Posted November 24, 2017
Ni Danita Jean A.
Pelayo, YES THE BEST Boracay
Patuloy na ang monitoring ng Department of Trade and
Industry (DTI) para sa presyo ng Noche Buena sa nalalapit na holiday season.
Sa panayam ng himpilang ito kay DTI-Aklan Officer In
Charge Ma. Carmen Iturralde, maaring bisitahin ng mga mamimili ang kanilang
website na www.dti.gov.ph para makita ang mga Suggested Retail Price (SRPs) ng
mga pangunahing bilihin lalo na sa pang-noche buena.
Kaugnay nito, nagbigay din ng paalala si Iturralde sa mga
nais bumili ng mga christmas lights na suriin itong mabuti kung ito ba ay may Import
Commodity Clearance (ICC) mark at kung ito naman ay local masusing tingnan ang Philippine Standard (PS)
Certification Mark.
Itong paalala ay upang matiyak na
ligtas ang mabibili at makaiwas na rin sa posibleng insidenteng dulot ng
pagbili ng maling produkto.
Samantala, kung sino man umano ang
magkakaroon ng hindi angkop na presyo ng bilihin para sa noche buena ay maaaring
isuplong sa DTI para mabigyan ng show-cause orders ng nabanggit na ahensya.