Posted March 3, 2017
Ni Danita Jean A. Pelayo, YES FM Boracay
Ito ang laman ng
Privilege Speech ni Liga President at Caticlan Punong Barangay Juliet Aron
hinggil sa problema nila sa serbisyo ng Malay Water District.
Sa naganap na 8th
Regular Session ng SB Malay nitong Martes, ibinahagi ng kapitana ang kaniyang
pagkadismaya dahil sa naranasan nilang kawalan ng tubig nitong nakalipas na mga
araw ng Biyernes at Sabado.
Bago nito, ang
nasabing problema ay matagal ng inirereklamo ng mga residente doon kung saan
hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa rin daw naso-solusyonan.
Ayon naman kay Vice
Mayor Abram Sualog, kailangan ng ipatawag ang ahensyang ito dahil sa marami
silang nais na itanong tungkol sa suplay ng tubig sa Bayan ng Malay.
Bunsod nito,
napagkasunduan ng mga kinatawan ng SB na talakayin ang usaping ito sa susunod
na sesyon kung saan ipapatawag ang mga water providers tulad ng Boracay Water
Company o (BIWC), Malay Water District o MWD, Boracay Tubi Systems Inc. (BTSI)
kasama ang Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority o (TIEZA).