YES THE BEST 911 BORACAY

Saturday, December 19, 2015

COMELEC Aklan, may paalala sa gun ban sa 2016 election

Posted December 19, 2015
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for commission on election logoNagbigay ngayon ng paalala ang Commission on Election (COMELEC) Aklan tungkol sa ipapatupad na gun ban para sa 2016 election.

Ayon kay Comelec Aklan Election Officer Crispin Raymund Gerardo, ipinagbabawal umano ang pagdadala ng baril sa panahon ng gun ban.

Sinabi naman nito sa mga nagmamay-ari ng baril na may mga permit to possess at permit to carry na hindi ito maaaring gawing exemption sa gun ban kung saan kinakailangan talaga nilang mag-apply para sa exemption sa tanggapan ng Comelec.

Nabatid na ang exempted at puwedi lamang magdala ng baril ay ang mga security forces katulad ng mga pulis, army at iba pang government agency.

Executive order para sa 24/7 deployment sa beach front ng Boracay nilagdaan

Posted December 19, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Nilagdaan na ang Executive order No. 005, series of 2012 para sa 24/7 deployment sa beachfront ng isla ng Boracay.

Ito’y kaugnay sa binuong security forces ng Boracay Action Group (BAG) na kinabibilangan ng Boracay PNP, Tourism Regulatory Enforcement Unit at Municipal Auxiliary Police.

Nabatid na ang nasabing executive order ay para patindihin pa ang implementasyon ng mga batas, ordinansa, polisiya at panuntunin para sa peace and order security sa isla ng Boracay.

Kaugnay nito, naglabas naman ng Memorandum Order No. 2015-40 ang LGU Malay na pirmado ni Mayor John Yap, kung saan itinilaga nito si Chief Tourism Operations Officer Felix Delos Santos bilang Head of Secretariat and Supervising Officer ng Malay Auxiliary Police na naka-deployed sa Station 2, Command Center, Boracay.

Samantala, maliban sa bagong responsibilidad ni Delos Santos mananatili parin ito bilang Chief Tourism Operations Officer ng Malay.

Tourist arrival sa Boracay umabot na sa mahigit 1.4 million

Posted December 19, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for tourist arrival sa boracayNasa kabuuang bilang na ngayon na 1,424,198 ang naitalang tourist arrival sa Boracay simula Enero hanggang Nobyembre ngayong taon.

Base sa report ng Aklan Provincial Tourism Office kailangan nalang nila ng 75,802 para maabot ang 1.5 million target na t99ourist arrival.

Napag-alaman naman na umabot sa 698,282 ang naitalang Foreign tourists sa loob ng 11-buwan habang ang domestic tourists ay umabot sa 688,362 at ang OFW ay 37,554.

Kaugnay nito ang buwan parin ng Abril ang nangunguna sa pinakamataas na tourist arrival ngayong taon kung saan nakapagtala ito ng 178,595 na sinundan ng buwan ng Mayo na may  168,025.

Nabatid na ang mga buwang ito ang mayroong madaming aktibidad sa Boracay katulad ng Holy Week vacation, long Labor Day weekend, at ang Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) meetings.

Samantala, nangunguna parin sa listahan ang Koreans tourist sinundan naman ng Chinese, Taiwanese, Malaysians at Australians tourist.

Beautician sa Boracay, ini-reklamo matapos magbanta at hindi magbayad ng utang

Posted December 19, 2015
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for police blotterIni-reklamo ng isang delear ng beauty products ang isang babaeng nagtra-trabaho sa isang salon matapos hindi ito mabayaran ang utang at bantaan ang kanyang buhay sa Station 2, Brgy. Balabag, Boracay, Malay, Aklan.

Reklamo ng biktimang si Beverly Venus 63- anyos sa Boracay PNP, pumunta umano siya sa salon na pinag-tatrabahuhan ng ini-rereklamo at sinisingil nito ang suspek sa kanyang utang na nag-kakahalaga ng P3,442 sa kanyang mga kinuhang beauty products at cellphone.

Maliban dito, nagalit umano ang suspek at binantaan ang biktima na susunugin nito ang kanyang tindahan na nagresulta naman ng takot sa biktima dahilan para ireklamo niya ito sa Boracay PNP.

Samantala, ang kaso ay ini-refer na sa Brgy Justice System ng Balabag.

