Posted May 19, 2016
Ni Inna Carol L.
Zambrona, YES FM Boracay
Dalawang araw bago ang Flores de Mayo ay nagsagawa ng
briefing sa Boracay Holy Rosary Church kaninang hapon ang organizer nito na
Boracay Foundation Incorporated o (BFI) bilang paghahanda sa mga sasali dito.
Sa isinagawang briefing kanina ipinaliwanag ng mga
organizer na sina Rufina Villaroman at ng dalawang taga BFI na sina Raffy
Cooper at Pia Miraflores kung ano ang mga gagawin ng mga kalahok kung saan di-niscuss sa kanila kung ano ang
kahalagahan at importansya ng Flores de Mayo kung saan taunang ginaganap sa
buwan ng Mayo.
Ang taunang aktibidad ay mag-uumpisa sa pamamagitan ng isang
misa sa Holy Rosary Church sa Balabag sa ganap na alas 3 ng hapon, at
mag-uumpisa ang kanilang parada sa front beach mula sa Willies Rock papuntang
Hennan Regency Resort kung saan dito gagawin ang mga programa at awarding.
Nabatid na ang mga lalahok dito ay magmumula sa
ibat-ibang business establishments na mga myembro rin ng BFI.
Maliban dito, ang mga magre-represent dito ay ang Air Care
bilang Reyna delas Flores (Queen of Flowers), Alta Vista- Reyna Imperatriz (Queen
Empress), Hennan- Reyna Esperanza (Queen of Hope), Jonys- Reyna Fe ( Queens of
Faith), YES FM- Reyna delas Angeles (Queen of Angels) kung saan sila lang ang
mga maglalaban sa Reyna Elena o festival queen.
Kasali din dito ang BFI na ang kanilang ire-represent ay
Reyna Estrellas ( Queen of the Stars) at ang nanalong Reyna Elena (Queen
Helena) ng LGU Malay.
Ang Flores De Mayo ay nasa ika-apat na taon ng ginagawa sa Boracay kung saan ang layunin nito ay
maipakita ang kulturang pinoy lalo na sa mga turistang nagbabakasyon sa isla.