Posted October 19, 2017
Ni Inna Carol L.
Zambrona, YES THE BEST Boracay
Matagumpay na sumailalim ang 235 na mga drug surrenderee
sa kanilang Spiritual Enhancement Program kahapon sa isla ng Boracay.
Naging tagapagsalita si Father Palermo Suganob ng St.
Joseph the Worker Parish Priest sa harap ng mga beneficiary kung saan
ipinaintindi sa kanila kung gaano ka-importante ang mabuhay sa mundo,
magpatawad at pagpapahalaga sa sarili.
Isang video presentation din ang ipinakita ni Father
Suganob sa mga ito ng sa gayon sa pamamagitan nito ay mapukaw ang kanilang isip
na habang may buhay may pag-asa kapag tinutulungan ang sarili na magbago mula sa
maling bisyo.
Ito na ang ika-siyam na aktibidad ng mga drug surrenderee
kung saan sa darating naman na October 25 ay isasailalim ang mga ito sa
Counseling Program.
Samantala, ang programa ay pinangunahan ni Malay Mayor
Ceciron Cawaling, Malay PNP, Boracay PNP, Malay Local Government Operations
Officer (MLGOO) II Mark Delos Reyes, Municipal Health Officer Dr. Ma. Nay
Mucho.
Ang Community Base Rehab Program (CBRP) ng Municipal
Anti-Drug Abuse Council (MADAC) ay nasa ilalim ng LGU Malay at Philippine
National Police (PNP).
Itong programa ay may temang “Ginahandom ta: Pagbag-o it
Kasimanwa”.