sana sa kanilang bahay sa Sitio Angol, Manoc-manoc.

Ang pulis na tinutukoy nito ay si PO1 Rommel Lopez ng Traffic Section.

Paglilinaw ng konsehal, tanging ang paraan ng pagsasalita ng Pulis ang hindi niya nagustuhan.

Kaya nanghingi ito ng tulong sa konseho kung ang ano ang dapat nilang gawin sa katulad na pulis sa isla.

Nais lamang umano sana nito na magkaroon ng respito aqng Pulis kahit na sa simpleng indibidwal, para na rin sa Boracay.

Samantala, paliwanag naman ni Insp. Keenan Ruiz, Team Leader ng isinagawang Check point ng BTAC noong Lunes, nagkaroon lamang ng misinterpretation sa gitna ng konsehal at police officer.

Pero ayaw na nitong  magkomento pa kaugnay sa reklamo ni Pagsugiron sa umano’y magaspang na “behavior” ng nabangit na pulis, at ipina-uubaya na lamang nila sa kanilang hepe ang usaping ito.

Wednesday, March 13, 2013

SB Malay, 3 beses dinedma ng CAAP!

Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay

Tila naiinsulto na umano ang Sangguniang Bayan ng Malay dahil sa deadma lamang sa CAAP ang kanilang tatlong beses nang imbetasyon.

Ito ang isiniwalat ni SB Member Dante Pagsugiron kahapon sa kaniyang privilege speech kaugnay sa estado ng mga lot owners sa Caticlan na naabot ng expansion o development na ginagawa sa Boracay Airport.

Ayon sa konsehal, tatlong beses na rin nilang pinadalhan ng sulat/imbetasyon ang Civil Aviation Authority of the Philippine o,CAAP gayong ang ahensiyang ito ang di umano ay bumili ng lupa ng Boracay Airport.

Layunin sana umano nila ay upang maliwanagan din ang mga lot owner sa Caticlan kung bakit napakababang halaga lamang ang katumbas ng mga lupa nila at mistulang sila pa ang lugi dahil sa nabili nila ito sa mas mataas na halaga.

Subalit, dahil sa tatlong beses na rin umanong hindi manlang sinisipot ng CAAP ang kanilang imbetasyon at kahit sulat manlang ay wala ibinibigay sa kanila.

Bumuo na ngayon ng adhoc committee ang SB Malay na siyang tututok sa usaping ito, at muling silang aapela sa CAAP at maging sa developer ng paliparan upang pati sila rin ay mapaliwanagan.

NTC, magbibigay ng General Amnesty para sa mga di-rehistradong radio equipment ngayong taon

Ni Malbert Dalida, News Director, YES FM Boracay

Magandang balita sa mga gumagamit ng mga di rehistradong radio equipment.

Magbibigay ngayon ng general amnesty ang NTC o National Telecommunications Commission para sa taong ito.

Nabatid sa inilabas na press release ng NTC na sinimulan nila ang pagbibigay ng nasabing amnestiya sa Region 6, sa Roxas City, Capiz, noong ika-11 ng Marso, taong kasalukuyan.

Kahapon ay naka-iskedyul sila sa San Jose, Antique, at Kabankalan City, Negros Occidental, habang ngayong araw naman ang sa bayan ng Kalibo.

Samantala, ang NTC Team ay tatawid dito sa isla ng Boracay sa darating na araw ng Huwebes, ika-14 ng Marso para din sa nasabing layunin.

Sa nasabi ring iskedyul ay tatanggapin ng NTC ang pagpaparehistro ng VHF/UHF radio portable, VHF/UHF Mobile/Base, HF Radio Equipment/VHF/UHF repeater, WDN Central Base Outdoor Equipment, WDN Subscriber/Remote Outdoor Equipment, at Microwave/Multi channel Radios.

Maliban sa pagpaparehistro, tatanggap din sila ng mga magpaparenew ng mga expired na lisensya ng mga istasyon ng radyo, at magbibigay ng seminar sa tamang paggamit ng radio transceivers.

Ang mga nagtitinda naman at nagre-repair ng mga cellular phones ay bibisitahin din ng NTC, para sa ilalarga nilang mobile licensing.

Ang NTC o National Telecommunications Commission ay isang ahensiya ng gobyerno sa ilalim ng Commission on Information and Communications Technology na siyang may hawak sa lahat ng telecommunications services sa buong bansa.

