YES THE BEST 911 BORACAY

Saturday, May 28, 2016

Kalibo nasa ikatlong busiest gateway ng foreign visitors sa bansa

Posted May 28, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay      

Image result for KALIBO AIRPORTNasa ikatlong pwesto bilang pinaka-busiest gateway ngayon ang Kalibo International Airport (KIA) pagdating sa foreign visitors sa bansa.

Ito’y matapos tumanggap ang Kalibo ng 52,903 visitors o 10.4 percent kung saan sa kabuuang arrival ng international airports sa bansa ay nakapagtala ng 496,709 o 97.3 percent ng total inbound visitors ngayon lamang Marso.

Maliban dito ang Ninoy Aquino International Airport  naman ay tumanggap ng 353,538 visitors o 69.3 percent ng total visitor volume na siyang nangunguna habang ang Cebu ay tumanggap din ng 72,915 visitors o 14.3 percent at ang ikahuli ay ang Clark sa Pampangga na may 14,282 visitors.

Ang Kalibo ang isa sa pinakadinadayong lugar sa Pilipinas dahil sa isla ng Boracay kung saan karamihan sa mga nagbabakasyon rito ay mga International tourist.

Kalahati ng financial assistance ng mga guro na apektado ng Yolanda inaantay parin

Posted May 28, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Halos dalawang taon na ng manalasa ang bagyong Yolanda sa probinsya ng Aklan, ngunit hindi parin umano nakukuha ng buo ng mga gurong apektado ang kanilang financial assistance.

Ito ang sinabi ni Dr. Ernesto Servillon Jr. – Asst. Schools Division Superintendent kung saan nag-aantay parin umano sa ngayon ang mga guro ng kanilang second tranche o pangalawang parte ng kanilang dapat na matatanggap na financial assistance mula sa gobyerno.

Nabatid na ang apektadong guro na totally damage ang bahay ay makakatanggap ng 100, 000 pesos habang ang partially damage ay 30,000 pesos.  

Ayon kay Servillon, natanggap na umano ng mga biktima ang kanilang 50% na assistance, ngunit bago umano nila makuha ang kalahati ay kailangan pa nilang i-liquidate ang nauna nilang natanggap.

Samantala, minamadali na rin umano ng kanilang accounting office na matapos na ang mga kinakailangang dokumento para matanggap na ng mga guro ang kalahati ng kanilang assistance.

Turista nabiktima ng “Modus Operandi” ng kapwa turista sa Boracay

Posted May 28, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for theftKulong ang dalawang turista matapos mabiktima ng kanilang “Modus Operandi” ang kapwa turista sa pamamagitan ng “LagLag Jacket” habang naliligo sa dagat sa station 1, Boracay kaninang madaling araw.

Sa report ng mga pulis nakilala ang biktima na si Jay-r Almen, 22-anyos isang Sales clerk, temporaryong nakatira sa isang resort sa isla, habang kinilala ang dalawang suspek na sina Carl Queto 18-anyos at Pamela Guidaben 22-anyos kapwa residente ng Metro Manila.

Salaysay ni Almen sa Boracay PNP, nilapag niya umano ang kanyang bag sa may dalamapasigan bago maligo sa dagat kasama ang kaibigan.

Ngunit ilang minuto umano ang nakalipas ay napansin nalang ng biktima na nawawala na ang kanyang bag sa pinaglagyan nito dahilan para agad itong magsumbong sa mga pulis.

Nabatid na base sa imbestigasyon ng mga pulis at ng witness na nakakita sa ginawa ng mga suspek, hinulugan umano ng isa sa suspek ng jacket ang bag ng biktima sabay hablut at mabilis na tumakas papapalayo.

Samantala, nag-lalaman ang bag ng dalawang cellphone, mga mahahalagang I.D at cash na nagkakahalaga ng P8, 500.

Sa ngayon, ang dalawa ay pansamantalang iki-nustudiya sa Boracay PNP station habang inaantay kung magsasampa ng reklamo ang biktima.