Friday, December 18, 2015

Mga problema sa Kalibo International Airport, tinalakay sa SP Session

Posted December 18, 2015
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for kia kaliboTinalakay sa ginanap na 45th Regular Session nitong Myerkules ang problema sa Kalibo International Airport (KIA) lalo na ang mga delayed flights.

Sa ginanap na SP Session idinulog ang nasabing usapin sa Committee on Energy, Public Utilities, Transportation and Communication.

Kaugnay nito sinisiguro naman ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na gagawa sila ng presentasyon hinggil sa reklamo ng mga na-apektuhan nito at iba pang samut-saring problema sa Kalibo International Airport.

Samantala, ang naturang problema ay muling pag-uusapan sa pagbubukas ng susunod na Session sa bagong taon.

Bayan ng Malay hakot award sa Pagdayaw 2015

Posted December 18, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Nanguna ang bayan ng Malay sa ginanap na Pagdayaw 2015 sa Iloilo Grand Hotel, Iloilo City kahapon matapos itong humakot ng award sa ibat-ibang kategorya.

Mismong si Malay mayor John Yap ang tumanggap ng special awards na kinabibilangan ng Excellence in Administrative Governance, Excellence in Social Governance, Excellence in Economic Governance at Excellence in Environmental Governance kasama ang mga department heads.

Maliban dito 2nd Runner-up naman ang Malay sa major award, kung saan nakuha din nito ang Best Performing LGU ng First to Third Class Municipality.

Tumanggap din ang nasabing bayan ng Excellence in Social Services Award dahil sa ipinamalas na good leadership ng mga contributor nito na kinabibilangan ng DepED Malay, Malay PNP, DSWD at DoH.

Napag-alaman na ang PAGDAYAW 2015 o Excell awards ay pinamumunuan ng Department of Interior and Local Government (DILG) para sa Western Visayas kung saan dito nila binibigyan ng pagkakataon ang mga probinsya at mga bayan na nagpakita at nagpamalas ng good governance.

Ang Pagdayaw 2015 ay may temang “Inspiring Exemplary Performance, Sparking Tomorrow’s Breakthroughs.”

Pondo para sa taong 2016 ng probinsya ng Aklan, aprobado na

Posted December 18, 2015
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Aprobado na ang kabuuang pondo ng probinsya ng Aklan para sa susunod na taong 2016.

Sa ginanap na 45th Regular Session kahapon ng SP Aklan, ina-probahan na ang nasabing budget para sa pondo ng probinsya ng Aklan sa Economic Enterprise Development Department (EEDD) at ng Internal Revenue Allotment (IRA Development Fund).

Nabatid na ang tatlong inaprubahang budget ay nagkakahalaga ng P962, 176,251.00 para sa probinsya ng Aklan, P628, 480,000.00 ng Economic Enterprise Development Department (EEDD) at P166,165,250.20 naman para sa 20% Internal Revenue Allotment (IRA Development Fund) para sa ibat-ibang proyekto ng probinsya.

Ang nasabing budget ay para sa susunod na taon simula January 1 hanggang December 31, 2016.

700 mga pulis ipapakalat sa Ati-Atihan Festival 2016

Posted December 18, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Kung dati ay umabot lamang sa mahigit sa tatlong daan ang ipinakalat na pulis sa Kalibo Santo Niño Ati-Atihan Festival 2015, ngayong taong 2016 ay umabot na ito sa 700.

Ito ang sinabi ni KASAFI Chairman Albert Meñez sa isinagawang meeting kahapon kasama ang mga media sa Aklan para sa preparasyon sa darating na kapistahan.

Ayon kay Meñez ito umano ang kanyang nakuhang impormasyon base sa Aklan Police Provincial Office na siyang nakatalaga para sa seguridad ng Ati-Atihan Festival sa Enero 9 hanggang 17, 2016.

Napag-alaman na karamihan sa mga pulis na maa-assign sa Kalibo ay mula pa sa kalapit na mga probinsya ng Aklan para sa pagpapaigting ng seguridad.

Nabatid na ang mga nasabing pulis ay nakatalaga para sa pagbabantay ng trapiko, mga lugar na dadaan ng mga kasaling tribo at sa pagbabatay sa mga area na mayroong ibat-ibang kasiyahan.

Samantala, tiniyak naman ng Kalibo Sto.Niño Ati-Atihan Foundation, Inc. na mas magiging maganda at makulay ang selebrasyon sa kapistahan ni Sto.Niño sa 2016.