Ni Inna Carol L.
Zambrona, YES FM Boracay
Makikiisa ang Local Government Unit ng Malay sa National
Simultaneous Earthquake Drill sa susunod na Huwebes, Hunyo 21.
Sa panayam kay Catherine Ong ng Municipal Disaster Risk
Reduction and Management Office (MDRRMO) Malay, sa ganap na alas-nwebe ng
umaga, sabay-sabay na mag-duck, cover and hold para sa Nationwide Simultaneous
Earthquake Drill (NSED).
Aniya, lahat ng empleyado ng LGU Malay kasama ang tauhan
ng Bureau of Fire Protection at iba pang establisyemento ay sama-samang gagawin
ang earthquake drill upang isulong ang kahandaan ng publiko laban sa anumang
kalamidad.
Nanawagan naman si Ong sa publiko na maki-isa sa kanilang
aktibidad para lalong maging handa lalo na kapag magkaroon ng lindol.
Ang earthquake drill ay mahalaga para maihanda ang
mamamayan sakaling tumama ang malakas na lindol at isinasagawa ito taon-taon na
pinangungunahan ng NDRRMC.
#YesTheBestBoracayNEWS