Friday, May 27, 2016

AKELCO, nagkaroon ng MOA sa Gobernador re; sa hindi nabayarang franchise tax

Posted May 27, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for sp aklan“Dahil sa hindi umano nabayarang franchise tax”.            

Nagkaroon ngayon ng Memorandum of Agreement (MOA) si Governor Florencio Miraflores sa pagitan ng Aklan Electric Cooperative Incorporated (AKELCO) sa ginanap na 17th regular session ng SP Aklan sa Capitol Building nitong Miyerkules.

Ito ay kaugnay umano sa e-regular nilang pagbayad sa loob ng labing walong buwang installments sa franchise na nagkakahalaga ng (P5, 138,918.78) ng Akelco.

Samantala, ang nasabing usapin ay  naman ng SP Aklan upang unti-unti nila itong mabayaran.

Sa nalalapit na tag-ulan, PDRRMC naghahanda na

Posted May 27, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Nakapaglatag na ngayon ng preparasyon ang taga Provincial Disaster Risk Reduction & Management Council sa probinsya ng Aklan, para sa pagpasok ng panahon ng tag-ulan.

Sa panayam kay PDRRMC Officer 4 Head Galo Ibardolasa, naka-alerto 24 na umano ngayon ang kanilang mga tauhan kasabay ng patuloy na ginagawang monitoring sa mga lugar na kadalasang binabaha.

Maliban dito nakahanda na rin umano ang kanilang mga equipment at staff ng MDRRMC sa lahat ng bayan kung saan ikinatuwa din nito na maging ang mga residente ngayon ay kanya-kanya na ring paghahanda sakaling may dumating na kalamidad.

Nabatid na ilang araw na ngayong nararanasan ang pag-uulan sa lalawigan ng Aklan bunsod ng nag-babadyang pagpasok ng panahon ng Habagat at La Niña.

Turista, ninakawan habang nanunuod ng fire dancing show sa Boracay

Posted May 27, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for Police investigationWalang kamalay-malay ang isang turista na ninanakawan na pala siya habang nanunuod ng fire dancing show sa isang resort sa Balabag, Boracay kagabi.

Sumbong ng biktimang si Ma. Teresa Marcelo 57-anyos nakatuon umano ang kanyang pansin sa mga sumasayaw habang kumukuha ng video kung saan nilapag nito ang kanyang bag malapit sa kanyang inuupuan.

Agad umano nitong kinapa ang kanyang bag sa pinaglagyan nito ngunit laking gulat ng biktima na nawawala na ito sa kanyang tagiliran.

Dahil dito pinaniniwalaan ng biktima na tinangay ng magnanakaw ang kanyang bag na naglalaman ng ATM card, mamahalagang I.D at wallet na may lamang cash na P5,000.

Samantala ang nasabing reklamo ay patuloy ngayong iniimbestigahan ng Boracay PNP kung saan pinaalalahan din nito ang biktima na huwag magpakampanti sa paglalapag ng mga mamahaling gamit sa kung saan dahil sa naglipanang magnanakaw sa isla.

Water program para sa Boracay’s indigenous community tumanggap ng parangal mula sa Philippine Quill’s award

Posted May 27, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Tumanggap ng Top Communication Management Award ang Manila Water, kasama ang sangay nitong Boracay Island Water Company at Manila Water Foundation mula sa Philippine Quill Awards. 

Ito ay kaugnay sa Lingap Para sa Katutubo Program kung saan nagbigay sila ng malinis, maasahan at potable piped water sa indigenous Ati community sa isla ng Boracay. 

Nabatid na ang Lingap Para sa Katutubo program ng Boracay Water at Manila Water Foundation ay isang replikasyon ng Manila Water’s Tubig Para sa Barangay program na kung saan matagumpay sa pagbibigay ng suplay ng tubig sa may maliit na kinikita sa komunidad sa Metro Manila East Zone.