P50-milion reef buds project ng Sangkalikasan Cooperative, inuusisa na

Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay

Mala-sementeryo tanawin sa ilalim ng tubig dahil nangitim sa lumot.

Ganito na ilarawan ng ilang divers sa Boracay ang sitwasyon ng reef buds na proyekto ng Sang-Kalikasan cooperative na nagkakahala ng P50-milion mula kay Sen. Loren Legarda.

Dahil dito, nais itong kumpirmahin ngayon ng Sangguniang Bayan ng Malay, lalo na at may mga report na rin umanong nasira ang mga reef buds na ito nang ihulog sa baybayin ng Boracay at nakasira pa sa ilang korales na naroroon na.

Bunsod nito, sa privilege Speech ni SB Member Dante Pagsugiron sa session ng konseho kahapon ng umaga, muli nitong hiniling na imbestigahan ang kasalukuyang sitwasyon ng proyektong ito, sa tulong ng Municipal Agriculture’s Office.

Ganoon pa man, bilang chairman ng Committee on Agriculture and Environment, ibinalik din ng konseho kay Pagsugiron ang pag-aksiyon sa nasabing bagay at ang kumitiba na rin umano nito ang magsagawa ng imbestigasyon upang mapabilis ang pagkalap ng impormasyon para sa posibleng hakbang ng LGU.

At kung ano man umano ang resulta ng pang-uusisa nila ay siya ring pagpapatawag nila sa Sangkalikasan ayon sa SB.

Una dito, sa kooperatibang ito ibinigay ang pondo ng senadora kapalit ng kanilang inobasyon di umano na mayroong “secret formula” ang mga reef buds upang mabilis tubuan ng korales na magsisilbing pangitlugan at tirahan ng mga isda sa Boracay.

Resolusyon na nagbabawal sa maiingay na eventa sa Biyernes Santo, epektibo pa rin --- SB Malay

Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay

Still in effect pa ang resolution na nagbabawal sa mga maiingay na event o malakas na sound system o tugtog sa Boracay tuwing Good Friday.

 Ito ang nilinaw ng Sangguniuang Bayan ng Malay kaugnay sa suhestiyon ni Sangguniang Bayan Member Jonathan Cabrera na muling ipatupad ang resolusyon sa darating na Mahal na araw sa isla at habaan pa sana ang oras para sa pansamantalang pagbabawal sa mga malalakas na tugtog.

Ayon kay SB Member Rowen Aguirre, “still in effect” pa rin ito hangga’t sila ay nasa posisyon.

Maliban na lamang umano kung magkaroon ng panibagong set of officer o matapos na ang kanilang termino na siyang gumawa ng resolusyon at nais ng bagong mga opisyal ng bayan na amiyendahan ito.

 Dagdag pa ni Vice Mayor Ceceron Cawaling, kung oras naman umano na pag-uusapan sa implementasyon kaugnay nito, maaari naman umano na ang Punong Ehekutibo na rin ang mag-adjust ng oras o palawigin pa ito para sa pagninilay-nilay ng mga turista sa Boracay.

Bunsod nito, nagdesisyon si Cabrera na bawiin na lamang ang kaniyang panukala sa session kahapon sa SB session, matapos nito mapakinggan ang mga pahayag ng nabanggit na mga mambabatas.

Sa suhestiyon kasi ni Cabrera, nagpanukala ito na gawin na lamang na alas-3:00 ng hapon ng Biyernes Santo ang simula ng pagpapatupad dito at magtatapos hanggang alas-6:00 ng umaga ng Sabado o Black Saturday.

 Kung maaalala, ang SB Malay ay may dati nang resolusyon na simula alas-6:00 ng hapon ng Good Friday hanggang alas-6:00 ng umaga ng Black Saturday ay suspendido muna ang mga event na nangangailanagan ng malalakas ng tugtog para sa selebrasyon ng Holy Week.

Tuesday, March 12, 2013

Mga operator at empleyado ng sea sports activities sa Boracay, umaaray sa matumal na kita

Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay

Kung ang buhay ng mga commissioner sa front beach ay hayahay dahil sa kumisyon na natatanggap nila ay may patong pa ang bayad sa serbisyong inaalok nila sa bawat turistang nakukuha nila para sa iba’t ibang sea sports activities, umaaray naman ang mga sea sports operator at empeyado ng mga establishemiyentong ito dahil sa madalang na lamang umano ang kustomer nila ngayon, kahit na super peak season na.