Dahil dito tumanggap sila ng parehong Quill Award of Excellence at 2015 Top Communication Management Award mula sa International Association of Business Communicators (IABC) kabilang ang iba pang malalaking kumpanya sa bansa.

Samantala, ang programa ring ito ay ipinapatupad sa top tourist destination ng bansa at pinalawak para maabot ang katutubong komunidad ng mga Ati, ang orihinal na nakatira sa isla.

German national, kulong ng suntukin ang turistang British national

Posted May 27, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for kulongKulong ngayon ang turistang German national matapos nitong suntukin ang kapwa turistang British national sa isang bar sa Balabag,Boracay kaninang madaling araw.

Nakilala ang biktimang si Tom Pearce 23-anyos habang ang suspek ay kinilala namang si Paul Urbatschek 26-anyos.

Ayon sa blotter report ng Boracay PNP, kakatapos lang umanong uminom ng biktima sa nasabing bar ng nilapitan ito ng bouncer dahil hindi nito nabayaran ang inorder na beer.

Ngunit lumapit umano sa kanila ang suspek at pinipilit nitong siya nalang umano ang magbabayad sa bill ng nasabing biktima pero sa kabilang banda ay nagkasagutan pa umano ang dalawa dahilan para masuntok ng suspek ang biktima na tumama naman sa bibig nito.

Dahil dito agad na inaresto ang suspek ng mga otoridad at dinala sa Boracay PNP Station kung saan siya ngayon nakakulong.

Napag-alaman na lango na rin sa alak ang German national kung saan ang nais sanang pagtulong nito ay nauwi pa sa pagkakulong.

Thursday, May 26, 2016

Budget para sa itatayong Fire Station sa Caticlan sa 2017 pa!

Posted May 26, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay   

Image result for Fire stationSa susunod na taon pa umano o 2017 maibibigay ang budget para sa itatayong Fire Station sa Brgy. Caticlan ng Local Government Unit ng Malay.

Ito ang sinabi ni outgoing SB Member Rowen Aguirre matapos na ito ay talakayin sa Calendar of Business for the Day sa 2nd reading ng Sangguniang Bayan ng Malay nitong Martes.

Nakapaloob rito ang resolusyon na pumapayag sa Bureau of Fire Protection na e-activate ang kanilang Fire Safety Services sa mainland Malay at e-utilize ang Barangay Disaster Risk Reduction at Management Office ng Barangay Caticlan bilang temporaryong opisina/Fire Station sa Mainland Malay.

Ayon pa kay Aguirre magiging under na umano sa itatayong Fire Station sa Caticlan ang BSFPU sa isla ng Boracay. 

Maliban dito nakasaad din sa usapin ang resolusyon na seryosong humihiling sa Department of Interior and Local Government (DILG) sa pamamagitan ng Bureau of Fire Protection upang  bigyang proyoridad ang munisipalidad ng Malay ng isang unit ng Fire-Truck.

Mata ng 18- anyos na lalaki namaga matapos suntukin ng lasing

Posted May 26, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona,YES FM Boracay

Image result for blotter reportIdinulog ngayon ng 18-anyos na lalaki ang kanyang natamong pasa sa mata sa Boracay PNP matapos umano itong mapag-tripang suntukin ng lasing na lalaki sa Manoc-manoc, Boracay.

Nakilala ang nagre-reklamo na si Jeric Santiago, Caretaker ng Araneta property at nakatira sa nasabing lugar.

Sumbong ng biktima sa mga pulis, bibili umano ito ng sigarilyo sa tindahan ng madaanan nito ang isang grupo ng kalalakihan na umiinom sa lugar.

Dito umano siya hinarang at mabilis na sinuntok ni alyas “Bryant” na tumama naman sa kanyang kaliwang mata dahilan para agad itong mamaga.

Agad namang pinuntuhan ng mga pulis ang nasabing grupo sa lugar ngunit bigo na ang mga itong mahagilap.

Napag-alaman na fiesta sa nasabing lugar ng maganap ang insidente kung saan naglipana naman ang mga lasing.

Walong police unit sa Aklan nasungkit ang Gold Eagle at Silver Eagle Awards

Posted May 26, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay 

Walong police unit ng Aklan Police Provincial Office (APPO) ang nakasungkit ng Gold Eagle at Silver Eagle Awards ng Philippine National Police (PNP) na ginanap sa Camp Martin Teofilo Delgado sa Iloilo City.

Ito ay kaugnay sa PATROL (Peace & Order Agenda for Transformation &. Upholding of the Rule-Of-Law) Plan 2030 compliance stage ng PNP.

Dito iginawad ang Gold Eagle award sa Malinao police station matapos makakuha ng average na 96.49%, pinakamataas sa 17 municipal police stations sa Aklan.

Maliban dito napabilang naman sa Silver Eagle award ang Kalibo na may (92.17%);Altavas (91.32%); Libacao (91.18%); Numancia(90.99%); Tangalan (90.94%); Boracay Tourist Assistance Center (90.52%) at Aklan Provincial Public Safety Company (90.14%) na nakakuha ng over-all rating ng mahigit sa 90% sa isinagawang Compliance Evaluation Process.

Nabatid na ang mga naturang parangal ay pagkilala sa mga nasabing police station dahil sa kanilang pagpapatupad ng maayos na PATROL Plan sa kanilang mga nasasakupan.

Wednesday, May 25, 2016

DTI, naglabas ng SRP para sa mga School supplies ngayong balik eskwela

Posted May 25, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for DTI AKLANNaglabas ngayon ang Department of Trade and Industry (DTI) ng SRP para sa mga bilihing gamit eskwela ngayong nalalapit na ang pasukan.  

Ito ay para mabigyan ng kaalaman ang mga mamimili at mga retailers sa tamang presyo ng mga nasabing bilihin upang maging patas ang mga ito.

Nabatid kasi na naiba ang presyo ng mga school supplies noong nakaraang taon kumpara sa inilabas ngayong SRP ng DTI para sa “Gabay sa Presyo ng School Supplies”.

Napag-alaman na karamihan naman sa mga gamit eskwela na mabibili ngayon ay bumaba ang presyo base sa nasabing SRP.

Samantala, makikita naman sa website na www.dti.gov.ph. ang presyo ng mga bilihin para sa mga gamit sa paaralan na siyang malaking tulong sakaling sila ay mamimili sa mga pamilihan.

Kaso laban sa sinasabing biktima ng "tanim bala" sa Caticlan Airport dapat ibasura-Acosta

Posted May 25, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image by. PIA
Ipinapabasura ni Hon. Persida Rueda-Acosta, Chief Public Attorney’s Office (PAO) ang kaso laban sa biktima umano ng insidente ng "tanim bala" sa Caticlan Airport  nitong Abril 28, 2016. 

Ito’y matapos siyang dumalo sa hearing kahapon sa Aklan Regional Trial Court Branch 6 kasama ang sinasabing biktima na si Jerome Flores Sulit at ang asawa nito sa pagdalo sa nakabinbing kaso sa nasabing korte.  

Dahil dito hiniling sa korte ni Acosta na ibasura ang kaso laban sa mag-asawa dahil naniniwala umano ito na walang kasalana si Sulit.

Ayon pa dito, nagsampa na rin umano sila ng motion to squash, motion for determination ng probable cause at motion para suspendihin ang arraignment ni Jerome kung saan kinasuhan ito ng RTC Branch 9 ng illegal possession of ammunition.

Matatandaang galing sa bakasyon sa isla ng Boracay ang mag-asawa ng makitaan umano ang mga ito ng 14 na bala ng kalibre 22 sa loob ng sling bag kung saan dito sila inaresto at ikinulong.

Samantala, iginiit pa ni Acosta na hindi na kailangang kasuhan si Sulit dahil wala naman siyang intent to possess kung saan hindi naman umano dapat makukulong ang tao dahil sa bala lang dahil sa ang ammunition umano ay dapat may bullet may gunpowder, may primer, may cartridge at gagamitin sa baril.