Ito ang nabatid mula sa empleyado ng iba’t ibang Sea Sports establishement  sa Boracay na nakahimpil sa Station 2 o Sea Sports loading at unloading area na nilaan sa kanila ng LGU Malay kahapon ng hapon.

Ayon sa mga empleyado, matumal ang kita nila ngayon, kumpara noong nagdaan taon sa katulad na panahon.

Aminado naman ang mga ito na marami ang mga turista ngayon sa isla.

Ngunit mangilan-ngilan na lamang umano ang tumatangkilik sa serbisyo nila sa ngayon.

Water Quality ng beaches sa Boracay, walang problema --- DENR- EMB

Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay

“OK naman at walang problema ang water quality sa beach ng Boracay”.

Ito ang nabatid mula kay Environmental Management Bureau (EMB) Boracay Focal Person Ric Benjamin sa panayam dito nitong hapon.

Ganoon pa man, magkakaroon parin ng pormal na presentasyon sa mga Stakeholders sa isla ang EMB Region Office 6 kaugnay sa kanilang ginawang mga pagsusuri sa kalidad ng tubig sa “2012 Best Beach in the World” na Boracay.

Gaganapin ito sa darating na Lunes ng umga, ika-18 ng Marso ng taong ito.

Kung saan ipapakita ng DENR-EMB ang mga resulta ng ginawa nilang eksaminasyon sa tubig nitong nagdaang taong ng 2012.

Nabatid na tuwing dalawang buwan ay nagkakaroon ng water analysis o eksaminasyon sa beach ng islang ito.

Pero hindi lamang umano ito simpleng presentasyon lamang para sa kaalaman ng publiko hinggil sa kondisyon ng tubig dito.

Kundi maglalatag din umano ang ahensiya ng mga hakbang na dapat na gawin upang mapanatili ang maaayos na kalidad ng tubig sa Boracay na siyang pinapaliguan at binabalik-balikan ng mga turista.

Paglilinaw pa ni Benjamin, ang gagawin presentasyon nila sa Lunes, ay walang kinalaman sa planong demolisyon sa mga illegal structure ng DENR sa Boracay. 

MS Europa, tuloy na sa Boracay sa susunod na Martes

Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay

Tuloy na sa susunod na Martes ang pagdating ng ikatlong cruiseship sa Boracay.

Kung saan, iinaasahang 8-9 na oras magtatagal sa Boracay ang MS Europa sa ika-19 ng Marso.

Ayon kay Marsh Bernabe, Technical Staff ng Caticlan at Cagban Jetty Port, darating ang pang-turistang barko na ito bandang alas-7:00 ng umaga at magtatagal hanggang alas-4:00 ng hapon.

Sa ngayon, ayon kay Bernabe, ay hindi pa nila nasabi kung ilang turista ang bababa o bibisita sa Boracay mula sa MS Europa at malalaman pa umano ito dalawang araw bago ang pagdaong ng barko sa isla.

Ang MS Europa ay siyang ikatlong cruise ship na bibisita sa isla. Una nang dumaong na ang Caribbean Cruise noong Oktobre at MS Columbus nitong Pebrero. 

Charging Station muna bago ipasok ang e-trike --- Transportation Office

Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay

Charging station muna ang dapat na mauna, bago maipasok ang mga unit ng e-trike sa Boracay.

Ito ang nilinaw ng Malay Transportation Office, kaugnay sa program ng bayan at implementation ng electric tricycle.

Bilang solusyon sa polusyon sa hangin at ingay na likha ng tradisyonal na mga tricycle mayroon ngayon sa Boracay.

Bagamat sa ngayon ay nag-uumpisang nang magpalista mga operator ng tricycle sa isla na nagpapahiwatig ng kanilang kahandaang magpapalit na sila ng unit, ganoon din mayroon nang pinal na desisyon ang LGU Malay kung ano ang gagawin sa mga lumang tricycle na ito.

Nabatid mula kay Malay Transportation Officer Cezar Oczon, na sa kasalukuyan ay inuuna umano ng supplier na magkaroon muna ng charging station para sa pagpasok ng isang daang unit na ito sa Boracay.

Possible na umanong mai-deliver ito sa buwan ng Mayo o Hunyo.