Medalya ng Kagalingan iginawad sa mga pulis sa Kalibo

Posted May 25, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay      

Image result for Medal of Merit PNP
Siyam na mga pulis ng Philippine National Police – Kalibo ang ginawaran ng Medalya ng Kagalingan sa isang seremonya sa Camp Delgado, Iloilo City.

Ayon kay Police Chief Inspector Al Loren Bigay, at isa sa nabigyan ng parangal, hindi niya inaasahan na mabibigyan sila ng malaking parangal kung saan tanging inaasahan lamang umano nito ay ang Medalya ng Kasanayan dahil sa maayos na ginawa ng kanyang grupo.

Nabatid na ang Kalibo PNP ay isa sa anim na istasyon ng pulis sa Western Visayas, na naunang nagpatupad ng search warrant sa illegal drugs, na siyang posibleng dahilan ng pagbigay ng naturang award sa kanilang himpilan.

Maliban dito sinabi pa ni Bigay na isa din umano sa mga dahilan dito ay ang patuloy na operasyon ng Kalibo PNP laban sa illegal drugs kung saan kamakailan ay nakahuli sila ng malaking suspek sa droga matapos makuha ang 19.77 gramo ng shabu at 43.18 gramo ng marijuana.

Ang Medal of Merit ay base sa National Police Commission Memorandum Circular Number 93-018 na binibigay sa kapulisan na nagpapakita ng magaling at maayos pagtratrabaho at responsibilidad.

MDDRMC Malay sasailalim sa evaluation ng Regional Gawad Kalasag Evaluator

Posted May 25, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Ngayong araw na ang nakatakdang evaluation ng Regional Gawad Kalasag Evaluator sa Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council (MDRRMC) Malay.

Ito ay para e-evaluate ang naturang response team sa kanilang mga paghahanda sakaling magkaroon ng mga hindi inaasahang kalamidad sa kanilang nasasakupan gayon din ang kanilang mga nagawang programa.

Kaugnay nito magkakaroon ng presentasyon ang MDRRMC para ipakita ang mga nagawang proyekto at iba pang aktibidad sa mga nakaraang sakunang dumaan sa nasabing bayan.

Nabatid na kung sakaling makapasa ang MDDRMC Malay sa nasabing evaluation ay sila ang ilalaban sa National level mula sa Region 6.

Matatatandaang ang MDDRMC Malay ang siyang nanalo sa isinagawang evaluation ng provincial level nitong nakaraang buwan kung saan nasungkit din nito ang pagiging grand slam champion sa isinagawang Rescuelympics 2016.

Kaso ng dengue sa Aklan, tumaas ng 160 percent

Posted May 25, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay
               
Image result for dengue casesTumaas umano ngayong 2016 ang kaso ng dengue sa probinsya ng Aklan ng 160 percent.             

Ayon kay Provincial Health Officer I, Dr. Cornelio Cuachon, simula umano nitong Enero 1 hanggang Mayo 17 ngayong taon ay meron nakapagtala sila ng kasong 365 kung saan mas mataas ito kumpara noong nakaraang taong 2015 na may record lamang na 140.

Dagdag pa ni Cuachon posible pa umanong madagdagan ang nasabing bilang ngayong papasok na naman ang panahon ng tag-ulan.

Dahil dito, pinayuhanan naman ni Cuachon ang publiko na ipagpatuloy ang paglilinis sa paligid upang maiwasan ang pagdami ng lamok na siyang dahilan ng pagdadala ng sakit na dengue.

Nabatid na ang Pilipinas umano ang siyang nangunguna sa may pinakamaraming kaso ng dengue sa Western Pacific Region.

Samantala ang Pilipinas naman ang unang nagkaroon ng access na gamot para sa dengue kung saan ipinatupad ito sa Region 4A, Region 3, NCR at CALABARZON.